webnovel

Chapter 42- Weird Adventure

Isang umaga, araw ng Miyerkules, habang abala sa paggugol ng kanilang bakasyon ang mga estudyante, kabilang na ang bida nating si Emily.

Madako naman tayo sa isang komunidad malapit sa dagat, kung saan nakatira ang tahimik, hindi palaimik, at mahilig manood sa mga tao na si Kit.

Matapos kumain ng agahan, nakarinig ng malakas na mga nagsisigawang mga tao mula sa labas ng bintana, lumapit ang lola ni Kit na si Lola Delia, at sumilip sa bintana ng kanilang bahay para panoorin ang mga nagsisimula na naman ng gulo na mga lalaki sa tapat ng kanilang tinitirahang bahay.

????: " <hic! > Shinong mathapang dito ha?! Hoy! Ikaw! Mathapang ka ba ha?! SHINO! Ang sabi ko, SHINO?!"

Lalaki: "Hindi po Boss! Hindi ako lalaban!"

Maya't maya, pinagsabihan ng lalaking nasa edad 70 ang lasing na lalaki, habang nagbubukas ng kanyang maliit na Store, sa tapat mismo ng bahay ni Kit.

Matandang lalaki: "Hoy! Temyong! Umagang-umaga, lasing ka na naman. Wala bang araw na puwedeng umabsent ang pag-inom mo ng alak?"

Mang Temyong: "Bakit ka ba nangingialam, Sharoy?! Eh gushto ko nga uminom ng alak!"

Mang Saroy: "Hindi na maganda sa katawan yan pag-iinom mo ng alak. Lalo na't isang linggo ka nang umiinom."

Mang Temyong: "Anong <hic! > hindi maghanda na phinagshashashabi mo diyan?! Mabuti pa nga sha katawan ko yung alak! Becosh I'm Full of Alchohol! Tsaka wala kang kikitain kung hindi ako bibili ng alak sha ishtore mo! And andyan na din sha tapat ng Store mo yung tathlong thampalashan!"

Sa hindi inaasahan, biglang nagkaroon ng mesa, upuan, dalawang lasing din na mga lalaki na naglalaro ng baraha at lalaking naka-sun glasses na nakaputing gloves ang biglang sumulpot sa tapat mismo ng Store ni Saroy.

Napakamot na naman ng ulo ang matanda matapos makita ang biglang pagsulpot ng mga ito.

Mang Saroy: "Pambihira! Pati pa ba naman kayo?! Mag-iisang linggo na din kayong nagsusugal! Tsaka paano kayo nakapagpwesto ng sobrang bilis diyan sa harap ng Store?!"

Mang Selmo: "Simple Mang Saroy, dahil sa misteryo ng mga baraha."

Sabay kumpas ng lalaking nakahawak ng mga baraha sa kanyang mga kamay, kung saan mabilis niyang binigyan ng tiglilimang mga baraha ang bawat isa sa mga naglalaro at agad inilagay sa gilid ng mesa ang natitira pang mga baraha.

Lalo na namang napakamot ng ulo ang matanda.

Mang Saroy: "Oo! Katulad mo! Katulad ng mga mata mo ng sobrang misteryoso! Hindi ko maipaliwanag kung paano ka nakakakita at naglalakad sa hating-gabi na suot yan mga sun glasses sa mga mata mo! Tsaka, Impong! Mag-iisang linggo ka na ding natatalo ni Eliasar sa sugal! Wala ka bang planong tumigil?"

Mang Impong: "No retreat! No Surrender! Saroy! At talo ka na Eliasar! Kita mo yan! Straight Flash!"

Ngumisi naman ang lalaking kalaban nito sa sugal at ipinakita ang itinatago nitong mga baraha.

Mang Eliasar: "Hahaha! Diyan ka nagkakamali! Activate Trap Card! Tingnan mo! Ang aking Limang Alas!"

Mang Impong: "Ano?! Limang Alas?! Paanong nangyari iyon?!"

Mang Eliasar: "Akin na ang pera mo! Talo ka na naman! Hahahaha!"

Sabay kuha sa perang ipinusta ng kalaban nito at agad ibinulsa.

Mang Saroy: "Anong limang Alas na pinagsasasabi mo?! Apat lang ang Alas sa Poker!"

Mang Impong: "Ano?! Apat lang?!"

