webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · Histoire
Pas assez d’évaluations
38 Chs

KABANATA 13

Isang linggo ko nang hindi nakita si dairus matapos ang naganap sa pamilya nito kamakailan lang.. At hanggang ngayon hindi ko parin inaasahan na sa mismong bisig ko namatay si amanda lopez ang tauhang may alam sa pagkatao ko.

Hindi ko din alam kung paano nya nalaman ang pangalan ko.. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na isa lamang syang tauhan sa nobelang ito.. HINDI KO DIN ALAM KUNG PAANO KO AAYUSIN ANG NAGULONG NOBELA NG DAHIL SA PAGDATING KO SA LOOB NG KWENTONG ITO.

——. .——

"Hanapin mo ang daan at muli mong baguhin ang lahat,ate lenzy."

Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang daan palabas sa nobelang ito.

"Ayusin mo ang nagulong nobela,ate lenzy. Kailangan mong ayusin muli ang nagulo mong nobela."

AKO BA TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGULO ANG TAKBO NG NOBELANG ITO??

"Baguhin mo ang lahat.. Gawin mong masaya ang lahat ng tauhan sa nobelang ito, ate lenzy. W-wag mong hayaan na magbago ng tuluyan ang takbo ng nobelang ito. Ikaw na lang ang pag-asa ng lahat. G-gawin mo ang lahat ng makakaya mo para baguhin ang nobelang ito.. Kapag hindi nabago ang nobela marami ang mamamatay na tauhan sa kwentong ito."

Paano ko aayusin ang nobelang ito kung ang lahat ng ala-ala ko sa loob ng nobela ay hindi ko maaalala kapag nasa labas na ako.. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pa kaseng mapadpad sa sarili kong nobela..

"N-nagmamakaawa ako sayo.. B-baguhin mo ang buhay ng aking kuya dairus.. Ate!! Wag mong hayaang kainin ng galit at puot ang puso ni kuya dairus."

Teka!! Natatandaan kona.. Nung nasa kwarto ako at natutulog nanaginip ako.. Si Dairus At Si Thylandier ang nasa Panaginip ko nun.. Maari bang ang bida ang papatay mismo sa kontrabida??

Maari din bang bumaliktad ang sitwasyon??

"H-heto na ang huling araw ko sa ginawa mong nobela.. M-maraming salamat dahil binigyan mo ako ng chansang mabuhay kahit isa lamang akong illusion ng iyong imahinasyon.."

Nagpapasalamat din ako sayo amanda.. P-patawarin mo ako kung hindi kita natulungan.. Hindi ko kayo natulungan!!

"Kapag hinayaan mo ang takbo ng kwentong ito maaaring marami pa ang madadamay ate.. K-kapag hinayaan mo ang mga tauhan sa loob ng nobelang to maaring mapahamak ang kuya dairus at kuya thylandier ko.. I-ikaw ng bahala sa kanila nagmamakaawa din ako na baguhin mona ang lahat habang hindi pa huli ang lahat ate."

——. .——

"Binibining Isabel.. N-narito ka lang pala kaytagal ka naming hinanap."

Bumungad si esperanza sa akin.. Narito ako ngayon sa tapat ng simbahan kung saan ginanap ang pagparusa sa mga lopez.. Isang linggo na din akong palaboy laboy at sa tapat ng simbahan ng 'San Manuel' ako namamalagi.. Hindi ko kase alam kung saan ang daan pabalik ng panuluyan ni inay ising.

"Ayos ka lang ba binibining Isabel?? Tila iba ang iyong kasuotan? Saan kaba nanggaling?"

Nagaalalang tanung nito sa akin.. Napatingin naman ako sa suot kong padiyama at isang puti at manipis na sandong pantulog.. Kaya pala lagi akong tinitignan ng mga tao dahil kakaiba ang kasuotan ko.. Ramdam kona ang panghihina at gutom ko dahil sa palaboy laboy ako hindi na ako nakakakain ng pagkain.. PAPATAYIN KOBA ANG SARILI KO SA GUTOM??

Nanghihina at patuloy akong nanginginig sa sobrang lamig hanggang sa hindi kona kinaya ang nararamdaman kong pagkahilo at pakiramdam ko ay nilalagnat na ako dahil sa sobrang init ko..

"Binibining Isabel ika'y nilalagnat.."

Gusto ko mang magsalita na ayos lang ako pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko kaya naman napahawak na ako sa kanyang kamay.

"Ginoong Edwardo.."

Narinig kong sigaw ni esperanza sa kararating lang na kalesa.. Ipinikit ko ang mga mata ko at muli itong iminulat at laking gulat ko kung sino ang lalaking papatakbo papalapit sa amin ni esperanza.. Kitang kita ko ang pagaalala sa mukha nito.. S-sa wakas dumating ang lalaking gusto kong makita at makausap.. SALAMAT AT DUMATING KA THYLANDIER!!

