webnovel

Chapter 31 Camp

EVER SINCE THAT DAY, I put up with this façade– acting like a good girlfriend for Ken, be it at school or home.

Katatapos lang ng hell week, at ang napagkasunduan nga na camping ng block namin ay nauwi sa joint camping with Ken's block. Sa first sem, ni hindi ko man lang alam na barkada na kung magturingan ang dalawang block namin.

In the end, hindi ko na-voice out ang protesta ko na huwag silang isama kasi ako rin ang talo. Lately lang din ako naka-blend sa block ko so no choice talaga ako kundi ang tanggapin ang majority at manahimik na lang.

I go with the flow.

At ito namang bida-bidang si Ken, nag-suggest na sa private resort nila pumunta. He even said na mala-jungle daw ang theme ng lugar dahil sa nagtataasan na mga puno, malawak na damuhan sa ilalim nito na pwede pagtayuan ng tent, at ilang metro ang layo ng dagat.

Ito namang mga kaklase namin, manghang-mangha and cannot wait daw sila na makapunta.

Like hello? We can just go to a safer place like some famous resort, or isa sa mga villa ng friends niya na much better pa sa kaniya.

Sakay kami ngayon ng air-conditioned bus. I am wearing a black backless push-up bra cropped top at pinatungan ko ito ng lapel long sleeve plaid button blouse. Partner it with high-waist regular fit jeans. Nagsuot lang din ako flats. Nagbaon ako ng extra pairs of clothes and hygiene kits. With my hair tied in a donut bun and wearing my thick eyeglass, I make myself comfortable.

Dalawang bus ang nirentahan. Ang ilan naman, may car. At ako, sumabay sa bus kahit na may sarili kaming kotse. At si Vyra naman, iyon hinatid ni Kuya Liam.

Nasa pinakadulong upuan kami ni Ken at kaming dalawa lang ang narito. Pilit niyang kinukuha ang atensyon ko. Maya't mayang tanong kung nahihilo ako, kung komportable ako, at wala akong ibang sagot kundi ok lang ako. I want him to shut his mouth. Wala kami sa bahay at walang Vyra sa paligid so stealing his attention is not a thing right now.

Ipinilig ko ang ulo ko, naglagay ng earphones at ipinikit ang mga mata. Bago pa ako tuluyang makatulog, sinabihan ko siya na gisingin ako kapag nakarating na kami sa lugar.

"You want to lean on my shoulder? Para komportable ka kung matutulog ka."

I ignore him.

I want to say "I can manage," but nah. Talking is a lot of effort and he's not worth it.

"GO AHEAD without me. Baka magising si Ash pag gumalaw ako."

I slowly open my eyes. At tumambad sa akin ang isang gwapong foreigner. Mabait siyang tingnan, and I can imagine falling for him if I hear him sing.

"Chala head chala!"

Napabalikwas ako ng bangon nang may malakas na kumanta at papalapit sa amin ang tunog. Napansin ko rin na kaming apat na lang ang nasa bus.

"Siraulo ka talaga kahit kailan, Kim. May natutulog, eh," saway ng foreigner doon sa bagong dating na lalaki.

"Sorry, Miss," hinging pasensya ng Kim.

I smile. Sa totoo lang ako ang nahihiya rito. Napalilibutan ako ng mga gwapo, panira lang itong katabi ko.

"Let's go?"

Saglit ko lang siyang tiningnan saka tumayo na ako. Nag-bow ako sa mala-Amerikano na lalaki, na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

"Gray, make way," utos ni Ken.

So Gray pala.

Well, I think it's ok for me to have a crush pero if ever na maisipan niyang gustuhin ako pabalik, I'm gonna pass on that. Mahirap na, baka katulad lang siya ni Ken. As I can see, they're friends. And birds with the same feather flock together.

"Mauna na ako," paalam ko para kahit papaano, hindi naman kahiya-hiya si Ken sa harap ng friends niya.

Pagbaba ko ng bus, agad kong hinanap si Vyra. Tumingin rin ako sa wristwatch ko, at halos dalawang oras ang binyahe namin.

Nilibot ko ang lugar. Malapit na lumubog ang araw, at kulay lila na ang kalangitan. Gusto ko magpa-picture sa may dalampasigan.

"Nasaan na ba kasi si Vyra?"

"May dadaanan daw sila ni Kuya Liam kaya mahuhuli raw siya. Maghintay ka raw mga thirty minutes pa."

Rinig kong sabi ni Ken sa likod ko. Isa-isa silang bumababa. Tinaasan ko lang ng kilay si Ken.

Vyra knows me. Taking pictures and such in a nice place is our thing. Ok naman na magsabi siya na male-late siya and we cannot enjoy the view together. But letting Ken relay the message is too much!

Bakit si Ken ang sinabihan niya? May phone naman ako, may contact number ako sa phone niya. So why the third party?

"Maganda ang sunset. Gusto mo, picture-an kita?"

Hindi ko siya sinagot. Naglakad lang ako palayo, papunta sa nakararami. Hinanap ko rin ang representative ng block namin para kahit papaano, may kasama ako.

"Ako naman ang kukuha ng picture."

Napalingon ako sa gawi nila. The three of them are enjoying themselves like kids.

Nakaramdam ako ng inggit. Hindi pa nagtatagal noong maramdaman ko na belong ako sa block namin. I distance myself too much, na tila ang ilan sa kanila, ilang pa rin na kausapin ako. Kahit na palaging pinapakita ni Vyra sa kanila na I am approachable and kind.

Bigla ay muli kong hinanap ang presence ni Vyra.

"Where are you, bitch?!" Pinagpag ko ang buhangin na pumasok sa flats ko.

Ngayon ko lang napansin na Bermuda grass ang lalakaran. Inalis ko ang suot ko sap aa at naglakad-lakad sa damuhan.

"Yes!"

Nang marinig ko ang boses na iyon, agad kong hinanda ang sarili ko para tarayan siya. Bago pa ako lumingon sa kanya, naramdaman ko ang yakap niya sa leeg ko.

"Let's go and capture the sunset, bitch!"

"I-set ko lang ang tent niyo. Aalis lang din ako pagkatapos," sabi ni Kuya Liam.

Hindi niya na hinintay ang sagot namin at dali-daling naghanap ng magandang pwesto. Hindi ko na siya inabala pa. Hihilahin ko n asana papunta sa dalampasigan si Vyra nang tawagin niya si Ken.

"Ken, will you be our photographer for tonight?"