"Harmonia! Penthesilea!" Sigaw ni Hermes sa dalawang nag-aaway. Napatigil ako sa paglalakad palayo at palihim silang sinilip. They stopped fighting.
So, Penthesilea is her name, huh?
Penthesilea bowed at Hermes, and shot Harmonia a deadly glare, "Until next time," sabi niya. Wah cool!
Sabay namang nawala si Hermes at Harmonia sa paningin namin. Tumingin naman si Penthesilea sa'kin, pero ayon tumingin lang siya. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo, the wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya... I have nowhere to go, anyway.
Wala sa aming nagsalita.
Wala.
Wala talaga.
Awkward.
"So," FINALLY! She talked! "Bakit mo naka-away si Harmonia?"
I recalled what happened earlier, "Siguro dahil may soul akong nakausap, or maybe dahil nasa kaniya ang kwintas ko? Or she's just too cunning, I wanted to snap her out," sagot ko.
Tumango lang siya kaya't ako naman ang nagtanong sa kaniya, "Bakit mo nakaaway si Harmonia?"
She just gave me a shrug, at hindi sinagot ang tanong ko.
Oh ok.
Napahiga naman ako nang biglang may dumamba sa'king malaking aso, na hindi ko alam kung saan nanggaling! It just popped out.
"Woah, saan iyon galing?" wika ko't tumayo then patted the big dog's head.
"Those are Artemis' hunting dog. Sumakay ka, it will lead us to Artemis' island," malamig niyang sabi. Bahagya akong napakunot, jeez may kasama atang yelo ang sinabi niya. I shivered, at sumakay nalang sa aso.
Napahigpit naman ang hawak ko nang mabilis itong tumakbo papunta kung saan. I squinted my eyes too dahil ng gabok na pumapasok sa mata ko.
'Di kalayua'y nakita ko na ang end ng island, means wala nang land doon. And this hunting dog is going there! Omg! Mamatay na ba ako?
Napatingin naman ako kay Penthesilea na nangunguna sa'kin. She seemed calm. Hala, bakit? Nalipad ba 'tong aso? Anyways, her name is too long. Maybe I should call her something else.
"Uh, Lea, nakakalipad ba 'yung aso?" Sigaw ko dahil medyo malayo siya.
"Woah, you're calling me by Lea," umiling siya bago magpatuloy sa pagsasalita, "It's not a unicorn, dummy."
What?! Nagsimula akong magfreak-out. Test din ba 'to? May kailangan ba akong gawin? Ano?! Oh no, malapit na kami sa end.
"It only jumps," pahabol ni Diane. Kasabay noon ay ang pagtalon ng doggo niya. Nawala siya sa paningin ko at para bang nahulog na pababa.
Napapikit ako at mas lalong hinigpitan ang hawak sa aso, unti nalang mayayakap ko na eh.
Napasigaw naman ako nang maramdaman kong para na kong nahuhulog. As in, "AAAHHHH!!!!!" High pitched.
I kept screaming, hanggang sa naramdaman kong hindi na ako nahuhulog. I slowly opened my eyes, but it still looked like my eyes were closed. Sobrang dilim. At mukhang nasa isla na kami ni Artemis.
"Go down from my hunting dogs," malamig na sabi ng isang babae. I first thought it was Lea, they both have the same coldness.
Bumaba ako mula sa hunting dog, at kaagad kong naramdaman ang kakaibang lamig. Tinanggal ko pa naman ang cloak ko kanina.
Nanlaki naman ang mata ko nang maramdamang may naglagay sa'kin ng cloth. At nang segundong iyon, nagliwanag bigla ang buwan. Lumingon ako at nakita ko naman kaagad ang mukha ng naglagay ng tela sa'kin. Madilim ngunit I could tell, he's a beautiful man. The blue specks in his eyes glowed in the darkness, at punong puno ng expression ito. Eyes are the windows of the soul. I couldn't tell what hair color he had, but It was somehow... golden.
Hindi siya nakatingin sa'kin, pero nakahawak parin siya sa shoulders ko. Napataas naman ang isa kong kilay, "Thanks, pede ka na bumitaw."
Tsaka lang siya tumingin sa'kin. Napalunok siya bago bumitaw sa'kin. Inilipat ko nalang ang tingin ko sa harap at binalawela siya. Pero I feel bad, natarayan ko ata siya. But nagkusang loob naman siya eh.
"I'm Asclepius," he whispered with a husky and rough voice. Tila ba pinipigilan niya ang kaniyang hininga. Hindi ko man siya nakikita, but I feel like he's looking intensely at me. Napailing nalang ako sa aking isipan at hindi na siya pinansin.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Muli niyang hinawakan ang balikat ko, at inintay ang sagot ko.
Kumunot ang noo ko, close ba kami para sabihin ko ang aking pangalan? Pero sabagay, paano kami magiging close kung 'di ko sasabihin pangalan ko, 'di ba? hehe marupok ka rin thea ano?
"Melizabeth," wika ko nang hindi siya nililingon, at tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa'king balikat.
