"Manang isali nyo narin itong tortang talong, pati 'yong kare-kare at ginisang itlog. Pati narin yong pancit, sinabawang baka at anim na kanin." Bulyaw ni Jessica kaya tawang-tawa kami. Ang dami niya kasing inorder.
Dito kami laging kumakain at malapit lang din ito sa bar. Ang kalenderya ni Manang kutseng. Kahit medyo mainit sa kalenderya ni Manang ay nadadala naman ito sa masasarap niyang luto.
Kasama ko ang apat, at kasali nadon si Erika.
"Manang maglagay ka nalang kaya ng aircon sa kalenderya mo." Pagmamaktol ni Grace kaya tinignan sya ng masama ni Manang. Nagtawanan kami ni Jessica at Ivony habang tahimik na kumakain si Erika.
"Maluluge ako niyan hija. Kong ganon ang mangyayari ay kulang ang binabayad ng mga kumakain dito para pambayad ng kuryente." Sagot ni Manang kaya kinati ni Grace ang kanyang batok..
"Joke lang manang. Eh kong araw-araw libre ang ginataang manok nyo, kaya naming mag tiis sa init." Dugtong ni Grace kaya nagtawanan kami ulit. Tawang-tawa si manang sa kakulitan niGrace.
"Oh mga pare, nandito ang mga magagandang waitress ng sweet bar," Sabay kaming napalingon sa iilang grupo ng kalalakihan na kararating lang. Umupo sila sa kabilang mesa na nagtatawanan.
"Naka table ko ang isa sa mga yan." saad nong isa.
"Ako nga eh.... naka one night Stand ko ang isa sa mga yan." natatawang sambit din nong isa. Lahat kami ay nagalit sa buka ng kanilang bibig. Pareho-pareho kaming nanlaki ang mga mata. Halos nasa amin ang tingin ng iba
Anong akala nila samin? Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Pilit ring kumakalma ang mga kaibigan ko.
"Wetwew hita palang ay ulam na mga pare," Wika nong isang lalaki kaya napatayo si Grace at agad syang hinila ni Ivony paupo pabalik.
Nakaramdam ako ng init sa katawan dahil sa galit. Hindi namin sila kilala at bawat buka ng kanilang bibig ay walang katotohanan. Walang Katuturan at lalong nakakabastos sa pandinig.
"Ang mga babastos eh. Bakit mo ako pinigilan?" Iritang saad ni Grace tsaka ito padabog umayos ng upo.
"Kalma Grace, nasa kalenderya tayo ni manang. Ayaw ko ng gulo." sagot ni Ivony na ikinangiwi ni Grace.
"Hayaan muna Grace, hindi sila nakakaganda. Ang papanget naman ng mga mukha." Taas kilay ni Jessica kaya dahan-dahang kumalma si Grace.
Siya yung tipong malakas magpatawa ngunit ang daling mairita.
"Nakakaasar lang kasi girls. Sisipolan pa tayo dun pa talaga sa mga panget. Nakaka high in low!" Pasigaw na sabi ni Grace rason kong bakit narinig ng apat na lalaki. Nagulat din kami sa ginawa niyang pag-sigaw.
Nakaramdam ako ng takot ng tumayo ang apat na lalaki at kita mula sa mukha nila ang galit. Lumapit sila samin na sobrang galit.
"Anong sinabi mo?" Hinampas ng lalaki ang mesa tsaka ito tinulak at natapon lahat ng pagkain namin.
Sabay kaming napatayo sa takot.
"Ang sabi ko ang panget nyo!" Bulyaw ni Grace kaya hinawakan sya ng lalaki sa may braso.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaya lumapit ako sa lalaki tsaka sya itinulak. Masyadong syang malaki kaya hindi ko magawang itulak.
"Bitawan mo ang kaibigan ko. Kasalanan nyo rin naman dahil nambabastos kayo." Bulyaw ko kaya inilipat ng lalaki ang tingin sakin.bBinitawan niya si Grace at agad akong hinawakan sa braso nito.
