Simula pa lang alam kong sa akin ay wala kang nararamdaman
Pero nanatili pa din ako dahil ikaw ay pinahahalagahan
Nagbakasakali na dingin ng langit ang aking ipinagdarasal
Na ako din ay iyong mahalin hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Lumipas ang mga araw at tayo ay naging masaya
Magkausap sa tuwi-tuwina
Halakhak mo ay napakasarap sa tenga
Akala ko ikaw ay talagang masaya.
Alam ko naman na may iba ka pa
Pero nanatili pa din ako kahit masakit na
Dahil ang sabi mo ay wala kang nararamdaman para sa kanya
Pero ng makita ko kayong magkasama
Bakit iba ang nakita ko sa iyong mga tama?
Nabulag-bulagan ako sa aking mga nakita
Nagbingi-bingihan ako sa mga nadinig ko sa iba
Pero mali pala ang aking mga ginawa
Dahil sila pala ay tama
Hindi nga ikaw ang sa akin ay magpapasaya.
Arrette
Dahil maaga sila sa lugar ay wala pang masyadong tao. Ang mga host pa lang ng race ang nandoon at mga nagsisispag-ayos ng mga upuan at lamesa sa registration booth. Nakita nila Logan sila Aidan, Arlo at Bo na nakikipag-usap sa pinakahead ng organizer at ng kawayan sila ni Bo ay lumapit na agad sila Logan, Oliver at Elijah sa mga ito.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Takang tanong ni Billie kay James na nanatili sa tabi niya. "Hayaan mo sila. Sasabihin din naman sa akin ni Logan kung may pagbabago ba sa rules and regulations ng race." Sagot ni James na sa totoo lang ay ayaw talagang iwan si Billie dahil mahirap ng malingat. "Kung ang iniisip mo ay malulusutan ka ng ibang mga gwapo dito ay nagkakamali ka. Super kaya sa kasungitan 'yan kahit isang artista na ang nasa harap niya." Sabi ni Angela. "Pasalamat ka nga kasi pinansin ka ni Billie ibig sabihin ay tinamaan din siya sa'yo." Nakangiting sabi ni Lyza. Namula naman si Billie at gustong batukan ang pinsan.
"Gusto n'yo ba ng breakfast? Matatagalan pa tiyak bago mag-umpisa ang race at mamaya ay dagsa na ang tao kaya mahirap ng gumalaw at maglakad-lakad." Pag-iiba ng usapan ni James pero sa totoo lang ay gusto niya ang nadinig pero alam niyang nahihiya si Billie dahil sobra ang pagkapula ng mukha nito. "Sure, basta libre mo." Sabi Angela. "Tara." Aya ni James sa tatlong dalaga.
"Saan ba kayo galing?" Tanong agad ni Elijah ng makita sila. Iniabot naman agad ni James ang biniling breakfast na sagot niya sa tanong ni Elijah. "Aba, aba, hindi ka yata kuripot ngayon, Dre." Tukso ni Oliver. "Oo nga, samantalang dati ay pahirapan pa sa pagdukot sa napakalalim niyang bulsa." Nakangising sabi ni Bo. "Lagi ka ngang sasama Billie ng laging may libre kaming breakfast." Pang-aasar din ni Aidan. "Huwag kayong ganyan, baka mamaya eh pati lunch at dinner natin eh sagutin na din ni James." Dagdag naman ni Arlo. Ngingiti-ngiti lang si James sa pangbubuska ng mga kaibigan.
"James!" Tawag ni Logan sa kaibigan sabay hagis ng mga freebies at number niya. Walang kahirap-hirap naman na nasalo ni James ang mga ito. "Mamaya ko na lang iaabot sa'yo." Sabi ni James na ang ibig sabihin ay ang pinang-abono ni Logan para sa registration niya. Isang tango naman ang sagot ni Logan.
Nagsidatingan na ang ibang participants sa karera at isa-isa ng nagsilapitan ang mga ito sa registration booth para magpalista. Novice pa din ang sinalihan nila Logan at James pero sa mga susunod na karera ay susubukan na nila ang open at extreme kung saan mas matitindi na ang mga obstacles na dadaanan ng kanilang mga sasakyan.
"Parating na ang malakas na hangin." Sabi ni Oliver at ng magsilingunan sila ay nakita nila kung sino'ng hangin ang sinasabi ng binata, si Riggs at ang grupo nito. Nang makita ni Riggs ang grupo nila Logan ay hinanap agad niya ang dalaga na nakita nito ng huli silang magkita-kita. Nang makita niya si Billie ay isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Pagkatapos magparegister ay dumiretso agad si Riggs sa pwesto nila Logan.
"Hi, beautiful." Masayang bati ni Riggs kay Billie. Isang mapaklang ngiti naman ang ibinigay ng dalaga pagkatapos ay hinawakan ang braso ni James. Nakita iyon ni Riggs at tumaas ang kanyang kilay. Para lalo pang dagdagan ang inis na nakikita sa mukha ni Riggs ay hinapit ni James ang bewang ni Billie na kahit nagulat ay hindi nagpahalata. "So, goodluck sa atin." Sabi ni Riggs para itago ang pagkadismaya. "Yeah, goodluck." Sagot ni Logan. Pagkatapos noon ay lumayo na sa kanila ang binata. Naghigh-five naman sila Logan at ang iba dahil alam nilang supalpal si Riggs sa ginawa ni James at Billie.
"Kamay mo, Dre. Malayo na si Riggs oh." Sabi ni Logan sabay alis ng kamay ng binata sa bewang ng pinsan. Nagkatawanan ang lahat. Kakamot-kamot naman ng ulo si James at pulang-pula na naman si Billie.
Halos mapuno ang buong lugar ng mga manonood ng karera. Maganda ang nakuhang pwesto ng grupo nila Logan na kita ang buong race track. Muling inanounce ng emcee na maari ng magparegister ang mga bagong dating na mga racers.
Pagtapos ng halos isang oras na pag-aantay ay nagsalita na ang organizer na magsisimula na ang karera.
"Good luck!" Sabay-sabay na sigaw ng magkakaibigan kila Logan at James na pupunta na sa kani-kanilang sasakyan. Nagthumbs-up naman ang dalawa pero muling bumalik si James. Nagulat si Billie ng tumayo ang binata sa kanyang harap. "Sorry..." sabi ng binata bago hinalikan ang noo ng dalaga sabay mabilis na tumakbo papalayo.
"Hanep ka, James!" Pahabol na sigaw ni Elijah. "Ang bilis mo, Dre!" Sudlong naman ni Oliver pero hindi na ito nadinig ng binata na nakalapit na kay Logan. Natawa sila ng umangan ng suntok ni Logan si James na nagmamadali naman lumayo sa kaibigan. Naiwang tulala si Billie. Bumalik lang siya sa kanyang sarili ng akbayan siya ni Angela.
"Tsk, iba na 'yan ghorl." Tukso ni Lyza sa pinsan. "Oo nga, naka-1st base na hindi pa man din kayo. Paano pa kaya kung kayo na?" Dagdag na tukso ni Angela. "Sa lips na?" Patol naman ni Billie sa dalawang pinsan kaya sabay-sabay silang nagtawanang tatlo.