Mang Saroy: "Oo, Impong! Tignan mo nga ng mabuti! Mayroon bang Star na Alas sa baraha?! Di ba, wala?! Kaya dinaya ka na naman ni Eliasar!"

Mang Impong: "Sinasabi ko na nga ba! Nandaya ka na naman! Ibalik mo yan pera ko!"

Sabay hinampas si Eliasar ng mga dalang pamalo ni Impong.

Ngunit nakaiwas ito at nakipagpatintero pa kay Impong sa mesang kanilang ginagamit sa pagsusugal.

Mang Selmo: "Mukhang ito na ang cue ko para um-exit. Baka madamay pa ako dyan sa mga naghahabulan. Bukas ulit ha!"

Sabay alis naman ng lalaking naka-sun glasses at iniwan ang mga nagkakagulong mga lalaki.

Iiglip na sana sa kalasingan si Temyong sa upuan ng Store hanggang sa aksidente siyang mapalo ng gitara ni Impong sa ulo at inakala naman niyang hinahamon siya ng away nung dalawang lasing din na naghahabulan.

Mang Temyong: "SHINONG MAY GAWA NUN HA?! KAYO BA?! O IKAW MAY GAWA, SHAROY?!"

Mang Saroy: "Wala akong kinalaman diyan! Pero nakita kong pinalo ka nung isa sa mga dalawa."

Tumigil naman sa paghahabulan ang dalawa matapos nilang marinig ang sigaw ni Temyong. Tsaka ito naghamon ng away sa dalawa nitong kainuman.

Mang Temyong: "Mathaphang kayo ha?! Shige!! Hinahamon ko kayo! Mag-Lipsh-to-Lipsh tayo! Ang unang bumigay, Bakla!"

Nagtinginan sa isa't isa sina Eliasar at Impong sa sinabing hamon ni Temyong.

Hanggang sa naisip na lang nilang umuwi sa kanilang mga bahay para iwasan si Temyong.

Kaya naglakad na parang walang nangayaring alitan ang dalawa, palayo sa sobrang lasing at naghahamon ng kakaibang away na si Temyong.

Mang Temyong: "Wala naman phala kayo eh! Mga Bhaklha! Ikaw?! Sharoy?! Mathaphang ka din ba?!"

Hindi pinansin ni Saroy si Temyong at diresto itong pumasok sa loob ng kanyang bahay, matapos magbukas ng kanyang Store, habang nagkakamot ng ulo dahil sa kakaibang hamon ni Temyong.

Napakamot din ng ulo si Lola Delia na nanonood mula sa bintana ng kanilang bahay.

Lola Delia: "Hay....umagang umaga, ang dami na nilang nagawang gulo. Tsaka hindi ko masabi kung naghahanap ba talaga ng away yan si Temyong."

Kit: "Lola, talagang ganyan lang po siya. Hindi na kayo nasanay."

Lola Delia: "Kung sabagay, tama ka, Apo. Tsaka hindi naman natin siya masisisi kung gusto niya laging umiinom. Anyway, may plano ka bang gawin sa araw na ito?"

Tumango si Kit sa tanong ng kanyang Lola. Tsaka ito tumayo sa mesa at naglakad papunta sa pinto.

Lola Delia: "Apo, huwag kang magpapagabi ha? Tsaka huwag mong kalimutan ang Maintenance mo sa hika."

Muling tumango si Kit sa kanyang Lola, tsaka ito lumabas ng kanilang bahay.

Paglabas ng kanyang bahay, hinahamon si Kit ng lalaking sobrang lasing.

Ngunit naglakad na lang ito at hindi pinansin ang lalaking nag-aamok dahil sa kalasingan.

Sa araw na ito, plano ni Kit na pumunta sa downtown para lamang maghanap ng bagong piyesa sa kanyang bisekleta.

Pero habang naglalakad, nakita ni Kit sa daan ang isang kakaiba at lumang nakarolyong papel.

Pinulot naman ni Kit ang papel at tinignan ang nilalaman nito.

Nang makita ang nilalaman ng papel, napag-alaman niyang ito ay isang mapa.

Nausisa si Kit sa kanyang natagpuang mapa, kaya tinignan pa niya ang iba pang nilalamang detalye ng naturang papel.