"Gustong-gusto ko sa mga babaeng palaban, dahil ganon din sa kama." tiim bagang niyang sabi. Halos tinignan niya ang buo kong katawan. Sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Gustohin mang lumaban ng mga kaibigan ko ngunit hinawakan si Erika at Grace ng dalawang lalaki. Habang nasa likod ko naman si Ivony at Jessica na humalukip-kip sa takot.
Nagsi-alisan na yung ibang kumakain habang takot na takot si manang.
"Boy huwag dito sa kalenderya ko please maawa kayo. Huwag nyong saktan ang mga babae." naiiyak na pasang-awa ni manang. Nakigpag laban ako ng titig sa lalaking ito. Ayaw kong mapadala sa takot kahit ramdam ko na ang sakit ng aking braso.
"Tumahimik ka matanda ka!" Sigaw ng lalaki na hawak ang braso ko. Nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya.
"Bitawan mo ko!" Pagbabanta kong sagot. Napalingon sya sakin na may pang-aasar na ngiti
"Sobrang ganda mo miss. Ilang lalaki na ang nakatikim sayo? Bakit hindi mo ako subukan at sigurado akong mag e'enjoy ka sa malaki kong dinadala." Nang-giit ako sa galit sa sinabi niya. Amoy na amoy ko ang mabahong alak sa bibig niya kaya para akong nasusuka.
"Bitiwan mo ako dahil mabaho pa sa tae yang hininga mo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Halos lumuwal ang mapupula niyang mata sa galit. Napapikit ako ng itinaas niya ang kanyang kamay at aakmang sasampalin ako ng bigla syang bumulagta sa sahig.
Nag-sigawan ang iilang tao sa paligid sabay ng pagtalon-talon ng puso ko.
"Oh my ghad!"
"Our night shinning armor."
Naramdaman ko nalang ang paghila sakin ni Ivony patungong gilid habang nilalabanan ni Matteo ang apat na lalaki. Bumulagta ang apat sa isang suntok lang ni Matteo.
Nag taasan ang kanilang mga kamay habang nakaluhod sa sahig. Napahawak ako saking dibdib. Kinaya niyang labanin iyon?
"Don't should ever touch my girl, you ugly creature." Literal kaming na panga-nga sa narinig. Sobrang galit ng boses ni Matteo.
My Girl? Sino samin? Ewan ko pero parang may kumiliti sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon.
"Pasensya na boss hindi na mauulit. Pasenya na po talaga." Paulit-ulit silang yumuko sa harap ni Matteo na para bang sumasamba.
Naramdaman ko nalang kiliti ni Ivony sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya na nakanguso. Nagkibit ako ng balikat sa mga kaibigan ko dahil hindi ko rin alam kong bakit nandito si Matteo.
"Can you get away from me basstard!" Sigaw ni Matteo kaya natatarantang tumayo ang apat tsaka ito nag uunahang lumabs ng kalenderya.
Panay ang kilig ng tatlo sa nangyari. Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib ng dahan-dahang lumapit si Matteo sa direksyon namin.
"Okay lang ba kayo?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat tsaka ako sinuri ng paulit-ulit.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ekpresyon ng kanyang mukha ngayon. Ang kunot noo nito, ang kanyang nakaawang na labi at namumulang pisnge sa galit. Halos sumabog si Matteo sa galit. Hindi ako makasagot sa sobrang literal natameme. Panay tingin niya sa braso ko kong saan hinawakan ng lalaki kanina.
"Sir naraming salamat sa paglitas samin." Hinila ako ni Grace kaya napabitaw si Matteo sa braso ko. "Sobrang natatakot kami kanina at nasaktan si Maey sa braso, Sir." naiiyak na dugtong niya.
Itinaas ni Grace ang braso ko at namamaga nga ito. Agad ko yung binawi tsaka itinago pagilid. Sinundan ni Matteo ang braso ko at lumapit sya sakin tsaka niya inangat ang braso ko ulit.
"I will kill them," Bagsak boses nito kaya agad kong binawi ang braso ko ulit.
"Okay lang kami. Huwag kang mag-alala hindi naman masyadong masakit." Agad kong sambit.
