webnovel

Chapter 54- Interrogate

Makalipas ang ilang oras na pag-iglip, naunang nagising si Emily mula sa kanyang pagkakatulog at pagbangon niya, nakita niyang nakatuon sa kanila ni Kit ang mata ng kanilang mga kaibigan habang nakatayo ang mga ito at hinihintay silang magising.

Kinilabutan at natataranta si Emily matapos niyang makita ang kakaiba at nakakakilabot na ngiti nila Nina, Althea, Ruby at Daniel.

Normal lang naman na nakangisi ang iba pa nilang ng mga kasama. Maya't maya, agad siyang tinanong ng mga ito.

Nina: "Good Afternoon, Emily. Kamusta ang tulog mo?"

Emily: "Ahh...! Ehh..! A-Ano... O-Okay lang naman."

Althea: "Tsaka napakakumportable ata ng tulog niyo ni Kit ha. Sabihin mo nga, Emily. Kayo na ba ni Kit?"

Emily (denial tone): "Alt! Hindi ah! Ah..! A-Ano.. Aksidente ko lang naunanan yung mga hita ni Kit!" (Hindi nila puwedeng malaman na Boyfriend ko si Kit. Dahil gigisahin nila kami ng maraming tanong.)

Daniel: "WEH! Imposible yan, Emily! Kung ayaw mo sa kanya. Bakit kasama mo siyang matulog? Tsaka pangalawang beses na iyan na kasama mo siyang natulog."

Ruby: "Pangalawang beses? Kailan naman nangyari yung una, Daniel?"

Samantha: "Talaga, Daniel? Magkasama sila matulog?"

Daniel: "Oo! Magkasama sila! Noong sumama kami sa Outing ni Kit, naikuwento kasi sa akin ng Lola niya na naaktuhan daw niyang magkasamang matulog sina Kit at Emily. Habang nagluluto tayo ng hapunan, pagkatapos nating maglaro ng Dodge Ball."

Axel: "Talaga? Naikwento niya yun, Daniel? Ba't wala man lang kaming nakarinig sa kanya habang siya ay nagkukuwento?"

Isaac: "Eh paano naman namin maririnig yung kuwento ni Lola Delia na kung makatadtad ka ng gulay, Axel, para kang pumupokpok ng martilyo!"

Althea: "Tsaka idagdag mo pa yung malakas na ugong ng Blender ni Kit habang gumagawa siya ng Fruit Shake."

Claire: "Kaya wala tayong alam sa mga kuwento ni Lola Delia dahil sa ingay na gawa nina Kit at Axel habang nagluluto tayo noong Outing."

Emily: (Pambihira! Ikuwinento din lang ni Lola Delia sa kanila ang tungkol sa pagtulog namin ni Kit sa loob ng Wardrobe?! Kaya pala ganun na lang katagal makapagblender ng Fruit Juice si Kit noong sa mga oras na iyon habang nagluluto kami ng hapunan.)

Ivy: "Anyway, mabalik tayong lahat kay Emily at uulitin ko lang ang tanong ni Althea kanina. Kayo na ba ni Boy tahimik?"

Emily: "Hindi."

Allan: "Sigurado ka, Emily?"

Allen: "Oo nga!"

Emily: "Sabi ngang, OO! Hindi ba kayo naniniwala sa akin?"

Emily's Friends: "HINDI."

Lalo pang natataranta si Emily matapos niyang marinig na hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang mga kaibigan dahil na rin sa ilang ebidensya na kanilang napapansin kay Emily sa tuwing magkasama sila ni Kit.

Maya't maya, nagising na rin sa pakakaiglip si Kit at hindi na rin siya nagulat nang makita niya ang lahat ng kanilang mga kaibigan.

Napansin din niyang tila kinakabahan si Emily sa isang bagay at dahil dito, sinubukan ni Kit na alamin ang mga nagaganap.

Emily: "Kit, Bu-buti gising ka na."

Nina: "Oo nga, Kit. Mabuti at gising ka na sabi ni Emi-cake mo."

