webnovel

Success

Shanaia Aira's Point of View

BALIK trabaho na si Gelo matapos ang ilang araw na pamamahinga nya sa condo. Kaninang umaga nang umalis sya para sa promotion ng movie nila, sobrang nag-aalala ako baka kasi mahina pa ang katawan nya. Ngunit bago sya umalis kanina ay pinatunayan naman nya na kaya na nga nya.

Syempre ano pa nga ba ang patunay na ginawa nya kanina, eh di nag exercise na naman na kung hindi ko pa inawat eh wala yatang balak tumigil. Jusko lang, talagang goal na yata ni Gelo ang lumpuhin ako.

Sa isang noon time show sila guest para mag-promote nung movie nila tapos nun mag-iikot sila sa ilang radio stations. Medyo hectic ang schedule nila ngayong araw kaya malamang gabi na sya makakauwi.

PATULOY na umusad ang mga araw na hindi ko na halos namalayan. Sobrang busy kasi ako sa med school dahil mid terms na namin at si Gelo naman ay sa pagpo-promote. Halos hindi na kami nagkikita kahit sa iisang bahay lang kami umuuwi. Kapag nagkita naman kami, pareho kaming nagmamadali. Yakap at halik na nga lang ang lambingan namin. Madalian pa. Nagrereklamo na nga si Gelo dahil tigang na tigang na daw sya.

Napapailing na lang ako minsan sa kabulgaran nya.

Valentine's day ang showing ng movie ni Gelo. Kasabay ng 6'th year anniversary namin. Hindi ko alam kung matutuloy yung balak ko na umuwi ng Tagaytay dahil baka busy sya sa araw na yon. Naghanda pa naman ako ng surpresa para sa kanya. Sayang naman kung hindi kami makakauwi.

Pinakikiramdaman ko nga kung maaalala nya yung special day namin na yon pero sa malas, dun sa ilang beses lang na nakakapag-usap kami, wala syang nababanggit. Parang gusto ko na ngang magtampo pero iniintindi ko pa rin kasi showing yun ng movie nya.

" Baby premiere night ng movie namin two days before the showing. Gusto ko sanang pumunta ka." sabi ni Gelo habang kumakain kami ng breakfast. Isa sa bihirang pagkakataon na nagkasabay kami sa pagkain.

" Pupunta ba si ate Shane?" tanong ko.

" Oo daw kasama si ate Arienne. Dinig ko rin na niyaya ni mommy si tita Elize. Sama ka sa kanila ha? " paglalambing pa nya.

" Bhi may mga kissing scenes ka dun at bed scenes, kakayanin ko ba?"

" Takpan mo na lang mata mo pag ganon ang eksena. Konti lang naman yun. "

" Okay bhi, I will support you. "

" Thanks baby. Sa isang araw na yon ha? " tumango lang ako.

" O paano, mauna nako sayo. Huwag kang magpapagutom baby tsaka ingat sa pagda-drive. Babawi ako sayo matapos ang showing nitong movie. Magkukulong tayo sa room natin at magpapapawis tayo magdamag. That's a promise. " natawa na lang ako sa kanya. Akala mo ahente ng kung anong produkto kung makapangako sa akin. Sa malas na naman, wala pa rin syang binanggit tungkol sa anniversary namin.

_________________

" Wow baby! Ang ganda ng ayos mo ngayon ah. " sambit ni ate Shane ng makita akong pababa ng kotse ko. Ngayon yung premiere night nila Gelo sa SM Mega. Sinundo ko si ate sa bahay namin dahil wala daw syang sasakyan, hiniram ni kuya Andrew kasama pati driver.

" Syempre si Gelo bumili ng damit ko noh! " buong pagmamalaki kong turan. Nagulat na nga lang ako pag-uwi ko ng condo nung isang araw. May malaking box sa kama namin at nakalagay nga ang eleganteng damit na ito na suot ko. Isa itong silver off shoulder dress na gawa sa lace. Below the knee ang haba at may embelish na maliliit na swarovski crystals. Simple lang ang make up ko. Nude.

" Asus, ang sweet naman ng mokong na yon. Sana all." napabuntung hininga pa si ate Shane. Maganda rin ang suot nyang gown. Kulay black ito na humahapit sa magandang hubog ng kanyang katawan. Litaw na litaw ang kaputian ni ate sa kulay nito.

" Saan kayo magkikita ni ate Arienne? Susunduin ba natin sya? " tanong ko.

" Dun na lang daw tayo magkita-kita. Sasabay na lang daw sya kila tita Mindy at mommy na galing pa ng coffee shop." sagot ni ate Shane.

" Kung ganon tayo na. Ayokong maipit sa traffic. Gusto ko nandun na ako pagdating ni Gelo. "

" Oo na. Alam ko naman na atat ka ng makita yang baby boy mo. Pero baby paalala lang ha? Huwag mong seryosohin ang mapapanood mo. Malamang may mga kissing scenes yan, ihanda mo yang selosa mong puso. " puno ng pag-aalala na turan ni ate Shane.

