webnovel

Chapter 53- Back to Normal School

Dalawang araw makalipas ang insidente ng pagnanakaw at bagong taon, bumalik sa normal ang araw-araw na gawain ng mga tao sa Barangay kung saan nakatira si Emily.

Kasabay ng pagbalik sa normal ay ang pagbabalik din sa Eskwelahan ng mga Estudyante sa Paaralan at ang pagpasok din sa trabaho ng kapatid nitong si Lucile.

Gaya ng nakagawian, maagang pumasok sa paaralan si Emily at gaya ng dati, binati ni Emily ng kanyang mga kaibigan na sila Nina, Althea at Claire pagdating ng mga ito sa tapat ng pintuan ng kanilang classroom.

Emily: "Good morning, Guys!"

Nina: "Good morning din, Emily."

Althea: "Guys, sa tingin niyo? Nakaka-excite bang pumasok ngayon? Parang tinatamad pa akong pumasok ngayon."

Emily: "Oo nga, Alt. Nakakatamad pa ngang pumasok ngayon. Pero tapos na ang bakasyon kaya kailangan na nating tanggapin ang realidad na pasukan na naman."

Claire: "Oo. Tama si Emily. Kaso inaantok pa ako. Gusto ko pa matulog."

Emily: "Oo, Claire. Ako nga rin. Inaantok pa."

Nina: "Sigurado ka bang inaantok ka pa, Emily? Eh ba't parang napaka-aga mong pumasok at napaka-energetic mo ngayon? May nakain ka bang kakaiba?"

Emily: "W-Wala naman, Nina. Masaya lang ako."

Nina: (Duda ako dyan sa sinabi mo, Emily. Sigurado akong may nangyari sayo na maganda noong New Year.)

Ilang sandali pa, nagdagsaan na rin ang ilan din nilang mga kaklase kabilang na sina Ruby at Ivy.

Maaga naman din dumating si Edward at binati ang mga kaibigan niyang mga babae.

Edward: "Good morning, Girls! Kamusta ang bakasyon ninyo?"

Emily: "Maayos naman, Edward. Tsaka dapat sumama ka sana sa Outing namin nila Kit noong nakaraang taon."

Ruby: "Oo, Edward. Nakaka-enjoy ang Outing. Sagot ang lahat ng Lola ni Kit ang mga gastusin."

Edward: "Talaga? Sagot nila Kit ang ginastos niyo? Hay....Sayang naman. Sumama na dapat ako."

Althea: "Kaya nga eh. Dapat sumama ka ng makita mo kung paano maglaro si Ruby?"

Ivy: "Ganon ba ka-enjoy ang Outing ninyo? Kung alam ko lang, sana sumama na rin ako. Kaso may ibang lakad ang pamilya ko noong bakasyon."

Nina: "Kung sabagay, may punto ka, Ivy."

Ilang minuto pa ang lumipas, nagsidagsaan na rin ang iba pang mga Estudyante at hinihintay din ang pagbubukas ng kanilang mga Classroom.

Kabilang sa mga dumating ay ang tatlong lalaki na crush ng ibang mga babaeng estudyante na sila Isaac, Daniel at Axel.

Sumunod naman sina Samantha at Jackson, at panghuling dumating ang mga Kambal.

Pero natuon ang atensyon ng lahat kay Jackson nang mapansin nilang bahagya itong pumayat at nagpagupit ito ng High Cut na buhok.

Allan: "Aba! Jackson! New look ka ata ngayon! Anong nakain mo ang nagpagupit ka ng buhok?"

Allen: "Siguro wala na siyang makain noong bakasyon. Kaya kinain na lang yung sarili niyang buhok."

Jackson (irrirated): "Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?! Nang makita niyo kung ano ang hinahanap niyo magmula pa noong nakaraang taon?!"

Allan: "Grabe ka naman, Jackson. Hindi ka naman mabiro."

Allen: "Oo nga. Tsaka atleast natutuwa kami kasi medyo nakikinig ka na rin sa amin."

Hanggang sa nilapitan ni Jackson ang Kambal tsaka niya binatukan at pinagtatadyak ang kawawang mga kambal.

Pinanood na lang sila ng ibang napapadaang mga estudyante.

Samantha: "Hay...Hindi na nagbago itong si Jackson. Pakikipag-away pa rin sa ibang estudyante ang inaatupag."

Ivy: "Oo. Sinabi mo pa."

Samantha: "Hindi na lang niya ginaya si Ruby. Kahit papaano, nagbago na ang ugali. Tsaka seryoso na siya ngayon sa pag-aaral. Kita mo naman, nagrereview ng mga notes last year dyan sa sulok kasama ang kanyang BF."

Ivy: "Speaking of notes, magbasa na rin kaya tayo, Samantha? Baka biglang magpa-quiz si Sir Joey. Alam mo naman si Sir, ang hilig ng surprise quiz."