Althea: Hehehe...Nakakatuwa naman yung sinabi mo, Nina. Tawagin pa namang Emi-cake ni Kit si Emily."

Kit: "Anong mayroon?"

Daniel: "Eh...Ano lang naman, Kit. Gusto lang naming malaman kung kayo na ba ni Emily?"

Allan: "Oo nga."

Allen: Oo nga!"

Samantha: "Tsaka bakit nandito itong dalawang manyak na ito?! Hindi naman sila nasabihan na pumunta dito sa School Deck!"

Allen: "Oo nga!"

Ruby: "Samantha, huwag mo na lang silang pansinin. Baka makaisip pang gumawa ng kalokohan ang mga iyan."

Ivy: "Tsaka Kit. Nagde-deny kanina si Emily na hindi ka niya BF. Pero lagi ka naman niyang kasama. Kaya ano ba ang totoo? Kayo na ba ni Emily?"

Axel: "Tsaka kung kayo na ni Emily, saan kayo magde-date?"

Daniel: "Sa likod ba ng School o sa Gubat?"

Nina: "May gagawin ba kayo kapag nagdate kayo sa Gubat?"

Althea: "Kung sa likod ng School, ano naman ang gagawin ninyo?"

Allan: "Kit, kung magde-date kayo, marami bang babae sa pupuntahan niyo?"

Allen: "Oo nga!"

Isaac: "Tsaka reregaluhan mo ba si Emily?"

Edward: "At ano naman ang ireregalo mo kay Emily?"

Claire: "Reregaluhan mo ba ng isa pang Taser?"

Emily: (Naloko na! Pinupupog na kami ng samu't-saring mga tanong!)

Nang magsimulang magtanong ang mga kaibigan ni Emily, biglang tumayo si Kit habang siya ang nakasimangot at bahagyang naglalakad sa gitnang parte ng kubo.

Nagtaka naman ang lahat, kasama na si Emily, sa kung ano ang gagawin ni Kit.

Tsaka ina-abot ni Kit ang isang alambre na nakalaylay sa gitna ng kisame ng kubo.

Noong unang madiskubre ng magkakaibigan ang kubo ni Kit sa Roof deck ng kanilang paaralan, ina-akala nilang isang sabitan ng bag ang nakalaylay na alambre sa gitna ng kisame.

Pero sa ngayon, hindi nila ina-akala ang sumusunod na ginawa ni Kit.

Matapos maabot ni Kit ang alambre, bigla niya itong hinila at kasamang nahila ang plywood na nagsisilbing kisame ng kanyang kubo.

Tsaka nahulog mula sa bukas na kisame ang sangkatutak na bilog at kulay itim na bagay.

Althea: "Teka?! Ano naman ang mga bagay na nahulog sa kisame?"

Daniel: "Oo nga, Kit! Ano naman itong pakulo mong—"

Bago pa man matapos magsalita si Daniel, biglang pumutok ang lahat ng mga bilog na bagay, tsaka ito naglabas ng maitim at makapal na usok.

Hindi inakala ng mga kaibigan ni Emily na may tinatago palang mga Smoke bomb si Kit sa loob ng kisame ng kanyang kubo.

Nina: "<cough >...<cough >..S-Smoke bomb?!"

Althea: "Grabe..<cough >..Di ko akalain na uulitin na naman niya ito..<cough >..."

Daniel: "<cough >...<cough > Gi-Ginawa niya na ito noon..? <cough >"

Claire: "<cough >..Oo.. <cough >..<cough >.."

Edward: "...<cough >...<cough >...<cough >..."

Allan: "...Ubo....Ubo....Ubo!"

Allen: "..Ubo!!...Oo nga!! ...UBO!"

Ruby: "Kailangan pa talagang...<cough >...bigkasin yung..<cough >.. buong salitang.."Ubo" para lang makaubo?!..<cough >.."

Samantha: "..<cough >..<cough >.. Sira ulo talaga! ....<cough >...

Makalipas ang ilang minuto, sumama sa ihip ng hangin ang maitim at makapal na usok na bumalot sa magkakaibigan.

Pero nagulat pa lalo ang mga ito nang makita nilang wala na sa kanilang harap sina Emily at Kit.