"Ano ba yan. Gutom na gutom na ako. Tapos nasayang lang ang mga inorder nating pagkain dahil sa mga mukong na yun." Sabay kaming napalingon kay Ivony sa pag mamaktol niya.
"Wait," Saad ni Matteo tsaka nagtungo kay manang. Hinalbot niya ang kanyang pitaka sa bulsa tsaka ito nagbilang ng iilang libong pera. Nanlaki ang mata namin dahil sinundan namin ang bawat pagapag ng pera at limang libo iyon.
"Im sorry madamme. I will pay all the damage. Please take this money for resemberance." Literal nanlaki ang mata ni nanang sa pormal na saad ni Matteo.
"Naku hijo sobra-sobra na ito, mga five hundred lang iyang mga nawasak na baso at pitsel." Binalik ni manang ang pera ngunit ibinalik ulit ni Matteo sa kanya.
"Please madamme." Tinignan kami ni Manang tsaka kami tumango bilang pagtanggap niya. Malaking tulong narin iyon sa kalenderya niya. Dahan-dahang tinanggap ni manang ang pera tsaka ito ngumiti.
"Maraming salamat hijo, kaawaan ka ng Diyos." Yumuko si manang pagkatapos sabihin iyon. Bumalik si Matteo sa gawi namin at todo kilig naman ang mga kaibigan ko.
"I will treat all of you for breakfast." Saad niya tsaka kami isa-isang tinignan.
"Matteo huwag na. Okay lang kami." Dali-dali kong sabi.
"Maey gutom na ako." maarteng singit ni Grace.
"Gusto ko ng kumain." Mangiyak-ngiyak ni Ivony.
"Ang sakit-sakit na ng tiyan ko." Sambit ni Jessica at alam kong nag da'dramahan lang silang lahat.
"Libre mo sir diba?" Agad akong napalingon kay Erika sa biglaang pagsambit niya. "Gutom narin ako kaya huwag ka ng mag inarte dyan, Maey." dugtong niya pa.
Hindi ko alam kong anong dapat isasagot sa mga sinabi nila. Tanging pag hila nalang ni Ivony ang nag pagising sakin tska kami nagtungo sa kotse ni Matteo. Binuksan ni Matteo ang bawat pintoan kaya dali-dali silang pumasok sa likod ng driver seat at tsaka ako sumunod sa kanila.
"You will sit beside me." Direkto niyang sabi tska ko tinignan ang mga kaibigan kong may ngiting pang'aasar.
Dahan-dahan akong pumasok sa tabi ng driver seat habang humalukip-kip. Sinundan ko sya ng tingin sabay ng pag tili ng mga kaibigan ko..
"Kyaaaah ang gwapo talaga at ang bango pa."
Kilig nila sa likuran kaya lumingon ako dun at dinilatan sila sa mata. Nakakahiya baka marinig pa ni Matteo. Pumasok si Matteo na may pag tataka at mukhang narinig yata ang sigawan nila Ivony mula sa labas.
Isa-isa niya kaming tinititigan at napili niya lang na tumahimik. Nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant.
Bumaba kami at gaya ng kanina pinagbuksan ulit kami ni Matteo ng pintoan. Panay naman ang kilig nila habang sumusunod kami ni Matteo papasok sa loob ng resto.
"What do you want to eat, Mary?" Baling niya sakin tsaka ako hinilahan ng upoan.
Aakmang hihila ulit sya ng upoan para sa mga kaibigan ko ng biglang sumambat si Jessica.
"Kami na sir. Masyado naman kayong gentlemen. Okay na kami para kay Maey." Kindat ni Jessica sakin tska kami umupo sabay.
Pinagitnaan namin ang mahabang mesa habang nasa kabila ang apat at katabi ko naman si Matteo. Pagkatapos naming umorder ay agad sumungkab ang apat sa iilang pagkain. Napailing ako sa ngiti dahil gutom nga talaga sila. Ginalaw ko ang pag-kain ko na walang imikan. Sa totoo lang ay nagugutom narin ako.
"Ang sarap-sarap ng mga pagkain dito Sir. Firstime kong pumasok dito." saad ni Grace habang ngumunguya ng pag-kain.