Samantha: "Oo. Buti pinaalala mo, Ivy."

Matapos mapansin nina Samantha at Ivy si Ruby na seryoso sa pagbabasa ng kanilang notes, kinuha ang kanilang notebook sa kanilang bag at binuklat ng dalawa ang notebook para magbasa.

Habang nagbabasa ang ilan at abala si Jackson sa pambubugbog sa mga Kambal, nagkukwentuhan naman ang grupo ni Emily.

Daniel: "So Guys? Kumusta naman ang inyong mga New Year?"

Isaac: "Yung New year namin? Eh nagpaputok lang naman ng Goodbye Barangay, Goodbye Munisipyo, Goodbye Province, Goodbye Philippines at Goodbye Earth doon sa amin."

Althea: "Wow.... Kakaiba naman ang pangalan ng mga paputok ninyo."

Axel: "Oo. Ang weird nga."

Nina: "Isaac, bakit puro may mga Goodbye ang mga paputok na pinaputok ng mga kapit-bahay mo? Bago bang uri ng paputok ang kanilang nabili?"

Isaac: "Guys... Ang totoo niyan, kaya tinawag na Goodbye Barangay kasi nasabugan ang kamay nung dati naming Barangay Chairman. Nasunog naman ang bahay ni Ex-Mayor kasi pumasok yung kuwitis sa loob ng kanyang bahay, kaya naging Goodbye Munisipyo. Aksidente naman sumabog yung LPG tank matapos sindihan nung kapatid ni Governor yung kuwitis at tumalsik papunta sa kanilang kusina, kaya naging Goodbye Province."

Napangiwe naman ang ilan sa magkakaibigan matapos marinig ang kuwento ni Isaac tungkol sa mga naganap sa kanilang lugar noong Bagong taon.

Emily: "Ibig mong sabihin, Isaac. Yung mga "Goodbye" na mga paputok ay mga aksidenteng naganap sa inyong lugar?"

Isaac: "Hindi naman sa ganon, Emily. Sa katunayan nga. Literal na Goodbye Philippines yung pinaputok namin noong bagong taon."

Claire: "Eh di sobrang lakas ng pagputok nun, kung nagpaputok kayo ng Goodbye Philippines sa inyo."

Isaac: "Oo. Sobrang lakas nga, Claire. Parang pagsabog ng Granada. Ang kaso nga lang..."

Axel: "Kaso ano?"

Nina: "Anong nangyari, Isaac?"

Isaac: "Ehhh.... Biglang nag-amok yung matandang lasing na dating World War 2 Veteran sa amin at inakala niyang nagsimula na naman ang Giyera. Kaya lumabas siya sa kanyang bahay dala ang isang R.P.G. launcher at sumigaw ng "Umaatake na naman ang mga Hapon!" sabay pinasabugan ang daan. Imbes na nagsasaya ang lahat, nagtago na lang kami sa aming mga bahay, tsaka dumating ang mga pulis para hulihin yung nag-aamok na matanda. Kaya napasabi na lang ako na Goodbye Earth dahil sa kanyang ginawa."

Tuloy pa rin sa pagngiwe ang ilan sa magkakaibigan matapos marinig ang kuwento ng New Year ni Isaac.

Nina: "Isaac, huwag mo sana masamain pero ang malas naman ng New Year mo."

Althea: "Oo. Sang-ayon ako."

Daniel: "Kung malas na yung New Year ni Isaac. Eh di mas lalo naman yung sa akin."

Emily: "Paano mo naman nasabing malas ang New Year mo, Daniel?"

Daniel: "Kasi Emily, matapos naming sindihan yung kuwitis na pinalipad namin, biglang bumalik ba naman sa amin. Tsaka sumabog mismo sa mukha ko. Pero sobrang nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nasira ang pogi kong mukha."

Axel: "Buti nga, buhay ka pa, Daniel."

Nina: "Sang-ayon ako sa sinabi mo, Axel." (Ang tibay naman ng mukha mo, Daniel. Wala man lang galos sa mukha?)

Althea: "Sa inyo, Claire? Kamusta naman ang naging New Year mo?"

Claire: "Okay lang, Alt. Normal pa rin naman naming naidaos ang aming New Year. Kaya walang naging problema."

Althea: "So, normal lang ang naganap sa lugar ni Claire."

Nina: "Sa inyo naman, Emily? Kamusta naman ang New Year sa bago niyong tinitirahan?"

Emily: "Ha?! Dun sa tinitirahan namin ngayon? Uhmm...kasi..."

Isaac: "Kasi weird ang mga tao kila Kit?"

