webnovel

Chapter 1: Love is in the air

Julian's POV

"As I was trying to say that if you love someone do anything to get him or her back. And that's all. Thank you for listening." Pananapos ko sa speech ko. Nag-bow ako at pinalakpakan ako ng mga kaklase ko.

"Ang galing mo naman Mahal." Ani Terrence, pagkabalik ko sa upuan naming dalawa.

"Salamat. Lunch tayo Mahal, pag-katapos ng subject natin kay Ma'am Natividad, ha?"

"Sige gutom na rin kasi ako. Nga pala Mahal, anong plano mo sa darating na sabado?" Tanong niya sakin habang nakatingin siya sa nag-sasalita sa harapan at naka-cross arm.

Napaisip ako kung may plano ba ako sa sabado. "Ahm. Wala naman Mahal, bakit?"

"Gusto sana kitang yayain mag-date Mahal, kung o-okay lang sayo?" Medyo nahihiya niyang sagot.

"Oo naman, okay lang sakin!"

Napatingin na lang ako sa harapan pero nakita ko siyang medyo napangiti ng kaunti. "Salamat Mahal, I love you!" Ani niya na medyo nag-unat para maakbayan ako.

"I love you too! Maniyak." Ani ko sabay patong ng ulo ko sa balikat niya.

------

Katatapos lang ng lucnh break namin at naglalakad kaming dalawa papunta sa susunod na klase namin.

"Mahal, sa tapat ng simbahan mo na lang kaya ako sunduin sa sabado." Ani ko kay Terrence.

"Diba napag-usapan na natin 'to kanina, na susunduin kita sa tapat ng bahay niyo." Medyo naaasar niya nang sabi.

"Sige na nga." Ani ko na medyo naaasar narin. Kaya medyo binilisan ko yung lakad ko. Pakiramdam ko naman naramdaman niya ito kaya binilisan niya rin.

"Mahal, teka lang. Huy. Galit ka ba?" Ani niya at hinawakan yung kamay ko.

"Hindi ako galit. Nag-tatampo lang."

"Edi galit ka nga?" Ani Terrence.

"Hindi nga ako galit nag-tatampo lang! Excuse me mag-sicr lang ako." Ani ko at dumiretsiyo ako sa banyo. Umupo ako sa bowl at nilock yung pintuan.

Mga ilang minuto rin akong nasa ganoong pwesto. Kaya chineck ko yung relo ko kung anong oras na. 10 minutes na lang magsisimula na si Ma'am mag-turo. Kaya inayos ko ang sarili ko at lumabas na ako ng cr.

"Ang tagal mo naman sa loob ng cr Mahal, oh? Choco drink mo. Magpalamig muna tayo ng ulo." Ani terrence at inabot sakin yung Choco drink at pinakita niya yung ice cream niya ng nakangiti.

"Sorry na Mahal, kaya lang naman ako nag-tampo sayo kasi feel ko wala kang tiwala sakin tsaka nag-promise ka dati napapayagan mo na ako." Pag-eexplain ko habang papunta kaming room.

"No. Ako dapat ang mag-sorry. Masiyado kasi akong naging mahigpit sayo. Okay na Mahal, aantayin kita sa simbahan sa sabado." Ani Terrence at pasimpleng hinawakan niya yung kamay ko. "Ang tagal ko 'tong hindi nahawakan Mahal, ha? Mga 13 Minutes."

"hahaha. Ewan ko sayo." Ani ko na medyo patawa.

Napangiti na lang siya at pinagpatuloy na namin yung pag-lalakad papuntang room.

------

Tapos na ang klase kaya nag-lalakad kami ni Terrence papuntang bahay ko. Gusto niya daw kasi akong ihatid pauwi kahit ngayon lang daw.

"Mahal, sabay tayong pumasok bukas ha? Tutal Friday naman eh. Pwede kong gamitin yung motor ko." Ani Terrence.

"Sige Mahal. Salamat sa pag-hatid sakin. Ingat ka sa pag-uwi. I love you."

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Ani niya

"Hindi na. Bye Maniyak, I love you again."

"Sige na nga Mahal, Bye I love you too as always" Ani Terrence sabay nakaw ng halik sa pisngi ko sabay takbo papalayo dito sa bahay. Siya na talaga ang pinaka-maniyak sa lahat ng maniyak.

New story! Please support! Love you guys!

IWantToSaySorryNowcreators' thoughts