webnovel

The Moonlight

Kian's POV

Bago ako matulog ay pumupunta ako sa silid na ngayon ko lang nadiskubre ang silid kung saan naroon ang liwanag nang buwan, pinapanood ko ang liwanag na kulay asul nito.

"Anak, nandiyan ka ba?" tanong sakin ni Papa sabay pasok sa kuwarto," Anong ginagawa mo rito?"

"Tinititigan ko po ang liwanag niya, kahit po na sabihing aura natin ang gusto nilang kunin ay hindi ko parin pong maiwasang mamangha sa ganda ng liwanag niya," tugon ko kay Papa habang nakatitig ako sa liwanag nang buwan.

Napapaisip pa rin ako, sa ganda ng liwanag na 'to, possible bang mapahamak ako?.

"Nakakamangha naman talaga ang liwanag nang buwan. Actually, Hindi naman talaga mapanganib sayo na kunin ng buwan ang aura mo."

"Ano pong ibig niyong sabihin, Papa?"

"Ayoko lang mapahamak ka...ayokong matulad ka sa'min," tugon niya at biglaan na lamang akong niyakap, "Gusto ko lang naman maging ligtas ka," mahinahon na sabi ni Papa, napatitig ako sa kanya at napangisi na lang dahil hindi ko talaga alam na sasabihin niya iyon, hindi ko alam basta naninibago ako sa kanya, nung bata pa kasi ako strikto siya sa mga bodyguards at maids.

Kinabukasan ay nagbihis na ako at sinuot ko na ang ID ko at nakangiting nagpaalam sa mga magulang ko, nang nakapasok na ako sa gate ng school ay nakita ko ang lahat nang mga estudyante at teachers na nagtitipon at dahil nakita ko si Brian ay siya na ang tinanungan ko.

"Brian, anong nangyayari rito?" tanong ko kay Brian.

"Tumingin ka sa taas, Kian!" utos sa'kin ni Brian sabay turo sa langit nang tumingala ako ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Iyan ang.... Liwanag nang Buwan."

"Liwanag Nang Buwan? Pero ang alam ko wala namang liwanag ang buwan," saad ni Brian, akalain mo may natututunan rin pala tong si Brian.

"Hindi naman iyong buwan sa Solar System ang tinutukoy ko, Brian," sabi ko sa kanya at napaisip ako kung bakit parang nababaliw na ang liwanag nang buwan sa kalangitan.

"Grabe! Parang hindi ko to gusto ah, Mamamatay na ba tayong lahat?" tanong ni Brian na medyo nanginginig sa takot.

"Huwag mong sabihin iyan, hindi pa mangyayari iyon," pampagaan nang loob ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumakas ang enerhiya ng liwanag nang buwan na para itong sasabog, nakatingin ang lahat sa langit hanggang sa bigla na lang may bumaba na laser mula sa langit at talagang tatlo pa talaga ang laser.

"Tignan niyo!" Sigaw ni Brian na nakaturo sa laser at habang tinititigan ko ang laser ay lumalakas rin ang enerhiya nito.

"Kian!" Sigaw na sambit ni Brian sa pangalan ko, ngayon ko lang napansin na ako ang tatamaan nang isang laser habang ang dalawang laser naman ay balak tamaan sina Brian at Aidan, hindi ko magalaw ang mga paa ko sa takot, nanginginig na ako at napapikit na lang hanggang sa dumating si Papa na may dalang isang salamin, Hinarangan ako ni Papa at ginamit ang salamin bilang isang kalasag at nang tumama ang liwanag sa salamin ay naabsorb nito ang kapangyarihan ng liwanag nang buwan.

"Papa? Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanya, humarap siya sakin at sinabing...

"Tara, umuwi na tayo,"

"Pero may pasok pa po ako, Papa," saad ko sa kanya lumapit ang Papa ko sa mga teachers.

"Puwede ko ba siyang kunin?" tanong ni Papa, tumango na lang ang mga teachers at nakanganga parin sa nangyari, hinawakan ni Papa ang mga kamay ko sabay hila sakin.

"Kita na lang tayo, Brian! Aidan!" sigaw ko sa kanila at kumaway naman sila sa'kin.

Alam kong medyo nalilito sila sa nangyari but i don't have time to explain, hinihila ako ni Papa kaya medyo napapalayo ako sa kanila, pero laking gulat ko nang biglang tumigil si Papa.

"Hindi! Sasama sila sayo," maamong sabi ni Papa, agad na dumating ang mga bodyguards ko at bigla na lamang binuhat sila Brian at Aidan.

"H-Hoy!" pagpupumiglas ni Brian.

"P-Papa?"

"Mamaya na ako magpapaliwanag," saad nito.

Mabilis kaming nakauwi at agad kaming dinala ni Papa sa silid kung saan naroon ang prototype version kineme ng liwanag ng buwan.

"Huh? Hindi ba iyan iyong liwanag kanina sa langit. Bakit iyan nandito?" tanong ni Brian nang nakataas ang isang kilay, tinugunan naman siya ni Papa at ipinaliwanag sa kanya ang mga nangyayari.

"Kasi sa totoo niyan mga bata, kayo ang target nang liwanag na iyon, ngayon ay nalaman ko na na kayong tatlo ay isa sa mga pinili nang buwan."