Hinala nila, hinila ni Kit si Emily papalayo sa usok at sila ay nataksan.

Edward: "G-Guyz! Nasaan na sila Kit at Emily?"

Daniel: "Pambihira! Tinakbuhan nila tayo!"

Nina: "Hindi ko inakala na may tinatago pala si Kit na mga Smoke bomb sa kisame."

Althea: "Oo, Nina. Ako nga rin, wala din akong ideya."

Axel: "At sa nakikita ko, naisahan tayo ni Kit."

Ruby: "Handa lang siguro si Kit sa mga ganitong pagkakataon."

Samantha: "Sigurado ka ba, Ruby? Baka naman, nirereserba niya itong mga Smoke bomb para kay Jackson at nataon lang na kailangan niya nang gamitin ang tinatago niyang alas sa atin."

Axel: "Puwede naman ang sinabi mo, Samantha. Pero sa tingin ko, para kay Jackson ang mga itinatago niyang mga pampa-usok."

Isaac:  "Guys! Ganun pa man, natakasan pa rin nila tayo at ni isang maikling tanong. Wala silang sinagot."

Allan: "So, anong gagawin? Hindi ba natin sila hahanapin?"

Allen: "Hindi na, Tol. Hayaan na lang natin sila."

Allan: "Bakit naman?"

Nina: "Wow! Totoo ba ito? Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng sariling opinion si Allen?"

Claire: "At hindi siya sumang-ayon kay Allan."

Althea: "Oo. Kakaiba nga iyan."

Allen: "Anong kakaiba sa pagsasabi ko ng sarili kong opinyon? Wala naman akong nasabing masama, hindi ba?"

Ivy: "Wala, Allen. Pero ang weird lang."

Ruby: "So, mabalik tayo. Bakit kailangan nating hayaan yung dalawa sa pag-iwas nila sa mga tanong natin?"

Allen: "Hindi ba obvious, Ruby? Magkasama na naman sila ni Kit at iniiwasan tayo."

Daniel: "Anong pinupunto mo doon, Allen?"

Allen: "Guys, ang pinupunto ko. Halata sa kanila sina Kit at Emily na sila ay magjowa dahil lagi silang magkasama ng patago."

Edward: "Patago?"

Ruby: "Meaning.... May namamagitan sa kanilang dalawa at ayaw nilang may maka-alam sa kanilang relasyon?"

Allen: " Tumpak! Nakuha mo, Ruby!"

Althea: "Pero bakit kailangan pa nilang itago ang kanilang relasyon mula sa atin?"

Allen: "Hindi ko din alam. Pero ang alam ko lang, ayaw pareho nina Kit at Emily na may nakikialam sa kanilang dalawa. Kaya siguro nagtumakbo sa kung saan ang dalawang iyon."

Nina: "Kung ganon, mas mabuti na hayaan na lang natin sila at mag-pretend na wala tayong alam sa kanilang relasyon."

Daniel: "Mag-pretend na wala tayong alam? Eh halata naman na magjowa sila?"

Althea: "Kaya nga mag-pretend ka na lang, Daniel na walang alam! Baka makasira pa tayo sa moments nung dalawa kapag nakialam pa tayo!"

Daniel: "Oo na. Magkunwari na kung magkunwari. Pero hindi pa rin nila mapagkakaila yung kanilang relasyon sa atin."

Isaac: "Sang-ayon ako kay Daniel. Hindi puwedeng ipagkaila nina Kit at Emily ang kanilang relasyon sa kanilang mga kaibigan. Kaya naniniwala ako na kalauna'y aamin din sila sa atin."

Claire: "Tama ka sa sinabi mo, Isaac."

Axel: "So guys? Ano na ang mangyayari?"

Samantha: "Isa lang ang naiisip kong mangyayari dito at yun ay ang tumambay sa Mall!"

Althea: "Sa Mall? Anong mayroon sa Mall?"

Samantha: "Hindi ba obvious, Althea? Siyempre wala tayong pasok sa hapon. Ano pa bang gagawin mo dito sa School?"