Narinig ko ang mumunting tawa ni Matteo kaya itoy nag patindig ng balahibo ko. Anong klasing tawa iyon? Ngayon ko pa iyon narinig. Kakaiba ang tawa ni Matteo ngayon.
"Eat all you can girls. Its my treat and dont worry I will bring you all here again." Dali-dali kong nilunok ang pagkain tsaka sasagot na sana----
"Naku sir nakakahiya pero mukhang gusto rin yan ni Maey." Singit ni Jessica kaya nanlaki ang mata ko. Agad kong tinignan si Matteo na nakangiti na sakin ngayon.
"I like your friends." Wika niya kaya tumili ang tatlo sa sinabi ni Matteo.
"Omg sir Matteo we like you too." ani ni Grace na kilig na kilig.
"Thankyou for liking us sir Matteo." Kilig ni Jessica.
"We like you too sir, for our friend Mary exactly." Kindat sakin ni Ivony kaya agad akong napaubo sa sinabi nilang iyon. Nahihiya na ako sa posesyon ko ngayon. Hindi ko alam kong saan nagmana ang mga ito at talagang ma stre'stressed na ako dito.
"I like Mary too," Saad ni Matteo kaya nalunok ko bigla ang manok ng mabilisan.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya sakin. Umiwas ako ng tingin ng marinig ko ang pagtikhim ng mga kaibigan ko.
"Talaga sir?" Ngiting aso ni Ivony. "Gusto mo ang kaibigan namin?" ulit niya pa na ikinapikit ko sa kahihiyan. Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginit ng mag kabila kong pisnge.
Dinilatan ko sila bilang pananahimik sa mga bibig nila.
"She's nice and beautiful." Dugtong niyang sabi sabay tingin sakin ulit. Ano ba itong napasokan ko?
Sobrang laki ng mga ngiti ng kaibigan ko habang seryoso at tahimik lang nakatingin si Erika samin. Hindi ko alam kong bakit niya sinasabi samin ito ngayon. Gusto niya ako? Nahihibang na yata sya.
"Ikaw Maey huh... maypa alone-alone ka pa kagabi." Natatawang sambit ni Grace sakin kaya kumunot ang noo ni Matteo.
"Alone? Lastnight?" Ulit niya kaya kinabahan ako bigla. Dinilatan ko si Matteo ngunit hindi ito tumitingin sakin.
Patay!
Walang alam ang mga kaibigan ko nito. Please naman huwag ngayon.
"Oo sir, nagkasiyahan kasi kami sa kabilang bar kagabi. Tapos bigla-bigla nalang syang nawala. Kong alam nyo lang talaga sir. Mahilig yang sarilanin ang problema. Hindi marunong mag share." Pag-mamaktol ni Grace kaya napahawak ako ng mahigpit sa kobyertos.
Sana hindi humantong dun. Please Matteo huwag na---
"But shes with me lastnight." Literal silang napa nga-nga sa sinabi ni Matteo. Nasa akin ang tingin nilang lahat na tila nang-aasar na may ngiting malademonyo.
"Talaga po sir?" Sabay ng tatlo.
"Yes, she's in my house lastnight." Ang kaninang naka nga-nga nilang mga bibig ngayon ay sobrang laki.
Napaubo si Grace kaya agad ko syang binigyan ng tubig. Hinimas-himas ni Ivony ang kanyang likod dahil sa pag kagulat nito. Panay ang ngiti ni Matteo habang nakatingin sakin.
"Anong ginagawa mo sa bahay ni sir Matteo?" Gulat na tanong ni Jessica na tila gusto ng kasagotan.
"I cooked food for her. She's been in bar that night and it seems like she did not eaten." Sagot agad ni Matteo kaya titig na titig sakin ang tatlo. Hindi ko magawang sumagot dahil sa nginig ng aking labi.
"Hindi sya umiinom sir at hindi rin namin alam na hindi pa pala sya kumakain sa gabing iyon." Eksplenasyon ni Ivony kaya ibinalik ni Matteo ang tingin sakin.