"Ako si Artemis, ang diyosa ng buwan, at ng kagubatan," lahat nama'y bumaling ang atensyon sa kaniya. Kasabay noon ay ang pagliwanag ng buwan— not just one moon but there are several moons shining in the night sky of this island. Ang ganda, they were shining in different colors too. Wow, hindi ko akalaing ganito pala kaganda sa mundo ng mga diyos.
"Sa inyong pagsusulit, kailangan ninyong maghunt," wika niya at ngumisi.
"Bago ko sabihin sainyo ang mga mechanics, bumuo muna kayo ng grupo na mayroong apat na miyembro," wika niya at kaagad nagrupo-grupo ang iba.
Tumingin naman ako sa paligid at napagtantong apat nalang din kaming walang grupo.
Asclepius. Penthesilea. Isang babaeng blondie.
Nagtipon kami sa isang lugar, realizing that we're going to be a team now. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila, ngunit wala atang may balak magsalita.
Kumawala ako ng buntong-hininga, at kaagad silang napatingin sa'kin. "I'm Melizabeth, kayo?" kaswal kong pagpapakilala.
"Cassandra," mahinhing wika ni blondie. Nagtaka naman ako nang pagmasdan ang mata niya, it was empty. I don't feel anything about her eyes at all. Something's odd. Nagulat naman ako ng bigla niya akong tingnan, nahihiya akong ngumiti sa kaniya. Nanlaki naman bigla ang mata niya, as if she saw something. Pero bigla nalang din siyang umiling nang umiling.
"Asclepius," napalipat naman ang tingin ko sa kaniya. He looked at me as if he was studying me. Kilala niya ba ako? Nagkakilala na ba kami? Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang sugat sa'king leeg, at namangha ako nang guminhawa ang aking pakiramdam as if I was healed. Nakalimutan kong may sugat nga pala ako roon.
"Hinilom ko lang ang sugat sa leeg mo, you didn't notice that it was bleeding," wika niya sa'kin. Tumango naman ako at ngumiti, "Salamat."
Wow, he can heal people. Isa rin ba siyang demigod?
"Penthesilea or Lea," malamig na bigkas ni Lea sa'min. "Daughter of Zeus." I mouthed an 'oh.' So that explains why she was powerful to battle Harmonia eariler.
"I guess, you now know your respective teams," wika ni Artemis. "The purpose of this is to see your ability in adapting and cooperating, your resistance, strength and wisdom."
"Ang kailangan niyong gawin ay magsurvive. Only 32 people will be left out of almost hundreds of you."
"You'll stay in this forest for days, without any food or weapons. You'd have to be indigenous here, and you should learn to live in the woods."
"You'll hunt bears, ogres, wolves and even hunt your fellow participants. Basta ang mahalaga'y may matitirang thirty two. Hindi hihigit at hindi kukulang."
"Anytime now, the test will start. I suggest you plan before you're moved to your own bases," iyon na ang huling sinabi niya. Nagkatinginan naman kaming magkagrupo.
Naunang magsalita si Lea, "I can be the mind and attacker of the team. Saulo ko ang lugar na ito, I know nice bases with enough resources. Saulo ko rin kung saan tayo maaring magcamp para madaling makakita ng kalaban." Sumang-ayon naman ang lahat.
"Supporter and healer ako," si Asclepius. "I have the power to heal, since anak ako ni Apollo. I'll focus on helping and healing you. Tagaluto, pwede na rin." Bahagya naman akong napatawa roon at gayundin ang iba. So my guess is true, he's a demigod, like Lycus, Harmonia, and Lea.
"Then I'll be a watcher, at tutulong nalang ako sa lahat. I can ask ghosts and souls to watch the surrounding and warn us if ever," wika ko habang natango-tango. They all raised an eyebrow at me.
"Anak ka ba ni Thanatos, the god of death? Or perhaps Hades, the god of underworld?"
Tinaasan ko rin sila ng kilay, "What? No. May third eye lang ako," sabay tawa. Tumango naman silang lahat sa'kin, pero mukhang hindi pa rin sila naniniwala.
Napatingin naman kaming lahat kay Cassandra, siya nalang ang wala pang role.
"S-supporter nalang ako," nauutal niyang sabi.
I could tell that she's an introvert. Or she's hiding something kaya't nagiging maingat siya sa bawat salita niya... ano kaya iyon?
"You will now be teleported to your bases."
Biglang nagkaroon sa lupa ng golden circle na may kung ano-anong symbol. Nagliliwanag ito at kumikinang-kinang pa. We were all inside the circle, kaya't ang mga mukha namin, animo'y kulay ginto na.
There was this energy na pumasok sa loob ng katawan ko, it was from the golden light. It felt burning pero nahahandle pa naman ng katawan ko.
Hanggang sa sobrang nagliwang ang buong paligid. Tila ba sinilaw ako ng mga buwan sa langit, at hindi ko maintindihan kung bakit parang nawawalan ako ng enerhiya.
"Shall the moons guide you," Artemis said.
Then everything went black.
Thieves of Harmony
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!