webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Are You Going To Follow Me Or Not?

Dahil sa ibinalita ni Nadine, nagmamadaling umuwi si Nicole ng little Manor.

Hindi pa humihinto ang sasakyan nya, sinalubong na sya ng Ate Nadine nya.

"Nicole, mabuti andito ka na!"

Bati ni Nadine sa kapatid na humahangos papalapit sa kanya.

Hindi pa nito napapahinto ang sasakyan ay sinalubong na agad sya ni Nadine.

Bigla tuloy syang napahinto para bumaba pero pinigilan sya ni Nadine.

"Oh, huwag ka ng bumaba at aalis tayo!"

Sabi agad ni Nadine sa kapatid.

"Bakit Ate, saan tayo pupunta?"

Gusto pa naman sana ni Nicole na bumaba para makapagpalit sya. Naka business suit pa sya at highheels.

Gusto nyang magpalit ng damit lalo na ng sapatos.

"Huwag ka ng bumaba at may lulusubin tayo!"

"Ha?! Sino?! Pwede bang magpalit kahit sapatos man lang? Sandali lang naman 'to Ate!"

"HINDI!"

Galit na sagot ni Nadine kay Nicole na ikinatindig ng balahibo nya.

Ito na ata ang ikalawang beses na nakita nyang nagpupuyos sa galit ang Ate Nadine nya at gusto nyang maiyak lalo na at nanlilisik sa galit ang mga mata nito.

Kaya tahimik na lang na sumunod si Nicole kahit na nagdurugo ang puso nya dahil masakit na ang mga paa nya sa high heels nyang suot.

'Naman! Huhuhu!'

"Tara na! Ano pang inaantay mo dyan?"

Singhal ni Nadine.

"Saan ba tayo pupunta Ate?"

"Dun sa ex ng gunggong kong asawa!"

"Kay Eleanor?"

"OO!"

Sinagot sya ni Nadine ng ubod ng talim. Ramdam ni Nicole na parang toro ito na umuusok ang ilong sa galit at nakahandang lumusob.

'Jusmiyo, ngayon ko lang ulit nakitang ganito kagalit si Ate Nadine!'

'Para syang mananakit ng tao!'

'Kawawang Eleanor!'

'Mabuti pang sundin ko na lang kesa ako pa ang pagbuntungan nya ng galit!'

Samantala.

"Tito Joel, bakit nyo naman pinabayaan yung si Ethan? Bago lang sya dito sa Pinas, papaano kung saan nya dalhin ang anak ko at apo?"

Naiiritang sabi ni Jaime.

Pagpasok pa lang ng bahay ay ito na agad ang salitang binitiwan nya, ni hindi man lang bumati.

Nabwisit tuloy si Joel.

Alam na nito ang sitwasyon dahil nga sa nawawala ang isang sasakyan nya na madalas gamitin ng asawa nya pag coding.

Si Ethan agad ang pumasok sa isip nya kaya tinawagan nga nito si Jaime at duon nya nalaman ang sitwasyon.

Kaya eto ngayon si Jaime, nilulusob sya dahil naiinis katarantaduhan ng anak nyang si Ethan pero wala syang magawa.

"Pwede ba Jaime, tumigil ka na at naririndi na ako!

Sinong magaakala na ganun magisip yung gunggong mong anak?

Manang mana sa'yo! Pareho kayong gunggong!"

"Tito Joel naman, sobra na po akong nagaalala, hindi na ako halos makahinga!"

"Eh, kasi naman aanak anak ka dyan tapos kami peperwisyuhin mo!"

Natahimik si Jaime.

Kung tutuusin, bakit nga ba nya sinisisi ang tyuhin nya eh sya ang ama? Responsibilidad nya ang mga anak nya.

Pilit na huminahon si Jaime bago nagsalita ulit.

"Pasensya na Tito Joel, pero pwede bang tulungan mo akong hanapin sila?"

"Tumigil ka ng kasisisi dyan at tutulungan kitang mahanap sila! May tracking device ang sasakyan at may gps ang cellphone ni Khim!"

Sa totoo lang kanina pa pinapa trace ni Joel ang location ni Ethan at kung kasama nga ba nito ang mga bata. Hindi lang nya sinasabi dito kay Jaime.

Sumugod kasi itong si Jaime at walang ginawa kundi ang manisi. Napipikon na sya kaya gusto nyang turuan ng leksyon.

*****

Sa resort dumiretso sila Nadine at Nicole kung saan madalas naglalagi si Eleanor.

"Ate, paano mo nasisiguro na andito nga sya?"

"Dahil chineck ko at siniguro kong hindi sya aalis agad!"

'Jusmiyo! Nakakatakot na itong Ate ko!'

Pero pagdating nila ng resort, nakita nila si Eleanor na patakbong lumalabas.

