Hanggang ngayon ay titig na titig parin sya sakin. Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mata dahil sa naiilang ako pagkatapos ng nangyari.
Nakabihis narin ako.
Nasa kabilang sofa sya habang nakatitig sakin ng diretso. Hindi ko kayang tignan sya pabalik dahil sa kahihiyan. Nilalaru-an ko ang magkabila kong kamay habang nakayuko.
"I dont meant it. I'm sorry for what happen, Mary. Please forgive me." Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko tska sya tinignan pabalik sa mata.
"Kalimutan na natin iyon. Pasensya narin." Sabi ko tsaka yumuko ulit. Narinig ko ulit ang munti niyang buntong hininga.
"I dont know what I did. I just cant control myself. Im a boy and every girls knows what boy is it." Nakagat ko ang labi ko ulit sa kahihiyan. Sobrang nag-iinit ang mag kabila kong pisnge dahil sa nangyari.
Ang lalaki ay nagpa-kalalake lamang .Hindi iyon maiiwasan lalo na't hihilahin sila sa huwisyo at usbok ng kanilang damdamin. Maging kami rin namang mga babae ay kahinaan namin ang ganoong bagay. Kaya siguro may iilan naring sumuko at literal na ibinigay ang bandila na dapat pinoprotektahan hanggat hindi pa kasal.
Napagpasyahan kong umuwi dahil mag aalas tres emedya narin. Hinatid ako ni Matteo sa Bar na walang imikan. Gamit ko parin ang jacket niya habang niyayakap ko ang aking sarili. Hindi kami nag-uusap maging sa byahe.
Nang makarating kami sa bar ay inihinto niya ang kotse sa parking area tsaka ako lumingon sa kanya.
"Salamat / Thankyou." Sabay naming dalawa kaya napahigpit ang hawak ko sa jacket na suot ko.
Nag-iwas sya ng tingin sakin tsaka binaling ang tingin sa manebela na hawak niya.
"Are you angry Mary?" Umiling ako agad sa tanong niya.
"Hindi.. Hindi ako galit sayo. Bakit naman ako magagalit?" Ngumiti ako pagkatapos sabihin iyon. Gusto kong tapakan ang kahihiyan na bumabalot sakin ngayon.
"I hope were still friends, after what happen lately." Saad niya tsaka ako tinignan sa mata. "I want to be your friend Mary, and im glad if you ." Tumango ako sa sinabi niya. Bakit hindi? Gusto ko rin syang maging kaibigan.
Alam kong pareho kaming naiilang sa nangyari kanina kaya walang masama kong makikipagkaibigan ako sa isang tulad niya.
"Oo naman!" Masaya kong ani kaya nakita ko ulit ang mga ngiti niya.
"You have my word, Mary. This is will be the very sweet night, and i cant ask for more on that. Thank you for accepting my apology through out and in." Seryoso niyang saad sakin sabay hawak niya sa balikat ko. Sinundan ko ang kamay niya na namamahinga saking balikat.
Sweet night? Hindi ko alam pero para akong kiniliti sa katagang iyon. Parang may gustong tumulak sakin na layuan si Matteo at hindi ko rin alam kong bakit naiisip ko iyon.
Pasok na ako sa loob." Iba ko sa usapan tska niya binitawan ang balikat ko.
"Hatid na kita sa loob," Anyaya niya kaya umiling ako agad.
"Huwag na Matteo. Okay na ako dito." Saad ko tsaka dali-daling tinanggal ang seatbelt. Narinig ko ang buntong hininga nya tsaka ko sya tinignan na may ngiti. "Salamat sa pagkain. Sobrang sarap mong mag luto." Huli kong sabi tska sya tinalikuran at bumaba agad sa kotse.
Naramdaman ko pang hindi pa niya pina'paandar ang kotse kaya lumingon ako saglit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mahuli ko syang nakatitig sakin mula dito. Napahigpit ang hawak ko saking dibdib tsaka ako kumaway bilang palisan ng kaba.
Kumaway rin sya sakin pabalik tska niya ako tuluyang iniwan.
Sobrang lambot ng tuhod ko pagpasok ko sa loob ng bar. Nakaramdam ako ng sarap sa pakiramdam at nakakadismaya na may pag alinlangan. Ang dami kong nararamdaman na hindi ko alam kong bakit.
Akala ko ba ay kay Rocky ko lang ito nararamdaman. Bakit pati kay Matteo? Normal ba ito?
Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan. Bumungad sakin ang mga kasamahan kong mahimbing ang tulog. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kama namin ni Ivony. Rinig na rinig ko pa ang iilang idlip ng mga kaibigan ko.
Hindi ko na magawang mag bihis dahil natatakot akong mahuli nila. Isa pa hindi ako nakapag-paalam sa kanila kanina at literal ko silang iniwan sa bar ng walang paalam. Sigurado kong si'sermonan nila ako bukas.
Handa ako para dun.
