webnovel

The White Curse

Auteur: lululunaaaaa
Fantastique
Actuel · 9.7K Affichage
  • 3 Shc
    Contenu
  • audimat
  • N/A
    SOUTIEN
Synopsis

Chapter 1Chapter I

Malungkot kong pinagmasdan ang mga batang malayang naglalaro sa  labas ng kanilang bakuran, nais ko mang lumabas para makipag laro ngunit alam kong hindi ito maari.

Natigil ako sa pagmamasid ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid kaya't dali dali akong tumungo sa tokador at agad na umupo na parang walang nangyari.

"Pasok po kayo."

Iniluwa ng pinto ang aking napaka gandang ina ngunit natigilan ako ng napansing parang kagagaling lamang ito sa pag iyak.

"Ina? Ikaw ba'y umiyak?"

"Huwag mo akong alalahanin napuwing lamang ako sa aking paglinis kanina."

"Ina, maari na po ba akong lumabas ng bahay?" Nagbabaka sakali kong tanong ngunit alam ko naman ang magiging sagot nun.

"Pasensya kana anak ngunit hindi maaari para naman ito sa iyong kaligtasan." Mahinhing ani ni Ina habang hinahaplos ang aking puting mahabang buhok.

Agad akong tumayo galing sa pagkaupo at tumungo sa bintana ng aking silid, sa aking edad alam ko kung ano ang aking pagkakaiba sa ibang mga bata, hindi man sabihin saakin ni Ina ay alam kong para ito sa aking kaligtasan,

Minsan ko ng sinubukang lumabas ng bahay ngunit nung sandaling lumabas ako ito ay naging isang pangyayaring hindi ko inaasahan kailan man.

Tahimik akong lumabas sa aking silid at tumungong pintuan sa likuran ng bahay madali kong sinarado ang pintuan at tinungo ang daan palabas ng bakuran.

Nakita ko ang mga batang kasing edad ko na naglalaro ng tagu taguan natawa ako ng makitang sa maling daan ang tinahak ng lalaki ang kaniyang mga kasama naman ay tahimik na tumawa.

"Magandang araw kaibigan pwede ba akong sumali sa inyong laro?"

Bumaling ang tingin ng babae saakin, nanlaki ang kaniyang mata na parang nakakita ng multo nang makita ako.

"Engkanto!" Sigaw ng babae sabay takbo niya na sinundan naman ng kaniyang mga kaibigan, naiwan akong mag isa sa  maliit na kagubatan.

Meron bang mali saakin? Hindi naman ako engkanto ah, pero sa aking nakita sa ekpresyon ng babaeng iyon parang nakakita siya ng multo.

Napayuko lamang ako at inayos ang manipis na takip sa aking mukha.

Nagpatuloy ako sa paglalakad  habang pinagmamasdan ang paligid, ang malamig na simoy ng hangin ay humampas sa puno kadahilang ito ay sumayaw, mabangong halimuyak ng mga pulang rosas at higit sa lahat ang malinis na tubig ng talon na umaagos na nang galing sa kabilang bayan.

Naglakbay ako at napansing dinala ako ng aking paa sa isang pamilihan, hindi gaano karami ang tao ngunit hindi ito naging hadlang para sumara ang pamilihan, nilibot ko ang pamilihan at may nakita akong isang silid na madilim dahil sa matinding curioso ay hinawi ko ang telang hanggang lupa na nagsilbing pintuan ng silid

"Pasok ka hija."

Napabaling ang aking atensyon sa isang babaeng umuupo at sa kaniyang harap ay mayroong bolang kristal, mahinhin akong umupo at nag napansin ko ang babae na nakapikit at parang may sinasabing hindi pamilyar na lengwahe, ang aking kamay na nakapatong sa lamesa ay agad niyang hinablot at hinihimas, bigla niyang binitawan ang aking kamay na parang na kuryente.

"Ano pong nangyari? Bakit po parang na kuryente kayo sa aking kamay?" Inosente kong tanong sa babae, pareho kaming may takip sa mukha pero dahil sa kaniyang pagkabigla ay nahawi ang kaniyang takip sa mukha.

Lumantad saakin ang babaeng napaka puti ang kaniyang lilang matang nakakahumaling, ang manipis na labi niya ay napaka pula at ang kaniyang puting balat na nakapag tingkayad sa kaniyang napaka gandang mukha.

Napanganga ako saaking nakita para itong anghel na bumaba sa langit napakaputi niya gaya ng saakin ngunit ang aking pinagka iba ay ang aking asul na mata.

"Ikaw ang puting babaeng may sumpa."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Anong sumpa? Sabi saakin ni Ina ay pinanganak talaga akong maputi.