"Uh, oh! looks likes someone is upto something!"

Bulalas ni Nicole.

"Ihinto mo!"

Sabi ni Nadine.

Sasagot pa sana si Nicole para sabihing huwag ng bumaba at sundan na lang natin si Eleanor, pero nabuksan na ni Nadine ang pinto kaya napilitan si Nicole na huminto at dali dali namang lumabas si Nadine.

"Eleanor!"

"Nadine?!"

Gulat na bulalas na sabi ni Eleanor.

"Where do you think your going? Pupuntahan mo ba ang magaling mong anak na kinidnap ang anak ko at apo?"

"Paanong .... ?"

'Lintek na Ethan yan! Ano na naman ba itong pinasukan nya?'

'Kung alam ko lang na puro gulo lang ang gagawin nitong si Ethan dito sa Pinas, disin sana hindi ko na pinilit na magbakasyon dito!'

Sising sising buntunghininga ni Eleanor.

"Bakit hindi ka makapagsalita dyan Eleanor? Saan dinala ng anak mo ang anak at apo ko?"

"Teka lang Nadine, huminahon ka nga muna!"

"Bakit Eleanor, huwag mong sabihin na wala kang alam sa pinagsasabi ng Ate ko? Nagmamadali ka, saan ka pupunta?"

"Teka lang! Huwag nyo nga akong pagtulungan na dalawa!"

"Pwede ba Eleanor, tigilan mo na 'to! Sabihin mo na kung saan dinala ng anak mong si Ethan ang anak kong di Khim at ang apo kong si Karla!"

Nagpupuyos sa galit si Nadine kaya malakas ng boses nito at dinig ng mga nasa malapit.

Medyo nakaramdam tuloy ng hiya si Eleanor dahil pinagtitinginan na sila.

"Eleanor, kung ako sa'yo huwag mong kunsintihin ang kalokohan ng anak mo. Mananagot sya sa batas sa ginawa nyang pagkidnap kay Khim at Karla!"

Sabi ni Nicole.

"Teka lang sandali! Ano bang kinidnap ang pinagsasabi nyo?

At paano napasama ang apo mong si Karla eh si Khim lang ang kasama ni Ethan ko! At ang sabi ng anak ko kaya nya isinama si Khim para tulungan sya papunta kay Kate!"

"At sa tingin mo maniniwala kami na naniniwala ka sa kwento ng magaling mong anak?"

"Alam ko! Kaya nga pupuntahan ko sya para makausap at mapigilan!

Nasaan ba kasi si Jaime, bakit di nya napigilan iyong ginawa ni Ethan?"

*****

Samantala, natuklasan na ni Ethan na nasa sasakyan si Karla.

"Anong ginagawa ng batang yan dito? Papaano sya napunta dito?"

Inis na tanong ni Ethan.

Agad itong lumabas ng sasakyan para buksan ang likod upang kunin si Karla.

Sa takot ni Karla tumakbo ito kay Khim at umakap.

"Tita Khim, huhuhu! Takot ako! Uwi na po tayo!"

"Huwag kang matakot, hindi kita iiwan!"

Alo ni Khim sa bata.

"NO! Hindi pwedeng sumama yang batang yan sa pupuntahan natin! Kailangan syang maiwan!"

Singhal ni Ethan.

Nagtungo ito sa passenger seat at pilit na kinukuha ni si Karla kay Khim pero mahigpit ang pagkaka akap ng dalawa.

Sa inis ni Khim, sinipa nya si Ethan ng sinipa at lumabas ng sasakyan saka lumayo kay Erhan.

"At anong gagawin mo sa bata, basta mo na lang iiwan dito? Baliw ka na ba Kuya Ethan, sa tingin mo ba basta basta na lang kita susundin?"

Marami ang naroong nagdadaan kaya nadinig nila ang nangyayari.

"Tulungan nyo po kami! Kinidnap nya po kami! TULONG!"

Sigaw ng pagmamakaawa ni Khim.

Hindi pa sya nababaliw na magpapauto dito kay Ethan.

"Khim, will you shut up!"

Iritang suway ni Ethan.

"No Kuya Ethan! Gusto na naming umuwi ni Karla! Uuwi na kami dahil natatakot na kami sa'yo!"

Marami ang ususero na lumalapit pero ayaw makialam. Andun lang sila para maki usyoso.

Naiinis tuloy si Khim habang di Karla ay patuloy sa pagiyak. Takot na takot.

"Okey! Kung gusto mong isama ang bata sa pupuntahan natin, FINE! Isama mo na sya pero patahimikin mo sya! Now get in the car!"

Pautos na sabi ni Ethan.

"NO! Hindi kami sasakay! Gusto na namin umuwi!"

Sa pagkakataong ito napikon na si Ethan at naglabas na ng baril at tinutok kay Khim.

"Now, are you going to follow me or not?"