webnovel

The More You Hate, The More You Love

Auteur: arrette
Fantastique
Terminé · 339.3K Affichage
  • 65 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Love VS Hate Love is a positive feeling whereas hate is a negative feeling. In its active form, love is creative and protective, while in its active form, hate is destructive. Dalawang taong sa una ay hindi gusto ang isa't isa dahil sa mga dahilan na walang naging paliwanag. Pero paano kung maging malinaw na ang lahat? Magkaroon kaya ng chance para sa kanila? Pwede bang maging love ang hate? Hello po sa inyong lahat! This is my third novel in Filipino and sana po, katulad noong 2 na nauna, ay magustuhan n'yo din ito. Salamat po!

Chapter 1Chapter 1

LOVE encompasses a range of strong and

positive emotional and mental states,

from the most sublime virtue or good habit,

the deepest interpersonal affection and to

the simplest pleasure.

The more you hate, the more you love.

The more you go, the more I come.

The more you smile, the more I cry.

The more you hurt, the more I broke.

The more you leave, the more I want.

The more you are, the less I am...!!!

- Kamu Pillai -

"Sige na naman, Ley. Please, naman. Sige na..." Kanina pa siya kinukulit ng kaibigan. Nakasunod ito sa kanya na parang aso. Lahat ng puntahan niya sa loob ng kanilang condo unit ay nakasunod ito. "A Y O K O!" Sagot ni Hayley. "Para din naman sa'yo 'to." Muling nagsalita si Ashley. "Lil, tulungan mo naman ako dito." Sigaw ni Ashley sa kaibigan na nakahiga sa sofa na nasa sa sala. "Hay, tama si Ash. Forget your bastard ex. He doesn't deserve you. Kawalan sa kanya ang isang gaya mo." Sabi ni Lily. "Halos isang buwan ka ng nagkukulong dito sa bahay." Sabi ni Ashley. "Correction, nasa labas po ako kapag umaga." Sabi ni Hayley habang naghahanda ng kanilang breakfast. "Yeah, office, bahay, bahay, office. That's you're everyday routine. Kahit nga grocery eh kami na ni Lil ang gumagawa. Buburuhin mo ba ang ganda mo dito sa bahay?" Patuloy ni Ash. "Lumalabas din naman ako ah." Sabi ni Hayley. "Yeah, right. Lumalabas ka just because you have to meet your client or you're with that old man." Sabi ni Lily. "Stop calling him old man. Remember, siya ang nagpapasweldo sa inyo." Seryosong sabi ni Hayley. "Sorry. Pero ano ba talaga kayo? I mean, lagi na kayong laman ng magazines and newspaper but you never cleared your names." Tanong ni Ashley. "Alam mo na ang sagot ko d'yan 'di ba?" Balik na tanong ni Hayley. "Yeah, yeah, father and daughter thingy." Sabi ni Ashley. "Pero balik sa topic, sige na, sama ka na please...?" Muling kulit ni Ashley kay Hayley dahilan para mapabuntong-hininga siya. "Fine! But, this will be the first and last. Hindi ko maintindihan sa inyong dalawa. You are the two top models of the company and yet, you're doing blind dates?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hayley. "Well, we're doing this with some other models too. Nakakastress din naman kasi maghapon maglakad sa runway kaya we're just doing it for fun." Sagot ni Lily. "Meeting other people or rather gorgeous hunks will make you forget your asshole ex." Sabi ni Ashley. "I'm already over him. Nakakainis lang talaga ang pangungulit mo. At alam ko naman na hindi mo ako titigilan hanggang hindi mo ako napapa-oo." Iiling-iling na sabi Hayley. "100% correct." Sabi ni Ashley at nag-apir sila ni Lily dahil napapayag na nila si Hayley na sumama. "Kumain na tayo, ayokong malate dahil sa kabagalan n'yong dalawa." Aya ni Hayley sa dalawang matalik na kaibigan.