"Kung sa gayon ang iyong Ina ay nagsi sinungaling, ikaw ay ang puting babaeng may sumpa, saaking pagkaka alam nag umpisa ito sa magkasintahang nag mamahalan, ngunit may isang kaibigan ang mahal na hari na gusto siyang maging kabiyak ngunit tanging kaibigan lamang ang pagtingin ng mahal na hari sa kaniya, simula nung pinakilala ng hari ang kaniyang kasintahan sa imperyo ay hindi na ito lumingon pa sa ibang babae, isang araw ang kaibigan ng hari ay galit na galit dahil hindi na siya nito pinapansin galit na pumunta ang babae sa kagubatan at ayon sa mga matatanda ay hindi na ito nagpakita kailan man, namuhay ng matiwasay ang magkasintahan hanggang sa isang araw ay may dumating na magandang balita ito ay magkakaroon na sila ng anak alagang alaga ang hari sa kaniyang reyna at makalipas ang walong buwan na pagbubuntis ng reyna ay biglang bumalik ang babaeng kaibagan ng hari galing sa napakagandang dalaga hanggang sa naging isang mangkukulam ito ani ng mga nakasaksi ay sa araw na manganak siya ay magiging ka sumpa sumpa ang kaniyang anak, ng sa pagkaluwal ng sanggol ay namatay ang reyna, ma ingat na kinandong ang hari ang kaniyang munting prinsesa ngunit ilang minuto ay parang na kuryente ang hari kaya't napabitaw ito sa kaniyang pag ka kandinh mabuti nalang sa isang malambot na kama ito nahulog ngunit dahil sa pagdadalamhati ng hari ay pinatapon niya ito sa napakalayong ibayo at simula noon ay hindi na nahanap ang batang may puting sumpa"

Napa nga nga ako sa kwento ng magandang babae ngunit napansin kong maingay sa labas dahil sa ingay ay napag pasyahan kong lumabas ng hinawi ko ang tela sa pintuan ay nakita ko ang dalawang babae nag tsi tsismisan.

"Magandang hapon ho, Ano ho ang nagyayari? Bakit po nagkaka gulo?"

"Hindi mo ba alam hija na ang malaking bahay sa kagubatan ay nasu-sunog dahil may naka tira daw na engkanto doon."

"Oo hija ani pa ng mga bata kanina ay nakakita raw sila ng engkanto."

Napatigil ako at wala sa sariling tumakbo patungong kagubatan sa pagpasok ko palang sa gubat ay kitang kita ko na ang maitim na usok, kaya't mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo, dahil sa kaba ay hindi ko na napansin na lumuha na pala ako ng walang dahilan, ang aking puso ay parang kabayo na tumakbo ng makarating ako sa harap ng maraming taong may dalang mga armas, nagtago ako sa madilim na parte ng gubat at pinagmamasdan ang mga pangyayari, nakita ko ang aking ina na nagtangkang lumabas sa bahay ngunit tinapunan lamang ito ng mga matatalim na armas kaya ito napabalik sa loob, tatakbo na sana ako papunta roon ng may biglang humatak saakin at tinakpan ang aking bunganga ng makalayo kami ay napansin kong binitiwan na ako nito at tinanggal na nito ang pagka takip saaking bunganga.

"Hija tumahimik ka."

Binalingan ko ng atensyon ang matandang babaeng humatak saakin

"Lola kailangan ko pong bumalik ang aking Ina ay nasa panganib."

Sinubukan kong umalis pero pinigilan ako nito at tinakpan muli ang aking bibig, may nakita akong grupo ng mga lalaki at babaeng may dalang ilaw sa kahoy at madaling tumakbo patungo sa ibang direksyon.

"Hanapin niyo ang engkanto!"

Rinig kong sigaw ng lalaki at papalayo na ito saaming direksyon, kumalma ako at hinarap ang matanda.

"Lola bakit po ninyo ako tinatago diba dapat hulihin mo rin ako?"

"Hindi kita sasaktan hija kaya humayo kana at pumunta sa dulo ng ikalawang gubat pumasok ka sa malaking puno sa ilalim nito ay may daan hawiin mo lamang ang mga naka tabon na halaman doon, doon ka muna manirahan dahil walang nakaka alam saiyo."

Kurioso akong timingin sa matanda at ng may nakita ulit akong grupo ng lalaki ay agad akong tinulak ng matanda patungo sa tinuro na daan.

"Bilisan mo mukhang may nakakita saiyo kanina tumakbo kana hija iligtas mo ang iyong sarili."

Ani ng matanda at tumakbo patungo sa mga mga grupong naghahabol saakin at nakita ko na tinuro niya ang maling direksyon agad namang nagtakbuhan roon ang mga tao at nakita kong binalingan ako ng tingin ng matanda at tumango ito bago sumunod sa kaniyang kasama.

Sinonud ko ang sinabi ng matanda at pumunta ako sa lugar na kaniyang sinabi

Hinihingal akong napa upo sa aking higaan ng na panaginipan ko na naman ang ala alang pilit kong kinalimutan, agad kong inalis ang luhang lumandas sa aking pisnge.

Anim na taon na simula nung nangyari iyon pero pilit parin akong bina balik balikan ng mga ala alang pilit kong kinalimutan.

--

Vous aimerez aussi

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · Fantastique
Pas assez d’évaluations
33 Chs

audimat

  • Tarif global
  • Qualité de l’écriture
  • Mise à jour de la stabilité
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte mondial
Critiques
Pleurage! Vous seriez le premier commentateur si vous laissez vos commentaires dès maintenant !

SOUTIEN