webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Général
Pas assez d’évaluations
45 Chs

The Truth Behind All The Lies

Louie's POV

Nakokonsensya naman ako sa inasal ko kanina kay MJ. Wala naman siyang ginawang masama saakin para ganunin ko siya kanina. It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago. I was 17 years old that time and wala pa sa isip ko na magdecide ng mga bagay-bagay.

Pero niligawan ko si Joy. Naging kami siguro mga 10 months din kami nun. Masaya kami, nung una. Pero lahat nang iyon nagbago dahil ayaw niya akong pasalihin sa banda. Mawawalan daw kami nang oras sa isa't-isa.

Pero sumali pa rin ako sa banda nina Marco kahit hindi okay kay Joy. Noong una hindi niya ako kinikibo, hindi niya ako pinapansin, hindi niya ako tinetext or di din siya sumasagot sa mga tawag at text ko, at tuwing sinusubukan ko siyang kausapin o lapitan man lang sa school, umiiwas siya.

Akala ko yun ang pinakamasakit na gagawin saakin ni Joy, pero hindi pa pala. She left me without a word. Yung babaeng pinakamahal ko, bigla na lang akong iniwan na walang sabi, walang paalam, walang salita, basta-basta na lang mangiiwan.

I tried to call her but she never answered my calls hanggang sa nainis na siguro siya saakin at in-off or rather nagpalit ng number. I was blocked in her social media accounts that time. Nagpunta din ako sa bahay nila, pero ang laging sabi ng mga maids nila eh 'Wala si Maam Joy'.

Nagpatuloy ako sa pagpunta sa bahay nila hanggang isang araw, tatay niya na mismo ang kumausap saakin. I begged him na kausapin ko si Joy kahit saglit lang, pero ang sabi niya lang,

"Wala na si Joy. Sumama na siya sa nanay niya sa America. She'll stay there for good." Sabi ni Tito at iniwan ako doon na nakatunganga. I was devastated that time. Very devastated.

Hindi ko mawari ang sakit, ang sakit nun to think na lalaki ako. Pero langya pre, hindi ko alam na ganoon pala kasakit yun.

Kaya simula noon, never kong inallow na magrecruit ng female band vocalist sa banda. Tinitiis ko na laging sumasakit yung lalamunan ko, basta walang babae.

Pero lahat yon nagbago simula nung dumating si MJ sa buhay ko. She changed me and also I changed her. We are both broken and wasted that time, but we mend each others' hearts.

And kahit wala pa kaming isang taon na magkarelasyon ni MJ, feeling ko siya na yung gusto kong makasama habangbuhay.

Wala naman sa haba or ikli ng relasyon niyo ang pagpapakasal diba? As long as nafi-feel mo na siya na talaga ang makakasama mo habangbuhay, huwag mo nang pakawalan pa.

Masaya siguro na makakasama ko habangbuhay si MJ, lalo na kung sabay kami gagraduate next month. Pero napangiti ako nang mapakla dahil sa katotohanang hindi ko siya makakasama sa graduation namin.

I am flying to Japan a week from now. And hindi ko alam kung paano ko sasabihin to kay MJ. Pero she deserves to know the truth, kaya sasabihin ko na sakanya bukas. Wala akong pakialam kung anong magiging reaksyon niya.

Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko si mama na hawak-hawak yung telepono.

"Ma?" Tawag ko sakanya. Tinignan niya ako ng parang nalulungkot.

"May problema ba ma?" Tanong ko ulit sakanya.

"Tumawag si MJ.." Sabi niya. Napatingin naman ako sakanya.

"And...?" Kinabahan ako bigla nang hindi ko alam kung bakit.

"Alam niya na.. Nasabi ko anak. I'm sorry." Sabi ni mama. Nilapitan ko naman siya at niyakap.

"It's okay ma. I'll just explain everything to her bukas, ma. Magpahinga ka na ma, ako na bahala dito." Sabi ko kay mama. Nung nakaakyat na si mama sa kwarto nila ni papa, I dialed MJ's number but she's not answering.

I tried to calm myself, I know it's my fault kasi I have the time to tell her personally, pero naduwag ako.

Now it's time to end all the lies and tell the truth.