Emily: "Uhmm....Parang ganun na nga, Isaac. Kaya hindi ko maipaliwanag." (Tsaka ipagkakalat nila sa buong Campus kapag nalaman nilang kami na ni Kit. Buti naman, hindi pa dumating si Kit.)

Isaac: "Sabi ko na nga ba. Ba't pa ba ako nagtanong?"

Althea: "Oo, Isaac. Sana hindi ka na lang nagtanong. Alam mo naman kung gaano ka-weird ang mga tao kila Kit."

Nina: "Pero Emily, paano naman nagdaos ng New Year si Kit?"

Daniel: "Oo nga, Kit. Paano ka nagdaos ng.... HOY!! Paano ka nakarating dyan sa likod ni Emily?!!"

Nagulat si Daniel matapos niyang makita si Kit na nakatayo sa likod ni Emily at nagulat din ang kanilang mga kaibigan matapos din nilang mapalingon at makita si Kit.

Hindi na nagulat si Emily sa naging reaksyon ng kanyang mga kaibigan dahil bago pa man makita ng kanyang mga kasama si Kit ay naramdaman na niyang may humihila sa kanyang buhok at naisip niyang tinitrintas ito ni Kit.

Emily: (Grabe... Hindi na sila nasanay na laging sumusulpot si Kit at nakatayo sa aking likod. Siguro sa bintana na naman siya dumaan. Tsaka ano na naman pinaplano ni Kit sa buhok ko?)

Nina: "Kit, saan ka na naman ba dumaan?! Nag-iwan ka ba ng portal sa likod ni Emily?!"

Althea: "Alam mo, Kit. Kahit kailan, nakakagulat ka pa rin kapag nagpapakita ka sa amin."

Claire: "Oo. Para kang bula."

Isaac: "Tsaka kanina pa ba niya tinitrintas ang buhok mo, Emily? Nakalahati na niyang napagtrintas yung kaliwang parte ng buhok mo."

Emily: "Ehh...siguro." (Kit ang weird mo talaga. Ano na naman bang ginagawa mo?)

Daniel (annoyed): "Kit, kung okay lang sayo ha? Pero... Puwede ba?! Magpa-alam ka din kung kailan ka susulpot nang hindi kami nagugulat sayo!"

Imbes na pakinggan ni Kit ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan ay sumimangot lang ito na nakatitig sa kanila at tuloy lang sa pagtitrintas sa buhok ni Emily at nang matapos ay lumipat naman siya sa kanan para trintasan ang kanan bahagi ng kanyang buhok.

Axel: "Daniel, mukhang hindi siya nakikinig sa sinabi mo kanina."

Daniel: "Oo. Kita ko nga."

Nina: "Tsaka mas prayoridad ni Kit ang pagtrintas sa buhok ni Emily kaysa sa pasagot sa ating mga tanong."

Maya't maya, biglang tumunog ang bell ng kanilang paaralan, hudyat na kailangan nilang magtipon sa school Auditorium para sa kanilang Flag Ceremony.

At habang naglalakad ang mga estudyante papunta sa Auditorium, ay tuloy pa rin sa pagtitrintas ni Kit sa buhok ni Emily.

Kung saan napangiwe na lang ang ilang estudyante na nakakakita sa kanyang ginagawa.

Nawala naman sa isip ng magkakaibigan ang dapat sanang tanong kay Emily kung paano nito idinaos ang kaniyang Bagong taon.

Matapos ang Flag ceremony, agad bumalik ang mga Estudyante sa kanilang mga Classroom at pag-upo nila sa kanilang mga upuan, dumating din ang kanilang guro na si Sir Joey na may bagong announcement para sa kanyang mga estudyante.

Sir Joey: "Good Morning, Class!"

All Students (except Kit): "Good Morning, Sir!"

Sir Joey: "Class! Alam kong ang iba sa inyo ay hindi pa handa para sa panibagong araw ng klase. Pero kailangan niyo nang gumising sa katotohanan na tapos na ang bakasyon. Kaya bilang panimula, mayroon ako bagong Announcement para sa inyo."

Nang marinig ng mga estudyante ang sinabi ni Sir Joey, nag-usap sa upuan ang ilan at nagkaroon ng kaunting ingay dahil sa pagbubulungan.

Itinuloy naman ni Sir Joey ang pagsasalita at sinabi ang kanyang bagong Announcement.

Sir Joey: "Class! Makinig! Dalawang linggo mula ngayon ay magaganap na ang inyong 3rd Quarter Exam at umaasa ako na hindi pa nilamon ng inyong bakasyon ang mga napag-aralan ninyong mga lessons last year dahil kasama ang mga lessons na iyon sa exam."

Emily: (Oo nga pala. 3rd Quarter Exam na pala namin sa kalagitnaan ng buwan. Kailangan ko nang magreview ng maaga.)

