webnovel

Chapter 3: My New Home

Pagkarating namin sa munting tahanan nila Rianna agad naman akong sinalubong ng iba pa nitong kapatid at ng kanyang ina.

Masaya itong nakatitig sa akin kaya parang gumaan ang loob ko nang makakita akong ganito.

"Hello ate beauty. Ikaw po pala tinutukoy sa amin ni Kuya Migz. Ang ganda niyo talaga." manghang-mangha na sabi nang kapatid na lalaki na mas matanda kay Rianna. Agad siyang binatukan ng kuya nila kaya napadaing siya sa pagkakahampas nito. "Sakit niyon ah." sabay ngiwi.

"Hindi ko inaasahan na magdadala ng isang anghel si Migz dito sa aming bahay." ina ng masungit na lalaki at ngayon, nangugusap ang mga mata habang tinititigan ako.

Hindi ko alam pero sobra akong natutuwa sa kanila kaya hindi na naiwasan mapangiti.

"Mas gaganda ka ate beauty kung lagi ka lang naka-smile." lingon ko naman sa isa pa nitong kapatid na babae sumunod kay Ralph.

"Oh nga pala." pagsasabat niya ulit sa usapan. "Heto nga pala si Rachelle Anne." yung babaing sumunod sa kanya. "Heto naman si Rhiel Kevin at syempre pinakabunso namin alam mo na siguro pangalan niya pero sasabihin ko ulit, siya si Rianna Grace."

Napakaganda naman ng pangalan nila ahhh, napaka-unique.

"Tawagin niyo na lang po akong RK, ate beauty para hindi ka na mahirapan." sabay kindat sa akin.

Mukhang pilyo isang 'toh hehe.

"Tandaan mo Rhiel mas gwapo pa rin ako sayo." pagsingit naman ni Ralph kaya napalabi nanaman sa kanya si RK.

"Tawagin niyo na lang po na

ako na Chelle para maikli man lang din, ate beauty." nakangiting saad ni Rachelle Anne.

"Kahit alin sa dalawa ko pong pangalan, ate beauty ang pwede mong itawag sa akin." si Rianna Grace.

Cute na cute naman ako sa batang ito hehe.

"At syempre ito ang ina namin si Wenilda, ang pinakamabait, maalaga at pinakamasarap magluto na nanay sa buong mundo." pagpapakilala niya naman sa kanyang ina.

"Ikaw ate beauty, ano naman po pangalan niyo?" agad na tanong ni Chelle kaya napailing na lang ang ina nito at si Ria.

"Hindi niya alam ang kanyang pangalan." paliwanag niya sa mga kapatid maliban sa kanilang bunso na alam na.

Puno ng kuryosidad ang dalawa kaya pinaliwanag na lang kanila ng kuya nito.

"Mayroon siyang selective amnesia." diretsahang sagot nito sa kanila.

"Bakit po Kuya Migz?" tanong ni RK.

"Naaksidente siya sa isang highway at ako ang nakasagip sa kanya roon." uli niyang sagot.

"Pero may bago na ba siyang pangalan Kuya Migz?" si Chelle naman ang nagtanong.

"Oo siya si Ivy Villamorez na ngayon." seryosong pahayag ni Ralph sa kanyang mga kapatid.

"Bakit iba ang apelyido niya? Bakit hindi na lang apelyido natin, kuya?" muli na namang tanong ni RK.

"Eh iyan sana gagamitin ni Kuya Ralph kaso ayaw ni ate beauty." si Ria na ang mismo sumagot.

Puno nanaman ang pagtataka sina Rachelle at RK sa sinabi ni Rianna.

"Bakit naman? Atleast para na rin natin siya kapatid kapag apelyido natin mismo ang ginamit." nag-uusisang saad ni RK.

Sasagot na sana si Blaze nang sumabat ang kanilang bunsong babae.

"Ayaw niya kasi para raw sila mag-asawa ni Kuya Migz kapag ginamit niya apelyido natin." sambit ni Rianna na may kasabay na ngisi sa labi nito.