Hayley Acosta...isang ulilang lubos. Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa karamdaman at nasa college na siya ng mangyari iyon. Minsan ay gusto niyang matawa sa kanyang mga magulang dahil pinanindigan nila ang mga binitawang salita noong ikasal ang mga ito. "Till death do us part", sabi nga. Hindi sila mahirap pero hindi din naman sila mayaman pero binigay sa kanya ng kanyang magulang ang lahat ng pangangailangan niya lalo na sa kanyang pag-aaral. Nang mawala ang mga ito ay hindi naman siya nahirapan sa pag-aaral dahil may scholarship siya sa De La Salle-College of Saint Benilde. Graduate siya ng Bachelor of Arts in Fashion Design and Merchandising at hindi naman siya nahirapan maghanap ng trabaho dahil talagang may talento siya. Agad siyang natanggap sa Kleid Moda, isa sa pinakamalaki at pinakakilalang fashion brand sa Pilipinas. At dahil sa kanyang talento, isa na siya sa top designer ng nasabing brand. Dito niya nakilala sila Ashley at Lily na top models ng Kleid Moda. Naging malapit sila sa isa't isa. Seckreto ng isa, sekreto ng tatlo, iyak ng isa, iyak nilang tatlo, tawa ng isa, tawa nilang tatlo. Dahil halos hindi sila mapaghiwalay ay naisipan na nilang magrent ng isang malaking condo sa Makati. Hati sila sa lahat ng gastos. Noong una ay may schedule sila kung sino ang magluluto at magpupunta sa mall para sa grocery pero magmula ng makipagbreak si Hayley sa ex-boyfriend niya ay halos sila Ashley at Lily na ang bahala sa grocery at si Hayley ang nagluluto. (Nakipagbreak si Hayley sa kanyang ex-boyfriend dahil nag-two-time ito.)

Pagkatapos kumain ng breakfast ay naghanda na ang tatlo para sa pagpasok sa Kleid Moda. "Alam mo, kung hindi ka namin kilala, pagkakamalan ka naming estudyante na naligaw lang sa KM." Nakangiting sabi ni Ashley na nakatingin sa damit ni Hayley. Nakasuot siya ng tattered jeans, puting t-shirt na pinatungan ng black na cardigan at pagkatapos ay suot ang simpleng sneakers sa paa. "Yeah, sinasayang mo ang blessings na binigay sa'yo ni Lord." Sabi ni Lily na nakatingin sa kanyang dibdib pababa sa maliit niyang bewang. "Hindi ako nagdi-design ng damit para sa akin. Ginagawa ko ang mga iyon para sa inyo. Tara na nga at baka malate pa ako sa meeting." Sabi ni Hayley. "Meeting with the President?" Tanong ni Ashley. "Yeah, last meeting to be exact." Nakita nila Ashley at Lily ang lungkot sa mata ni Hayley. Alam nila na sobrang close ng dalawa. Minsan ay gusto na nilang pagbabatukan at pagsisipain ang mga gumagawa ng maling balita sa dalawa pero sinasabi lang sa kanila ni Hayley na hayaan na lang dahil wala naman siyang ginagawang masama. Ama ang turing ni Hayley sa may-ari ng Kleid Moda at isang anak na babae ang turing nito sa kanya. Alam ng boung Kleid Moda ang relasyon nila kaya walang tsismis na kumakalat sa loob ng nasabing fashion brand. Noong una ay nahirapan si Hayley sa mga tsismis sa loob ng company pero dahil sa suporta ng dalawang kaibigan at ng may-ari mismo ng Kleid ay naging maayos ang lahat. Ang nagiging problema ay ang sa labas na ng company kung saan iba-ibang tsismis ang kumakalat.

"Bakit?" Halos sabay na tanong nila Ashley at Lily. "He's not getting any younger. Gusto naman niyang ma-experience ang buhay na walang stress. Mag-retire na siya and his son will take over." Sabi ni Hayley. "May anak siya?" Gulat na tanong ni Lily. "Akala ko matandang binata siya?" Gulat na tanong din ni Ashley. "Yeah, lumaki siya from the States with his mom. Nito ko na lang din nalaman 'yung sa anak niya. Tinago niya iyon for security. They've been married sa States and from then on, doon na nagstay yung mag-ina niya." Sabi ni Hayley. "Kaya pala every month eh nagpupunta siya sa States." Sabi ni Ashley na tinanguan ni Hayley. Biglang tumunog ang phone ni Hayley.

"Yes, Tito Leo?" Sabi ni Hayley. "Bakit ang tagal mo naman bunso. Naiinip na ko dito." Nagmamaktol na sabi ng boses sa kabilang linya. "Sorry, Tito, I'm on my way. Ang tagal kasi nila Ash at Lil." Nakangiting sabi ni Hayley na naging dahilan para taasan siya ng kilay ng dalawang kaibigan. "Okay, bilisan mo, nakakadalawang kape na ko dito." Muling sabi ng nasa kabilang linya. "I told you, coffee is bad for your health." Inis na sabi ni Hayley. "Just joking. Hurry up, I'm giving you 5 mins." Sabi ng nasa kabilang linya. "Make it 10, bye!" Sabi ni Hayley at pinindot na ang end call. Sumakay na sila sa FJ Cruiser at umalis na sa underground parking ng kanilang condo.

Vous aimerez aussi

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · Fantastique
Pas assez d’évaluations
28 Chs
Table des matières
Volume 1

SOUTIEN