Daniel: (Wala na bang event after exam? Sa pagkaka-alala ko last year, may isa pang event bago ang Valentines day A.K.A. JS Prom. Pero bakit hindi ko maalala ang pangalan nang event?)

Axel: (Sigurado ako, School event na naman ang iniisip ni Daniel. Hindi na naman siya nakikinig sa harap.)

Sir Joey: "Then, after 3rd Quarter Examinations, i-cecelebrate naman natin ang Foundation day ng ating School at hindi gaya nung last year, magkakaroon tayo ng School Play Competition. Kung saan, lahat ng Grade levels ay magpapagalingan sa pag-Acting, pagandahan ng Props, Story na i-aacting at Audience impact. Huwag din kayong mag-aalala dahil magtutulungan ang lahat ng Grade 10 sa Competition na ito. Kaya huwag niyo muna gaanong isipin ang Foundation day."

Claire: (School Play Competition? Bago yun ha?)

Althea: (School Play?! Ano na naman ang naisip ng Founder at ginawang paligsahan ang School Play?!)

Ruby: (Kung may School Play, ano o sino naman kaya ang kukunin nilang mga artista sa Play? Pero magandang pagkakataon na rin ito para mahasa ang aking Acting Skills.)

Samantha: (Kung masasali ako sa Play, gusto kong maging puno.)

Ivy: (Sana maging "Extra" lang ako sa Play.)

Allan: (Stage play? Ha! Jackpot kami ni Utol!)

Allen: (Sigurado ako, pinaplano ni Utol na manatili kami sa ilalim ng Stage.)

Sir Joey: "Then, after ng Foundation day ay susunod naman ang pinakahihintay ng lahat. Ang JS Prom sa araw ng Valentines day sa February at sigurado akong magpapagandahan na naman kayo ng mga isusuot na Dress at Tuxedo sa araw na iyon."

Emily: (Grabe! JS Prom na pala next month! Please naman! Sana matapos na ang January! Excited na ako!)

Nina: (3rd Quarter Exams! Pagkatapos, Foundation day naman! And then JS Prom na namin sa February! YIIIIIEEEE!)

Ruby: (Ano kaya ang isusuot ko sa Prom? Yung suot ko din kaya last year? Baka manalo na naman akong Darling of the Crowd.)

Daniel: (Ako dapat ang Early Pogi! Ako lang!)

Althea: (Ba't parang kinikilig ako? Dahil ba may magsasayaw sa akin sa Prom?)

Allen: (Sa pagkakataong ito, may makakasayaw na kami ni Utol! Hindi kami papanatag na wala kaming makasayaw!)

Allan: (Jackpot na naman kami! Marami na namang palda! Hahaha!)

Isaac: (Mukhang First time kong makakasayaw si Nina sa Prom.)

Edward: (First time kong magka-GF at makakasayaw ko din siya sa Prom. Excited na ako.)

Claire: (Makakasayaw ko na rin si Axel, pagdating ng Prom. Hindi na ako makapaghintay.)

Jackson: (Prom na naman? So, mani at Cornick na naman ang kakainin na naman naming meryenda?)

Sir Joey: "End finally, after ng Prom ay susunod na ang ating Final Exam. Kung saan makikita namin kung sino sa mga Estudyante ang gragraduate at kung sino din ang magiging Valedictorian at Salutatorian sa inyong batch. Tsaka paalala ko lang, enjoyin niyo lang ang natitira ninyong mga araw dito sa School at mag-aral kayo ng mabuti kasama ang inyong mga kaibigan at Classmates nang sa ganon ay makapasa kayo at maabot ninyo ang inyong mga pangarap. Kaya naman, mag-Attendance check na tayo at hahayaan ko na muna kayong magrelax dahil bukas pa tayo magsisimula ng ating mga lessons."

Edward: (3rd quarter exams na! Tapos dalawang events pa at pagkatapos ng dalawang school events, Final Examination na namin! Dun na rin malalaman kung sino ang magiging Valedictorian at Salutatorian dito sa Section namin.)

Jackson: (Malapit na pala ang Final Exam. Kailangan ko nang pumasa.)

Kit: (....Mga Pangarap....)

Sir Joey: "At dun na nagtatapos ang aking mga Announcement para sa inyo. Kaya maiwan ko na kayo at mag-enjoy na muna kayo sa araw na ito. Class dismissed!"

Sabay alis ni Sir Joey mula sa Classroom at bumalik sa Faculty room.

Tuwang-Tuwa naman ang mga estudyante dahil pinagbigyan sila ng mga Teachers na huwag muna magklase sa unang araw ng kanilang pasukan sa buwan ng Enero.

Maliban sa libreng araw na ibinigay ng mga Teachers sa mga Estudyante, natutuwa naman ang ilan dahil hindi na sila makapaghintay sa nalalapit na mga Events sa kanilang School.

