webnovel

Chapter 32 Can We Go Back?

I DECIDED to write down some notes on how to seduce a man. I even search on the internet. And perfect, all I have to do is to make a plan and execute it.

And the first on the list– don't leave the two alone.

One week later after the camping, napansin ko na lalong naging close sa isa't isa si Ken at Vyra.

Every time Kuya Liam and Kuya Nico are not around, these two have time to flirt with each other. Honestly, I think of telling kuya Liam about Ken and Vyra. But I don't want Kuya to become his old self again– cold and heartless to other girls. So I end up using myself to protect Kuya's fiancée from looking for another man.

At ngayon nga, nanonood sila ng TV sa sala at tawa pa nang tawa. Kahit magkahiwalay sila ng upuan, I find it inappropriate.

"Ken, this is hilarious!"

I rolled my eyes when I heard Vyra all girly with her voice. She even tuck her hair in a flirty way. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako mainis. Kay Ken na hanggang ngayon, hindi pa umaalis sa pamamahay namin, o kay Vyra na tila ba walang kaalam-alam na she's being flirty?

Lumapit na ang ako sa kanila. Pinausog ko pa si Vyra ng kaunti para makaupo ako. Hindi naman siya nagreklamo.

"Anong pinapanood niyo?"

"It's a romcom, Sis. Panoorin mo. Para naman kapag nagka-boyfriend ka, may mga linyahan ka na maasar doon sa lalaki. Si Ken ang nag-introduce nito sa akin," paliwanag ni Vyra.

I rolled my eyes at the back of my mind.

Palihim kong sinulyapan si Ken. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa TV. Gusto kong balatan ang mukha niya. Sobra na sa kapal.

He introduced the movie to Vyra tapos ito at sabay pa nilang pinapanood. Narito naman ako, bakit si Vyra pa? Or kung hindi niya pa napapanod, he can invite the both of us. Siguro kahit sino, mami-misinterpret ang intention niya.

Nakakagago talaga siya!

Hindi ito ang unang beses na nangyari ito ang tawanan nila na tila enjoy ang moment na parang wala nang bukas. Or I better describe it as they think they are in their own world– just the two of them.

There were times na day off ng mga katulong. Pare-parehong day off kasi ang binigay ni Kuya Liam sa mga katulong, kaya kaming magkakapatid lang ang nasa bahay. At ngayon, may isang asungot.

Nang araw na iyon, kaming tatlo lang ni Vyra at Ken ang nasa bahay. Nahuli ko silang nagtatawanan habang tinuturuan ni Ken si Vyra sa niluluto nito.

Noong ako ang nag-offer na turuan siya magluto, we drop it kasi bored daw siya at ayaw niya talaga matuto.

Ikinainit ng ulo ko ito, to the point na nagdabog talaga ako to get their attention. Nanahimik sila pareho as if I am out of my mind to do that.

They are too much.

Kung pwede ko lang ibaba ang pride ko at ako na mismo ang manligaw kay Ken ay ginawa ko na, para lang mailayo sa kanya si Vyra. This is for Kuya Liam. I don't want him to lose his fiancée. Not in front of me, not with this selfish guy, Kenneth.

"KEN?"

Pasado ala una ng hapon. Nagpaalam sina Kuya Liam at Vyra na may pupuntahan daw sila.

Si Kuya Nico naman, as usual, nasa galaan.

Nang ma-check ko na mga kasambahay na lang ang kasama namin, hinanap ko si Ken. Nakita ko siya sa garden at kumukuha ng larawan ng mga bulaklak.

Mukha yatang hindi niya napansin ang pagtawag ko. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya at tinapik siya. Nagulat na lang ako nang hulihin niya ang kamay ko at hilahin niya ako.

Natumba ako sa damuhan, and just a split of second, I heard a click sound. Tiningnan ko siya nang masama dahil hindi niya man lang ako inalalayan sa pagtumba ko. And a flash blinded my eyes for a couple of second.

"Photogenic as always," nakangiting sabi niya.

Tumabi siya sa pagkakahiga ko at pinakita ang camera niya.

"I am simply beautiful."

I am still wearing my eyeglass. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko ito suot, I can hide my true thoughts very well.

"Yeah, you're always beautiful in my eyes, Ash," he said in a low voice, more like a bed voice.

Paglingon ko, which is a wrong move, our faces are an inch closer. I can barely feel his warmth.

"Ash…" sambit niya.

Having him this close to me, I almost forgot why I am searching for him.

"Ken, uhm…" I am hesitating to say it but I have to. It is for Kuya Liam's sake.

Yes, it is for my Kuya.

"Can we go back?"

Nanlaki ang mga mata niya. Sabay ng malakas na hangin ang paghawi ng ulap, dahilan para sumilip ang mainit na liwanag ng araw.

Mabilis siyang naupo. "Yeah, let's go back. Mainit na at-"

"No!"

Mapapamura ako sa kabobohan ng lalaking ito.

"I mean…"

Haist! Bigla akong nawala sa mood para ligawan ang gagong ito. Palayasin ko na lang kaya sa bahay, para hindi na siya makalapit pa kay Vyra?

Kaso si Kuya Nico naman kasi ang may pakana, so I have no choice but to be patient. Ilang weeks na rin naman, pasukan na. Siguro naman, uuwi na siya sa kanila.

Kailan ba uuwi si Ate Jana? At isa pa, saan sila nakatira?

"Can we go back to the moment, when our love was young and free?"

He started singing his words. He's always like this, lalo na kapag nahihiya siya, dinadaan niya sa kanta.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Mayamaya ay tinanggal niya ang salamin ko. As he look deep into my eyes, I can feel my cheeks stiffened and hot.

"Can we go back to the moment, when your love was only me?"

Bigla ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I can't be fooled for the second time, nor give him a chance to hurt me again. But at least, I will let myself play around a little.

Unti-unting naglalapit ang mukha namin. I close my eyes with anticipation. Before our lips met, he whispered, "I love you…"