Kit: "100,000 steps. Starting point: Puno ng Acacia. Sundan ang direction at bilangin ang steps. Take note: Kapag sinabing "Warning", mag-ingat."

Matapos basahin ang mga detalye, hindi pinansin ni Kit ang mga nakalagay na babala sa papel dahil sa nagkaroon siya ng interest sa kung ano ang naghihintay sa kanya sa dulo ng mapang kanyang napulot.

Hinanap ni Kit ang sinasabing Acacia at nakita niyang nasa tapat mismo siya ng Acacia na kanyang kinatatayuan.

Kaya sinimulan niya ang magbilang at naglakad habang sinusundan ang direksyon na sinasabi ng mapa.

Habang naglalakad, nakarating sa unang babala si Kit kung saan nakasaad sa mapa ang mga salitang "Quack, quack, quack."

Hindi na nagulat si Kit sa mga nakalagay na salita, hanggang sa makita nito mismo sa daan ang tinutukoy ng mapa.

May napadaan namang lalaki, at binalaan naman nito si Kit.

Lalaki1: "Boy! Mag-iingat ka sa Ganso na iyan! Umaatake yan ng tao!"

Tumingin lang na nakasimangot si Kit sa lalaki, hanggang sa nakita ng Ganso ang lalaki at siya ang inatake nito.

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Kit matapos mabaling ang atensyon ng Ganso sa lalaki.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, narating ni Kit ang mga bukirin kung saan nakatira sila Nina at Emily.

Habang nagdidilig ng mga halaman sa labas ng bahay sina Nina at Emily, napansin nilang naglalakad si Kit at dumiretso sa bukid.

Nagtaka ang dalawa sa kung ano ang ginagawa ni Kit.

Nina: "Emily? Si Kit ba yun naglalakad?"

Emily: "Oo, Nina."

Nina: "Sa tingin mo, ano na naman kaya ang ginagawa niya?"

Emily: "Mayroon siyang binabasang papel, pero saan naman kaya siya pupunta?"

Nina: "Ewan ko. Pero dumiretso siyang naglakad sa bukid."

Emily: "Nina, na-aalala ko lang, saan ka makakarating kapag dineretso mo ang bukid?"

Nina: "Sa bundok."

Napangiwe si Emily sa sinabi ni Nina at may hinala siyang didiresto sa bundok si Kit.

Pero dahil sa nakalayo na si Kit, hinayaan na lang nila itong maglakad.

Patuloy sa paglalakad si Kit at malapit na rin siyang makarating sa paanan ng bundok, nang makita nito ang kaibang babala sa mapa.

Kit: "Aw..aw. Anong Aw..Aw?"

Maya't maya may tatlong aso na lumabas mula sa butas na bakod ng isang bahay.

Kit: "Ah... Aso pala."

Sumugod ang mga aso papunta kay Kit at akmang kakagatin siya ng mga ito.

Ngunit biglang naglabas ng isang supot ng biskwit mula sa kanyang bag na siyang dahilan para mapilitang huminto sa pagsugod ang mga aso.

Tsaka ipina-amoy ni Kit ang supot sa mga ito.

Kit: "Amoyin niyo lang. Kapag hindi niyo ako kinagat, ibibigay ko ito lahat sa inyo."

Umupo at naglalaway ang mga aso sa amoy ng biskwit na dala ni Kit.

Kalauna'y ibinigay nito sa mga aso ang isang supot ng mga biskwit at agad pinag-agawan ng mga ito.

Napansin ni Kit na hindi gaanong pinapakain ng tunay na may-ari, ang mga aso.

Kaya sinabihan niya ang mga ito.

Kit: "Pagkatapos niyong kumain, kagatin niyo yung sarili niyong amo. Hindi man lang niya kayo mapakain ng tama."

Sabay alis ni Kit at ipinagpatuloy ang paglalakad habang sinusundan ang mapa.

Pagkatapos kumain ng mga aso, bumalik ang mga ito sa bahay ng kanilang amo at tsaka nila binugbog ang natutulog nilang amo.

Paglagpas ni Kit sa bahay na may mga aso, narating naman niya ang isang maliit na sapa.

Tinignan na naman ni Kit ang napulot niyang mapa at sinasabi dito na kailangan niyang sundan ang sapa hanggang sa makita nito ang isang maliit na waterfall.