Ang iba naman ay seryosong nag-iisip at pinag iisipan ang papalapit na Quarterly Exam, kasama na ang ilan sa mga kaibigan ni Emily.

Habang nag-uusap ang karamihan ng mga estudyante sa loob ng kanilang Classroom at ang iba ay pumunta sa Canteen para magmeryenda, napansin ni Emily na wala si Kit sa kanyang upuan at hinala niya ay nagpunta ito sa School Deck ng kanilang paaralan.

Kaya naisipan niyang puntahan ito sa Roof Deck at gaya ng kanyang hinala, nadatnan ni Emily si Kit sa tabi ng mataas na Fence at pinapanood ang lahat ng mga naglalakad na Estudyante't Guro sa ibaba.

Nang lumapit si Emily, napansin niyang tila napakalalim ng kanyang iniisip, kaya kinausap niya si Kit para alamin ang itinatakbo ng kanyang isipan.

Emily: "Kit, nandito ka lang pala. Pinapanood mo na naman ba ang mga tao sa ibaba?"

Kit: "Hindi."

Emily: "Kung hindi ka nanonood sa mga tao, anong ginagawa mo dito?"

Hindi sumagot si Kit pero lumingon naman siya sa kanyang kaliwa nang mapansin niyang lumapit si Emily.

Tumingin si Kit sa mga mata ni Emily nang makita niyang tumingin din ito sa kanya, tsaka siya lumingon sa kanyang harap at muling pinanood ang mga tao sa ibaba.

Dahil sa hindi pagsagot ni Kit, nagtaka si Emily sa kung ano ang kanyang iniisip. Kaya muli na naman tinanong ni Emily si Kit.

Emily: "Kit, malalim ata ang iniisip mo? May problema ka ba?"

Sandaling hindi kumibo at hindi sinagot ni Kit ang tanong ni Emily.

Halatang seryoso ang kanyang mukha habang pinag-iisipan ang isang bagay. Maya't maya, nagsalita si Kit sa tanong ni Emily.

Kit: "Wala akong problema, Emily."

Emily: "Kung wala kang problema, bakit napakaseryoso mong makatitig doon sa ibaba?"

Kit: "Wala lang."

Emily: "Anong wala lang?!"

Kit: "Hay....Gusto mo talagang malaman kung ano ang iniisip ko?"

Emily: "Oo. Pero kung ayaw mong sabihin, pwede mo na lang sabihin sa chat."

Biglang napatitig ng nakasimangot si Kit kay Emily matapos niyang marinig ang kanyang sinabi.

Pero imbes na sagutin ang tanong sa kanya ni Emily, sinagot niya ito ng isa pang tanong.

Kit: "Ano bang pangarap mo, Emily?"

Emily: "Ha? Bakit mo naman naitanong sa akin iyan, Kit?"

Kit: "Wala naman. Pero wala ka bang gustong maging, pagkatapos mo mag-graduate?"

Emily: "Ahh....Ehh.....Ang totoo, Kit. Hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong maging, pagkatapos ng Graduation."

Kit: "So ibig sabihin, wala ka pang naiisip kung ano ang kukunin mong Course sa Grade 11 at 12."

Nailang si Emily matapos niyang sabihin kay Kit na wala pa siyang napupusuang Kurso pagkatapos nilang mag-graduate sa Junior High.

Pero ang mas ina-aalala ni Emily sa ngayon ay kung isasayaw ba siya ni Kit sa araw ng kanilang Prom at dito nakatuon ang kanyang isipan.

Emily: "....Oo eh..."

Kit: "Okay lang. Ako din naman, wala pang ideya kung ano ang gagawin ko after Graduation. Pero sana man lang, may ideya ka na kung ano ang kukunin mong Course pagkagraduate natin."

Emily: "Kit, wala pa naman siguro akong pangarap na trabaho, pagdating ng araw. Pero may pangarap din naman ako sa mga oras na ito."

Kit: "At ano naman ang pangarap mo sa ngayon?"

Emily: "Ang sumayaw sa Prom."

Kit: "Yun lang ang pangarap mo sa ngayon?"

Emily: "Eh yun nga ang gusto ko!"

Kit: "Ang babaw mo."

Emily: "Ewan!"

Kit: "Pero seryoso, wala ka bang pangarap sa buhay?"

Emily: "Siyempre! Mayroon!"

Kit: "At ano naman iyon?"

Emily: "Gusto kong maging Flight Attendant!"

Nang marinig ni Kit ang sinabi ni Emily na gusto nitong maging isang Flight Attendant, napatingin ito nang nakasimangot habang tinititigan ang katawan ni Emily mula ulo hanggang paa, tsaka siya nagsalita.

Kit: "Ni hindi mo pa na-aabot ang Standard Height ng isang Stewardess, tapos sasabihin mong gusto mong maging Flight Attendant?"