Nina: "May punto nga naman si Samantha. Wala na tayong pasok sa hapon at nagsisi-uwian na din ang ilang mga estudyante."

Edward: "Kung ganon, aalis na rin ako. Babalik na ako sa S.G.O. Room. Baka hanapin pa ako ng mga kasama ko doon."

Ruby: "Sasabay na din kami ni Ivy kay Samantha. Doon na din kami tatambay sa Mall."

Nina: "Kung pupunta rin lang kayo sa Mall, sasabay na din kami nila Alt, Daniel, Axel, Isaac at Claire. Mamamasyal din kami sa Downtown."

Allan: "Kung aalis na kayo, babalik na rin kami sa aming Gorilla business. May hindi pa kaming natapos na misyon ni Utol."

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Anong business sa sinasabi niyo dyan?! Sigurado akong—"

Biglang naglabas ng Smoke bomb ang Kambal at kasabay ng pagputok nito ay nawala din ang dalawa."

Nina: "Hay.... Hindi na nadala ang dalawang iyon. Sigurado akong puno na naman ng bandage ang mga mukha nung dalawang Kambal, bukas."

Althea: "Oo. Sinabi mo pa."

Samantha: "Dun sa mga sasabay, lumakad na tayo. Nagsasayang lang tayo ng oras dito."

At agad naglakad si Samantha papunta sa hagdan, pababa ng Roof deck at sumabay naman ang ilan pang sasabay papunta sa Downtown.

Nina: "Ruby, nagmamadali ata si Samantha. May importante ba siyang lakad sa Mall?"

Ruby: "Wala naman, Nina."

Nina: "Eh bakit nagmamadali siyang umalis sa School?"

Ruby: "Ang totoo, nagmamadali siyang pumunta sa Mall ay para bumili ng espesyal Halo-Halo, Spaghetti, Burger, Palabok, Siomai, Goto at kung anong-ano pang pagkain na kanyang makita. Ang habol lang talaga niya sa Mall ay ang kumain."

Nina: (Gusto lang lumamon ni Samantha sa loob ng Mall? Hindi ko akalain na ganyang pala siya katakaw. Pero kung iisipin, matagal na niyang kinaugalian ang kumain sa loob ng Mall mula pa noong nag-High School kami. Kung ganon, sa paanong paraan na baling-kinitan pa rin si Samantha at hindi pa rin siya tumataba?!)

Pagdating sa ground floor, agad din lumabas ang mga magkaakibigan at lumabas ng gate papunta sa Downtown.

Pagka-alis ng mga magkakaibigan, walang ideya ang mga ito na sina Kit at Emily ay nagpunta sa isang lumang Storage room sa Roof deck ng kanilang paaralan, matapos sumabog ang mga Smoke bomb na kanyang inipon at wala ni isang Estudyante ang nakakaalam na mayroon pa lang naturang lugar sa kanilang paaralan, maliban kay Kit na siyang nakahanap rito.

Matapos masilip ni Kit sa isang maliit na bintana na umalis ang kanilang mga kaibigan, sinabihan niya si Emily na puwede na silang lumabas.

Kit: "Emily. Wala na sila."

Emily: "Hay....Salamat naman at umalis na din sila."

Kit: "Bakit ayaw mo pang sabihin sa kanila ang tungkol sa atin?"

Emily: "Baka ipagkalat nila sa buong Campus na Girlfriend mo na ako."

Kit: "Hindi naman nila siguro gagawin iyon kung talagang kaibigan mo sila. Lalo na sila Nina, Claire at Althea."

Emily: "Sila, Oo. Pero ang ina-alala ko, sila Daniel, Axel at Samantha. Maingay si Samantha kapag may narinig na balita. Si Ruby at Ivy siguro, okay lang. Kasi alam kong hindi sila gaya ng dati."

Kit: "Si Samantha lang ba ang iba ang ugali sa kanilang tatlo?"

Emily: "Well..... mabait naman si Samantha. Pero madalas nadudulas ang kanyang dila. Kaya nahihirapan pa rin akong magtiwala sa kanya."

