webnovel

Chapter 13

Ara's POV

Nakakatawang isipin na ang isang playboy na si Leonardo Garcia ay napaikot ko.

"Precious Ara Ongcuangcos, will you be my girlfriend?" Nakangiti nyang sabi sabay labas ng isang mamahaling singsing.

I gasped, pretending I was shock.

"Yes, Leo," sabi ko habang nakangiti nang peke pagkatapos ay isinuot niya sa akin ang singsing.

"Yes! kami na ni Ara! sigaw nya habang nagtatalon dahil sa saya.

"Leo, wag kang maingay nakakahiya," maarti kong sabi sabay yakap sa kanya.

Yuck! I don't believe na ginagawa ko ang nakakadiring bagay na 'to.

Sige lang, Leo magpakasaya ka. Sisiguraduhin ko bukas guguho ang mundo mo. Kulang na lang sabihin mo sa'kin wakasan nalang ang buhay mo.

Nagulat na lang ako nang hawakan nya ang magkabilaang pisnge ko at dahan-dahan hinalikan.

He's good kisser.

Kung itutulak ko siya baka makahalata siya na pinapaikot ko lang siya. Kaya kahit labag sa kalooban ko hinayaan ko na lang.

Nakakainis isipin na ang first kiss ko ay nawala dahil sa walang kwentang lalakeng 'to!

Makalipas ang ilang oras, tapos na ang kunyaring date namin.

I can't believe this na si Leo ay may alam pagdating sa make-up. Patuloy pa ring gumugulo sa isipan ko na bakit may alam si Leo pagdating sa make-up? imposible naman na bakla siya? kasi sa pagkakaalam ko marami na siya naging girlfriend.

Argh!

Napabalikwas ako nang tapikin ako ni Leo.

"Ara, are you okay? Bat kanina ka pang tulala?" Nag-aalala nyang tanong.

"I'm fine, pagod lang ako. Uuwi na ako," tipid kong sagot habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Hatid na kita, Ara," nakangiti niyang sabi sabay kukunin na sana ang mga gamit ko pero pinigalan ko siya.

"Wag na, Leo. Kaya ko na umuwi mag-isa," naiirita kong sabi habang nagdadabog.

Maglalakad na sana ako nang humarang siya sa dadaanan ko.

"Ano pang silbi na may boyfriend ka? Kung hindi kita aalagaan? Pumayag ka na, please," pagpupumilit nya habang naka-puppy eyes.

Nagpipigil ako ng tawa dahil sa itsura nya. Mukha siyang unggoy.

"Anong nakakatawa?" Tanong nya habang nakataas ang kaliwa nyang kilay.

"Wala," tipid kong sagot sabay lakad ulit.

Hindi ko inaasahan na hilain nya ako pabalik sa kanya.

"Ihahatid kita sa bahay. That's finale!" mariin nyang sabi sabay hila papunta sa sasakyan ko.

Napabuntong-hininga na lang ako, wala akong magagawa kundi sumunod sa kanya sa ngayon.

Nabibingi ako dahil sa sobrang tahimik na bumabalot sa aming paligid. Tanging tunog ng radyo at busina ng mga sasakyan ang nagsisilbing ingay sa'min. Walang gusto sa aming magsalita. Hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa'min.

"Ara, saan ka ba nakatira?" Nakangiti nyang tanong habang nagmamaneho.

"Sa  12B-35 Victoria Tower B Panay Ave QC," tipid kong sagot.

Malayo-layo pa ang byahe namin. Malayo kasi ang restaurant ng Tito nya sa condo ko.

"Ara, ano pala ang gusto mong maging call-sign natin?" Nakangiti nyang sabi habang nagmamaneho.

Yuck! may call-sign pa nalalaman. I want to go home. Hindi ko masikmura na lagi ko nakakasama ang lalaking sumira sa aking buhay. Nanginginig ang kamay ko sa galit na parang gusto ko siyang saktan. Mabawasan lang ang sakit na bumabalot sa'kin puso. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili.

"Ikaw bahala," tipid kong sagot.

"Babe na lang? Pwede?" Nakangiti niyang tanong habang nagmamaneho

"Sisiguraduhin ko bukas na ang lahat ng ngiti mo ngayon ay mapapalitan ng luha." Gigil kong sabi sa'kin isipan.

"Sige," tipid kong sagot.

Matapos ang mahabang byahe, nasa condo na kami.

"Salamat sa paghahatid mo sa'kin," pekeng ngiti kong sabi habang pinaparking ni Leo 'yon sasakyan ko sa garahe ng condo.

"Welcome," nakangiti niyang sabi sabay halik sa'kin pisnge.

Hindi ko inaasahan na hahalikan nya ulit ako. Namumuro na sa'kin ang lalakeng 'to. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.

"Pwede ka ba bukas, Babe?" Nakangiti niyang tanong.

"Oo naman, bakit babe?" Tanong ko pabalik sa kanya habang nakangiti nang pilit.

Hindi ko pinahalata na nakangiti ako ng peke. Baka masira lahat ng plano ko sa ilusyon kong ito.

"Mamasyal kaya tayo,babe. Magkita tayo sa cafe," Nakangiti nyang sabi.

Ang kapal ng mukha ng lalakeng 'to. Gustong araw-araw ang date.

"Sure, babe," nakangiti kong sabi.

Lumisan naman siya na walang tinatagong ngiti sa kanyang mukha.

"Its time for my revenge," wika ko sabay pinakawalan ang malademonyong halakhak.