Emily: "Alam mo, Kit. Sinira mo na ang pangarap ko dahil diyan sa sinabi mo!"

Kit: "Bakit ba gusto mong maging Flight Attendant?"

Biglang nanahimik si Emily matapos siyang tanungin ni Kit kung bakit gusto niyang maging isang Flight Attendant.

Hanggang sa sinabi na rin niya ang kanyang dahilan."

Emily: "Dahil...Gusto kong maikot ang mundo."

Kit: "Ikutin ang mundo?"

Emily: "A-Alam mo, sa totoo lang, kaya ko gustong ikutin ang mundo dahil pangarap nina Mama at Papa na maglakbay sa mga magagandang mga lugar sa buong mundo. Sa katunayan nga, muntik nang matanggap si Papa noon bilang isang Travel Researcher para sa isang TV network pero bago pa niya natupad ang kanyang pangarap eh....Alam mo na siguro ang dahilan."

Kit: "Oo. Yung nangyari 2 years ago."

Tumango si Emily bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kit at parehong nanahimik ang dalawa matapos magsalita ni Emily. Maya't maya, nagsalita naman si Kit.

Kit: "Kaya pala gusto mong maging Flight Attendant."

Emily: "Oo. Pero dahil sa sinabi mo kanina, mukhang sira na ang pangarap kong maging Flight Attendant."

Kit: "Hindi naman pala nalalayo ang pangarap ko sa pangarap mong trabaho."

Emily: "Ha? Bakit naman? Tsaka ano bang pangarap mong maging after Graduation?"

Nang tanungin ni Emily si Kit kung ano ang kanyang pangarap, biglang naglakad si Kit papunta sa isang maliit na kubo na kanilang tinatambayan at kinuha ang kanyang bag. Sinundan naman siya ni Emily at nagtataka sa kung ano na naman ang gagawin ni Kit.

Pagdating sa maliit na kubo, kinuha ni Kit ang kanyang bag at inilabas ang isang bagay na itsurang libro, tsaka niya ito binuklat at pinakita kay Emily ang nilalaman ng naturang bagay.

Namangha naman si Emily matapos nya makita ang nilalaman nito.

Emily: "W-Wow! Ang gaganda naman ng mga litratong ito! Tsaka ang cu-cute ng mga hayop. Kit, ikaw ba ang kumuha sa mga litratong ito?!"

Kit: "Oo."

Emily: "Pa-Paano mo nakuhanan ng magandang anggulo ang mga puno at hayop sa mga litratong ito? Siguro, isang napakagandang DSLR Camera ang ginamit mo sa pagkuha ng mga litrato noh?"

Kit: "Hindi."

Emily: "Hindi DSLR Camera? Kung ganun, anong ginamit mo sa pagkuha ng mga litratong ito?"

Kit: "Android Phone."

Emily: "Seryoso ka ba?! Android Phone lang ang ginamit mo sa pagkuha ng mga litratong ito?!"

Kit: "Oo."

Emily: "A-Ang galing mo naman, Kit. Puwede kang maging Photographer dahil sa galing mong kumuha ng mga litrato."

Kit: "Puwede naman. Pero ayokong maging isang simpleng Photographer lang."

Emily: "Ha? Bakit naman?"

Kit: "Wala ka bang napansin sa mga kinuha kong litrato sa Album?"

Emily: "Napansin ang alin? Tsaka pati pala paninilip ng dalawang Kambal nakuhanan mo din ng Camera."

Kit: "Hay....Halata ngang wala kang napansin sa mga kuha kong litrato."

Emily: "Ano nga ba kasi ang kailangan kong mapansin sa mga kuha mong litrato na panay lang naman mga puno, halaman, hayop at magagandang tanawin?"

Kit: "Yun na nga ang punto."

Emily: "Ang alin?"

Kit: "Hay...Naku..Emily."

Emily: "Ano ba kasi yun dapat kong mapansin?! Ba't di mo na lang sabihin?!"

Kit: "Gusto kong maging isang Wildlife Photographer."

Emily: "Wildlife Photographer? Yung Photographer na naglalakbay sa buong mundo para kumuha ng mga litrato ng mga hayop?"

Kit: "Hindi lang hayop. Pati halaman, kultura ng mga katutubo at mga tanawin."

Emily: "Eh di yun ang pangarap mong trabaho, pagdating ng araw?"

Kit: "Oo."

Emily: "Wow.... Buti ka pa, Kit. Ang ganda ng pangarap mo at makaka-ikot ka pa sa buong mundo. Samantalang ako, parang alanganin

nang mangyari ang pangarap kong maka-ikot sa buong mundo."

Nalungkot si Emily dahil iniisip niyang hindi na matutupad ang kanyang pangarap na makaikot sa buong mundo.