Napansin ni Kit na magiging mahaba ang kanyang lalakarin, kaya tinignan na muna niya ang dalang inhaler kung sapat ba ito para pigilan ang kanyang asthma sa buong araw.

Buti na lang, mayroon pang natitirang kalahati sa kanyang ginamit na bote at puno din ang dala niyang riserbang bote.

Kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.

Pagkatapos sundan ang isang mahabang daan sa gilid ng sapa, narating ni Kit ang isang maliit na waterfall.

Pagdating sa maliit na Waterfall, sandali muna siyang nagpahinga at habang nagpapahinga, muli na namang tinignan ni Kit ang mapa.

Sa pagkakataong ito, kakaiba ang sumunod na tagubilin na nakasulat sa mapa.

Kit: "Hanapin ang Crystal na paro-paro."

Nakasimangot na iniisip ni Kit kung niloloko na ba siya ng taong gumawa sa mapa at parang pinaglalaruan na siya nito.

Hanggang sa naisip niyang humiga sa mga damuhan para umiglip.

Nang makita ni Kit ang tila makinang na bagay na lumilipad sa mga sanga ng puno, akala niya ay namamalik-mata lang siya sa kanyang nakikita.

Pero nang tumayo at pinagmasdan niya ito ng mabuti, nakita niyang isa nga itong Crystal na paro-paro.

Agad kinuha ni Kit ang kanyang bag at tsaka niya tinignan ang susunod niyang gagawin sa mapa.

Kit: "Sundan ang paro-paro. Sundan? Pero saan naman ito pupunta?"

Hindi alam ni Kit kung saan ang patutunguhan ng paro-paro dahil nag-aalala siya na baka mapalayo siya ng husto at baka kulangin ang dala niyang inhaler.

Pero dahil malaki ang interest ni Kit sa kung ano ang kanyang makukuha sa dulo ng mapa, isinawalang-bahala na lang niya ito at sinundan ang kakaibang paro-paro.

Isang oras ang nakakaraan matapos sundan ni Kit ang naturang paro-paro, dumapo sa isang puno ng Balete ang kakaibang paro-paro.

Naisip ni Kit na muling tignan ang mapa para makita kung ano ang kanyang susunod na gagawin.

Kit: "Mula sa Balete, maglakad papunta sa Norte, hanggang sa marating ang isang lumang tulay." "Palalakarin na naman ba ako ng may gawa ng mapang ito?"

Sumimangot muli si Kit sa kanyang nabasa.

Pero wala naman siyang magagawa dahil nasimulan niya nang sundan ang mapa.

Kaya muli na naman siyang naglakad papunta sa sinasabing tulay.

Pagdating sa tulay, napansin niyang napakaluma na nito at kapag hindi siya nag-ingat ay maaring lumusot ang kanyang paa sa ilalim nito.

Maliban sa napakaluma ng tulay na gawa sa kahoy, rumaragasa din ang tubig sa ilog na nasa ibaba ng tulay.

Pero hindi natinag si Kit sa lumang tulay at sa malakas na agos ng ilog.

Kaya ang ginawa niya, tumakbo siya ng mabilis sa tulay.

Pagkalagpas sa tulay, sunod na namang tinignan ni Kit ang mapa at nakita niyang nakalagay dito na dumiresto lamang siya sa loob ng masukal na gubat.

Sinunod naman ni Kit ang sinasabi ng mapa.

Paglagpas sa masukal na gubat, narating ni Kit ang isang kuweba sa loob ng kagubatan.

Namangha si Kit sa kanyang nakita dahil sa hindi niya ina-akala na mayroon pa lang kuweba sa loob ng kagubatan.

Titignan sana ni Kit ang kanyang mapa nang may marinig siyang boses ng matandang na nagsalita sa kanyang kanan.

Matandang boses: "Iho. Sa pagkakataong ito, hindi mo na kailangan ang mapang iyan dahil narating mo na ang dulo."

Tumingin si Kit sa kanyang tabi at nakita ang isang matanda na may mala abo't mahabang buhok at balbas, nakasuot ng mahaba at maruming damit, nagkukuba na dahil sa katandaan, at nakahawak ng mahabang kahoy na Tungkod. Tinanong naman ni Kit ang matanda.

Kit: "Sino naman po kayo?"

Matandang lalaki: "Gusto mong malaman? Bago mo alamin kung sino ako, kailangan mong malaman na ako ang taga-pangalaga ng Kuwebang iyong natatanaw."