Hindi ko maintindihan, ibig sabihin ba 'nun is may malalakas na aura rin si Brian at Aidan. Sandali, yun ba ang dahilan kung bakit nakita nilang dalawa yung libro na muntik na akong higupin? If that's the case, then it's

"Huh? Kaya ba kami sinubukang patamaan nang laser na iyon?" tanong ni Brian at tumango si Papa

"Ib kasi ang aura niyo kaysa sa ibang tao," paliwanag ni Papa.

"Iba ang aura namin? Nagbabago ba ang anyo natin pag hatinggabi? Oh di kaya may Magical powers tayo? Oh di naman kaya ay mga prinsipe tayo na humahalik nang babaeng natutulog para bumalik ang prinsesa sa normal?" mga haka-haka ni Brian, ang lakas nang imagination niya, tinapik naman ni Aidan si Brian sabay sabing...

"Brian, sa Fairytale lang naman nageexist iyang mga sinasabi mo," pangiting Sabi ni Aidan ngunit parang napaisip siya at sinabing...

"Sandali lang...may posibilidad ba na ganon nga?" paninigurado ni Aidan, natawa na lang ako kahit seryoso na ang mga nangyayari.

"Actually, most of the thing na sinabi ni Brian is tama...maliban lang dun sa may hahalikang prinsesa," sagot ni Papa, "Kian, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nang nangyari kanina?" seryosong tanong ni Papa sakin, umiling ako dahil hindi ko alam kung bakit parang gusto kaming saktan nang liwanag nang buwan. "Ibig sabihin non ay matagal ng gustong kunin ng liwanag nang buwan ang aura niyo Kian. Nagagalit na ang liwanag at talagang sapilitan na niyang kinukuha ang aura niyo," maamong paliwanag samin ni Papa, nagkatinginan naman sina Aidan at Brian at hindi naiintindihan ang mga nangyayari.

"Ang mas mabuti pa, dumito na rin muna kayo, ahhhh..." hindi masambit ni Papa ang pangalan nina Brian at Aidan kasi nga hindi niya alam ang pangalan nang mga kaibigan ko.

"Si Brian po, at si Aidan," pagpapakilala ko sa kanila

"Brian at Aidan mabuti pa't dumito muna kayo," saad ni Papa, napatanong naman si Aidan dito.

"Bakit naman po?"

"Dahil maaring kunin rin kayo ng liwanag na iyon lalo pa't isa kayo sa mga pinili ng liwanag na iyon, kung gustong gusto talagang kunin nang liwanag nang buwan ang aura natin ay iisa-isahin niya na tayo," tugon ni Papa.

"Ibig po bang sabihin non, nasa panganib na rin po kami?" tanong ni Brian, tumango si Papa sa pagsagot, lumabas kami sa sikretong silid at tumungo kaming tatlo nina Brian at Aidan sa kuwarto ko.

"Grabe pala 'tong aura natin Kian, hindi ako magpaliwanag...basta magical," saad ni Brian halatang hindi siya makapaniwala sa nangyari, ikaw pa naman ang makakita nang laser pababa galing sa langit.

"Oo nga, pero hindi ko inaasahan na ganun kayo kadaling maniniwala," sabi ko sa kanila, nagsalita naman si Brian at sinabing....

"Ano ka ba, Kian? Pagkatapos ng nangyari kanina sa school, hindi pa ba kami maniniwala sayo?" saad nito, napangiti na lang ako at nagtanong...

"Salamat pero... Ayos lang ba talaga sa inyo na manatali kayo rito?"

"Oo naman, sino ba ako para tanggihan ang isang malaking bahay," nakangiting sabi sa'kin ni Brian.

Limang Oras ang lumipas ay tinawag na kami nang Yaya para sa tanghalian.

"Mr. Kian, handa na po ang tanghalian ninyo," saad nang Yaya, pabulong na tumawa sina Brian at Aidan.

"M-Mr. Kian? hahaahaha," bulungan at tawanan nina Kian at Aidan at palihim na tumawa.

Humph! Akala siguro nila hindi ko narinig iyon. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ayaw kong tinatawag akong mister, at ano bang pumasok sa isip ni Papa at naisipan niyang ipatawag ako ng ganon? Naiinis lang ako pag tinatawag ako ng mga bodyguards at ng mga maids kapag tinatawag nila akong ganon.

"Tara na, kain na tayo," sabi ko sa kanila sabay tayo sa higaan ko.

"Huh? Ayos lang ba sa inyo?" tanong ni Aidan, sa mukha niyang iyon ay mukhang nahihiya siya.

"Oo naman, kapatid na rin ang turing ko sa inyo kaya't puwede kayong pumunta rito anumang oras."

"Salamat ah," pagpapasalamat na Brian sabay tapik sakin nang malakas sakin, bumaba na kami para mag tanghalian at tumungo na sa mahabang mesa.

"Wow! Mukhang ang sasarap nang mga pagkain," nakangangang sabi ni Brian.

"Hoy! Tumutulo na ang laway mo, ngayon ka pa lang ba nakakita nang ganitong mga pagkain?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman kasi kami mayaman katulad mo," pagtatanggol ni Brian sa sarili, natawa na lang si Aidan sa sinabi ni Brian.

"Oo na, sige na, umupo na kayo at kakain na," utos ko sa kanila, sarap na sarap naman si Brian sa pagkain habang si Aidan ay tahimik at maayos na kumakain.