" Alam ko naman yun ate. Nasabihan na ako ni Gelo tungkol dun. Movie lang yan, sa akin pa rin naman sya umuuwi. "

" That's my girl. Sobrang proud ako sayo. Dati baby lang kita, ngayon ang matured mo na. " sabi ni ate tapos ginulo pa yung bangs ko.

" Ate naman, guluhin mo na ang lahat sa akin, wag lang yang bangs ko. Ang hirap mag-ayos eh. " reklamo ko.

" Hahaha. Grabe sya. "

PAGDATING namin ng SM Mega, grabe ang daming tao. Namataan namin sila mommy, tita Mindy at ate Arienne na malapit dun sa may entrance ng cinema. Ang gaganda din ng mga suot nilang gown. Kumaway si ate Arienne ng makita nya kami. Nahirapan naman kami ni ate Shane papunta sa pwesto nila. Paano ang daming tao. Mabuti na lang may mga security na nag-escort sa amin papunta sa kinaroroonan nila. The perks of having a celebrity sister.

Pagdating don ay nagmano kami ni ate Shane kay mommy at tita Mindy.

" Parating na raw yung mga cast ng movie Aira." sabi ni ate Arienne matapos kaming mag-beso.

" Nagtext sayo si Gelo, ate?" tanong ko.

" Hindi. Si mama D ang nag-text sa akin." sagot nya. I shrugged. Sobrang busy nga siguro ni Gelo, kahit sa akin ay hindi na rin nakuhang tumawag man lang.

Hindi nagtagal ay nagkagulo na ang mga tao. Dumating na ang mga cast ng pelikula. Nauna sa linya si direk Cathy at Mr. Chan at ilang mga executives. Sumunod si Gelo at ang naka-angklang si Gwyneth sa kanyang braso.Napa-wow ako sa suot nyang gown na lava red ang kulay. Talagang pang Ms. Universe ang datingan. Si Gelo naman ay naka three piece suit na kulay silver gray.

Aha! Kaya pala silver ang gown ko para siguro terno kami.

Nagsisigawan ang mga tao habang naglalakad silang dalawa.May mga kinikilig pa. Nung malapit na sila sa entrance ng cinema, napatingin sya sa amin at kumaway. Humalik sya kay tita Mindy at kay mommy. Nung mapadako naman sya sa amin ay nauna syang nakipag-beso kay ate Arianne at ate Shane. Nung ako na ay tumitig muna sya sa akin na puno ng paghanga tapos bumeso sya at bumulong.

" Thank you for coming baby. You're so beautiful in that dress. Na-inlove na naman ako sayo. " hindi na ako tumugon. Nasa harap kasi si Gwyneth, mahirap na baka marinig pa nya ako.

" Let's go Gelo. They're waiting inside." turan ni Gwyneth. Hinila nya si Gelo palayo sa akin.

Nauna silang pumasok bago kami sumunod. Duon sa may likuran nila Gelo kami pinaupo. Katapat ko yung upuan ni Gwyneth kaya naririnig ko kapag nagsasalita sya.

" Gelo its so cold here. Can I borrow your suit?" pabebe nyang request kay Gelo. Nakahilig pa ang ulo nya sa balikat ni Gelo. Ang arte ha!

Dahil gentleman ang bebeh ko, hinubad naman nya yung suit nya at binigay kay Gwyneth. Naka white long sleeves na lang tuloy sya na nakatupi hanggang siko. Sunod-sunod naman yung pag-click ng camera habang inaabot nya yung suit nya kay Gwyneth. Hindi na ako magtataka kung bukas ay nasa headline na sila ng mga newspaper.

Nag-umpisa na yung movie. Simula pa lang ay talagang napapa-bilib na ni Gelo ang mga manonood sa acting nya. Nung mayroon ng kissing scene ay pumikit na lang ako gaya ng utos ni Gelo. Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga manonood dahil sa kilig. Dumilat lang ako nung marinig ko na yung dialogue nila sa screen.

Nagpatuloy ang pagrolyo ng pelikula, at sa bawat eksena ay talagang magaling si Gelo. Pumapalakpak at humihiyaw ang mga tao sa tuwing nagbibitaw siya ng dialogue na mahahaba. Sobrang proud naman ako. He was born for this. Nananalaytay sa dugo nya ang galing sa sining na ito.

Natapos ang movie. Halos sabay-sabay na nagsitayo habang nagpapalakpakan ang mga tao. Standing ovation. Halos maluha ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Gusto kong yakapin si Gelo para iparamdam na sobrang proud ako sa kanya. Magaling siya. Silang lahat.

The premiere night was a huge success. At sana sa mismong showing ng movie ay maging ganito rin ang pagtanggap ng mga manonood.