webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · General
Not enough ratings
45 Chs

Crushed

MJ's POV

"Best!! I can't believe na tapos na tayo sa mga exams! Makakahinga't makakatulog na rin ako ng maayos simula mamaya!" Sabi ni Carla. Yes, tapos na yung mga exams namin, finally!

"Grabe te! Di na carry ng brain cells ko pag mag exam pa tayo bukas! Buti nalang talaga, huli na tong exam natin kanina! Exams are done, gala here I come!!!" Sabi ni Ben with actions pa!

Napatawa nalang kami ni Louie kasi pati si Carla, nakijoin na rin sa trip ni Ben.

"Nga pala, may mga plano na ba kayo after ng graduation natin? Ang alam ko kasi few weeks from now, start na ng rehersals eh." Biglang sabi ni Carla.

"Ahh ako bakla, magrereview na ako for board exam.." Sabi ni Ben.

"Kami din ni Louie ganyan ang gagawin diba Love?" Tiningnan ko siya nang nakangiti pero parang nagisip muna siya ng sandali't ngumiti saakin ng..... pilit? or ako lang yun?

"Ayy ang daya naman! So parang ako lang ang wala pang plano dito? Sige na nga! Dahil maganda ako, push ang review after graduation!" Sabi naman ni Carla.

"Hoy bakla! Anong maganda ka dyan, mas maganda kaya ako sayo!" Ayan na. Magsisimula na naman silang magtalo.

Tinignan ko naman si Louie pero ang lalim ng iniisip niya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Huwag mo nang pansinin yang dalawang yan. Ganyan talaga sila magmahalan. At sa ganyang way, narerelease nila yung mga stress nila sa isa't-isa." Sabi ko at ngumiti sakanya. Tinignan niya naman ako at ngumiti na rin sa wakas.

"May problema ba, Love?" Tanong ko sakanya.

He sighed heavily naman at binigyan ako ng isang malambing na tingin.

"Nothing love. I'm sorry pagod lang siguro ako. " Sabi niya at kiniss ako sa forehead.

"Hoy wala namang ganyanan! Bastos na talaga kayo ah! Please be considerate sa mga single dito!" Reklamo ni Carla saamin.

" 'Mga' single te? Ang alam ko lang, may jowa ako, baka ikaw lang?" Pangiinis ni Ben sakanya. At heto na naman sila. Magsisimula na naman ang asaran sa isa't- isa.

Nasa kotse na kami ngayong kaming 4 ni Louie, Carla, Ben at Ako. Pauwi na kami. Bali pinasabay nalang namin ang dalawa saamin since hindi naman kalayuan yung mga bahay nila.

Nagkwekwentuhan yung dalawa tungkol sa paano daw niligawan si Ben, kung paano daw sila nagkita at iba pa. At halos bumaligtad na ata ang mga mata ni Carla sa kakairap kay Ben.

Nung inihatid na namin silang dalawa, ang tahimik pa rin talaga ni Louie. Hindi ako sanay lalo't madaldal tong isang to.

"Love, kanina ka hindi umiimik. May problema ka ba talaga? You can tell me naman." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya na nasa may clutch.

Tinignan niya naman ako at ngumiti nang matamis.

"No love. There's no problem with me. I'm sorry kung hindi ako umiimik. Pagod lang siguro talaga ako love." Sabi niya. Ngumiti naman ako sakanya.

Bigla niya namang tinigil ang kotse niya, pagtingin ko sa labas, nakarating na pala kami sa gate ng bahay namin.

"Ganon ba love? Sige, Pagdating mo sa bahay palitan mo agad yung suot mo ng pang-bahay ah? At magpahinga ka. Ingat ka sa pagdadrive. Love you" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"I will. I love you too." Sabi niya at ngumiti saakin. Nagwave na ako sakanya hanggang sa di ko na makita ang kotse.

Base sa 5 buwang pangliligaw ni Louie saakin at sa 4 na buwang relasyon namin, masasabi kong alam ko na kung may tinatagong problema si Louie at wala.

At base sa napansin ko sa kanya kanina, I must say, something is going on with him.. Kaya kailangan kong malaman yun. May problema man siya or wala, I need to assure that everything's alright.

Pagkapasok ko magpalit ng pangbahay, dinial ko ang telephone number doon sa bahay nila Louie. Naka-tatlong ring palang nang may sumagot nito.

"Hello, who's this?" Sagot ni Tita Elisa.

"Hi Tita, it's me MJ" Sagot ko sa kanya.

"Oh hi MJ! Sorry at di ko narecognize ang boses mo, nagbebake kasi ako ngayon dito ng mga cookies. Gusto mo ba? Papadalhan kita kay Louie." Sabi ni Tita.

"Thank you tita. By the way po tita, andyan na po ba si Louie?" Tanong ko.

"Si Louie? Ay hindi ko napansin, parang wala pa ata since hindi naman nagingay ang mga aso dito. Hindi ka ba hinatid ni Louie pauwi?"

"It's not that Tita. Hinatid niya po ako pauwi.."

"Ganoon ba? May problema ba kayo anak?" Tawag saakin ni Tita. Oo, minsan anak na yung tinatawag nila saakin, ganoon din si Louie dito sa bahay.

"May problema po ba si Louie, Tita? Lately kasi parang hindi na siya gaanong kadaldal, mas nangingibabaw po yung pagiging tahimik niya ngayon" Malungkot na sabi ko kay Tita. Narinig ko naman na nagbuntong-hininga siya. So it's true? May problema nga siya..

"I shouldn't be the one telling you this, but you have the rights to know everything.." Kinakabahan man, nagtanong ulit ako kay Tita. Desperado na akong malaman kung anong problema ni Louie.

"What is it, Tita?" Tanong ko na medyo nagpipigil na ang paghinga. It's more like masasaktan ako o hindi sa malalaman ko ngayon.

"Aalis na si Louie I mean, hindi na siya aattend pa ng graduation niyo. I'm sorry MJ....." With that, my heart skipped a beat, with trembling hands and knees, I managed to say my thanks and bid my goodbye to tita.

Napaupo ako sa kama. Felt confused, hurt, grudged, and everything. I can't think, I can't speak. I can't cry. But one things' for sure,

My world crushed.