Xyzrielle's PoV:
Ano bang pinagsasabi kanina ni Athena? Hindi ko maiwasang maguluhan. Hindi naman ako makikipagkita sa iba eh.
Hello~ si Margarette lang naman ang kikitain ko at isa pa, kaibigan ko ang isang 'yon. Medyo may energy pa ako kaya sasamahan ko na sya. Kawawa naman. Baka umiyak.
'Diba ang sabi ni Athena, magstay ka lang sa bahay mo?' Pagsabat ng aking isipan. Oo nga pala, sinabihan nya ako non kanina.
Ayaw ko. Bored na ako rito sa bahay ko eh. You know, gala pa naman akong tao. Idol ko kasi si Dora The Explorer.
Pagkauwi ko sa bahay ko ay kumain muna ako. Pagkatapos ay naglinis ng kaunti at nag-ayos ng mga gamit. Oh ha, diba hindi ako burara at makalat. Nakakahiya kapag nagkataon na may biglang dumating na bisita rito.
Mygoodness. Bakit nawawala ang pusa kong si Buricat? Siguro ay nasa kapitbahay na naman 'yon at nakikipaglandian. Iniwanan ko na lang sya ng pagkain at tubig para incase na mauhaw at magutom sya.
Lab na lab ko ang pusa ko na 'yon eh. Kaso hindi nya ata ako lab huhuhu.
Nagsimula na akong magbihis. It's a simple outfit pero kayang-kaya kong dalhin. Ang ganda nga eh. Pang ulzzang. Well, kahit ano naman suotin ko ay bagay sa akin. Ganyan kapag cute na maganda.
Isang tawag ang narinig ko mula sa aking cellphone. Sino naman kaya ito?
"Hello?" I said when I answered the call.
"Hey, magkita na lang tayo sa Xxx Mall ha. Bilisan mo. Ang bagal mo pa namang mag-ayos, CamElle." Sa pagtawag pa lang sa akin ng pangalang CamElle ay kilalang-kilala ko na agad ang kausap ko.
It's non other than MarGanda. Ewan ko ba sa isang 'yon. Ang galing nya nga eh. 'Yung Cam is nanggaling daw sa Cameron ko which is my second name na kaunti lang ang nakakaalam.
Kahit ang weird pakinggan ay okay lang naman sa akin. Ang cute nga kasi nag-effort sya sa pag-iisip ng ganong name.
"Oo na, Demitte." Pang-aasar ko sa kanya. I heard a loud groan from her. Napatawa naman ako. Kung maririnig mo kasi ito ay parang damit or damnit na mura. Kung kaya't asar na asar sya.
"Argh! It's MarGanda, okay? It's not Demitte." I just ended the call after that. Wala eh, asar-talo sya. In short, pikon.
Pagkapatay ko ng aking cellphone ay tumambad sa akin ang larawan namin ni Athena kanina. At 'sung saktong hinalikan nya pa talaga ako sa cheeks ang ginawa nyang lockscreen ah.
Anyways, ang cute namin doon kaya okay lang. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig. Parang natutuwa ako. Pero may iba pa. May something pa na hindi ko maexplain.
Nang buksan ko na, agad na tumambad sa akin ang picture ni Athena. It was my wallpaper. Siguro ay sya ang nagpalit non. Ang cute cute nya roon. Mukha syang pato. Kwak, kwak, kwak.
Paano ba naman kasi nakapout sya sa picture na 'yon. Hindi ko alam kung anong trip nya sa buhay.
I checked my gallery at naparaming pictures nya roon. Lahat ng ito ay selfies ni Athena. Kanina lang tinake ang mga 'yon.
Hindi ko na dinelete ang mga pictures. Cinompile ko na lang sa isang folder. I named it as Athena with a heart emoji. Memories kapag sakaling inistop na namin ang pretend relationship na ito.
Isang tawag muli ang natanggap ko. Sino na naman kaya 'to?
"Hello?" I asked.
"Xyz, gumala naman tayo ngayon. Bored na ako rito sa bahay ko." Boses pa lang ay kilala ko na agad kung sino 'to. It's non other than Erin Oizuma.
Katulad ko ay mahilig din syang gumala. Kung ako si Dora, ang sa kanya naman ay si Boots. Perfect tandem diba?
Pero ano raw? Gumala raw kami? Paano 'yan? May lakad din ako ngayon. Kaso bored na rin sya sa bahay nila katulad ko.
Suddenly, an idea came across on my mind. Aha! May naisip ako. Ang talino ko talaga.
"Hala Erin-san, may lakad din ako eh. What if... sumama ka na lang samin? Dalawa lang naman kami eh. Magkita na lang tayo sa Xxx Mall." Suwestyon ko. May point naman ako diba?
"Okay. Sige, Xyzzz. Magbibihis na ako." At tuluyan nang ibinaba ang tawag.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nang matapos na ang lahat ay sinigurado kong nakalock ang apartment kl. Sumakay na ako ng jeep. Hindi naman masyadong punuan. Habang nasa jeep ako ay nakareceive ako ng isang text.
From: Unknown Number
Hi!! Nasa bahay ka na?
Wait. Who's this? Bakit ang daming tumatawag at nagtetext sa number ko? Hmm... baka na wrong send lang 'to. Nireplyan ko na lang. Kawawa naman kasi.
'Hu u po? Xsend k ba?'
