webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · History
Not enough ratings
38 Chs

KABANATA 14

Magda-dalawang linggo na ako dito sa panuluyan.. Gaya nga ng sinabi ni thylandier sa akin hindi na nga nya ako kailanman gagambalain pa at muli nyang ibibigay kay nathalia ang kanyang pagtingin para sa akin. Kahit sobrang sakit kailangan ko paring pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya..

"Binibining Isabel.."

Napalingon naman ako kay esperanza ng kumatok ito sa pinto at bahagya pa nitong binuksan para sumilip.

"Gusto mo bang sumama sa kabilang bayan?"

Pilit na ngiti na tanung nito sa akin dahil ramdam ko din ang lungkot sa mga mata nito dahil sa nangyari sa mga lopez.. HINDI NAMAN TALAGA MAMAMATAY SI AMANDA SA NOBELANG TO,EH!!

"S-sasama ako.."

Tumayo na lamang ako sa pagkakaupo at dumeretsyo na palabas.. Nagpaalam na din ako kay inay ising na sasamahan kona muna si esperanza sa kabilang bayan.

"Alam kong ikay nalulungkot sa pagkamatay nila Don Lopez at Donya Lopez kasama pa si Amanda.."

Turan ni esperanza sa akin habang naglalakad kami ngayon papunta sa daungan para makasakay ng bangka papunta sa pamilihan.

KUMUZTA NA KAYA SI DAIRUS?? NASAAN NA KAYA SYA?

"Ang pagkakaalam ko ay nasa bulakan na ngayon ang anak nila Don Lopez at Donya Lopez na si Ginoong Dairus.."

"Hindi ako naniniwalang may ginawang labag ang mga lopez.."

Nanatili lang akong focus sa paglalakad habang nagsasalita at hindi ko din binabalak na lumingon kay esperanza na alam kong nagtataka sa akin.

"Darating ang araw na maibabalik lahat kay dairus.. Naniniwala akong inosente sila."

Oo!! Inosente sila at wala silang ginawang mali.. Ako ang may akda sa nobelang to kaya alam kong may taong gustong magpabagsak sa kanila.. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan!! Kung alam ko lang na mapapadpad ako dito sana pinagisipan ko ang magiging ending talaga ng kwento.

"Paano mo nalaman binibining Isabel?"

"Dahil mabuting tao si dairus.. Ilang araw ko pa lang syang nakasama alam kong mabuti ang kalooban nya.. At hindi ako nagkakamali dahil nararamdaman kong mabuti syang ginoo pinalaki syang may busilak na puso.."

Nakangiti kong sagot ng marating namin ang daungan ay napahinto ako ng marinig ko ang boses ni nathalia kaya naman nilingon namin iyon ni esperanza.. Oh noes!! Magkasama sila ni thylandier..

"Magandang umaga esperanza.. Magandang umaga Isabel."

Nakangiti namang bati ni nathalia sa amin kaya ngumiti na lamang ako at hindi nilingon si thylandier..

"M-magandang umaga binibining nathalia.."

Nakangiti kong pagbati kay nathalia..

"Magandang umaga ginoong thylandier at binibining nathalia.."

Masayang pagbati ni esperanza sa dalawang tao na nasa harapan namin habang ako todo ngiti kay nathalia at hindi na lamang binati si thylandier.. KAILANGAN KO SYANG IWASAN!!

"Binibining Isabel narito pa si ginoong thylandier.."

Bahagya akong siniko ni esperanza kaya naman panay lang ang pagiling ko habang nakatingin sa kamay ni nathalia na nakahawak sa braso ni thylandier.. WAG KANG PAAPEKTO!!

"M-magandang u-umaga h-heneral.."

Haysss bat ba kase kailangan ko pang mautal at makaramdam ng kaba.. NAKAKAWINDANG NAMAN OH!!

"K-kami ay mauuna.."

Hihilain ko sana si esperanza ng magsalita si thylandier sa harapan namin..

"Magandang umaga din sayo binibining Isabel.. Ganun din sayo esperanza, kami ay mauuna na."

Napanganga ako at napatulala ng maglakad na sila palapit sa may bangka kaya naman hinayaan na namin silang mauna bago kami sumunod.. Inalalayan naman ni thylandier si nathalia at esperanza ng ako na ang aalalayan nya ay humawak na lang ako sa patusok na nasa bangka at hindi ko hinayaang masagi sya.. Tahimik lang akong tumabi kay esperanza habang nasa tabi ko naman si thylandier tapos nasa gilid nya si nathalia.. BAKIT BA NAKATABI KOPA SYA!!

Kung kailan kailangan naming umiwas sa isat isa bakit pinagkikita parin kami.. 2 weeks syang hindi bumisita sa panuluyan tapos makikita kopa sya ngayon ay ang nakakawindang pa magkatabi pa kami sa upuan..

"Ayos ka lang ba binibining isabel??"

Nagaalalang tanung ni esperanza sa akin kaya naman tumango na lamang ako habang napipilitang ngumiti sa harap nya.. AYOS NGA BA TALAGA AKO??

