webnovel

Transferred Girls

Brian's POV

Ang saya ng sleepover party namin nila Kian at Aidan, at sa tingin ko iyon iyong first time kong matulog sa isang malaking bahay, ngunit may isang hindi natutuwa dahil late na naman raw ako sa school.

"Brian, mala-late ka na sa eskwela mo! Kailan ka ba titino ha!?" madramang tanong sakin ni Mama.

Humph! Grabe naman to si Mama, magsusuklay na nga lang ako.

"Sige na ma, pasok na ko," paalam ko sa kanya, naglalakad lang ako papuntang eskwelahan pero ayos lang naman sakin iyon kasi malapit lang naman iyong eskwelahan sa bahay namin.

"Hay sa wakas nandito na ako," buntong hininga kong sabi at pinakita ko ang ID ko sa guard at siyempre pumasok na ako sa room namin, at naabutan kong may pinag-uusapan sina Kian at Aidan.

"Hoy! Ano iyang pinaguusapan niyong dalawa?"

"Wala naman, pinag-uusapan lang namin kung gaano ka kalikot matulog kagabi," sagot sa'kin ni Aidan na napakahonest naman, at nilagay ko na ang bag ko sa upuan sabay upo.

"Ang tagal naman ni ma'am, kailan ba siya darating?" inip na tanong ko sa dalawa.

"Bakit mo pa hinihintay si Ma'am? eh hindi ka naman nakikinig sa klase?" asar sakin ni Aidan at tahimik na tumawa kasama si Kian.

Humph! Akala mo naman hindi ko sila naririnig, at nagulat na lang ako nang biglang nagtanong si Kian.

"Guys, about 'don sa libro, talaga bang nakita niyo 'yun?" tanong niya.

"Bakit? Di ka naniniwala?" tanong ni Aidan.

"Well, hindi sa 'ganon. Gusto ko lang malaman kung totoo ba talaga 'yung nakita ko."

Totoong nakita rin namin ni Aidan 'yung libro kahapon, at katulad niya di rin kami makapaniwala.

FLASHBACK

"Brian, tapos ka na?" tanong ni Aidan sa'kin.

"Hindi pa," sagot ko, ilang segundo lang ay agad ko ng tinapos ang ginagawa ko at lumabas na ng banyo.

"Ang tagal mo naman," reklamo ni Aidan, napangiti na lang ako.

Agad kong kinuha ang comic book na pinahawak ko kay Aidan. Shesh! Magpupuyat na naman ako mamayang gabi.

"Di ko inaasahan na ganito kamahal ang 2nd season," medyo nanghihinayang na sabi ni Aidan.

Di mo masisi yung libro, matapos yung first release niya bigla 'tong sumikat dahilan para maging mas mahal ang next release.

"Okay na 'yan, magiging worth it naman 'to," saad ko, pero alam kong di parin satisfied si Aidan sa mga sinabi ko.

"Bilisan na natin, baka naiinip na si Kian 'don," utos ni Aidan.

Bakit kay Kian ang bait niya?.

"By the way, Aidan. Alam mo ba kung Anong oras—"

"Brian! Tignan mo 'yun!" sigaw ni Aidan sa'kin, napatingin naman ako sa tinuro niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang librong nagliliwanag.

At hindi lang 'yun, hawak siya ni Kian ngayon.

"S-Sandali, Anong nangyayari?" tanong ko, pero mas lalo akong naguluhan nang makita ko na parang hinihigop na si Kian papasok sa libro.

"Para siyang hinihigop," gulat na sabi ni Aidan.

"Kian!"

END OF FLASHBACK

"Alam mo, Kian. Akala ko rin nananaginip lang ako," sabi ko sa kanya.

"May sasabihin ako sa inyo," seryoso nitong sabi sa'min.

"Handa na kaming makinig," saad ko, at nagsimula ng magkuwento si Kian.

"Nung oras na parang hinihigop Ako ng libro, may boses akong narinig."

"Boses?" tanong ko, tumango siya at sinabing…

"Nagsalita siya at sinabi na ang lahat ng mga itinakada ay karapat-dapat na tumungo sa mundo ng Haesis."

Mundo ng Haesis? Parang familiar ah.

"Anong ibig niyang sabihin na dapat pumunta ang mga itinakada? Ibig sabihin ba nun itinakda ka, Kian?" tanong ni Aidan, napatingin din ako kay Kian at inaantay ang sagot niya.

"Hindi ko rin alam," kibit-balikat niyang sagot, "basta ang alam ko muntik na akong higupin ng librong 'yun," dagdag pa niya.

Wait a minute. Hindi kaya hinihigop si Kian dahil gusto ng libro na makapunta siya sa tinatawag nilang Mundo Ng Haesis?.

Wala lang, hula ko lang.

Pero sa totoo lang, habang iniisip ko 'yung Haesis, parang may part na familiar sa'kin.

Tsk! Deja Vu ba'to?.

"Ayan na si Ma'am!" sigaw ng kaklase namin at nagsi-ayos na nang upo ang lahat bago pa pumasok ng classroom si Ma'am.

