webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
Not enough ratings
54 Chs

Chapter 24

Xyzrielle's PoV:

Siguro ay medyo namumutla ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kanina pa ako nag-iisip kung anong irereply ko kay Athena. Patulong naman, guys huhuhu. Pano ko ba sisimulan 'yon?

Tatanggapin nya kaya ang reasons ko?

"Hey, It's me. Your gorgeous girlfriend, Athena."

"Uso magreply diba."

"He, ano ba?! Don't you dare ignore me!"

"Busy ka ba?"

"O busy ka sa iba?"

"Nakauwi ka na ba sa bahay mo?"

"O nasa galaan ka ngayon with MarPanget?" What? Sino ang isang 'yon aber? Nag-iimbento naman ng pangalan to si Athena. Jusko. Wala akong kilalang MarPanget.

Okay, ilan lang po 'yan sa mga text nya sa akin. Hindi ko na iisa-isahin dahil aabutin tayo ng siyam-siyam. Umabot ang text nya ng 69, remember? Favorite number ko pa naman 'yon. Baliktaran.

"I hate you!!"

Ayan po ang huling text nya sa akin. Paano na 'yan? Mabuti na lang at nagpaload ako ng GoSurf50. May pang text ako sa kanya. Papakabit na talaga ako ng internet.

Feeling ko ay naiinis or naasar na sa akin ang babaeng 'yon. Napagod siguro syang magtext kaya tumigil na.

Naisipan kong itext sya ng 'Hi'. Pwede na siguro 'yon.

Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala akong natanggap na reply sa kanya. Wait lang. Feeling ko ay kulang ang tinext ko sa kanya.

Dagdagan ko nga ng 'Kumusta ka na?'. Agad kong sinend 'yun sa kanya.

Nag-antay pa ako ng ilang sandali pero wala talaga akong narereceive na reply sa kanya. Hmm... imposible namang tulog na ang babaeng 'yon dahil maaga pa. Aha! Baka naubusan na sya ng load pang text. Tawagan ko na nga lang tutal naka-unli call naman ako.

*Ringing*

"The subscriber is cannot be reached. Please try again later." Sagot ng operator.

Ilang ring pa ang narinig ko pero hindi nya talaga sinasagot. It's either binababa nya or hinahayaan nya lang. Confirmed. Ayaw nya akong kausapin ngayong gabi.

Nagtatalo ang isip ko kung tatawagan ko syang muli. I came uo with the decision na wag na. Wag na mag-atubiling tawagan pa syang muli. Pero ito na ang lasy ngayong gabi.

Kapag hindi nya talaga sasagutin ay bukas ko na lang sya kakausapin muli.

*Ringing*

This time, she answered the call. Napapikit ako nang mariin. Parang nagdidiwang ang kalooban ko. Thank God. Mabuti naman.

"What do you want?" Mataray nitong bungad sa akin. Parang naiimagine ko tuloy na nakataas ang isa nyang kilay.

"A-Ah... Eh." Parang walang umurong bigla any dila ko at hindi makapagsalita nang maayos Narinig kong nagtsk sya.

Argh! Bibig, magsalita ka naman nang maayos. Kailangan kita ngayon.

"Ano? Tumawag ka lang ba para magrecite ng abakada sa akin?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nya sa akin o hindi. Hindi ko alam na marunong din pala syang magbiro. But I decided na wag nang tumawa. Baka mas lalo syang magbunganga. Nakatakot huhuhu.

Pero wala talaga dahil taksil ang bibig ko at naglabas ng tawa.

"Why are you laughing huh? Are you making fun of me?! Mukha ba akong clown?!" Nakasinghal na tanong nya sa akin. I faked a cough and composed myself.

"Hey... kalma, okay? Anyways, gusto ko lang sana mag sorry sayo." Lagsisimula ko. Tahimik lang sya sa kabilang linya. Marahil ay nakikinig sa akin.

"Sorry kasi hindi kita narereplyan kanina. Hindi ko kasi napansin na nagtext ka sa akin." I continued. I heard a loud groan from her. Agad din syang sumagot.

"What?! Paanong hindi napansin huh? Imposible naman ata 'yon. I texted you for so many times ah. Kulang pa ba ang mga 'yon sayo?" Sunod-sunod nitong saad sa akin.

