webnovel

Chapter 14

Third Person's POV

Bumibilis ang tibok ng puso ni Leo sa sobrang excited sa second date nila ni Ara.

"Sisiguraduhin ko na magiging memorable ang araw na ito para sa'min," nakangiting sabi ni Leo sa kanyang isipan.

Bumangon muna ang binata at niligpit ang pinaghigaan nya. Kumuha siya ng dapat gamitin sa pagligo at dali-dali pumunta sa banyo.

Matapos ang ilang oras, tapos na maligo ang binata.

Nagsuot siya ng long sleeves with pants  na bumagay sa kanyang postura. Naglagay din siya ng kaunting gel sa kanyang buhok para maging mukhang maaliwalas ang kanyang itsura sa kanyang kasintahan.

Kumain muna ang binata ng kape at tinapay para may lakas siyang harapin ang kanyang kasintahan.

Tumatalbog ang kanyang puso sa sobrang kaba na masisilayan niya ulit ang kanyang babaeng pinakaminamahal.

Sumakay na ang binata sa kanyang sports car at dali-dali tinungo ang cafe na pagkikitaan ng kanyang kasintahan.

Makalipas ang mahabang biyahe, narating na ng binata ang cafe.

Nasa entrance pa lang ng cafe ang binata ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso nya. Pakiramdam ng binata na may masamang mangyayari.

Huminga ng malalim ang binata para pakalmahin ang kanyang sarili. Pinagsawalang bahala ng binata ang kaba na nararamdaman. Tinatak na lang ng binata sa kanyang isipan na baka sobrang excited lang siya makaharap muli ang kanyang kasintahan.

Mahal na mahal ng binata ang kasintahan at handa siyang gawin ang lahat para lang sa kanyang minamahal.

Dali-dali tinungo ng binata ang entrance dahil sabik na siya makasama ang kasintahan.

Gumuho ang mundo ng binata nang makita na may ibang kahalikan ang kanyang kasintahan. Sumikip ang dibdib ng binata dahil sa galit na mukhang nagugustuhan pa ito ng kanyang kasintahan. Sa sobrang galit at selos ng binata ay sinapak niya si Josh na may halong panggigil sa bawat suntok.

"Leo, enough!" Pagpipigil ng dalaga sa binata dahil napupuruan na nito si Josh.

Nanlumong tinigilan ng binata si Josh dahil sa maawtoridad na pagkakasabi ng kanyang minamahal.

Mas lalong nagtangis bagang ang binata dahil inalayan pa ng dalaga na bumangon si Josh.

Duguan at punong ng pasa ang mukha ni Josh dahil sa hagupit na pagkakasuntok ng binata.

Nginisihan lang ni Josh ang binata na tilang inaasar niya ito

Napakuyom ng kamao sa inis ang binata dahil mukhang hindi nadala sa pagkakasuntok niya si Josh na may gana pang siyang ngisihan.

"Josh, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng kanyang kasintahan kay Josh.

Nanlumo ang binata na hindi bakas sa mukha ng dalaga ang pagsisisi sa ginawang pagtataksil. Ang pinakamasakit pa na mas nag-aalala ang kanyang kasintahan kay Josh kaysa sa kanya.

"Why did you do this to me? Ginawa mo akong tanga, Ara! kakasagot mo lang sa'kin kahapon! kinabukasan, may kahalikan ka ng iba. Hindi pa tayong nagtatagal niloko mo na ako. You're such a flirt!" Wika ng binata na may halong panghuhusga sa bawat salita.

Hindi mapigilan ng binata na bigyan na masasakit na salita ang kasintahan dahil sa sakit na dinulot ng kanyang kasintahan sa kanya.

Napakuyom ng kamao ang dalaga dahil sa sobrang inis na tawagin siya ng binata na kinasusuklaman niya ng malandi.

Napabalikwas ang binata na binigyan siya ng dalaga ng malutong na sampal. Hindi ininda ng binata ang sakit dahil mas masakit pa ang nararamdaman niya kaysa sa sampal ng dalaga.

"Don't call me such a flirt. Ginaya lang kita, Mr. playboy. You deserve it. Binalik ko lang sa'yo ang lahat ng sakit na binigay mo sa'kin," blangkong ekspresyon na sabi ng dalaga.

Hindi maintindahan ng binata na may tinatago na galit sa kanyang ang dalaga.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ng binata.

Napatawa naman ang dalaga sa inaasal ng binata na parang musmos na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Hindi mo ba ako naaalala? Ako ito, si Precious Ara Dela Cruz. Ang babaeng pinaasa at niloko mo," mariin ng sabi ng dalaga pero may diin sa bawat salita.

Umalis na ang dalaga kasama si Josh dahil sa hiya na nakaagaw ng eksena sa mga tao.

Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na ang babaeng pinaasa niya ang siyang mamahalin nya ng totoo.

Nagsisisi ang binata na naniwala siya sa mga sinabi ni Chai. Naalala niya ang mga panahon na sinusubaybayan niya si Ara na dating crush nya.

"Ang ganda talaga ni crush," pagpupuri ng binata sa kanyang isipan.

Lalapitan na sana ng binata si Ara na may biglang humarang na babae na kaklase ni Ara.

"Hi, Leo right?" Nakangiting tanong ng chinita na babae.

"Yes,why?" Pabalik naman na tanong ng binata.

"Balita ko crush mo si Ara?" Nadidiring tanong ng kaklase ni Ara na nangangalan na Chai.

Nagtaka naman ang binata sa inasal ni Chai.

"Oo,bakit?" Tanong ng binata na may halong pagtataka.

"Ano nagustuhan mo sa special child na 'yon? Hindi mo ba alam na may something sa kanya?" Maarting na tanong ni Chai.

"Hindi yan totoo," Naiinis na sagot ng binata.

Nangigigil na ang binata kay Chai sa paninira nito kay Ara. Huminga ng malalim ang binata para pakalmahin ang kanyang sarili baka mapatulan niya pa ang babaeng ito.

"Look at her. Tingnan mo ang bawat galaw at kilos ninya. Diba ang wierd nya? Malikot din ang mata. Meron bang normal na tao ganyan ang kilos?" Nakangising tanong ni Chai sa binata habang nakaturo kay Ara.

Unti-unting na naniwala ang binata sa sinabi ni Chai sa kanya. Simula noong araw na 'yon, isa na ang binata sa nagbubully kay Ara.

Unti-unting tumulo ang luha ng binata sa kanyang naalala. Punong ng pagsisisi ang puso't isipan sa ginawa nyang pananakit sa dalaga.

Pinangako ng binata sa kanyang sarili na babawi siya sa dalaga at babawiin nito kay Josh si Ara.

Mahal na mahal ng binata ang dalaga. Handa nya gawin ang lahat para sa dalaga kahit ikasira pa nito.