webnovel

Chapter Two

"Oh, God! Ellaine! He's waking up! Get the doctor! Hurry!!" I hear a familiar voice talking in a very loud tone near me.

I try to open my eyes, but ten-pounds weights are attached to my eyelids. I gradually force them to open and see the face of a middle-aged man with black hair and brown eyes looking intently at me. I slowly realize that I know this man. It's Calvix, My dad.

"What happened? Where.. Where am I?" I can feel something wrapped around my head. I look around and find that I'm in a bed in a small room with white walls, whit ceiling, and white tile floor.

Hinawakan ni Dad ang kamay ko at sinabing, "Son, You're in the hospital. But you are going to be fine. We're so happy you've woken up!"

My mother enters the room. She quickly walks over  and sit on the other side of the bed. "The doctor is on his way." she says. Parehas lang sila ni Daddy na sobrang nag aalala sa akin.

Sinubukan kong isipin kung ano ba talaga ang nangyari sa akin pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa tuwing may inaalala ako. Para itong nabibiyak sa sakit. Hindi ako mapakali. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ako nandito ngayon? Anong nangyari sa akin? Hinawakan ko ang kamay ni Dad at nag tanong dito.

"What is really going on? What happened to me? Please explain to me, Dad." pagmamakaawa ko pa sa kanya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Mom. Parehas silang malungkot na tumingin sa akin. Hinawakan ni Mommy ang mga kamay ko at hinalikan ito. Si Daddy naman halos hindi na makatingin sa akin.

"It's been two years since you fell into this deep coma." pagpapaliwanag niya at biglang naluha.

"You've been kidnapped." Dad, said.

"But everything is okay now, son. Just forget about what happened before and get a new life." sabi naman ni Mommy sa akin. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at parehas ko silang tinignan ng masama. Wala pa akong masyadong natatandaan lalo na sa mga nangyari sa akin pero sa nakikita ko ngayon parang may mali sa sinasabi nila. Parang may tinatago sila sa akin.

"I don't understand. Bakit ako kinidnap? Bakit ako na comatose? Ano bang ginawa nila sa akin? Nasaan na ang mga kidnappers? Nakulong na ba sila?" sunod sunod kong tanong sa kanila. Pero parehas silang hindi makasagot sa akin at nanatili silang tahimik.

Bigla akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman kong sumasakit ito. Napatayo sila Dad at mabilis na tumawag ng doctor. Napapikit ako sa sakit. Pero wala pa rin pumapasok na alaala sa isip ko. Wala pa rin akong matandaan.

Pagkatapos ng check-up ay lumabas muna sila dahil may sasabihin pa daw sa kanila ang Doctor ko.

"Nathaniel!" sigaw nung lalaking pumasok. May mga iba pa siyang kasama na nasa likuran niya lang. Apat silang lalaki at tulad nila Mom kanina alalang alala din ang mga tingin nito sa akin. Hindi ko sila matandaan. Pero malakas ang loob ko na close ko talaga ang mga taong ito noon.

"Ralph! Nagulat ata sa'yo si Nathaniel oh." sabi nung lalaking may hawak na lollipop. "Nathan, natatandaan mo pa ba ako? Ako ito, si Rockie. Ako ang pinakagwapo at pinakamatalino sa grupo."

Bigla naman siyang binatukan ng isa at sinabing, "Pinakapangit at pinakabobo kamo. Sorry, Nathan ah. Dapat pala hindi muna kami pumasok mukhang naguguluhan ka na tuloy sa amin." sabi niya at biglang napakamot sa ulo. "Anyway, Kamusta ka na pala? Alam kong hindi mo kami natatandaan pero ako nga pala si Sebastian."

Isa isa naman niyang tinuro ang mga lalaking nasa harapan ko.

"At ito naman si Ralph, Rockie at si Arthur." pagpapakilala niya.

Tumingin ako doon sa pinakilala niyang Arthur. Hindi ito nagsasalita. Nakatingin lang siya sa baba at parang walang balak na kausapin ako.

"Kung hindi mo naaalala anim tayong lahat na magkakaibigan. Si Reno lang ang wala dito ngayon. Baka next month pa siya makakauwi." pagpapaliwang naman nitong si Sebastian.

Kaibigan ko pala talaga sila. Gustong gusto ko na tuloy silang maalala. Naiinis na ako kasi parang ang dami ko pa palang dapat malaman at makilalang mga tao sa paligid ko. Ang tagal kong natulog sa kama na ito. At alam kong matagal din silang naghintay sa akin. Pero ang akin lang, ano ba talaga ang nangyari sa'kin? At bakit parang ayaw na lang sabihin sa akin ng parents ko ang lahat ng tungkol sa past ko? Bad memories ba iyon na dapat ko na talagang kalimutan kaya sinasabi nila na mag bagong buhay na lang ako at ibaon na lang lahat sa limot ang mga nangyari? Hindi ko na talaga maintindihan.

