webnovel

Chapter 30 Feeling Better

ANG BIGAT ng ulo. Pagdilat ko, napansin ko na nasa sariling kwarto ako. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi.

Dahan-dahan akong naupo sa kama. Pagtingin ko sa orasan, pasado alas-sais na. Biglang kumalam ang tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko, parang pinipilipit siya sa loob. Napatingin na rin ako sa katawan ko.

I am wearing a white night gown with long sleeves. May medyas rin ako na makapal. Mukhang balot na balot yata ako? Anong nangyari?

Mamaya ko na lang iisipin. Nagugutom na ako. Nang tumayo ako, ramdam ko ang bahagyang pag-ikot ng paligid ko.

Pagbukas ko nang pinto, tumambad sa akin ang nagtatawanan na Ken at Vyra.

Do they feel no shame? They are in our house. And Vyra has a fiancée, tapos maghaharutan sila?

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. "You're in my way, get lost," I said coldly.

Nagsisimula na naman akong mainis, lalong lalo naa kay Ken.

"I cooked for you. Come, let me help you," Ken said, and he even hold my waist.

Agad ko namang hinawi ang kamay niya bago niya pa higpitan aang hawak niya sa akin. "Don't touch me." Humarap naman ako kay Vyra na ngayon ay tila kinikilig sa nakikita. "Vyra, si Nanay?"

"Nasa kusina, why?" tanong niya.

"Pakisabi, ipagluto ako ng makakain. I am craving for some seafood." Nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan.

"Iyon ang niluto ko. Alam ko kasi na iyon agad ang hinahanap mo pagkatapos mong magtampisaw sa ulan. Tara na, ipaghahain kita."

I ignore him. Nasusuka ako sa mga sinabi niya na animo'y kilalang kilala niya ako. And how dare him to talk to me when he just flirted with an engaged woman. His shamelessness knows no boundary!

"Hey, Sis. How are you, Miss Walking In The Rain?"

Lumiwanag ang mukha ko nang makita si Kuya Nico na kalalabas lang ng kwarto niya. Agad ko siyang sinugod ng yakap, to say na I need a kakampi right now.

"Kuya Nico!" He patted my head. His liveliness and sense of security take away my annoyance with that jerk. "Anong sinasasbi mo?" tanong ko.

"Eh ikaw? Anong pinagsasasabi mo na bitter? Out of nowhere, ite-text mo ako, napalabas tuloy ako ng room ng wala sa oras."

"At bakit?" Isisi ba naman sa akin ang nagyari, nagtext lang naman ako.

"Eh kasi naman, my dear sister, bukod sa pinalitan mo ang ringtone ko ng pambatang kanta- 'daddy finger, daddy finger, where are you?' Naka-max pa ang volume! Iyon, bawas points kay Miss Interviewer. Nag-sorry din ako."

Gusto kong tumawa nang malakas sa part na kumanta pa si Kuya.

"Nag-sorry ka naman pala, eh," I said trying to suppress my laughter.

"And the worst part is yet to come, you stupid girl. Akala ko importante ang message mo kasi hindi ka naman nagte-text in the middle of the class. To think na exam niyo ngayong araw. Kaya nang mabasa ko, literal na sumigaw ako ng what the fuvk, as in malakas."

I can imagine his face during that time, sa harap pa ni Miss Interviewer.

Sinakal niya ako gamit ang braso niya at ginulo ang buhok ko. "You prankster!"

Hindi ko na napigilan. Tumawa ako nang malakas na lalong kinainis ni Kuya. Pabiro niyang snuntok-suntok ang tiyan ko.

Walang hiya ito, ang sakit! Walang laman, at tumatawa rin ako, tapos susuntukin niya.

"Feeling better?" I heard Kuya Liam ask from behind.

"Hindi better, Kuya. Bitter. Kanina pa nakabusangot ang mukha niya. Parang nakita niya ang boyfriend niya na may kalandiang iba," sabi ni Kuya Nico.

Kinurot ko ang tagiliran niya. Akma ko siyang sisinghalan nang magsalita ulit si Kuya Liam.

"Ang tanong, may boyfriend ba?"

"Nga pala, Sis, iyong gwapong lalaki na laging nakasunod sa iyo, bodyguard o boyfriend, which one?" baling sa akin ni Kuya Nico.

"What? Wala namang nakasunod na lalaki sa akin. Kailan mo nakita iyon? Baka stalker na iyon, Kuya!" Nagsimula na akong mag-panic.

Ayaw ko magkaroon ng stalker. Sa mga kwento pa lang na naririnig at nababasa ko tungkol doon, natatakot na ako.

"Recently lang, simula siguro noong unang beses mong hindi magsuot ng salamin sa school," sagot niya.

"Hala! Kaya ayaw kong nilalabas ang tunay kong ganda eh," sabi ko, pilit na ginagawang katatawanan ang sitwasyon.

Lalo lang akong natatakot. At isa pa, si Kuya Nico ang unang nakapansin. Baka hindi ito biro.

"Mukhang hindi naman ikaw ang sinusundan," mayamaya ay bawi niya. Matalim din siyang tumingin sa likod namin kung nasaan iyong tatlo. Agad naman akong sumimangot nang maalala ko na nasa paligid lang si Ken.

"Ok lang iyan. Hindi ba nagugutom ka? May pagkain na sa kusina. Gutom lang iyan, Sis. Pinakabilin-bilinan naman kasi sa iyo na huwag kang magpapalipas ng gutom. Iyan tuloy, mukhang nasisiraan ka na ng ulo."

"Shut up!" Tinulak ko palayo si Kuya. Binitawan niya naman ang kanina niya pang sakal-sakal na leeg ko.

"Tanggapin mo na lang kasi na maganda ako. I-spell ko pa, M-"

"Nico, ibaba mo na si Lei sa kusina at nang makakain na. Painumin na rin siya ng gamot sa lalong madaling panahon para manahimik na."

Napamaang naman ako sa mga sinabi ni Kuya Liam. Like seriously, si Kuya Liam pa ba ang nagsasalita?

"Oo na. Mananahimik na," sabi ko na lang.

Sa totoo lang, wala akong energy para makipagtalo pa. Gutom na talaga ako.

I look at Ken. He is exchanging glances with Vyra while smiling as if they are communicating silently with each other.

Hindi pwede ito. Hindi sila pwedeng magkamabutihan. I have to do something!

"Ken, can you join me?"

Fuvk! I act on impulse. I didn't even think at first. Whatever, it is for my Kuya, anyway.

"Oh, sure." Halatang nagtataka siya sa sudden change of mood ko.

Magpapakabait ako sa kanya. Kaya ko ito. Besides, I am good at pretending.

"Sure ka ba na masarap ang niluto mo?" tanong ko nang makalapit siya sa akin. Hinawakan ko na rin ang kamay niya.

Napatingin ako sa likod niya. Yakap na ni Vyra sa waist si Kuya Liam.

Si Kuya Nico naman, biglang nagsalita sa tabi ko.

"Great! So ako na lang ang walang partner, ganoon? Maghintay lang kayo. Iuuwi ko iyong interviewer kanina."