webnovel

NERD'S CONFESSION

"F-FOR ME?" gulat na tanong ni Skylar nang iabot sa kanya ng delivery man ang isang bungkos ng tulips. She suddenly fell in love with those lovely flowers. Pero agad niyang sinupil ang ngiti dahil hindi pa niya alam kung kanino galing.

"Yes, ma'am. Galing po kay Mr. Webster Fereira," anang delivery man saka ipina-receive ang bulaklak bago umalis.

Maang na maang si Skylar. Hindi pa bumababa si Webster kaya hindi tuloy niya ito matanong. She was really surprise. And happy.

Nakangiting pinagmasdan niya ang bulaklak habang mabilis ang tibok ng dibdib. Unang pagkakataon iyon pero sobrang kinikilig na siya. Maraming beses na siyang nakatanggap ng bulaklak pero doon lang siya sumaya ng ganoon.

"Did you like it?" untag nito.

"I love it!" bulalas niya at ngiting nilingon si Webster. Napabungisngis siya nang makitang nagaalangan pa ito. Mukhang nahihiya at nilalakasan lang ang loob. "Ano'ng okasyon? Bakit mo ako biglang binigyan?"

Huminga nang malalim si Webster bago nagsalita. "I-I… I want to court you."

Natutop ni Skylar ang bibig dahil sa tuwa at pagkabigla. She didn't expect that Webster could say that right on her face. But obviously, he was fighting himself and trying to be honest. And she likes it! Feeling niya ay ang haba ng buhok niya!

"Webster…"

Napahagod si Webster sa buhok. "Alam kong mabilis pero ayaw ko nang itago ang totoong nararamdaman ko. Noon pa, gusto na kitang ligawan pero naduduwag lang ako…" anito at pinagtapat na ang nararamdaman.

Kumabog ang puso ni Skylar. She was really shocked! Hindi niya inaasahan na noon pa siya nito gusto! Ah, sobrang haba na talaga ng buhok niya.

"But I made up my mind. I don't want to hide anymore. I don't want to waste any more minute. I don't want another Donatello will come to your life and court you. I don't want to lose you, Skylar…" nagsusumamong confess ni Webster.

Tunaw na tunaw ang puso ni Skylar. Ramdam niya ang katapatan nito. His love and purity make her fall in love with him even more.

"Kakausapin ko rin si Dr. Stephen. I want to ask for his blessing." determinadong dagdag nito.

Lalo tuloy nabilib si Skylar sa dedikasyon ni Webster. Nafa-flatter talaga siya dahil binibigyan siya ng ganoong klaseng dedikasyon at effort.

"Please?" pagsusumamo nito.

And how could she say no to this lovely man? Tumango siya at kilig na inamoy ang mga bulaklak.

"R-Really?" hindi mapaniwalang tanong ni Webster.

"Ayaw mo?" seryosong tanong ni Skylar pero sa loob-loob ay nagbibiro lang siya.

"No!" agad nitong tanggi at hinawakan ang dalawang kamay niya. Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit nitong palad na parang humaplos sa puso niya. "I just can't believe it! Thank you!" tuwang bulalas nito.

Natawa si Skylar. "Hindi pa kita sinasagot!"

He just smiled. "But this is enough for me. Lagi mong iisipin na handa akong maghintay, Skylar."

Aw… her heart beats wild. Saglit silang nakatitigan at nagkangitian na parang mga puso lang nila ang naguusap. Hindi tuloy napigilan ni Skylar ang sarili na isiping napakasuwerte niya dahil nagustuhan siya ni Webster.

Oo at gusto niya rin ito kaya ang sarap sa pakiramdam. But of course, she wants him to court her. Kahit gusto niya ito ay dapat pa rin naman siya nitong paghirapan.

"We better go," masuyo nitong saad.

"Wait. Aayusin ko muna ito." ani Skylar at bumalik sa kuwarto. Inilagay niya sa bakanteng vase ang mga bulaklak at kilig iyon pinagmasdan. "Nakakakilig ka!" aniya saka kilig na sinamyo ang mga bulaklak bago tuluyang lumabas.

Ngiting sinalubong siya ni Webster at iginiya papuntang service. Pareho lang silang tahimik hanggang dumating sa venue. Agad silang sinalubong ng mga facilitator para dalhin sa pinakadulo ng hall kung saan naroroon ang mga science project ng ilang estudyante. Doon nila itinuon ang atensyon hanggang sa magtanghalian.

"Last day na ho ng science fest. Gusto niyo po bang mamasyal bago kayo umuwi?" nakangiti nitong tanong ni Ricky—ang isa sa mga teacher at volunteer ng fest.

Nagkatinginan sina Webster at Skylar at sabay na kumislap ang mga mata. "Yes! Ako na ang bahala. Tatawagan ko si dad." nakangiting sagot ni Skylar.

And they both smiled with each other. Parehong excited sa magiging lakad nila kinabukasan.