Kit: "Tagapangalaga ng Kuweba?"

Matandang lalaki: "Oo, iho. Sa loob ng Kuweba ay mayroong isang pinto na gawa sa bato na nakasara. At upang mabuksan ang pinto, kailangan mong sagutin ng tama ang aking tatlong mga katanungan."

Tila naisip ni Kit na tagilid siya sa tatlong katanungan ng Matanda.

Kung kaya't sinubukan ni Kit na tumawad sa bilang ng mga tanong nang Matanda.

Kit: "Wala na po bang tawad yung tatlo niyo pong mga katanungan?"

Matandang Lalaki: "Wala, Iho. Kailangang sagutin mo tatlo."

Kit: "Dalawa."

Matandang lalaki: "Tatlo!"

Kit: "Dalawa na Tatlo!"

Matandang lalaki: "Hindi!"

Kit: "Lima!"

Matandang lalaki: "Hindi!"

Kit: "Sampu!"

Matandang lalaki: "Hindi!"

Kit: "Labing Lima!"

Matandang lalaki: "Sabing Hindi!"

Kit: "Oh Sige! Isa!"

Matandang lalaki: "Okay! Deal!"

At sumang-ayon naman ang Matanda sa tawad ni Kit na isang tanong ang kailangan niyang sagutin para buksan ang pinto na gawa sa bato sa loob ng Kuweba.

Tila hindi napansin ng Matandang lalaki na naisahan siya ni Kit.

Maya't maya, itinanong na ng Matanda ang kanyang tanong.

Matandang lalaki: "Oh, Sige. Simulan na natin. Nakikita mo naman kung ano ang itsura ko, hindi ba?"

Kit: "Opo. Yun na po ba ang inyong tanong?"

Matandang lalaki: "Hindi! Hindi pa yun ang aking tanong! Eto, Seryoso na ito. Ang aking tanong AY!"

Kasabay ng pagsigaw ng Matanda sa kanyang sinabi at pag-angat ng kanyang tungkod sa kalangitan.

Biglang nagdilim ang paligid, tinakpan ng mga ulap ang kanina'y maaliwalas na sinag ng araw, umihip ng malakas ang hangin, kumulog at kumidlat, at natamaan ng kidlat ang napadaang baboy-ramo sa kanilang harap na ngayo'y naging lechon.

Tumitig lang ng nakasimangot si Kit sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Hanggang sa sinabi ng Matanda ang kanyang itatanong.

Matandang Lalaki: "Sa tingin mo, ANO AKO?!"

Biglang bumalik sa normal ang buong kapaligiran matapos ibaba ang kanyang baston at sabihin ng Matanda ang kanyang tanong.

Nakatitig pa rin ng nakasimangot si Kit sa itinanong ng matanda. Tsaka siya nagsalita.

Kit: "Yun na yon?"

Matandang Lalaki: "Oo. Iyon na nga. Nahihirapan ka sigurong humula noh? Hahahaha!"

Inakala ng Matanda na mahirap ang tanong na naisip nitong itanong kay Kit.

Alam ni Kit ang tamang sagot pero sinabi nya muna ang lahat ng posibleng tamang sagot para alamin kung ano ang magiging reaksyon ng Matanda.

Kit: (Ang dali naman ng tanong nang Matandang ito. Tsaka okay yung Visual Effects niya kanina ha. Paano niya kaya nagawa yun? Paglaruan ko kaya muna siya bago ko sabihin ang tamang sagot?)

Matandang Lalaki: "Hahaha! Mukhang wala ka nang maisasagot, Iho? Sayang naman ang nilakbay mo kung hindi mo masasagot ng tama ang akin tanong. Hahaha!"

Kit: "Ah! Alam ko na! Ikaw si Gandalf!"

Matandang Lalaki: "Gandalf? Anong Gandalf?!"

Kit: "Gandalf. Yung nasa Lord of the Rings?"

Matandang Lalaki: "Kung sino man yun, hindi ako yung sinasabi mong Gandalf!"

Kit: "Eh di ikaw si Dumbledore."

Matandang Lalaki: "At sino naman iyon?!"

Kit: "Matanda sa Harry Potter."

Matandang Lalaki: "Kung sino man iyon, hindi din ako yon!"

