webnovel

Chapter 2: Simple

(Terrence POV)

Maaga akong nagising kaya nandito na ako sa tapat ng gate nila Julian ng 8 ng umaga.

"Ding… Dong… Ding… Dong…"

"Oh? Terrence? Good Morning, ba't ang aga mo ata ngayon? 10am pa pasok niyo diba?" Ani Tita Gloria, Mommy ni Julian.

Alam lahat ng pamilya namin about sa relasyon namin ni Julian, kaya maswerte ako kasi akala ko hindi nila matatangap yung relasyong ganto. But still pumayag sila.

"Good Morning din po Tita Glo, akala ko po kasi traffic kaya po yan napaaga po ang dating ko."

"Every weekends lang traffic dito papunta samin. Pumasok kana nasa kwarto pa si Julian, tulog pa ata." Ani Tita Glo, kaya dumiretsiyo na ako papuntang kwarto ng nag-iisa kong Mahal.

-------

Nakita ko si Julian na tulog pa at nakahiga sa kama niya. Lumapit ako sa kanya at humiga sa katabi niya, niyakap ko siya at napayakap din siya sakin.

"Mahal, gisng na male-late na tayo." Ani ko habang dahan-dahan ko siyang hinihimas sa tiyan niya.

"Ha? Mamaya pa unti inaantok pa ak—HAAA? BA'T NANDITO KANA MAHAL!" Sigaw niya at nalaglag siya sa kama niya dahil sa pag-kabigla.

"Hahahaha. Namiss kasi kita Mahal,"

"MANIYAK KA TALAGA!" Sigaw niya sakin.

-------

"Yumakap ka sakin Mahal, baka malaglag ka." Bilin ko kay Julian, ginawa niya naman 'to.

"Mommy, alis na po kami." Sabi niya kay TIta Glo.

"Ta! Mauna na po kami. Bye po." Pinaandar ko na yung motor ko papuntang school.

"Mahal, ano 'to? May matitigas sa tiyan mo? Huwag mong sabihin nag-woworkout kana?" Ani niya sakin.

"Ah? Oo Mahal, niyayaya ako lagi ni Kuya sa gym kaya yan. Almost a month na akong nag-ggym bakit Mahal? Ayaw mo?"

"Hindi naman Mahal, Sarap ngang hawakan eh." Ani niya at hinigpitan ang kapit sa tiyan ko. Napangiti na lang ako kasi pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. 'to yung hilig niyang gawin eh.

-------

"Terrence Martinez, ikaw na ang mag-sshoot." Tawag sakin ng Prof. namin sa Physical Education 2. "May tatlong try ka lang. kapag na-shoot mo kahit isa plus 5 sa preliminary exam niyo next week."

"Good Luck. Kaya mo yan Mahal." Sabi ni Julian, pero sa pamamagitan lang ng paggalaw sa bibig niya.

1st try: shoot

"Good job Mr. Martinez, plus 5 ka na sa exam niyo next week." Ani Prof. Damus

Napatakbo ako sa kinauupuan ni Julian. "Ang galing ko no? Mahal."

"Oo nga Mahal, eh. Oh? Pawis kana." Ani Julian, sabay abot ng panyo.

"Thanks Mahal." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan nya yung kamay ko.

"6 minutes na kitang hindi nakahoholding hands Mahal eh."

katatapos lang mag-shoot ni Julain, pero niisa walang pumasok. Kawawa naman 'tong Mahal ko.

"It's okay Mahal, bawi ka na lang next time."

"Oo Mahal, hindi lang naman iisa ang araw eh." Sabi niya ng nakangiti.

"Julain Sanchez, tawag ka ng SC may meeting daw kayo." Sigaw ni Prof. Damus.

"Mahal, punta muna ako doon huwag mo na akong sunduin. Uuwi na lang ako mag-isa I love you! Bye." Ani niya sabay kiss sa pisngi ko.

"I love you too!" Medyo naparalyzed kong sagot. Namumula ko sa ginawa niya.