Hanggang sa lumapit si Kit at inimbitahan si Emily na umupo muna sa upuan ng Kubo.

Kit: "Emily, puwede ba muna tayong umupo?"

Emily: "Sige kung napapagod ka nang tumayo."

Pinaunlakan naman ni Emily ang imbitasyon ni Kit at umupo sila sa mahabang upuan na kawayan.

Umupong magkatabi ang dalawa, nang magulat si Emily sa sinabi ni Kit.

Kit: "Emily, higa."

Emily: "Hi-Higa?! Anong ibig mong sabihin?!"

Kit: "Humiga ka sa upuan."

Emily: "Kung hihiga ako, mauupuan ko ang mga hita mo."

Kit: "Oo. Kaya humiga ka na."

Emily: Hay....Sige na nga." (Kit, ano na naman ba ang pinaplano mong gawin?)

Humiga si Emily sa upuan dahil sa pinakiusapan siya ni Kit.

Paghiga niya, inunanan niya ang mga hita ni Kit, tsaka siya tumihaya.

Habang nakatihaya, tanaw ni Emily mula sa kanyang pagkakahiga ang mukha ni Kit na nakatitig din sa kanya at habang siya ang nakahiga, hinahaplos naman ni Kit ang kanyang noo, paitaas sa kanyang buhok.

Habang ginagawa ito ni Kit, gumagaan naman ang kanyang pakiramdam at nagsisimula na rin siyang antukin.

Emily: "Kit, inaantok ako."

Kit: " Maliban sa antok, magaan na ba ang pakiramdam mo?"

Emily: "Medyo. Pero masama ang loob ko dahil baka hindi na matupad ang aking pangarap na makaikot sa buong mundo."

Kit: "Huwag, mong isipin iyan. Marami pang paraan para matupad mo ang iyong pangarap."

Emily: "Kung marami pang paraan, sa paanong paraan ko naman matutupad ang aking pangarap?"

Kit: "Emily, marami ka pang oras para makapili ng Course na may kinalaman sa Travel. Puwede ka naman magpalit ng pangarap mong trabaho na maliban sa pagiging Flight Attendant."

Emily: "Trabaho na maliban sa pagiging Flight Attendant?"

Kit: "Oo. Tulad ng Travel Vlogger, Tour Organizer, Tour Guide, Chef sa isang Cruise ship, Geologist o kaya Archeologist."

Emily: "Teka? Nag-iikot sa buong mundo ang isang Geologist?"

Kit: "Oo. Bakit gusto mo bang maging Geologist?"

Emily: "Hindi naman. Pero ngayon ko lang nalaman na nag-iikot din pala sila sa buong mundo."

Kit: "So, ano plano mo?"

Emily: "Sa ngayon, hindi ko pa sigurado kung ano ang kukunin kong Course. Pero salamat na rin sayo, Kit kasi ipinaintindi mo sa akin na may pagpipilian pa pala ako, para tuparin ang pangarap kong trabaho."

Kit: "Gaya ng sabi nga nila, Emily. "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan". Kaya gusto mo ang isang bagay, marami kang paraan para abutin ang iyong mga pangarap."

Emily: "Oo, Kit. Tama ka. Pero sa ngayon, inaantok na ako sa ginagawa mong paghimas sa ulo ko."

Kit: "Eh di matulog ka lang. Gisingin na lang kita kapag tanghalian na."

Maya't maya, unti-unting bumagsak ang mga mata ni Emily at kalauna'y siya ay nakatulog.

Patuloy naman sa paghaplos si Kit sa ulo ni Emily at pati na rin siya ay inaantok, kaya nakatulog ang dalawa ng magkasama.

Walang ideya ang dalawang natutulog na dumating sa kanilang School Deck sina Nina at Althea para ipakita kila Ruby, Edward, Ivy, at Samantha ang tambayan ni Kit. Nang madatnan nila ang dalawang natutulog.

Nina: "Ruby, Edward at yung dalawang utusan. Welcome sa aming Tambayan!"

Samantha: "Babaeng Kuwago! Sinong tinatawag mong dalawang utusan?!

Ivy: "Hindi kami utusan ni Ruby! Mga kaibigan niya kami!"

Ruby: "Girls, huminahon nga kayo. Di ba napag-usapan natin na hindi na tayo makikipag-away sa kanila?"

Samantha: "Oo. Napag-usapan natin, pero hindi kasama sa pinag-usapan natin ang pang-iinsulto nila sa amin!"

Ivy: "Oo. Tama si Samantha, Ruby. Kaya kung gusto mo kaming magkasundo dapat itigil na rin nila ang pang-iinsulto sa amin."

Althea: "Oo na, Guys. Pagpasensyahan niyo na si Nina."