Pumasok na si Ma'am at napansing kong may kasama siyang mga babae na kasing-edad namin at naka-uniform.

Shesh! Ang gaganda nila.

"Good Morning, Class! Gusto ko sanang batiin niyo ang inyong mga bagong kaklase na sina Ella, Belle, at Avery," utos ni Ma'am at sabay na pumagitna ang tatlo sa harap.

Unang nagpakilala ang babaeng may kahabaan ang buhok at medyo may kaputian.

"Ako si Ella, 12 years old."

"Humph!, Maganda siya ah," puri ko sa babae habang nakasandal ang kamay ko sa upuan.

"Bakit Brian? Inlove ka na ba?" paasar na tanong ni Aidan sakin.

Bruh! Porket ba sinabi kong maganda ang babaeng iyon, inlove na agad?.

Sunod naman na nagpakilala ang babaeng may katangkaran at naka-ponytail.

"Ako si Belle, 11 years old hehe."

"Ang ganda niya! Sa tingin ko siya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo!" pangiti kong sabi kina Aidan at Kian ngunit hindi man lang nila ako pinansin.

And lastly, nagpakilala rin ang babaeng naka-salamin at nakapony-tail din.

"A-Ako naman si Avery, 12 years old."

"Hmmmmm! Hindi siya masyadong kagandahan, merong siyang nerdy glasses at iyon iyong nagpapapangit sa kanya, at sa ugali niya para siyang introverted," mahina kong sabi kina Kian at Aidan, grabe napakajudgmental ko diba?.

"Ano ka ba Brian? Para sa'kin maganda siya, napaka-simple lang nga eh," pagtatanggol ni Kian sa babaeng nagngangalang Avery.

"Seryoso ka? Nagagandahan ka sa kanya? Wow! Ang pangit ng taste mo sa mga babae, Kian," asar ko kay Kian nang nakangiti, ngunit napatingin kami kay Maam nang bigla niyang tinawag si Kian.

"Kian, Absent ba ngayon ang katabi mo?" tanong ni Ma'am habang nakaturo sa upuan na walang nakaupo.

"Ah opo ma'am, Absent siya ngayon, ang sabi raw po niya may lalakarin raw po sila ng nanay niya," sagot ni Kian.

"Kung ganon puwede bang si Avery muna ang umupo diyan?" tanong ni Ma'am sabay hawak sa balikat ni Avery.

"Of Course!" tugon ni Kian, Tsk! may pa english english pa siyang nalalaman ah.

Nilagay na ni Nerdy Girl ay ang ibig kong sabihin, nilagay na ni Avery ang bag niya sa upuan.

"Hi, Ako si Kian," pagpapakilala ni Kian kay Avery, hindi ko alam kung saan nakukuha ni Kian ang tapang na makipag-usap sa mga taong di niya kilala.

"Ako si Avery, Nice to Meet You!" pagpapakilala ni Avery, hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may pagkalandi rin 'tong si Avery, at pinaupo na rin ni Ma'am si Ella sa harap ko at si Belle naman ay sa likod ni Aidan.

Napapansin ko na parang ang saya-saya nila Kian at Avery habang nag-uusap.

Sandali, huwag niyong sabihin na gusto agad nila ang isat-isa.

Tsk! Ang isyu ko masyado.

—RECESS TIME—

KIAN'S POV

Pasensya na pala kayo sa kaibigan kong si Brian, Please pagtiisan niyo na lang ang ugali niya.

"Gusto mo?." tanong sakin ni Avery habang hawak niya ang kanyang cookies.

"T-Thank you," siyempre tinanggap ko, hindi ako cold tulad nang mga heartthrob boys na lagi niyong napapanood sa TV.

"Kumuha ka lang diyan ah."

"S-Sige, S-salamat," utal kong sabi.

Wait a minute, bakit ako nauutal? It's just me talking to a new friend, so wala dapat akong reason para ma-utal.

Kukuha na sana ako ng cookies pero bigla akong naunahan ni Brian.

"Libreng Cookies? Thank you, Kian!" pangiting sabi nito at kinain ang cookies na kinuha niya.

"Ah sa totoo niyan hindi talaga sa'kin iyang mga cookies na iyan."

"Huh?"

"Kay Avery iyang cookies na iyan."

"A-Ano?"

I can't blame him, after that harsh words he said to Avery.

"M-Magkaibigan tayo hindi ba? Avery?" mapagpanggap na sabi ni Brian, hindi ko alam kung ano tawag sa kanya. Tsk! Napaka-plastik.

"Huh, Pero kanina ang sabi mo—"

"Hay Naku! Kian, wala akong sinabi, hindi ko sinabing introverted at tsaka nerdy type si Avery hahaha, " pagsisinungaling ni Brian, hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi tinakpan ni Brian ang bibig ko.

"Sige lang kuha ka lang, uhm—" she can't call Brian by his name kasi hindi niya alam ang pangalan nito.

"Brian ang pangalan ko hehe."

"Okay, kuha ka lang diyan Brian... maganda rin ang pangalan mo ah," pagpuri nito.

"Salamat sa papuri," abot tengang ngiting ani ni Brian habang kumakain nang cookies.

