webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
69 Chs

Sa Ilalim ng Itim na Payong (2)

"Uhh," sabi ko habang hindi ko pa din siya tinitingnan. "B...ba-Bakit?"

"Sasakay ka din ba ng jeep?"

"Oo," tipid na sagot ko sa kanya at bumalik na uli ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

Wala pa din nadaan na jeep. Kung may dumaan man, puno ito o di kaya may naauna sa amin na makasakay dahil medyo marami din nag-aantay ng masasakyan. Dahil sa pag-iintay naming iyon, hindi ko maiwasan na masagi sa aking isipan noong huling Huwebes. Kasunod kasi siya ni Lance noong pumasok sila sa music room habang natugtog ako. Si Lance ang unang nagsalita pero hindi ko naiwasan hindi tingnan si Keith. Hindi ko din naiwasan ikumpara silang dalawa. Ngayon ko lang natitigan silang dalawa ng ayos na magkatabi.

Halos magkasing tangkad at papasa na silang kambal kapag hindi mo sila kilala. Syempre, halata din ang pagkakaiba nilang dalawa. Sa pagdadala pa lang ng uniform nila. Mas maayos ang kay Lance kesa kay Keith na medyo loose na ang necktie. Sa buhok, mata, at sa madami pang iba lalo na pag kilala mo silang dalawa. Hindi ko sinagot si Lance at pumasok na sila ng tuluyan at naupo doon sa upuan.

"Nasaan si Stan at Jesse?" tanong ko ng wala ng sumunod sa kanilang dalawa. Ayokong maiwan sa dalawang ito. Napaka-awkward kaya.

"Si Jesse ay pumunta muna sa faculty room. Si Andy naman ay nasa room niyo pa," si Lance ang sumagot, "At si Stan, dadaan daw muna sa cr, diba?" tumingin siya kay Keith.

Tumango lang si Keith pero may idinagdag siya, "Pero sabi din niya, pupuntahan niya lang saglit ang girlfriend niya."

Hindi ko na siya sinagot at tumango na lang ako. Tinanong din nila kung nasaan sina Dan at sinabi ko sa kanila lahat ng mga pinagkakaabalahan ng kaibigan ko. Nakaupo pa din ako sa harap ng piano pero nakatalikod ako dahil nakaharap ako kay Lance at Keith.

"Bakit wala ka sa meeting? Akala ko may meeting ang student council," tanong ko kay Lance.

"Risa, hindi na ako part ng student council. Hindi ako tumakbo ngayong taon. Hindi ka bumoto, nu? Kaya hindi mo alam."

Nginitian ko lang siya ng konti. Pagkatapos noon, nag-usap na silang dalawa tungkol sa bastketball at dahil sa wala akong interes doon, kinuha ko na lang yung script ko at nagtangkang magsaulo ng lines. Hindi nagtagal dumating na ang cast na galing sa section c. Maya-maya nagring na ang bell na naghuhudyat na tapos na ang klase.

"Hoy, hindi mo lang ba ako i-co-congrats?"

Napatunghay ako para tingnan kung sino ang nagsalita. Si Lance. Tinitigan ko lang siya dahil sa nagulat ako sa kanya. Ang tagal na ng huli kaming nag-usap at ibig sabihin ko sa nag-usap ay talagang usap na kwentuhan. Nakangiti si Lance habang inaantay ako magsalita. Nang hindi ako nagsalita, tinapik niya ang balikat ko.

"Isod ka ng konti," utos niya at sumunod naman agad ako. Naupo siya sa tabi ko at ngayon pareho kaming nakaharap sa piano.

"Wala man lang congrats?" inulit niya ang tanong niya kanina.

"Congrats para saan?" tanong ko.

"Na kami na ng ate mo," sagot ni Lance sa tonong hindi-ba-obvious. Napaubo ako ng idinagdag niya, "Official na na sis kita."

Maya-maya napatawa ako ng malakas na halos dinig sa buong kwarto. Nakalimutan ko na iba nga pala si Lance. Hindi siya yung cool at seryoso na inaakala ng iba. Madaldal at makulit nga pala siya. Kung tutuusin, mas seryoso si Stan lalo na si Keith kaysa sa kanya. Easygoing si Stan pero mas seryoso siya kesa sa ipanapakita niya sa iba. Yun nga lang, hindi ganoon si Lance sa lahat. Piling tao lang ang pinapakitaan niya. Tiningan ko siya ng seryoso.

"Oh, wag mong sabihin na may gusto ka pa din sa akin kaya ganyan ka makatingin," sabi ni Lance habang nakangiti nang nakakaloko.

Pinanlakihan ko siya ng mata bago ko hinampas sa braso, "Asa ka, bro! 'Wag kang feeling dyan."