"Binibining Isabel naririnig moba ako?"

Nagaalalang tinatapik tapik ni Thylandier ang pisnge ko wala itong pakialam kung anong sabihin nila edwardo at esperanza na nasa gilid nito.. Binuhat na lang nya ako at idinala sa kalesa..

"Binibining Isabel.."

Narinig ko namang bulong ni esperanza sa akin na nasa tabi ko habang nasa kabilang upuan naman si thylandier at nakaharap ito sa amin.. Gusto ko mang imulat ang aking mga mata ngunit nararamdaman ko ang kakaibang sakit sa ulo ko..

Naramdaman ko ang paghinto ng kalesa at dali dali akong binuhat ni thylandier at naramdaman kong dinala ako sa isang kwarto dahil sa lambot ng kamang hinihigaan ko ngayon..

"Edwardo tawagin nyo si Ginoong Fidel upang tignan ang lagay ng binibini.. Esperanza maari mo bang samahan si edwardo?"

"N-ngunit ginoo?"

Narinig kong sagot ni esperanza pero wala na syang nagawa kundi ang sumama kay edwardo na inilove-team ko din sa kanya..

Nanatili lang akong nakapikit dahil sa nararamdaman ko ngayon.. Naramdaman ko din ang paglubog ng kama na hinihigaan ko at alam kong umupo sa kama si thylandier at pakiramdam ko ay nakatitig lang ito sa akin..

"P-patawad Isabel.."

Gusto ko mang imulat ang mga mata ko pero hindi ko talaga magawa at natatakot ako na baka makita ko syang emosyonal na naman gaya nung huling pagkikita namin sa mansyon ng SEBASTIAN kung saan iniannounce na ang pagpapakasal nila ni Nathalia.

"Patawad kung ako'y lumalayo na sayo.. H-hindi ko dapat binaril si amanda sa harap mo."

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko ng marinig muli itong magsalita.. Halos manikip ang dibdib ko ng maalala ko na naman ang nangyari kay amanda at kung sino talaga ang nakabaril sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata ni thylandier na nagdadalawang isip sya at nasasaktan din sya ng mabaril nya si amanda dahil sa ginawang panunutok ng baril ng isang guardia civil kaya naman hinawakan ito ni thylandier para sana pigilan ito pero huli na dahil nabaril na si amanda at hawak hawak na ni thylandier ang baril.. KAYA NANINIWALA AKO NA ACCIDENT LANG ANG LAHAT AT HINDI YUN SINADYA NI THYLANDIER.

"Patawad ngunit hanggang dito na lang tayo.. K-kailangan na kitang kalimutan isabel dahil ikakasal na ako kay nathalia.."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko ng marinig ang huling sinabi nito kaya naman lakas loob kong minulat ang aking mga mata at walang pakundangang hinawakan ang kamay nito na ikinagulat at ikinatitig pa nito sa akin..

"K-kailangan mong pigilan ang nararamdaman mo para sa akin thylandier.."

Kahit hirap na hirap ako pinanatili kong kalmado ang sarili ko dahil na din sa bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. SA BAWAT ARAW NA NAKAKASAMA KO SYA YUN DIN ANG MGA ARAW NA MAS LALO AKONG NAHUHULOG SA PATIBONG NG MALING PAG-IBIG..

"M-maling umibig ka sa isang k-katulad ko.. H-hindi ka dapat nahulog sa akin thylandier.. N-naiintindihan moba ako? M-maling mahalin ako.."

Sobrang mali dahil ako ang dahilan ng paghihirap mo pagdating sa ending ng nobelang to.

"H-hindi ko akalaing sa panandaliang araw,oras at linggong nakasama ka mahuhulog ako ng ganito sayo.. P-pipilitin kong kalimutan ka!! P-pipilitin kong ibalik kay nathalia ang pag tingin na ito na dapat para sayo.. L-lalayuan na kita.."

Sa huling pagkakataon ay bumuhos ang luha sa mga mata nito kaya naman hindi ko na din napigilan pang mapaiyak ng tuluyan na itong tumayo at hindi na kailanman tumingin sa akin.. Kahit hirap na hirap ako tumayo ako sa pagkakahiga at hinabol sya subalit napaupo na lang ako sa tapat ng pinto ng marinig ko ang paghikbi nito.. NAKAUPO DIN SYA SA TAPAT NG PINTO KUNG SAAN DIN AKO NAKAUPO..

"P-patawad thylandier... H-hindi ko sinasadya!! Kung sakali mang dumating ang araw na malaman mo ang katotohanan sa pagkatao ko tatanggapin ko kung kamumuhian mo ako.. Tatanggapin ko lahat para lang maipakita ko sayo na pinagsisisihan ko ito.. G-gusto ko ding malaman mo na mahal din kita.. P-patawad!!"

