webnovel

Comeback

KIAN'S POV

7 days has passed and the time has come. It's already time! Ilang minuto na lang ay nandito na si Papa.

Tulad nang sinabi ni Yaya ay babalik na si Papa ngayon, pero alam ko naman na pumunta lang siya rito para tapusin ang trabaho niya. Sa totoo niyan hindi ako galit sa kaniya, sadyang naiinis lang talaga ako sa kanila sa hindi ko malamang dahilan. Pero kahit ganon, hindi ko maipagkakaila na naghintay ako.

Paulit-ulit akong tumingin sa relo ko para alamin kung 9:00AM na ba. 9:00AM kasi ang sabi ng mga bodyguards ko, hanggang sa may dumating na nga na kotseng kulay gray at pinagbuksan na iyon nang mga guwardiya.

"Ayan na sila," pangiting sabi ng bodyguard ko, lahat nakangiti sa pagsalubong sa tatay ko maliban lang sakin, pero alam ko naman sa sarili na medyo excited ako.

Tumigil ang kotse at pinagbuksan ng pinto si Papa. Bruh! Hindi ba nila kayang magbukas ng pinto ng kotse at kailangan pa nila ng mga tao para pag buksan sila, at lumabas na nga si Papa na nakita kong inaayos ang necktie niya, tuloy-tuloy siyang naglakad papuntang mansyon.

"Maligayang Pagbabalik, Mr. Gorres," bati nang mga bodyguards at ng mga Yaya, ngunit naaasar lang ako pag pinapanood sila.

"Kian, halika dito," maamong utos sakin ni papa, wala akong magawa kaya't dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Alam mo naman siguro kung bakit ako umuwi rito hindi ba?" pangiting tanong sakin ni Papa, napataas naman ang isang kilay ko sa tanong niya.

"Ahhh, Dahil sa trabaho niyo?" tugon ko kay Papa, nagulat ako dahil umiling siya sa sagot ko.

"Hindi, nandito ako dahil meron akong importanteng sasabihin sa iyo."

"Huh? Ano iyon?"

"Sa loob na natin pagusapan iyon," tugon ni Papa at pumasok na si Papa sa mansyon ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit sa ulo.

"Ang sakit nang ulo ko," pabulong kong sabi hanggang sa may nagpapakita sa isip ko na lalong nagpapasakit ng ulo ko, isang kaharian na kung saan ay namumuno ang isang maamong hari, at isang maliwanag na buwan, nakakita rin ako nang mga digmaan kung saan maraming nagpapatayan.

"HINDI!!" sigaw ko, hindi ko namalayan na tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero nakita ko mismo.....ang isang planeta na kung saan talagang napamangha ako, biglang naging blurry ang paningin ko hanggang sa...

"KIAN!, KIAN! KIAN!" zambit ng isang boses sa pangalan ko, ewan ko basta panlalaki iyong boses niya, medyo makapal iyong boses niya.

"Nasaan ako?" naguguluhan kong tanong, ang nakikita ko lang ay kulay itim at walang nasa palagid.

"Kian, mag-iingat ka, dahil marami pang mga pagsubok ang raranasin mo," iyan lang ang mga salitang narinig ko mula sa isang hindi ko maipaliwanag na bagay, hanggang sa unti-unti ko ng iminumulat ang mga mata ko

"Ayos ka lang ba, Anak?" tanong sakin ni Papa na halata sa mukha ang pag-aalala, ngayon ko lang siyang nakitang ganun, may tinatago rin palang kabaitan itong si Papa. "Anong nangyari sayo, Kian?" tanong niya ulit sakin, marahan ko namang sinagot ang tanong niya.

"Meron pong isang liwanag na nagpakita sakin sa isip ko."

"Liwanag? Anong klaseng liwanag iyon?" tanong sa'kin ni Papa, sa mukha niya ay parang gulat na gulat siya.

"Hindi ko po alam, basta ang alam ko ay iyong liwanag na iyon ay galing sa libro na binili ko doon sa Alzechga Book Store,"

"Kailan pa siya nagpapakita sayo? 'Yung liwanag na 'yon?" tanong niya.

"Pangatlong beses na po to ngayon, nagpaparamdam at nagpapakita siya sa'kin sa di inaasahan oras," maseryosong tugon ko, at bigla naman nagsalita si Yaya.

"Opo, noong nakaraang linggo rin po, ang sabi ni Mr. Kian ay may librong nagliliwanag raw po siyang nakita kaya't napasigaw po siya kahapon sa takot," saad ng yaya namin.

"Nung unang araw ay talagang pinuwersa po ako ng libro na iyon, talagang gusto niya po akong ipasok sa Libro, Pangalawang araw naman ay may nag doorbell sa gate ngunit wala naman pong tao at dun ko po nakita ang nagliliwanag na libro tapos po nakalutang pa at ngayon naman po ay parang may pinasok siya sa isip ko."

"Ano iyon?" tanong sakin ni Papa

"May kaharian po, magandang planeta, nagliliwanag na buwan, at mga digmaan," paliwanag ko sa kanila pero bakit sakin siya magpaparamdam eh wala naman akong ginawa sa kanya.