"Ano palang kukunin mong course pag college natin, Arthur?"

"Basta ako chill lang! Hindi na ako papasok sa college nakakastress daw kasi 'yon, e."

"Tumahimik ka nga, Rockie. Hindi ikaw ang kausap ko—" hindi na natuloy ang sasabihin ni Ralph nang bigla akong nagsalita.

"Sorry to interrupt, but can I ask you something quickly?"

Umupo sa tabi ko si Ralph at biglang tumango.

"Oo naman. What is it, Nathan?"

"Alam mo ba.. No. I mean, alam niyo ba kung ano talaga ang nangyari sa akin? Pwede niyo bang sabihin sa akin kung bakit ako nandito ngayon? Ang sabi lang kasi sa akin ni Mom kinidnap daw ako. Ang gusto ko malaman kung bakit ako kinidnap at kung bakit ako na comatose for two years. Anong ginawa nila sa akin? May kasama rin ba ako nung nakidnap ako? Please, tell me everything."

Napayuko si Ralph. Habang sila Rockie ay halos hindi na rin makatingin sa akin.

"Hindi dapat kami ang magsasabi nito sa'yo kung di ang parents mo pero dahil gusto mo na talagang malaman, sige sasabihin na namin." Sebastian, said.

"Yes, it's true. You've been kidnapped. At kung tinatanong mo kung may kasama ka sa pag kidnap sa'yo, oo meron nga."

Bigla akong kinabahan. Lalo na nang mapapikit ako at may nakitang malabong imahe ng isang babae sa aking isipan. Sino ito? Sino ang babaeng ito? Siya ba ang tinutukoy nila na kasama ko?

"Nathaniel, are you okay? Gusto mo bang tawagin namin sila Tito para sa'yo?"

"No." sabi ko at napailing. "I'm okay. Sabihin niyo na lang sa akin ang lahat. Please, nagmamakaawa na ako sainyo. Gusto ko na malaman!"

"Yung taong kumidnap sa'yo hindi talaga pera ang gusto niyang kunin sa'yo. Kung 'di hustisya, hustisya ang gusto niya. Akala kasi niya ikaw ang pumatay sa kuya niya. Pero hindi iyon ang totoo, Nathan. Wala kang pinatay at alam namin na hindi mo talaga magagawa ang bagay na 'yon. Napagkamalan ka lang niya. At mabuti na lang talaga at hindi sila nag tagumpay sa pag patay sa'yo." biglang napahinga ng malalim si Ralph at lumapit kay Arthur. "Sasabihin pa ba talaga natin sa kanya? Baka hindi kasi niya kayanin. Ano?" tanong niya kay Arthur. Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan. Sa mga nalalaman ko grabe pala talaga ang nangyari sa akin. Kaya pala ako kinidnap dahil ang gusto nung taong yun ay ang makaganti sa akin dahil ang akala niya ay ako ang pumatay sa kapatid niya.

Laking gulat ko naman nang biglang lumapit sa akin itong si Arthur. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. May bigla siyang pinindot sa cellphone niya at may pinakita sa akin. Isang litrato na may kasama akong babae. Sa picture, nakayakap ang babae sa akin habang ako naman ay masayang nakangiti lang sa camera. Nang makita ko iyon, I didn't know what to feel. There where too many emotions. My heart was racing. I couldn't even blink.

"This is you and Liyanna. She was your first love. And she's with you when you were kidnapped."

"But where is she now? Why is she not here?" I ask nervously. "Can I see her? I want to talk to her. Please! Can you take me to her?" pagmamakaawa ko pang sabi kay Arthur.

Tumabi ulit sa akin si Ralph. He smiles sadly. "Kung pwede lang sana kanina pa namin siya sinama dito para sabay sabay na sana kaming nag celebrate sa pagkagising mo eh. Pero kasi.. Nathaniel, wala na talaga siya. Matagal na siyang wala. Sinubukan pa sana siyang buhayin subalit idineklara din itong dead on arrival at tanging ikaw na lang ang nailigtas ng mga doctor. I'm sorry, Nathaniel. Sorry wala kami sa tabi mo nung mga panahong iyon para iligtas kayo. Kung nandoon lang sana kami, eh 'di sana nandito pa siya ngayon kasama mo."