"Maey masarap bang magluto si sir?" Exciting na tanong ni Grace tska ako tumango bilang sagot. Panay yuko ko sa kahihiyan.
"Masarap." Sagot ko habang nakayuko. Bigla kong naalala ang nang'yari sa gabing iyon. Buti nalang at hindi na ulit sila nagtanong pa. Pagkatapos naming kumain ay ang agad pagtayo ni Erika sa hapag.
"Maraming salamat sa almusal sir." Saad nito kay Matteo. "Kailangan nanaming umuwi at magpahinga, pero maiiwan si Maey." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Erika.
Oo hindi kami nag-kakaintindihan pero hindi ko rin alam akong bakit niya ito sinasabi.
"Oo nga po sir kailangan narin naming magpahinga. Maraming salamat po sa pagkain." Pormal na sambit ni Grace.
"Maey mauuna na kami sayo huh. Sumunod ka nalang mamaya sa bar." Wika ni Ivony tska hinila si Grace at Jessica palabas ng resto.
"Tika lang--" Tumayo ako sabay ng pagsalita ni Matteo.
"Im worried about you." Napalingon ako kay Matteo. Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala.
Ang seryoso niyang mukha ang nag papatinyag sakin na manahimik. Dahan-dahan akong bumalik sa upo tska humalukip-kip.
"I already feel the anger of my veins that time. I want to kill those guy. I really want to know if you really okay, Mary. Would you please tell me?" Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
*Dug dug dug* Seryoso ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha ngunit mas pumangibabaw nito ang galit.
"Okay lang ako Matteo. Salamat kanina!" Tipid kong sagot tska binaling ang tingin sa pagkain na hindi ko pa nauubos.
"I hope soo." Buntong hininga niya. "I have to asked your number Mary so that i can find you emediately." Agad akong napalingon sa kanya. Hindi ko alam kong ano dapat ang isasagot dahil bigla-bigla lang syang sumulpot kanina.
"Yung kanina?" usal ko.
"I ask one of those bouncer in bar at sinabi niyang nandun kayo sa kalenderya." Dugtong niya tsaka ako nagtiihim bagang.
"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko kaya umawang ang labi niya.
"About Venus," Saad niya kaya naramdaman ko ulit ang pananakit ng aking dibdib. Ilang segundo akong natahimik. Oo nga pala kailangan ko syang tulongan para kay Venus.
"Venus," napatayo bigla si Matteo at agad ko syang sinundan ng tingin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita kong nasa kabilang table si Venus habang nagsusuboan ng pagakain sa lalaking kasama niya. Mula dito sa kinauupoan ko ay kitang-kita kong gano ka gwapo ang kasama ni Venus. Binaling ko ang tingin kay Matteo na ngayon ay nakakuyom ang kamao.
"Matteo sya ba yung sinasabi mong ipinagpalit sayo?" Tanong ko kaya dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sakin.
"No," Bagsak boses niya tska ako hinila palabas ng resto.
Sobrang higpit ng hawak niya sa pulson ko kaya lumingon pa ako mula sa direksyon nila Venus. Naningkit ang mata ko dahil parang mag kahawig si Matteo at ang lalaking kasama ni Venus.
Hindi ko lang namalayan na nakapasok na ako sa kotse dahil sa malalim kong iniisip. Sobrang higpit ng hawak niya sa manebela at kitang-kita ko iyon.Umigting ang panga niya sa galit at sakit.
Siguro ay kailangan ko ng wasakin tong iiniisip ko ngayon. Kailangan kong maging practical. Kailangan ko ng malawakang pag-iisip kong tama ba itong disesyon ko.
Sumandal ulit ako sa upoan tska nag-isip.
Tama---
"Payag na ako sa hinihingi mong tulong," Lumingon sya sakin na walang ekspresyon ng mukha. Nagbuntong hininga ako saglit. "Mag papanggap akong girlfriend mo para pag selosin si Venus," Dugtong ko kaya lumawak ang kanyang ngiti. Nawala ang kanyang galit sa mga mata.
Mag papang-gap lang naman diba Sana ay umobra at sana ay marealize ni Venus na mahal sya ni Matteo.
Sana...