Napa-ohhh ang dalawa pati si Nanay Wenilda sa sinabi nito. Kaya ako naman ay napayuko sa sinambit iyon ni Bless.

"Maganda nga 'yon eh para magka-girlfriend na itong kuya namin." nakakalokong sambit ni RK ngunit agad nanaman siyang binatukan ni Ralph. "Aray ko naman kuya. Totoo naman kaya iyon. Hanggang ngayon single ka pa rin." sabay ngisi rin nito sa labi.

Babatukan nanaman siya ulit ng kanilang kuya pero agad na itong umiwas.

"NGSB pa rin si Kuya Migz." natatawang sabi naman ni Brace.

"Huwag mo nang intindihin ang mga sinasabi nila." depensa sa sarili ni Ralph. "Mabuti pa ihatid na kita sa kwarto para makapagpahinga ka na muna."

"Sana nga iha, ikaw na lang maging girlfriend nitong si Migz para mabawasan ang kasungitan." sabi ng kanilang ina sa akin kaya napalingon kanyang panganay na anak.

"Ma naman eh." agad niyang maktol sa

sinabi ni Tita Wenilda.

"Kunwari pa itong si kuya ohhh." muling sabat ni Rhiel para inisin uli si Blaze.

"Magpahinga ka na at huwag mo na silang pansinin." sabi nito sa akin saka ako iniwan sa kwarto.

Umupo na muna ako sa kama ng ilang sandali pagkatapos humiga na rin.

Nakakapagtaka lang na sa ganitong edad, hindi pa nagkakajowa iyong si Ralph. Bakit wala ba siyang nagugustuhan o natitipuhan man lang?Ano ba gusto niya babae o lalaki?Napatakip na lang ako sa aking bibig sa iniisip ko dahil hindi ko maiwasan sa sinassbi ng isip ko.

Sa aking pag-iisip, agad na akong nakaramdam ng antok at tuluyan ng natulog.

Pagkalipas ng oras, muli kong minulat ang mata at napansin ko ang unti-unting pagbukas ng pintuan.

Bumungad sa akin ang tatlong kapatid ni Ralph na sila Rachelle, Rhiel at Rianna na papalapit sa aking hinihigaan.

"Kamusta po ang tulog niyo ate beauty?" bungad sa akin ni Ria.

"Ok naman." maikli kong sagot.

"Wala po talaga kayong naalala kahit kaunti?" tanong ni RK at napailing naman ito sa dalawa.

"Wala." malumanay kong tugon.

"Ganoon po ba? Sayang naman." wika ni Chelle saka tumabi na sa akin at sumunod na rin sina RK at Ria.

"Hindi ko nga alam kung bakit ako nagka-amnesia? At kung bakit ako naaksidente." dagdag ko pa kaya napansin ko rin ang pagkalungkot ng kanilang mga mukha.

"Don't be sad. Ok naman si ate beauty eh." sabay himas sa buhok nina Chelle at RK at pisil naman sa pisngi ang ginawa ko kay Ria. Ang tambok kasi ng pisngi at namumula-mula pa.

"Sana nga po bumalik na lahat ng alaala niyo ate beauty." saka ko pilit na nginitian.

Ewan ko ba kung bakit napapangiti ako pagdating sa kanila. Kapag nakikita ko sila, lumiliwanag ako na parang mas nagbibigay sa akin ng pag-asa na ipagpatuloy lang ang buhay.

"Kahit po ba favorite color niyo ate beauty hindi niyo rin naalala?" natawa naman ang dalawa sa tanong iyon ni Riaana.

Pwede! Kahit nga paborito kong kulay hindi ko na naalala. Ewan ko nasobrahan ata itong pagkakaroon ko ng amnesia. Pati ba naman kasi ganoong bagay nakalimutan ko. Kahit siguro ang buo kong pagkatao nakalimutan ko rin.

"Chelle, RK at Ria halika na kakain na tayo." dinig kong saad ni Tita Wenilda kaya hinila na rin ako ng mga bata palabas ng aking kwarto para kumain na ng gabihan.