webnovel

Naughty Actor but Sweet

Shanaia Aira's Point of View

" What? Ano sinasabi mo Gwyneth?"

" Are you deaf Aira? Ang sabi ko kaya ayaw magmahal ni Gelo sa iba dahil in love siya sayo na bestfriend nya!" talagang ipinag-diinan pa sa mukha ko yung palagay nya.

" Hahaha. Ang galing mo talaga Gwyneth, naisip mo pa talaga yon? " kunwari tawang-tawa ako sa sinabi nya pero wag ka nag-iisip na ako ng palusot dahil totoo ang iniisip nya tungkol kay Gelo.

" Yeah. I'm not Ms. Universe for nothing. " buong pagmamalaki pa nyang turan.

" Yeah but sorry to burst your bubbles, I think you've got the wrong assumption. Hindi pwedeng ma-inlove si Gelo sa akin o sa kahit na kanino kasi committed na sya — sa career nya. Hindi priority ni Gelo ang makipag-relasyon dahil naka-focus sya sa career nya. " turan ko. Kung pwede ko nga lang sabihin na hindi in love si Gelo sa akin kasi inlove na in love na sya. Hindi sya pwedeng makipag-relasyon sa iba dahil may lifetime commitment na sya sa akin. Kung ganon nga lang sana kadaling sabihin ang lahat.

" Whatever! Pero hindi ako susuko Aira. Mahal ko si Gelo, no scratch that, in love ako kay Gelo. At hindi ko basta-basta pwedeng ibaling ang paningin ko sa iba gaya ng gusto nyang mangyari. Gagawin ko ang lahat para mahalin din nya ako." determinadong wika nya tapos tinalikuran na nya ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa marami nyang tanong. Ngunit nangangamba naman ako sa determinasyong nakapaloob sa kanyang mga salita.

Pagdating ko sa suite ay bumungad sa akin ang inip na inip na si Gelo. Haha. ligong-ligo na kasi sya.

" Baby bakit ang tagal mo? Sumalakay na naman kasi ang Iraq sa Iran, walang namagitan kasi wala ka." nakasimangot na sabi nya pero in fairness ang cute pa rin nya. Hay, sana all.

" Oo nga nasalubong ko. Mukhang pinaiyak mo na naman."

" Sinabi ko kasi na ibaling na lang nya sa iba ang paningin nya dahil married na ako sa career ko. Hayun ayaw pa rin sumuko, gagawin daw nya ang lahat para mahalin ko rin sya." kwento nya.

" Tama naman bhi na hindi mawawala ang pag-ibig ng isang tao overnight. At aaminin ko, natatakot ako sa sobrang determination ni Gwyneth na makuha ka. She's very much persistent to win your heart. And it's a bad news. " medyo nalungkot ako sa huling sinabi ko. Isa kasi iyong katotohanan na dapat naming paghandaan.

" Baby kahit ano ang gawin nya, hindi nya makukuha ang puso ko dahil nasa iyo na ito noon pa. Naka-padlock pa at tinapon ko na yung susi. Kapag nagmahal kasi ako, minsan lang at yung minsan na yon ay pang-habang buhay na. Ikaw lang yon baby, ikaw lang. Tandaan mo yan. " napangiti ako ng malapad sa sinabi nya. Kahit kailan talaga he never fails to make me kilig.

" Hay bhi, artista ka nga. Ang galing mong mag deliver ng lines mo. Kinilig ang leading lady mo. " biro ko.

" Talaga? Pero hindi galing sa script yun ha? Galing dito." turo nya sa tapat ng puso nya.

" Oo na, naniniwala naman ako. Tara na nga paliliguan na kita alam kong kanina ka pa ligong-ligo. " yakag ko sa kanya.

" Ligo ka rin. Sabay tayo." ungot nya.

" Yan tayo eh. Para - paraan lang. Bawal pa ang exercise bhi, baka mapwersa yang balikat mo at dumugo pa yang sugat mo. "

" Hindi yan. Pwede namang dahan-dahan lang. " pilyong turan nya sabay ngisi. Tapos kumanta pa nung kanta ni Maja Salvador.

Dahan-dahan, dahan-dahan lang. 🎶🎶🎶

Natatawa na lang ako at napapailing. Napaka-pilyo talaga ng lalaking ito. Pero in fairness napaka-sweet nya at masarap magmahal. Idagdag pa na napaka-gwapo nya, napaka-bait at may takot sa Diyos. Saan ka pa di ba? Mapapahiling ka na lang na, sana all talaga.