Tahimik ang pagandar ng bangka papunta sa pamilihan hanggang sa naramdaman naming huminto ito sa daungan kaya naman nagsitayuan na ang mga nakaupo sa gilid nila nathalia habang kami ay nahuhuli ay hindi ako kumikibo at hindi pinapansin ang mga taong bumabangga sa amin ni esperanza .. KAILANGAN NAMING MAUNA!! Lalagpasan kona sana si thylandier ng may lalaking bumangga sa akin kaya halos mapasigaw ako ng maramdaman kong papahiga ako dahil hindi ko nabalanse ang paglalakad ko kaso nga lang saktong napatitig ako kay thylandier ng magka Eye Contact kami habang nakahawak ito sa bewang ko..

"Ayos ka lang ba?"

Nagaalalang tanung nito sa akin kaya naman tumango ako at inayos ko ang pagkakatayo ko ng bumitaw na ito sa akin.. Panay lang ang pagiling ko ng makitang nakangiti si esperanza sa akin habang nakatingin din si nathalia sa amin at halos gulat na gulat ito naroon din ang pagaalala nito sa akin.

"Isabel ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako.."

Nakangiti kong sagot kay nathalia ..

"Salamat!!"

Napapayukong turan ko kay thylandier bago kami nagpauna sa pagakyat ni esperanza sa daungan..

"A-ayos lamang ako.. K-kaya ko!!"

Nakangiti pero may pagaalinlangang turan ko kay thylandier ng aalalayan sana ako nito..

"Mauna na po kami binibining nathalia at senior thylandier.."

Nakangiti namang paalam ni esperanza sa dalawa habang ako nakatayo lang at hinihintay ito.. Ngumiti na lamang ako at tumango sa dalawa bago ko hilain palayo si esperanza..

"Ano pala ang gagawin natin dito?"

"Sabi ni manang ising bumili raw tayo ng tela at mga rekado para sa lulutuin na tanghalian at hapunan mamaya.."

Napapatango naman ako habang naglalakad kami papasok sa pamilihan ng tela..

"Limang puting tela at dalawang pirasong itim na tela mang edna."

Nakangiti namang pambungad ni esperanza sa matandang babae..

"Dito bumibili ng tela ang iyong ina.."

"Talaga!! Anong ginagawa ni ina sa mga telang binibili nya esperanza??"

Nakangiting tanung ko sa kanya habang hinihintay namin si manang edna na inaayos ang mga telang sinabi ni esperanza kay manang edna na mukhang naghahanap pa ng puting tela.

"Yun ang hindi ko alam binibining isabel.."

Siguro marami ng koleksyon ng tela si inay ising!!

"Binibining Isabel dito kana muna.. Hintayin mo muna ang tela kailangan ko na munang bumili ng sangkap para sa lulutuin ni manang ising para sa tanghalian at hapunan.. M-may bisita kase tayo mamayang tanghalian."

Tumango naman na ako sa kanya pero napahinto pa sya ng dumating si nathalia at thylandier sa bilihan ng tela.. Nginitian ko na lang silang dalawa at tinanguan ko pa ang mga ito..

"Sasabay na ako sayo esperanza.. Thylandier dito kana muna samahan mo muna si isabel."

Halos mapailing na lang ako sa sinabi ni nathalia.. Hindi ko naman narinig na nagsalita si thylandier.. Tss!! Kaya kong magisa dito noh.

Napansin ko na namang ngumiti si thylandier kay nathalia at tumango pa ito sa pakakasalan nyang si nathalia.

Nanatili lang akong nakatayo habang nasa tabi ko naman si thylandier na tahimik lang kagaya ko. Hindi ko alam kung ano tong pakiramdam ko, kung bakit patuloy parin akong nasasaktan!!

"Kumuzta kana??"

Halos mapalunok ako ng marinig kong nagsalita ito. WAG KANG MAGSASALITA, LENZY.

"Mukha namang maayos ang lagay mo.. Buti naman at nakakalabas kana ngayon at hindi kana nagkukulong sa iyong silid."

Sa pagkakataong to napalingon na ako sa kanya ng tuluyan.. PAANO NYA NALAMAN NA NAGKUKULONG AKO?

Minabuti ko na lang na ibalik ang tingin ko sa tindahan ni manang edna at hindi na lang ito pansinin pa.. Bakit antagal naman atang ayusin ni manang edna ang mga tela na ibinilin ni esperanza.

"Matapos mo akong takbuhan sa mansyon nila nathalia bigla kang susulpot at pagaalalahanin mo kami.. Alam mo bang pinahanap ka ni manang ising dahil bigla kang naglaho na parang bula."

Muling nagsalita si thylandier na nasa tabi ko parin kaya naman nag desisyon akong lumipat ng ibang pwesto pero sumunod ang loko.. KAINIS!! UMIIWAS NA NGA,EH.

Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya ng lingunin ko ito pero hindi sya nakatingin sa akin dahil nasa tindahan din ni manang edna ang tingin nito.

"Wala ka bang balak na kausapin ako? Kailangan ba talagang umiwas tayo sa isa't isa?"

Sa pagkakataong to napalingon na ako sa kanya at tuluyang nagtama ang aming paningin. HINDI KO ALAM KUNG KANINA PA SYA NAKATITIG SA AKIN!!

Ang mukha nyang masaya noon ay may kakaibang lungkot at pangungulila.. Mga mata nitong mapupungay ay may kaakibat ding lungkot at pangungulila na ngayon ko lang nakita sa kanya.

"Masaya ako na muling makita ka Isabel.. Labis labis ang saya na nararamdaman ko ngayon sapagkat muli tayong nagkita kahit na pa hindi mo na ako kinakausap at pinapansin."

Nakangiti nitong turan kahit may labis na pangungulila sa kanyang tinig.. MASAYA DIN AKONG MAKITA KA THYLANDIER..

Bigla na lang akong nakaramdam ng malamig na hangin na bigla na lang dumampi sa balat ko habang nanatili lang ang titig namin sa isat isa.

"Akala ko'y kaya kong kalimutan ang nararamdaman ko para sayo,Isabel.. A-akala ko'y kaya kitang kalimutan isabel."

Sa pagkakataong ito naramdaman ko na lang ang luha sa aking mga mata.

"A-ayos lamang sa akin kung kalilimutan mo ang iyong nararamdaman para sa akin.. Pero, kahit ano ang gawin ko hindi ko kayang kalimutan ang aking nararamdaman para sayo kaya naman hayaan mo akong maiparamdam sayo ito."

Kasabay ng pagtibok ng puso ko ang paghawak nito sa kamay ko at dahan dahan nyang inilagay sa kanyang dibdib.

Pareho naming dinamdam ang puso naming parehong nangungulila sa isa't isa.

"Hayaan mo sanang maiparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal.. K-kung gaano ako kasaya na nakilala kita."

***   ***

Kasalukuyan kaming nagaayos ni esperanza sa paglalagay ng pinggan, kubyertos at baso.

"Manang ising narito na po ang heneral.."

Gulat naman akong napalingon kay mang basilio ama ni esperanza.. Halos lumaki ang pagkakangiti nito ng lingunin ako.

"Binibining Isabel may gusto akong sabihin sayo mamaya.."

Nakangiting bulong ni esperanza sa akin sabay inginuso ang lalaking kakaakyat lamang ng hagdan..

"Maganda tanghali sayo binibining Isabel.."

Nakangiti nitong turan sabay kuha sa itim nyang sumbrero at itinapat sa kanyang dibdib.

"M-magandang tanghali din sayo h-heneral.."

Narinig ko pa ang impit na pagtili ni esperanza na nasa tabi ko kaya naman nilingon ko sya at masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya kaya natahimik itong ngumiti kay thylandier.

"Magandang tanghali Heneral.."

Nakangiti nitong bati kay thylandier na nakangiti din sa kanya.

"Magandang tanghali din sayo binibining esperanza.."

"A-ahh.. A-ako'y magtutungo muna sa palikuran."

Mabilis kong paalam at hindi kona hinintay pa ang sasabihin ni thylandier at esperanza.

Pagkasara ko ng pinto sa palikuran na malapit lang sa hapagkainan ay narinig kong nagsalita si inay ising.

"Narito kana pala, iho."

"Magandang tanghali po manang ising.."

"Magandang tanghali din sayo.. Buti naman at nakadalo ka rito akala ko'y hindi kana makakarating pa sa ating salo-salo."

Nanatili lang akong nakasandal sa may pinto habang naririnig ko ang mga usapan nila. GOSH!! BAKIT KAILANGAN PANG PUMUNTA YAN DITO?

"Binibining Isabel dito kana muna.. Hintayin mo muna ang tela kailangan ko na munang bumili ng sangkap para sa lulutuin ni manang ising para sa tanghalian at hapunan.. M-may bisita kase tayo mamayang tanghalian."

Si thylandier pala ang bisita na sinasabi ni esperanza.. Hindi na lang kase nya sinabi,eh. Edi sana nakapag ayos man lang ako.

"Esperanza pakitawag si isabel tayo'y kakain na.."

Napaayos agad ako ng tayo ng marinig ko si inay ising na binanggit pa ang pangalan ko..

Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang saradura ng pinto ng palikuran.

Nanginginig naman ang kamay ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon habang ginagawa ang exhale,inhale na lagi kong ginagawa kapag kinakabahan ako at kapag ipinapahinga ko ang utak ko kakagawa ng mga nobela.

"Binibining Isabel tayo'y kakain na ng tanghalian.."

Bahagyang katok ni esperanza sa pinto kaya naman binuksan kona lang ang pinto at nakita ko ang ngiti at pangaasar ni esperanza sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina na si heneral thylandier pala ang bisita?"

Inis kong tanung pero tinawanan lang ako..