"Anak, hindi ba ang sabi mo isa siyang libro na nagliliwanag?"

"Ah opo," tugon ko, at kinuha ni Papa ang cellphone niya sa bulsa at parang may ipapakita sakin.

"Eto ba iyon?." Tanong niya, nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang litrato, dahil ang nasa litrato ay kaharian na nakita ko sa isipan mo.

"Bakit? Bakit may pictures ka diyan sa cellphone mo, Papa?"

"Dahil..... Totoo ang kastilyong iyan, Kian," nanlaki ang mga mata ko sa tinugon ni Papa, hindi ko alam na totoo ang mga kababalaghan na nangyayari sakin.

"A-Ano!? Totoo po iyan? Pati po iyong mga digmaan?" tanong ko kay Papa, tumango siya bilang pagsagot.

"Pero bakit sakin nagpaparamdam iyong liwanag na iyon," pasigaw kong tanong kay Papa, bumuntong hininga si Papa at sinagot ang tanong ko.

"Alam kong hindi ko pa sayo to nasasabi pero..... talagang malakas ang aura mo anak at ngayon ko pa lang ito nalaman, sa oras na nalaman ng buwan na malakas ang aura mo ay asahan mo na na hindi ka niya patatahimikin, gusto ng buwan na 'yun na kunin ang aura mo, Kian," saad niya

Aura? Wait, I remember now. The first time i saw the book, the king suddenly something about aura.

"Alam mo ba, Kian? Nangyari na sakin iyon. Nahigop ako sa Libro pero ang akala ko talagang magical ang magiging buhay ko non pero....namatay ang mga kaibigan ko dahil sa librong iyon, may paraan pa para hindi mo iyon maranasan Kian, at iyon ay ang labanan ang liwanag nang buwan, huwag kang mag alala, hindi ko hahayaang mangyari yun sayo," nakangiting sabi ni Papa sabay yakap, nagulat ako dahil ngayon niya lang ulit ako niyakap nang ganun parang nawala ang pagkainis ko sa kanya.

Niyakap ko rin siya nang mahigpit gaya ng pagyakap niya sakin, sa totoo niyan hindi naman talaga masama ang ugali o strikto ang mga magulang ko, talagang hangad lang talaga nila ang kaligtasan ko.

Kinabukasan ay magbihis na ako at sinuot ang ID ko sabay kuha nang bag at pagbaba ko ay nakita ko si Papa at Mama na nag-uusap.

Wait? Si Mama?.

"Mama? Umuwi na rin po kayo?" gulat kong tanong.

"Pinauwi ko ang nanay mo rito para protektahan ka rin," tugon ni Papa, umalis si mama sa pagkaka-upo at dali-daling yumakap sa'kin.

"Isa pa, babawi kami sayo," saad ni Papa habang nakatingin sa diyaryo at hawak ang isang tasang kape, nagpaalam na ako sa kanila papuntang school kailangan ko ring bumawi kasi absent ako kahapon.

"Kamusta na kayo, guys?" bati ko kay Aidan at Brian

"Kian, bakit absent ka kahapon? Bihira ka lang umabsent ah,'' tanong ni Aidan, umupo agad ako at sinagot ang tanong niya.

"Kakauwi lang ni Papa galing Amerika, at isa pa…marami akong natuklasang kakaiba kahapon."

"Kakaiba? Ano 'yun?" tanong ni Brian.

"Secret!" pangiti kong sabi sa kanila sabay kindat, napasimangot na lang si Aidan sa sagot ko.

"Tsk! Sayang yung perfect attendance mo," nanghihinayang na sabi ni Brian.

"Ano ka ba? Isang absent lang 'to. Di na mauulit," saad ko sa kanya.

"Kian," sambit ni Aidan sa pangalan ko, napatingin naman ako sa kanya. "Ano ba ''yung natuklasan mo kahapon? Sabihin mo na."

"Oo nga, magkaibigan naman tayo diba?" tanong ni Brian sa'kin.

Grabe, wala talaga akong masabi.

"Okay, sasabihin ko na," saad ko, agad na nag-focus ang dalawa sa sasabihin ko, "Nalaman ko na 'yung liwanag at kastilyo na lagi kong nakikita ay hindi lang basta illusyon," kuwento ko na may pa action-word pa.

"So ang ibig mong sabihin ay totoo 'yung nakikita mo?" tanong ni Aidan, tumango ako bilang sagot.

"Paano nangyari iyon?," tanong ni Brian, halata sa mukha niya na gulat na gulat siya ang alam ko kasi hindi siya naniniwala sa mga kababalaghan.

"Hindi ko alam kung paano nangyari, hindi ko pa kasi nakikita sa personal 'yung kastilyong iyon," tugon ko at tumingin tingin ako sa paligid at napatanong ako.

"Oo nga pala, Nasaan si Avery?"

"Si Avery ba? Sa totoo niyan hindi ko rin alam. Hindi rin kasi siya pumasok kahapon eh, hindi rin pumasok sina Belle at Ella," mahinhin na tugon ni Aidan, napatingin ako kay Brian nang bigla itong nagsalita.