Halatang na sa kanya na patay na patay na siya sa'kin. Mabuti naman kung ganun. Mas mapapadali ang mga plano ko.

Pumasok na ako sa loob ng condo at lumantad sa'kin si Jm na nakangiti.

"Sino po ba kasama mo, ate?" Nakangiti niyang tanong habang sumusunod sa'kin.

"None of your business," malamig kong saad.

Nagpoot naman ang bruha. Mas nagmumukha siyang pato.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad papunta kay Josh.

"Maghanda ka, Josh. May pupuntahan tayo bukas. It's time to start my revenge," seryosong kong sabi habang nakacross-arm.

"Pwede ba ako sumama?" Nakangiti niyang tanong.

"Hindi ka na kailangan dun," walang gana kong saad.

"Okay," malungkot nyang sabi.

"Makisabay ka na lang sa mga plano ko! Ayusin mo ah! Kailangan magtagumpay tayo sa mga plano ko!" Singhal ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Ano ba ang gagawin natin, Ara?" Seryosong nyang tanong habang sumusubo ng tinapay.

"Wala na madaming tanong, sumunod ka na lang," mariin kong sabi.

"Josh, may boyfriend na ako," seryosong kong sabi habang tulog si Jm.

Wala ako tiwala kay Jm. Nahahalata ko na may gusto siya kay Leo. Mahirap kalaban ang isip kaysa sa puso, yan ang naranasan ko.

"Congrats po, Queen," nakangiti niyang sabi pero mababakas sa kanya mga mata ang lungkot.

Bat kaya?

Gusto nya ba ako? Imposible naman 'yon. Ayaw ko na ulit umasa.

"Kailangan mo ako tulungan para lokohin si Leo.  Si Leo ang ex-crush ako na sinaktan at pinaasa ako," seryosong kong sabi.

"What's the plan?" Seryosong nyang tanong.

"Basta makisabay ka na lang sa mga gagawin ko," seryosong kong sabi.

Tumango naman siya bilang sensyales na pumapayag siya sa mga plano ko.

Josh's POV

Nanlumo ako na may boyfriend na si ara. Wala na ba ako pag-asa sa'yo, Ara?

Napabalikwas ako sa'kin ilusyon na sinabi nya na isang malaking palabas lang ang pagsagot nya kay Leo. Ang plano nya ay saktan at paasahin si Leo gaya ng ginawa ni Leo sa kanya. Wag ka mag-alala,Ara. Sisiguraduhin ko na magtatagumpay ka sa lahat ng mga plano mo. Mahal na mahal kita. Simula ng una natin pagkikita.

In the morning.

Ara's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumama sa akin magandang mukha. Pumunta ako sa banyo para maligo at magbihis.

Makalipas ang ilang oras tapos na ako maligo.

Nakasuot ako ng dress na kulay black na bumabagay sa'kin balat. Naglagay rin ako ng kaunting kolorete sa aking mukha.

Ginigising ko na si Josh para masimulan ko na ang aking plano.

"Josh, gumising ka na." Pag-yuyugyug ko.

Nag-unat pa ang mukong.

"Bakit po, Ara?" Inaangtok nyang tanong.

"Aalis na tayo, maghanda ka na sa ating munting palabas," seryosong kong sabi

"Sige, Ara," nakangiti niyang sabi sabay kuha ng kanyang mga gagamitin sa pagligo at dali-dali pumunta sa banyo.

Pumayag na ako magpatawag kay Josh ng sarili kong pangalan para hindi nila mahalata na magkakilala kami.

Josh's POV

Nagising ako sa pamamagitan ng pagyugyug sa'kin ng isang magandang dilag na nakilala ko sa buong buhay ko.

Nag-unat mo na ako para mahimasmasan.

"Bakit po, Ara?" Inaangtok kong tanong.

"Aalis na tayo, maghanda ka na sa ating munting palabas," seryosong nyang sabi.

Im so excited sa mga mangyayaring ngayon. Nakakatawang isipin na madaming lalakeng ang nahuhulog kay Ara. Ang ganda mo kasi Ara eh. Ang kinakaalala ko lang na baka gawin mo rin sa'kin ang gagawin mo kay Leo. Nanlumo naman ako sa mga pumapasok sa kukute ko.

"Sige, Ara," nakangiti kong sabi.

Kumuha muna ko ng aking mga gagamitin sa pagligo at dali-dali pumunta sa banyo para maligo at magbihis.

Nakasuot ako ng   Slim Fit Formal One Button Suit Blazer Coat Jacket with pants na bumabagay sa postura ko.

Kumain muna kami ni Ara ng paborito namin egg sandwich.

Ara's POV

"Josh, alis na tayo." Pag-aayaya ko sa kanya.

Tumango naman siya bilang sensyales na pumapayag siya.

Sumakay na kami ni Josh sa aking Montero car para pumunta sa cafe na pagkikitaan namin ni Leo.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami.

Wala pa si Leo sa cafe kaya nag-antay kami ng ilang minuto.

Makalipas ang ilang minuto natanaw ko na si Leo.

Kaya dali-dali ko hinila si josh para halikan. He immediately response to my kiss.

Ang plano ko ay saktan si Leo. Gagamitin ko si Josh para mangyari ang plano ko.

Ang galing ng plano ko diba?

Napabalikwas na lang ako na bigla bumulagta sa  sahig si josh at lumantad sa'kin si Leo na nakaigting ang panga dahil sa galit.