webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urbain
Pas assez d’évaluations
154 Chs

Your Just A Nobody!

Nangatog ang mga tuhod ni Khim ng makita ang baril lalo na ng itutok ito sa kanya.

Pero kahit naramdaman nya na nanghihina sya, nagpakatatag sya para sa pamangkin nyang si Karla.

Kahit na lagi silang nagiinisan ng batang ito at madalas nyang awayin ang pamangkin nyang ito, mahal na mahal nya si Karla at kaya hindi nya hahayaang may mangyaring masama dito.

'Juskupo, Mommy, Daddy, where are you?'

Naiiyak na si Khim.

Ayaw nyang sumakay ulit ng sasakyan, lalo na at ramdam nya ang sobrang takot ni Karla.

Ano ang gagawin nya ngayon, nalilito sya.

Gusto nya tuloy iwan na lang ang bata at magisa syang sasama kay Ethan. Pero tama bang gawin yun? Baka mas ikapahamak ng bata kung sya lang ang sasama at iiwan na lang nya ito ng magisa sa kung saan.

"Now Khim! Get inside!"

Singhal ni Ethan na ikinagulat ni Khim at lalong ikinapalahaw ng pagiyak ni Karla.

"WAAAAAH! WAAAAAH!"

"Pwede ba patigilin mo yang batang yan!"

Singhal ni Ethan na naririndi na sa kakaiyak ni Karla at pati na rin sa hindi pagsunod agad sa utos nya.

"Shhhh... shhhhh.... huwag kang matakot Karla, hindi kita iiwan kahit anong mangyari!"

Tiningnan ni Khim ang paligid, nagbabakasakali, humihingi ng saklolo pero.....

'Langyang mga taong 'to, nagpunta lang ba talaga sila dito para manuod!'

'Mano ba namang tumawag ng pulis o kahit na sino para tulungan kami?'

Umiiyak na si Khim pero tila ni isa walang kumilos o nagsalita man lang.

Andun lang ang lahat, nanunuod sa susunod na mangyayari.

Pero pikon na si Ethan at hindi na ito makapaghintay kaya lumapit na ito kay Khim ay hinawakan sya sa braso para hilahin papuntang sasakyan.

Walang nagawa si Khim ng gawin ito ni Ethan.

Pagkatapos ay binuksan nito ng mas maluwag ang passenger's seat para isakay si Khim at Karla ng sapilitan.

Ganunpaman, pilit pa ring nanlaban si Khim habang umiiyak na humihingi ng saklolo, nagmamakaawang tulungan sila. Ngunit tila mga bingi ang nasa paligid.

Hangggang sa .....

May isang binatang nangahas na lumapit na galing sa kung saan. May dala itong tubo at ipinukpok sa ulo ni Ethan sabay sipa na ikinagulat ng huli.

Tumilapon ito ng ilang metro at nahilo kaya nagkaroon ng pagkakataon ang binata na tulungan si Khim.

Inilahad nito ang mga kamay kay Khim.

"Tara na!"

Simpleng sabi ng binata.

Tila napawi naman ang sobrang takot ni Khim dahil sa dumating nilang tagapag ligtas.

Nabuhayan sya ng loob at tinanggap ang kamay ng binata na nakalahad.

Pagkabigay ni Khim ng kamay nito, agad namang hinawakan ng binata ng mahigpit at dali dali nyang inilabas ang mga ito at saka inilayo sa sasakyan.

Isinakay nya sila Khim at Karla sa trysikel nya at ipinaandar palayo sa lugar na iyon.

Umiiyak pa rin si Khim at Karla habang nakasakay sa trysikel. Hindi ito humihinto at hindi rin alam ni Khim kung nasaang lugar sila.

'Teka, saan kami dadalhin ng Mamang trysikel driver na 'to?'

'Jusko ano 'to?! Masyado namang liblib ang lugar at saka gumagabi na!'

'Wala na akong nakikitang bahay sa paligid puro talahib!'

'Juskupo, anong gagawin ko?'

Napapaisip si Khim.

'Tama ba na basta na lang ako sumama sa taong ito?'

'Paano kung may masama syang balak sa amin dalawa?'

Nagpapanic na ang kalooban ni Khim.

*****

Samantala.