Nina (irrirated): "Anong pagpasensyahan?! Matapos niyo akong tawaging Babaeng Kuwago, Bulag at kung anu-anu pang mga pangalan noong last year, ako pa ang kailangang humingi sa inyo ng paumanhin?!"

Althea: "Nina, tama na nga iyan. Patawarin mo na sina Samantha at Ivy. Hindi na sila katulad noong last year. Tsaka napatawad mo na nga si Ruby hindi ba? Kaya patawarin mo na rin sila."

Samantha: "Kung hindi mo kami mapapatawad ni Ivy, hahayaan ka namin kung iyan ang iyong gusto mo."

Ivy: "Oo. Sang-ayon ako kay Samantha. Hindi ka namin pipilitin, Nina. Kung ayaw mo sa amin. Pero sana man mapatawad mo kami.

Sandaling nanahimik si Nina sa sinabi nina Samantha at Ivy. Pero kalauna'y tinanggap naman nito ang paghingi ng tawad ng dalawa.

Nina: "Hay....Oo na. Kwits na tayo."

Samantha: "Kwits? Kung ganon.."

Nina: "Oo na. At huwag mo nang subukang magdrama at baka ihulog kita dito sa top floor."

Samantha: "Huwag kang mag-alala, Nina. Hindi ako magdradrama dito. Hindi gaya nung isang nagkukunwaring masungit dyan."

Ruby: "Ako ba ang tinutukoy mo, Samantha?"

Samantha: "Sabi ko, wala! Friends na tayong lahat dito."

Ivy: "Nagtaray ka pa, Samantha. Alam lang naman namin na natutuwa ka sa pagpapatawad sayo ni Nina. Kasi nakikita kong namumula ang pareho mong tainga."

Samantha (unamused): "Puwede ba? Tigilan niyo na ako."

Althea (teasing): "Hehe....Pakitang taray ka pa, Samantha."

Samantha: "Huwag niyo akong kausapin."

Edward: "Anyway, kung nasettle niyo na lahat ng inyong hindi pagkakaintindihan, ang masasabi ko lang, ang ganda naman dito! So dito pala ang bago niyong tambayan?"

Althea: (Grabe ka, Edward. Muntik nang mag-away ang dalawang kasama natin dito. Tapos ang masasabi mo lang yung opinion mo dito sa tambayan?)

Edward: "Tsaka habang nag-uusap kayo, nakita kong may kubo sa likod nung maliit na Attic at natutulog sina Emily at Kit sa loob."

Nina: "Ano? Sina Kit at Emily?! Magkasama?!"

Ivy: "Talaga?"

Samantha: "Puwede mo bang ituro kung saan ang Kubo na iyan. Naiintriga ako."

Ruby: "Nasaan sila? Gusto ko silang makita."

Althea: (Naku! Balita na naman ito sa buong Campus kapag nagkataon.)

Dahil nausisa ang mga kaibigan ni Emily, pinuntahan nila Nina, Althea, Ruby, Edward, Ivy at Samantha ang kubo kung saan natutulog sina Emily at Kit.

Pagdating nila, kinikilig at pinagmasdan nila sina Kit at Emily.

Nina: "Hihi! Ang cute naman nilang tignan. Parang gusto kong kunan ng Picture."

Althea: "Huwag mong gawin iyan, Nina. Magagalit si Emily kapag nalaman niyang kinunan mo sila ng Picture."

Ruby: "Curious lang ako, sila na bang dalawa?"

Ivy: "Ruby, hindi ba obvious sa mga itsura nila?"

Ruby: "Hindi ko sure. Kasi panay ang deny ni Emily kapag nagtatanong ako kung ano ang namamagitan sa kanila ni Kit."

Samantha: "Pero kung titingnan mo ang posisyon nila sa pagtulog, parang sila na ang magjowa."

Edward: "May mga naririnig akong mga tsismis noong last year sa iba pang mga Estudyante na baka sila na ni Kit. Pero sa nakikita ko, parang sila na nga."

Ruby: "Guys, naisip ko lang. Total, gusto nating lahat na malaman kung ano talaga ang namamagitan sa kanila. Ba't hindi natin sila hintayin na magising, tsaka natin sila iinterogate?"

Nina: "Mukhang magkakasundo tayo dyan, Ruby."

Samantha: "Ako din."

Althea: "Kung ganun, tawagin ko na din ang buong barkada at papuntahin ko na rin sila dito. Siguradong magiging masaya ito."

At dahil sa planong pag-iinterogate ng mga kaibigan ni Emily sa kanilang dalawa ni Kit, agad tinawag Althea at Nina ang iba pa nilang mga kaibigan gamit ang kanilang mga Android phone, tsaka nila pinapunta ang mga ito sa School Deck ng Paaralan para hintayin na magising ang dalawa at isagawa ang kanilang naisip na plano.