webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
69 Chs

Our Stolen 25 Minutes and More (1)

Don't ruin our friendship.

Don't ruin our friendship.

Don't ruin our friendship.

Parang pauulit-ulit na nag-eecho ang mga katagang iyan. Pagkatapos sabihin ni Stan iyon, ipinatong ko ang kanang kamay ko sa balikat niya at sinabing, "Wag kang mag-alala-"

Napatigil ako, tumungo ako at tinanggal ko na ang kamay ko sa balikat niya. If I were bird, he definitely shot me down with an arrow without any hesitation. I crashed down in matter of seconds, dead and broken, the moment it hit the ground. Hinawakan ko ng mahigpit ang binigay niyang regalo gamit ang dalawa kong kamay. Nakatitig ako sa paa ko at medyo nakakaramdam ako ng pagkahilo at dahil doon mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak dun sa regalo.

Tumunghay na ako pero parang hindi ko siya makita. Hindi dahil sa may luhang nangigilid sa mga mata ko. I just felt so faint that my vision was clouded. Ngumiti ako. "Wag kang mag-alala, Stan, nadala lang ako ng mga pangyayari. Inaantay nga kitang tawanan ako nung araw ng competition ko kaso hindi ka naman dumating."

Tumawa ako ng konti. At least, sa tingin ko tumawa ako kasi lumabas sa bibig ko yung hahaha. "Well, at least ngayon malinaw na ang lahat. Salamat dito sa regalo mo."

Tinaas ko yung regalo niya tapos hinampas ko siya sa braso tapos itinulak ko siya sa likod. "Siya, siya, umuwi ka na. Kita na lang ulit tayo sa Lunes."

Nilingon pa niya ako bago siya nawala sa kamay ko. Lumingon pa uli siya bago siya tuluyan makalayo. Sumenyas ako sa kanya na umalis na siya tapos kumaway pa ako ng konti sa kanya. Pagkatalikod niya, humarap na ako sa bahay namin at hinawakan ko ang gate namin at saka tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko na matandaan kung gaano ako katagal nakatayo sa labas ng bahay namin. Si Stanley Ramirez na kaibigan ko simula noong bata pa kami. Si Stanley Ramirez na kauna-unahang tumawag sa akin ng Risa. Si Stanley Ramirez na kahit anong gawin ko, papatawarin ako, hindi ako iiwan. Parang sinaksak niya ako gamit ang kamay niya at hinawakan ang puso ko. Then he crushed it.

Bati na ulit kami, magkaibigan na uli, dapat masaya ako pero dahil sa lahat ng sinabi niya namulat ang aking mga mata. It hit me hard. Totoo pala ang sinabi ni Keith. I was too scared to lose Stan that I'd been unconsciously denying that I love him more than I should.

Lampas na ng hating gabi nang narealize ko na nakaupo lang ako sa kama at nakatangla sa kawalan habang hawak ang regalong galing kay Stan. Maliit lang ito, manipis at matigas. Nagpagdesisyunan kong buksan na din ito pagkatapos kong hampansin ang sarili ko ng dalawang beses. PS Vita game card ang laman, isa sa limited edition na otome games.

Napa-wow na lang ako sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na binilihan ako ni Stan ng otome game. Hindi ko hilig ang maglaro pero simula noong nagkaroon si Stan ng PS Vita, nadiskubre ko ang mundo ng otome games.

Ihinagis ko yung case malapit sa unan ko. Nahiga ako. Paano ko naman malalaro yun ngayon eh wala naman akong PS Vita at paano ako lalapit ng normal kay Stan? Nagbuntong hininga ako. Biglang nag-overdrive ang utak ko. Hindi ko pwedeng pabayaan mauwi sa wala ang lahat. Dali-dali kong inabot ang cellphone ko at habang nakadapa, pinadalhan ko ng text si Stan. Dapat pinahiram mo na din PS Vita mo. Thank you bestest friend! :))PS: Let's forget about what happened before. I'll talk to Keith soon. Pagaling ka :P

Yeah. Ito ang tama.

Mabilis lumipas ang weekends at dumating na ang araw ng exam. Hindi pa uli kami nagkikita ni Stan o ni Keith. Hindi din nagreply sa akin si Stan. Dahil half day lang, sumama ako kay Aya papunta sa kabilang classroom. Kakaunti na ang tao at wala na din ang taong hinahanap ko.

"Si Stan?" tanong ko kay Lance pagkaupo ko sa upuan sa harapan niya.

"Wala man lang hi?" sagot niya sa akin pero nakangiti naman siya. "Pinatawag ni coach."

Bago ko pa matanong kung bakit nasagot na ni Andy ang tanong ko. "Si Stan na ang bagong captain. Hindi niya nabanggit sayo?"

Umiling lang ako. "Eh si Keith? Nakauwi na?"

"Kasama ni Stan." Si Lance naman ang sumagot. "Ako ba hindi mo tatanungin?"

"Duh. Andyan ka naman ah."

Want me to upload more? I will. If my other story, Ugly Little Feelings, has 80 power stones by 12 noon today.

Anyway, thanks for reading. This is my favorite chapter so far.

wickedwintercreators' thoughts