Bigla akong napahawak sa labi ko tsaka iyon hinimas ng ilang ulit. First kiss ko si Matteo at hindi ko iyon pinag-sisihan. Ewan ko pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Ginusto ko rin iyon ngunit nakakainis dahil sa taong mataas pa sakin.
Hindi ako ang tipo ni Matteo. Yun ang palagi kong sinasabi saking isipan. Mahirap ako mayaman siya. Sobrang mag kaiba.
Tulad ni Rocky. Mahal ko sya pero kaibigan lang ang tingin niya sakin. May mga bagay na kailangang isantabi at isipin ko nalang ang kabukasan ko dito sa Manila.
Pinikit ko ang aking mata habang yakap ang sarili. Napansin ko nalang bigla na suot ko parin ang jacket na pinahiram ni Matteo.
Inamoy ko ito hanggang sa tuluyan akong hinila ng antok.
"Saan kaya galing ang babaeng ito kagabi?"
"Bigla-bigla nalang nawawala at talagang iniwan tayo ulit sa ire."
"Baka sumama ulit kay Sir Matteo. Alam nyo ganyan yan si Maey eh. Bigla-biglang nawawala. Tapos malalaman nalang natin na sumama sya kay Mr. CEO."
"Kyah....omg hindi kaya boyfriend niya si sir Matteo?"
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko ng marinig ko ang iilang usapan sa loob ng silid.
"Ayan gising na ang prinsesa."
Dahan-dahan akong umupo sa kama tsaka isa-isang tinignan si Jessica, Ivony, Grace at Erika na nakaupo sa kanya-kanyang kama. Kumunot ang noo ko sa bawat titig nila sakin.
"Saan ka pumunta kagabi? Bigla ka nalang nawala sa bar. Sa pangalawang pag kakataon ay pinag-alala mo kami, Maey." unang salita ni Ivony kaya yumuko ako sa kahihiyan.
Nag-alala ang mga kaibigan ko at hindi ko manlang iyon naisip. Hindi ako nakapag text dahil sa wala na akong load. Pano ko sasabihin sa kanila na nasa bahay ako ni Matteo kagabi?
"Sorry guys. Kailangan ko lang mag pahangin at mapag-isa kagabi. Patawarin nyo ako." Mahina kong sabi sabay tingin kay Erika.
Sinundan nila ako ng tingin kaya nahuli nila akong nakatitig kay Erika. Tumayo si Erika pagkatapos kong sabihin iyon tsaka sya tuluyang lumabas ng silid.
"May nangyari ba kagabi?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Jessica sakin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May nangyari ba kagabi? Nawala ako sa sarili kong pag-iisip.
"Maey nag-away ba kayo ni Erika kagabi?" Dugtong ni Jessica kaya napapikit ako saglit.
Baliw kana Mary. Yan ang unang sumagip sa isip ko. Naiisip ko si Matteo sa tanong ni Jessica kaya tuluyan na talaga akong nahulog sa bangin.
"Nag kasagotan kami kagabi kaya umalis ako ng walang paalam." Direkto kong sagot kaya nagkatinginan silang tatlo.
"Kakausapin namin sya mamaya," Taas kilay ni Grace sa iritang tono. Alam kong nilalaniman niya ang kanyang pasensya para kay Erika. Kaibigan nila iyon at hindi nila magawang barangan at pagalitan.
"Im sorry ng dahil sakin nag kakaganon si Erika." Wika ko kaya umupo si Ivony sa tabi ko tsaka niya hinawakan ang magkabila kong kamay.
"Hindi mo kasalanan. Naging selfish sya at yun ang nakikita namin. Pareho namin kayong kaibigan at wala sa tagal ng samahan yan. Kaibigan ka namin, Maey. Kong may problema ka huwag kang mahiyang sabihin samin 'yon. Handa kaming makinig pati na sa totoong stadu nyo ni sir Matteo." Agad syang binatokan ni Grace sa huli niyang sinabi. Natawa ako bigla kahit na may namumuong luha saking mata. Hindi ko alam kong bakit nasabi iyon ni Ivony.
"Sira ka talaga noh? Ang chismosa mo Ivony. Hindi nga natin alam kong sila na ba." panga-nganchaw ni Grace kaya binatokan sya ni Jessica.
"Baliw. Dapat maging masaya lang tayo para kay, Maey." Wika ni Jessica kaya natampal ko ang aking noo.
Pareho-pareho lang pala silang lahat.
"Walang kami at tigilan nyo na yang iniisip nyo." Singit ko sa usapan tska tumayo sa kama at dali-daling nag tungo sa banyo.
Nilibang ko ang sarili ko sa pag-ligo. Hindi ko maiwasang kiligin sa sinasabi ng mga kaibigan ko. Oo kinilig ako sa unang pagkakataon. Minsan ay nahuhulog tayo sa isang bagay dahil sa katuwaan at alog ng mga kaibigan natin.