"Bakit mo naman natanong iyan Kian? Nalaman mo bang may feelings ka sa kanya kaya ganyan ka?" pabirong tanong ni Brian, napatititig naman ako sa kanya at sinabi kong…

"May feelings agad? Hindi ba puwedeng curious lang? At tsaka huwag mo akong ihaintulad sa iyo na inistalk si Ell—" hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil tinakpan ni Brian ang bibig ko.

"Hehe, Aidan huwag kang makinig kay Kian, nagbibiro lang naman siya HAHAHA," pagpapanggap ni Brian

sabay bulong sakin. "Kian, Please, puwede bang isikreto lang natin iyon," pakiusap ni Brian, tumango na lang ako bilang pagpayag.

Ilang oras ang nakalipas ay sa wakas ay uwian na 12:00pm, Pumunta ako sa isang magandang shop at bumili ako nang tatlong ice cream at tatlong milktea, binigyan ko sina Aidan at Brian nang tig-isang ice cream at milk dahil nagmaka-awa ang isa diyan na ilibre sila.

"Salamat sa libre!" pagpapasalamat ni Brian sakin sabay dilap sa ice Cream.

"Ano ka ba Brian? Wala lang iyon, hindi ko naman sinasabi na masama ang loob ko dahil 250 pesos ang nagastos ko dahil sa ice cream at milktea.

"Marami naman kayong pera ah, piso lang sa inyo 'yan,'' sabi ni Brian.

"Kian, gaano ba kayo kayaman? Gaano karami ang pera niyo?" tanong ni Aidan, napa-isip naman ako sa tanong niya.

"Hindi ko alam sa totoo lang, pero ang alam ko lampas bilyon na ang pera namin, tapos meron pa kaming isang kompanya sa ibang bansa."

"Kompanya? Saan?" tanong ni Brian habang humihigip nang milk tea.

"Sa Amerika. Ang sabi ni Papa ako raw ang susunod na magmamay-ari ng kompanya, pero hindi ko pa alam kung kailan," tugon ko, napaluwa naman si Brian sa hinihigop niyang milktea.

"M-Magmamay-ari? Ikaw? N-Nang isang kompanya?" utal na sabi ni Brian, hindi siya makapaniwala na ako ang susunod na magmamay-ari nang kompanya sa Amerika kaya't nanigas at parang mahuhulog na ang panga.

"Oo, pero hindi pa sa ngayon."

Ngunit nang nag-uusap kami ay nakita ko na paparating ang taong pinaka ayaw ko.... Si Evan, Si Evan ang pinakamasama ang ugali sa classroom, palagi siyang nang bubully nang kapwa niya kaklase kaya hindi ako natutuwa sa kanya.

"Oh, tignan mo kung sinong nandito...ang mayamang mayabang," insulto sa'kin ni Evan, nandikit naman ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"Sinong tinatawag mong mayabang?" tanong ko sa kanila, napangisi naman si Evan kasama ang mga kasamahan niya.

"Well, wala akong pakialam. Sayang lang ang oras ko sa iyo pati na rin sa mga walang utak mong mga kaibigan."

"Hoy Ikaw! Sinong walang utak ang tinutukoy mo!?" pasigaw na tanong ni Brian.

"Kasasabi ko lang sa inyo, wala akong panahon para makipagkuwentuhan sa inyo, diyan na kayo ba-bye," insulto samin ni Evan sabay lakad papalayo samin.

Eh ikaw nga 'tong unang lumapit sa'min. Wala raw panahon pero kami ''yung unang kinausap.

B0b0 rin 'tong taong to eh.

"Naku! Pag ako talaga napuno sasapakin ko na iyang kolokoy na iyan," inis na sabi ni Brian nang magka-dikit ang mga kilay.

"Hayaan mo na siya, siguro kulang lang iyan sa pansin, " sabi ko kay Brian at nagsi-uwi na kaming tatlo at nang nasa mansion ako ay nakita ko ang isang bukas na pinto na may nagliliwanag, pinuntahan ko ang kuwarto para alamin iyon.

"Papa," sambit ko, hanggang sa nakita ko ang isang malaking litrato ng buwan na nagliliwanag at nakita ko rin si Papa na nakatayo sa harap nito. "Papa, ano iyan?" tanong ko, lumapit ako sa kanya at namangha sa litrato ng buwan.

"Ito ang liwanag nang buwan, kinuwento ko na sayo na ang liwanag nang buwan ay kailangan pumili ng mga batang may malalakas na aura at alam kong isa ka sa mga iyon, Kian," paliwanag ni Papa

"Pero bakit ayaw niyo pong kunin nang buwan ang aura ko?" pagdududa ko.

bumuntong hininga si Papa. "Hindi mo iyon maiintindihan Kian, medyo bata ka pa kasi kaya siguradong hindi mo iyon maiintindihan," tugon ni Papa sabay alis sa silid.

Paano ko maiintindihan kung di mo ipapaliwanag?.

Hindi ko na lang ito pinansin at ako naman ay pinagmamasdan ko ang liwanag ng buwan na sadyang kamangha-mangha.