Kit: "So, lalabas na ba tayo?"

Emily: "Oo. Lumabas na tayo sa luma at maalikabok na Storage room na ito. Tsaka Kit, paano mo nahanap ang lugar na ito?"

Kit: "Nahanap ko ito noong nag-iikot ako dito sa Roof deck. Tsaka karamihan sa laman ng mga karton dito ay mga lumang libro."

Emily: "Oo. Pansin ko nga dahil sa amoy ng mga iyan."

Kit: "Bubuksan ko na itong Sliding door na gawa sa kahoy."

Emily: "Oo."

Lumapit si Kit sa lumang sliding door na gawa sa kahoy, tsaka niya ito hinila papunta sa kanan dahil nakapwesto ang Knob nito sa kaliwa.

Noong una, kampante si Kit na mabubuksan niya ito agad.

Ngunit, bigla siyang natigilan nang hindi niya ito maitulak sa kanan.

Kaya inu-ulit niya ang paghila sa sliding door na kahoy pero hindi pa rin ito bumukas.

Nang makita ito ni Emily, tinanong niya si Kit kung bakit hindi niya ito mahila.

Emily: "Kit? Anong nangyayari? Bakit hindi mo mabuksan ang sliding door?"

Kit: "Mukhang nasira ang Knob."

Emily: "A-Anong ibig mong sabihin?"

Kit: "Naglock ang pinto."

Emily (shocked): "Naglock ang pinto?!"

Kit: "Oo."

Emily: "Ibig sabihin, nakakulong tayo dito?!"

Kit: "Oo."

Emily: "Hi-Hindi pwede to?! Kailangan nating makalabas?!"

Kit: "Alam ko. Pero na lock ang pinto dahil sira ang Knob. Baka, buong hapon o kaya gabi tayong makukulong dito."

Emily: "Kit! Hindi tayo pwedeng makulong! Kailangan nating lumabas!"

Kit: "Bakit naman?"

Emily: "Baka hanapin ako ni Ate! O kaya baka mag-alala siya sa akin!"

Kit: "Eh di itext mo sa kanya na makikitulog ka kay Nina."

Emily: "Puwede sana pero, walang signal dito!"

Kit: "Eh di gagawa ako ng paraan para makalabas tayo dito. Ang kaso, baka gabihin tayo kung kakalikutin ko yung Knob ngayon."

Emily: "Hindi! Kailangan nating lumabas ngayon!"

Kit: "Ngayon? Bakit ngayon?"

Emily: "Ehh... Kasi. A-Ano..."

Biglang namula at pinagpawisan ang mukha ni Emily matapos siyang tanungin ni Kit.

Nagtataka naman si Kit sa naging reaksyon ni Emily. Maya't maya, sinabi na rin niya ang kanyang dahilan.

Emily: "U-Ummm... Kasi..."

Kit: "Kasi ano?"

Emily: "Na-wee-wee-weé na ako..."

Kit: "Gusto mong umihi?"

Tumango si Emily matapos siyang tanungin ni Kit at napasimangot na lang ito sa kanyang sagot.

Kit: "Ba't di mo sinabi agad?"

Emily: "Eeehh... Nakakahiya eh.."

Kit: "Hay...naku. Tabi nga dyan."

Nang sabihan si Emily ni Kit na tumabi mula sa kanyang kinatatayuan, agad niya itong sinunod at lumapit naman si Kit sa karton kung saan siya nakapwesto.

Tsaka kinuha ni  Kit mula sa loob ng karton ang isang kinakalawang na maso at hinataw ng  pukpok ang Knob ng pinto.

Sa lakas ng paghataw ni Kit, agad nasira at tumalsik sa labas ang Knob na kahoy ng pinto at lumusot naman ang maso sa pinto. Tsaka hinila ni Kit ang maso pakanan, bilang kalawit at tuluyan niyang nabuksan ang pinto.

Nagalit naman si Emily nang makita niyang nabuksan agad ni Kit ang pinto at dahil pinag-alala pa siya nito sa inaakalang hindi na sila makakauwi.