Napahawak na lamang ako sa bibig ko ng marinig ko ang malakas na pagiyak at paghikbi nito sa labas.. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.. SANA PALA HINDI NA LANG AKO BUMALIK DITO!!

SANA PALA HINDI KO NALANG PINUNTAHAN ANG LIWANAG NA NASA 3RD FLOOR NG UNIT KO!!

"T-thylandier k-kung sakali mang nandyan kapa g-gusto ko lang magpasalamat sayo.. G-gusto ko lang humingi parin ng tawad sayo.. Gusto ko ding malaman mo na hinding hindi ko pagsisisihan ang mga araw na nagkasama tayo.. M-masaya akong makilala ka"

Tuluyan ko ng naipikit ang aking mga mata dahil sa sobrang panghihina at paninikip ng dibdib ko hanggang sa tuluyan ko ng naramdaman ang pagkaantok.. SANA PAGGISING KO BUMALIK NA AKO SA TOTOO KONG MUNDO AT KAILANMAN AY HINDI NA MULING MAGBABALIK SA LOOB NG NOBELANG ITO!!

***   ***

Teka nasaan ako ngayon?? Panaginip na naman bato?

"Binibining Isabel.. Ako ito si Sonya."

SONYA?? I-ibig sabihin nandito ako sa silid ni thylandier.

"Buti na lang at gising kana.. Hinihintay ka ni senior thylandier sa hardin.."

Nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ko kaya naman nangangamba ako kung bakit ganito na lamang sya kalungkot..

"Ayos ka lang ba sonya??"

"A-ayos lamang ako binibini.. N-nalulungkot lang ako sapagkat muling bumalik ang ugali ni G-ginoong thylandier.."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito sa akin kaya nakaramdam na naman ako ng kaba at takot na baka may ginagawa na naman ito na hindi maganda..

"K-kagabi po kase nakita ko syang may hawak na alak sinundan ko po sya sa kabilang silid dahil narito kayo sa silid nya.. N-nakita kopo may kasama syang bayarang babae."

Kitang kita ang panghihinayang at takot sa mukha ni sonya habang nagkukwento sa akin.

KAILAN PA NAGING BABAERO ANG ISANG THYLANDIER??

"A-ano pang nakita mo??"

Kinakabahan at nanghihina kong tanung sa kanya.. Pakiramdam ko unti unti ng naninikip ang dibdib ko dahil sa naririnig ko mula kay sonya..

"N-nakita ko po kung paano nya basagin ang mga gamit sa loob ng silid na kanyang pinuntahan.. T-tapos bumalik sya sa kanyang silid ngunit hindi sya tumuloy umupo lamang sya sa tapat ng pinto at naririnig ko ang paghikbi nito.. N-nun ko lang napagtanto na m-mahal ka ni senior thylandier.."

Nanginginig ito habang lumuluha pa ang mga mata ni sonya..

"Isuot mo ito binibini at puntahan mo si senior sa hardin.."

Inilagay ni sonya ang puting baro't saya sa kama at walang pakundangang umalis ng silid.

Napahinga ako ng malalim at hindi ko lubos akalaing mangyayari ang lahat ng ito sa akin.

Inayos kona muna ang sarili ko bago ako bumaba ng mansion ng mga 'Valdez'.

Halos nakatingin sa akin ang mga kasambahay nila kaya naman minadali ko ang paglalakad papunta sa labas ng mansion.. PAANO KAYA KUNG TUMAKAS NA LANG AKO!!

Tatakbo na sana ako palayo ng may humawak sa wrist ko at hinila ako papunta sa hardin.

What the heck!!

"Bitawan mo ako.."

Inis kong turan sa lalaking nanghila sa akin papunta sa hardin na tinutukoy ni sonya sa akin. HINDI DAPAT SYA NANGHAHAWAK NG KAMAY DAHIL BAKA PAGISIPAN KAMI NG IBA.

Remember, Conservative ang mga babae sa panahon na ito.

Hinila ko na lamang ang kamay ko kay thylandier at tumingin ng masama sa kanya.

"Umupo ka at mag almusal bago mo ako takasan.."

Matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin kaya naman napaupo ako di oras at tuluyan na ngang nag-almusal kasabay ito.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako sa pagkakaupo at bahagya pang yumuko sa kanya.

"A-ako'y aalis.."

Panay lang ang pagiling ko at pagiwas ng tingin sa kanya.. Ayaw kong makita nyang apektado parin ako sa paguusap namin kagabi.

"Ihahatid na kita kay inay ising.."

Magsasalita pa sana ako pero tumayo na ito at nilagpasan ako.. Relax lang lenzy!! Hindi ka dapat naaapektuhan sa kanya.

Sumunod na lang din naman ako at sumakay na sa kalesa ng hindi na nagpapatulong sa kanya..