Kit: "Da Vinci."

Matandang lalaki: "Hindi!"

Kit: "Si Confucius."

Matandang lalaki: "Hindi!"

Kit: "Lao Tsu."

Matandang lalaki: "Hindi rin!"

Kit: "Kung Fu master."

Matandang lalaki: "Sabing hindi!"

Kit: "Genghis Khan."

Matandang lalaki: "Hindi!"

Kit: "Shaolin Master?"

Matandang lalaki: "Mukha ba akong KALBO HA?!"

Kit: "Mambabarang."

Matandang lalaki: "Hindi nga! Nag-iisip ka ba?!"

Kit: "Manggagantso."

Matandang lalaki: "Hindi nga! Jusko!"

Kit: "Ah alam ko na! Isa kang N.P.A.!"

Matandang lalaking: "Mukha ba akong may hawak na baril ha?! Jusko! Isa kang hangal!"

Napaniwala naman sa pang-iinsulto ni Kit ang Matanda dahil sa lahat ng sabihin nito ang may kinalaman sa matanda o kaya sa taong nakatira sa bundok.

Napansin naman ni Kit na madali niyang mauto ang Matanda. Kaya kalauna'y sinabi niya rin ang tamang sagot.

Kit: "Grabe....Di naman po kayo mabiro sa mga sinabi ko."

Matandang lalaki: "Biro? Mukha ka bang nagbibiro? Nang-iinsulto ka eh!"

Kit: "Hay...Grabe. Ang bilis niyo naman pong mapikon. Sige sabihin ko na nga ang tamang sagot."

Matandang lalaki: "Tamang sagot daw! Sige! Ano ang tamang sagot?!"

Kit: "Isa po kayong Ermitanyo. Di naman kayo mabiro."

Matapos sabihin ni Kit ang tamang sagot, biglang huminahon at tumigil sa kakareklamo ang Matanda.

Tsaka nito sinabi ang tunay nitong pangalan.

Matandang lalaki: "Walang hiya ka. Kanina mo pa pala alam na isa akong Ermitanyo, hindi mo man lang sinabi agad. Gayun pa man, tama ang iyong sagot. Ako si Ermitanyong Domeng! Ang tagapag-bantay ng Kuwebang OULALA!"

Pagsigaw ng Matanda sa kanyang sinabi at sa muli nitong pag-angat ng kanyang tungkod sa kalangitan. Muli na naman nagdilim ang paligid, tinakpan ng mga ulap ang kanina'y maaliwalas na sinag ng araw, umihip ng sobrang lakas ang hangin, kumulog at kumidlat, at natamaan naman ng kidlat ang napadaang baka sa likod ni Kit na ngayo'y naging Beef Pares.

Gaya kanina, tumitig lang ng nakasimangot si Kit sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

At bumalik din sa normal ang lahat matapos ibaba ng Matanda ang kanyang tungkod.

Kit: (Ang galing talaga ng kanyang mga Visual Effects. Nakapa-Realistic! Paano talaga niya nagagawa yun?)

Matandang lalaki: "Ngayon! Dahil sa nakapasa ka sa aking pagsubok. Ikaw ang karapat-dapat na may mag-ari ng isang mahalagang kayamanan na pinakatago-tago pa ng aking mga Ninuno sa loob ng Kuweba sa mahabang panahon. Halika! Binatilyong Manlalakbay, sumama ka sa akin sa loob ng Kuweba!"

At naglakad papasok sa loob ng Kuweba ang Matanda.

Sumunod naman si Kit matapos siyang sabihan na sumunod.

Pagpasok nila sa loob, namangha si Kit sa dami ng mga makikinang na bato sa loob ng Kuweba.

Maya't maya narating nila ang isang malaking pinto na kasing-taas ng isang bahay at gawa sa bato. Tsaka nagsalita ang Matanda.

Matandang lalaki: "Binatilyong Manlalakbay! Upang mabuksan ang pinto na iyong nasisilayan at tanggapin ang kayamanang nakapaloob rito. Kailangan mong magbigay ng isang alay sa tagapag-bantay ng Kuweba!"

Kit: "Teka! Sandali nga, Tanda! Di ba nakapasa ako sa iyong pagsubok?! Bakit kailangan ko pang mag-bigay ng alay sayo?!"