Bruh! hindi patas, Si Avery pinuri siya pero siya jinudge niya lang.

Natapos ang klase, at maraming pina-assignment sa amin ang mga teachers.

Lumabas na ako sa school, at pagkalabas ko ay may napansin agad ako. Nakita ko si Brian na para bang may sinusundan.

"Brian, Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang siya humarap.

"Sinusundan ko si Ella, aalamin ko kung saan siya nakatira," tugon sakin ni Brian

"Ah so pag nalaman mo na kung saan siya nakatira, anong gagawin mo?" tanong ko.

"Wala naman, gusto ko lang alamin."

Is that really a valid answer?.

"You know, Brian? Halatang inlove ka Kay Ella" saad ko sa kanya, napatigil naman siya at pinatanggol ang sarili

"A-Ako? I-In love? Hindi Kaya!" tanggi ni Brian at talagang sumigaw pa talaga siya ah.

"Kung hindi mo siya gusto edi sana hindi mo siya sinusundan ngayon."

"Hindi ako inlove sa kanya...crush ko lang...magkaiba 'yun diba?" tanong niya.

Hindi, inlove ka talaga.

"Whatever," sagot ko.

"Ano ka ba, Kian? Parte sa buhay ng mga lalaki ang sundan at alamin ang bahay ng mga crush o gusto nila, ginagawa koto kasi lalaki ako!" matapang na sabi ni Brian at nag muscle pose pa siya.

No! Hindi yan parte sa buhay ng mga lalake.

"You can do anything you want, but remember, you're still a kid even I. You should still limit yourself," panenermon ko sa kanya.

"D-dumugo ilong ko 'dun, Kian," saad niya, napatawa na lang ako sa sinabi niya, "pero wag kang mag-alala, wala akong gagawin kasi nangako tayo nila Aidan na sabay-sabay tayong magkaka-girlfriend," dagdag pa nito.

"Tama! Tam— Huh? kailan tayo nangako ng ganyan?" tanong ko pero pinatahimik niya lang ako.

"Ano ba iyan!? Hindi ko na tuloy siya nakita, ikaw kasi eh," sisi sakin ni Brian, ako pa talaga sinisi niya ah.

I guess I have just to leave it like that. Di rin nagtagal ay umuwi rin agad kami ni Brian, but the moment I entered the house, an intriguing news really surprises me.

"Mr. Kian, babalik na po rito ang papa niyo next week," nakangiting sabi ng yaya sakin, nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay yaya.

"H-Huh? T-Talaga po? No Joke?" tanong ko sa kanila.

"No joke po, babalik na sila next week," masaya nilang balita sa'kin.

That news really surprises that i can't even talk, agad akong umakyat sa kuwarto ko at humiga sa kama.

"Babalik na siya rito? Halos 3 taon rin siyang nagtagal sa Amerika. Ano na naman kayang gagawin niya pag nakabalik na siya rito. Shesh! Parang ayaw ko ng alamin," mahina kong sabi, sa totoo niyan may kompanya kami doon sa Amerika na hanggang sa ngayon hindi ko pa nakikita, pero ang sabi sakin ni papa sa oras raw na may mangyari sa kanila ay sa akin raw niya ipapamana ang kompanya niya, pero wala naman akong interes tungkol sa kompanya niya, at isa pa ay wala akong alam tungkol sa business.

I mean, kunti lang.

"Mr. Kian! Handa na po ang tanghalian niyo!" sigaw ng yaya ko doon sa baba, pinagbawalan kasi sila na pumasok sa kuwarto ko pag nandito ako, puwede lang sila pumasok pag nandon ako sa labas o nandun ako sa school. Nagbihis muna ako bago bumaba at pinaupo na ako sa mesa, at talagang napaka boring dahil ako lang ang mag isa, pero nasanay na ako kaya wala ng problema sa'kin iyan.

"Mr. Kian, gusto nang mga magulang mo na magkaroon ka ng girlfriend bilang gabay sa trabaho mo doon," sabi sa"kin nang yaya na ikinalaki naman nang mga mata ko.

"Sandali lang! 12 years old pa lang ako, Hindi pa akong puwedeng magka-girlfriend."

"Pero iyon po iyong gusto ng mga magulang niyo,"

"Kainis naman! Hindi ba nila kayang mag antay nang 6 years o kahit 4 years man lang? Hindi porket fantasy ang genre ng istoryang ay puwede na nilang gawin anuman ang gusto nila!" reklamo ko kay Yaya at nagpatuloy na muna ako sa pagkain habang ang ang mga yaya ay nakatayo sa gilid at likod ko, pero aamin na ako… masaya ako dahil 7 days na lang ay babalik na sila Mama at Papa rito, pero hindi ko na inaasahan ang pasalubong nila dahil may pera rin naman ako katulad nila.

"Teka Yaya, Ano ba ang dahilan at uuwi sina Mama at Papa rito?" tanong ko kay Yaya, mabilis na sumagot si Yaya at naintindihan ko naman ang sinabi niya.

"Ang alam ko may tatapusin silang trabaho rito kaya't uuwi sila."

Why did i expect so much? Of course it's the work!

Looks like they didn't come back here because of me.