Nagmamadali na ako dahil malelate na ako sa school kaya ng may dumaan na Jeep kahit puno na ay sumakay kaagad ako.
"Makikiusog po." sabi ko para makaupo naman ako kahit papaano.
Nakaupo na ako ng mapansin ko na may katabi pala akong gwapo. As in literal na gwapo. Maputi, matangos yung ilong, makapal ang kilay, at red lips. Mygaaad! Pabebe kong inabot ang bayad ko pero di nya kinuha dahil busy sya sa phone nya. Snob si kuya! I like that hihi.
Tinititigan ko lang sya habang nagcecellphone sya. Di kasi nakakasawang tingnan yung mukha nya. Pero napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon sya. Dahil maharot ako kinindatan ko sya.
Pero napatulala ako ng tinarayan nya ako. Mygaad! I can't believe it!
"Para po!" nagpara na sya at tinarayan muna ako bago sya tumayo pero mas nagulat ako sa sinabi nya.
"Di tayo talo girl! Mas maganda ako sayo!"
Oh my god! Sabi ko na Barbie e!