Reply ko. Ayos ba? Ang bait ko noh? Naglagay pa akong po. Hindi ko na ito nareplyan dahil nandito na ako agad sa mall. Wow. Ang bilis naman. Ang speed. Wala sigurong traffic.
Nauna kong pinuntahan si Margarette. Nakita kong nakatingin sya sa kanyang cellphone. I smirked. Gulatin ko nga sya.
Akma ko na sana syang ugulatin nang magsalita sya bigla.
"Hindi mo na ako magugulat, CamElle." She said.
Napanguso na lang ako ng wala sa oras. Sayang. Hmp. Pagkakataon na sana iyon. Sa susunod nga, iba na lang ang gagawan ko ng ganon.
"Demi-- este, MarGanda... may isa pa pala tayong kasama. Kaibigan ko. Mabait 'yon. Promise." Saad ko at umaktong nanunumpa.
Well, hindi kasi mahilig makisalamuha sa iba si Margarette kaya ganon. Diba.. you know naman ang nangyari sa kanila ng boyfriend nya at ng kanyang bestfriend.
Hindi na sya madaling magtiwalan. Kapag ayaw nya, ayaw nya talaga.
Nagkibit-balikat sya. Nagsimula na kaming magtungo sa kinaroroonan ni Erin. Nang makita nya kami ay kumaway sya. Owemji! Ang cute.
Ipinakilala ko na sila sa isa't isa. Friendly si Erin at madali lang syang makihalobilo sa iba. Sa tingin ko ay magkakasundo kaming tatlo. Like complete na kami. Ako si Dora, Si Erin si Boots at si Margarette naman si Diego.
Naputol ang aking pag-iisip nang makita kong pinipisil ni MarGanda ang matatabang pisngi ni Erin. Okay, ano ng next na mangyayari? Stay tuned, guys.
"You're so kawai! Para kang real life anime?!" Tuwang-tuwang saad ni Margarette. She's even jumping in joy. Oo nga pala, isa ring otaku si MarGanda kaya wag na kayong magtaka sa reaskyon nya.
"Hoy, Marga huwag mong ganyanin si Erin. Bata pa 'yan." Saad ko pero isang tawa lang ang sinagot nilang dalawa sa akin.
Nagsimula na kaming maggala-gala. Una naming pinuntahan ang arcade. Laro roon, laro rito.
Ang galing nga dahil kaming tatlo ay mahilig sa mga games. Nakakatuwa huhuhu. Misan lang akong makameet ng tao na kaparehas ko ng gusto.
Pumasok-pasok rin kami sa mga boutique. Pasok lang, walang bili-bili syempre. Ang mamahal kaya. Parang hindi sya worth it bilhin. Parang 'yung mga brand name lang ang binabayaran mo.
Nang makaramdam kami ng pagod at gutom, we decided na magpunta na sa food court. We ordered some foods at nagsimula nang kumain. Chika here, chika there. And oh, dito rin magaganap ang paghahanap namin ng mga crush.
"Owemji! Guys, look. Ang gwapo ni kuyang naka-cap. Nakatingin sya sa atin oh."
Napatingin kami sa lalaking sinasabi ni Erin. Oo nga, gwapo sya kaso....
"Hala! Oo nga, gwapo sya. Kaso mukhang beki, girl. Wala tayong pag-asa sa kanya." Saad ni Marga. Nako, tama sya. Tumpak na tumpak.
Ewan ko ba. May ability kaming tatlo na mafeel kung straight o baliko ba ang isang tao. May superpowers na ba kami non?
"Okay, ekis na tayo roon. Maghanap pa tayo ng iba. For sure ay marami pa riyan." I said to them.
Nagturo-turo pa kami ng mga gwapo. And shocks, anong meron at parang hindi namin sila mahagilap? Ang nakikita namin ay mga kapwa namin magaganda.
"Guys, magtingin-tingin nalang tayo ng magaganda. Nakakapagod maghanap ng gwapo." Erin said.
"Girl, look at that chic. Maganda ba sya?" Turo ni Marga sa isang babae. Oo nga, maganda sya kaso mas maganda pa rin si Athena.
'Uy, naiisip si Athena. Yieee'
Hmp. Marunong lang akong mag appreciate ng beauty nya. I'm just telling the truth. Nagtingin-tingin pa kami ng magaganda pero wala talaga akong makitang kakabog sa beauty ng Baby ko.
"Owemji! Ang sexy nung girl oh."
"Ang laki ng dibdib nya infairness. Halatang natural, walang halong kemikal."
"Ang cute naman non."
Ilan lang 'yan sa maririnig mo sa table namin. Hindi namin sila minamanyak. We're not thinking bad things about them. Marunong lang kaming mag-appreciate ng beauty nila.
After eating, we decided na umuwi na. Gabi na rin kasi. Delikado na sa daan. Magaganda pa naman kami.
Since close ang bar ngayon, pwedeng-pwede lang akong humilata sa aking apartment. Mau free time ako. I checked my phone. Hindi ko maiwasang magulat nang makita ang dami ng messages.
69 messages
What the duck?! Bakit ang dami? Kanino ba galing ang mga 'to ha?
Ganon na lamang ang pagkamutla ko nang malaman kung kanino galing ang mga text na 'yon. Galing lahat ng text kay Athena.
Damn. Patay. Lagot ako nito.