Emily: "Pambihira ka Kit! May naisip ka na pa lang paraan kung paanong bubuksan ang pinto?!"

Kit: "Oo."

Emily: "Eh bakit pinag-alala mo pa ako?!"

Kit: "Gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon mo kung makukulong tayo sa isang lugar. Tsaka Hysterical ka pala kapag nakulong tayo sa isang lugar. "

Emily: "Ano bang gagawin mo kapag nakulong tayo ng isang araw sa isang luma at maalikabok na Storage room?"

Kit: "Wala lang."

Emily: "Anong wala? Siguro pinaplano mong—!"

Kit: "Huwag kang mag-isip ng kung ano."

Emily: "Umamin ka! May gusto kang gawin noh?"

Kit: "Akala ko ba kailangan mo na mag-CR?"

Natigilan si Emily nang ipaalala sa kanya ni Kit na kailangan na niyang pumunta sa CR.

Kaya matapos ipina-aalala sa kanya ang pagpunta sa CR, agad naglakad ng mabilis si Emily at dumiretso sa banyo.

Sinundan naman siya ni Kit hanggang sa labas ng CR ng mga babae, tsaka niya ito hinintay.

Paglabas ni Emily, tila kasabay din ng paggamit niya ng banyo ang pagkakakalimot nito tungkol sa naudlot nilang pagkakakulong sa Storage room sa Roof Deck at nang makita si Kit ay inimbitahan niya itong mamasyal muna sa Downtown bago sila umuwi.

Emily: "Kit, gusto mo bang pumasyal muna tayo sa Downtown bago tayo umuwi?"

Kit: "Kung iyan ang gusto mo, sasamahan kita."

Emily: "Kit, ililibre mo ba ako ng makakain?"

Kit: "Akong bahala sa kung ano ang gusto mong kainin."

Emily: "Sigurado ka ba? Libre mo?"

Kit: "Oo. Ako na ang bahala." (Ang bilis makalimot ni Emily. Naiinis lang siya kanina, ngayon natutuwa na dahil nakarinig ng libre.)

At laking tuwa ni Emily, matapos sibihin ni Kit na ililibre siya nito.

Pagdating sa Downtown, ibinili ni Kit si Emily ng mga pagkain na gusto niyang kainin at pinagsaluhan naman nila sa daan ang mga biniling pagkain. Tsaka sila sabay na umuwi sa kanilang mga bahay.

Kit: "Ang takaw mo, Emily."

Emily: "Hindi ah!"

Kit: "Tatlong Lomi, dalawang Lugaw at isang Spaghetti ang kinain mo kanina. Paanong hindi ka pa rin tumataba sa kinakain mo?"

Emily: "Di ko din alam. Pero ang alam ko, ay nabusog ako."

Kit: (Hindi nga napunta sa utak ang kanyang ka-weirduhan, pero napunta naman sa katawan.)

Emily: "Ummm...Kit."

Kit: "Bakit?"

Emily: "First time kong makasama ka sa pag-uwi."

Kit: "Oo. Ako din naman."

Emily: "Dahil magkasama na tayong uuwi sa ating mga bahay magmula ngayon, ano madalas mong ginagawa kapag umuuwi ka ng bahay noon?"

Kit: "Namamasyal."

Emily: "Saan ka naman namamasyal?"

Kit: "Kahit saan."

Emily: "Puwede mo ba akong dalhin sa mga lugar kung saan ka madalas pumapasyal?"

Kit: "Puwede naman. Pero bukas na lang kita ipapasyal sa mga pinupuntahan ko. Tutulungan ko pa si Lola sa pagluluto ngayon."

Emily: "Oo. Pero yung pangako mo ha? Ipapasyal mo ako sa mga pinapuntahan mo bukas ha?"

Kit: "Oo."

Matapos ang maikling kuwentuhan nina Kit at Emily, patuloy na naglakad ang dalawa pauwi sa kanilang lugar.

At pag-dating sa barangay kung saan sila nakatira, muling nangako si Kit na ipapasyal niya si Emily bukas sa lugar kung saan siya pumupunta, tsaka sila pumasok sa kanilang mga bahay.