Nakaramdam man ng sakit dahil sa pagkakapupok sa kanya at pagkakasipa, nakabangon naman agad si Ethan at nagpupuyos ito sa galit ng makitang isinama ng lalaki si Khim.

"Aaaaaahhhh! Bwisit!"

Sigaw nya sa sobrang inis.

Agad syang sumakay ng kotse para masundan ang estrangherong iyon na kumuha kila Khim subalit .....

"Bata, sa pagkaka alam ko, akin ang susing 'to!"

Boses yun ni Joel na biglang binuksan ang driver's seat at kinuha ang susi ng sasakyan na nakasuot na sa keysocket.

Nagulat si Ethan.

'Paano nya ako nasundan?'

'Malamang natawagan sya ni Khim!'

Mukhang nabasa naman ni Joel ang iniisip ni Ethan kaya sinagot nya ito.

"May tracking device ang sasakyan ko kaya alam ko kung nasaan ito!"

Sabay hablot ni joel sa kwelyo ni Ethan at inihagis nya ito palabas ng sasakyan.

"Tito Joel...."

"Bakit Jaime, may sasabihin ka? Anong gusto mong sabihin, na dapat maging mahinahon ako sa gunggong na anak mong 'to na kinarnap ang kotse ko at kinidnap ang mga apo ko?!"

Singhal ni Joel.

Hindi nya magawang makapagtimpi ngayon.

Natahimik naman si Jaime. Ewan ba nya bakit malambot ang puso nya kay Ethan.

"Ngayon Ethan, magsalita ka! Nasaan si Khim at si Karla? Saan mo sila dinala?"

"I don't know! A stranger took them away from me!"

"At sinong maniniwala sayo?"

"Teka! Teka lang po Tito Joel please, huminahon po kayo at hayaan muna natin magpaliwanag si Ethan.

"Eleanor?"

"Nadine? Nicole? Anong ginagawa nyo dito?"

"Tinawagan ako ni Ethan kaya ako nagpunta. Malapit lang ito sa resort kaya madali kaming nakarating!"

Paliwanag ni Eleanor.

"Eh, kayong dalawa naman, anong dahilan nyo?"

"Sinasamahan namin si Eleanor!"

Pagdadahilan ni Nicole.

'Alangan naman sabihin kong nilusob namin si Eleanor!'

Sabay sulyap ni Nicole na kasunod nya lang at kita nito ang nagpupuyos na itsura ng kaptid. Dirediretso ito sa paglakad at nilagpasan sila. Huminto sa harap ni Ethan at saka....

PAK!

PAK!

PAK!

"NADINE!"

Sabay na bulalas ni Jaime at Eleanor.

"Shut up, both of you!"

Singhal ni Nadine sa dalawa.

Napatanga naman ang lahat sa ginawa ni Nadine lalo na si Ethan na hindi nakapagsalita sa pagkabigla. Hindi nya inaasahan na sasampalin sya ni Nadine pero mas hindi nya inaasahan ang sasabihin nito.

"Anong tingin mo sa mga anak ko at sa apo ko, KASANGKAPAN MO?!"

Gustong magpaliwanag ni Ethan pero hindi sya binigyan ng pagkakataon ni Nadine.

"Sino ka sa akala mo? YOUR JUST A NOBODY! Kaya pwede na tigilan mo na ang kakapantasya sa anak kong si Kate dahil ni katiting wala syang pakialam sayo! Kaya tanggapin mo man o hindi na sya si Kate at hindi si Elise, WALA. AKONG. PAKIALAM!!!!"

Tila sinaksak si Ethan sa sinabi ni Nadine.

Kung minsan kailangan din kasing sabihin ang katotohanan para magising.

At tila yun ang nangyayari ngayon. Unti unting nagsisink in kay Ethan ang sinabi ni Nadine.

"Tito Joel, gusto kong idemanda ang lalaking ito. Dalhin nyo sya sa presinto!"

"Nadine....!

"Bakit Jaime, may reklamo ka?"

Papaano ba magrereklamo si Jaime sa pinakamamahal nyang asawa?

At si Eleanor...

'Hmm, mukhang mali ang pagkakakilala ko dito kay Nadine.'

Pero habang nagkakagulo sila sa ginawa ni Ethan, may mas matinding nangyayari sa Sinag Island.

Si Issay, wala pa ring malay at lalong lumalala ang sitwasyon nya.

At hindi nila makita ang kung ano ang dahilan.