Napalunok ako ng wala sa oras. Damn. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

"Ano kasi... nagpunta ako ng mall kani---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumabat sya bigla.

"What the hell?! Sino namang kasama mo ha? Kasama mo ba ang MarGanda mo?" Wait a minute. Paano nya nakikilala si Margarette?

Aish, Xyzrielle. Diba kinuha nya ang phone mo? Doon nya siguro nakilala 'yon.

"Oo, kasama sya pati na rin 'yung isa kong kaibigan." I answered.

"Argh! I told you kanina na magstay ka lang sa bahay mo at huwag makipagkita sa iba!" Ramdam na ramdam ko ang diin sa baway salitang binibitawan nya. Patay. Naiinis na si Athena.

"Oo, p-pero hindi naman sila iba eh. Mga kaibigan ko naman ang mga 'yon." Paliwanag ko. Sana naman ay magkalinawagan kami.

"Tsk. I bet na nag-enjoy ka kasama sila, especially with your 'MarGanda'. You know what... bukas na lang tayo mag-usap. Bye." At tuluyan na akong binabaan ng telepono.

I don't know why but I can feel sarcasm whenever she says the word 'MarGanda'. Aish. Parang hindi nya gusto si Margarette.

Si Athena naman eh! Hindi pa nga kami tapos mag-usap. Hmp. Tapos binabaan ako bigla. Nako, dapat hindi ginaganon ang mga cute na katulad ko.

Pinabayaan ko na lang. Para na rin kumalma sya. Katulad ng sinabi ni Atena, hindi ko na muna sya ginambala pa. Peeo of course, hindi ko nakalimutang mag ext sa kanya ng...

'Baby, good night. Labyu.'

Ang sweet ko diba? Dinagdagan ko na ng labyu ang text ko. Wala lang, bet ko lang. I used that para hindi halata. Umiiral na naman kasi ang maharot kong side. Wag nyo na lang pansinin.

_____//_____

Maaga akong nagising. I quickly checkedmy phone if she replied to me sa text ko. Nagreply naman sya ng 'ok'. Nahiya pa syang kumpletuhin 'yung word ah.

Anyways, okay na rin 'yon atlis nakita nya at nagreply na. Kahit walang labyutoo huhuhu.

I quickly send her a good morning message baka kasi magalit na naman ang isang 'yon. Nagpapagood shot ako ngayon kay Athena para may reward ako. Joke lang. Wag nyong seryosohin 'yung sinabi ko.

'Hi! Sana star na lang tayo para may something BITUIN us.

Good Morning, Athena! Akin ka na——este, kumain ka na, okayyy?'

Agad na sinend ko 'yan sa kanya. Ayos ba, guys? Ayos ba 'yung banat lines ko? Nakita ko lang 'yan sa Facebook eh. Sa susunod, kapag magaling na ako sa ganto, ako na mismo ang gagawa ng original na sa akin.

Nagsimula na akong magready sa pagpasok ko sa eskwelahan. Aish. Minsan ay nagtataka ako kung saan kaya ako pinaglihi at napakacute kong nilala. Itatanong ko nga sa mga magulang ko kapag nameet ko na sila.

When I'm done, nagbabye na ako sa aking pusa at tuluyan nang umalis sa bahay kk. Walking distance lang naman. Mabuti nga at ganoon eh. Exercise ko na rin sa umaga.

Kakaunti pa lang ang estudyanteng nakikita kong pumapasok. Maaga pa kasi. I checked my phone at tama nga ako na maaga pa. I decided na magstay na lang sa parking lot at antayin si Athena.

Nakatingin lang ako sa aking cellphone the whole time. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sanay sa pakikitungo sa akin ng mga kapwa ko estudyante.

Kung dati ay binubully nila ako, ngayon naman ay parang iwas na iwas sila sa akin. Siguro ay dahil alam na nilang girlfriend ko na si Athena. Panay din ang bati nila sa akin. Syempre, hindi ako snobber kaya binabati ko rin sila pabalik. I don't want to sounds rude kaya ganon.

Agad na namataan ko ang kotse ni Athena. Mabilis na nagtungko ako direksyon nito nang makitang nakababa na sya.

"Hi, Baby!" Binati ko sya ngunit tinaasan nya lang ako ng kilay. Her mood seems off.

Okay. Kaya mo ito, Xyzrielle. Kailangan ko pang paamuhin ang dragon.