Matandang Lalaki: "Dahil yun ang batas ng aking mga Ninuno. Ang lahat ng nakapasa sa pagsubok ng bantay ng Kuwebang ito ay dapat na magbigay alay sa tagapag-bantay upang mabuksan ang pinto na ito. Ngunit, sa unang pagkakataon, sa loob ng limang libong taon, ngayon lang nagkaroon ng tao na nakapasa sa pagsubok ng kuweba. Para tanggapin ang pinakatatago nitong kayamanan. Kaya kung gusto mong makuha ang kayamanan, kailangan mong magbigay ng alay."

Kit: "Oh Sige! Kung yan ang nasasaad sa inyong batas, ano ang dapat kong ialay?"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngumisi ang Matanda at sinabi nito ang hinihingi nitong alay.

Seryoso at nakahanda naman si Kit sa kung ano ang sasabihin ng Matanda.

Matandang lalaki: "Ngayon, ialay mo sa akin..."

Kit: (Sabihin mo na, Tanda! Ang dami mo pang Intro.)

Matandang lalaki: "Ang litrato ng isang birheng dalaga na suot ang kanyang PANLOOB!"

Sabay nagkaroon na naman ng Kulog at Kidlat sa loob ng Kuweba.

Bigla naman sumimangot si Kit matapos marinig ang hinihingi nitong alay.

Kit: "Nagbibiro po ba kayo?"

Matandang lalaki: "Narinig mo naman, hindi ba? Yun ang hinihingi ko."

Tumitig ng nakasimangot si Kit sa matanda, habang nakangisi naman ang matanda kay Kit.

Kit: (Hindi ko inaasahang mangyayari ito. Wala sana akong planong ibigay ang litratong ito sa mga taong bastos, pero mukhang kailangan ko na itong ibigay. Mas mabuti na rin ito kaysa yung mga Kambal pa ang makakuha.)

Dahil sa kakaibang alay na hinihingi ng matanda, agad binuksan ni Kit ang kanyang bag at kinuha ang isang litrato ng babae na tinitignan ang suot na bagong bili nitong panloob, sa harap ng salamin at nasa loob din ng CR. Tsaka niya ito ibinigay sa Ermitanyong bastos.

Kit: "Eto. Itago mo ng mabuti."

Matandang lalaki: "Oooh! Ang cute at balingkinitan din ang dalagang ito! Sabihin mo, paano ka nakakuha ng ganitong litrato?!"

Kit: "Huwag mo nang alamin."

Matandang lalaki: "Weh! Ayaw pang sabihin. Pero sabihin mo, kaibigan mo ba ang cute na dalagang ito?"

Kit: "Hindi. Pero madalas, siya ang unang nakakapansin sa presensya ko."

Matandang lalaki: "Ganun ba. Total, napakaganda ng kuha mo sa litratong ito, oras na para buksan ang tarangkahan!"

Pagtusok ng tungkod ng Matanda sa lupa, biglang nagkaroon ng lindol at dahan-dahang bumukas ang pinto na gawa sa bato.

At habang bumubukas ang pintong gawa sa bato, biglang may nakakasilaw na liwanag ang lumabas mula sa loob ng pinto. Sa sobrang liwanag, hindi makita ni Kit ang nasa loob.

Hanggang sa tuluyan ng bumukas ang pinto at medyo nasisilayan ni Kit ang sinasabing kayamanan.

Matandang lalaki: "Binatilyong manlalakbay! Iyong pagmasdan! Ang maalamat na sandata ng Oulala! Ang pinakatatagong kayamanan ng aking lahi!"

Unting-unti nang nasisilayan ni Kit ang sinasabing kayamanan, laking tuwa nito ng makakamtan na nito ang pinaghirapan niyang matagpuan na kayamanan.

Matandang lalaki: "Binatilyong Manlalakbay! Tanggapin mo ang...."

Ngunit, biglang nagbago ang reaksyon ni Kit ng makita nang kanyang mga mata at malinaw pa sa kristal, ang itsura ng kayamanan.

Kasabay din nun, ang pagsabi ng Matanda sa pangalan ng kayamanan.

Matandang lalaki: "INFINITY PANTY!"

Tuluyan ng sumimangot at nadismaya si Kit nang makita niyang isang panty na gawa sa ginto at may malaking hiyas na kulay puti ang nakakabit sa gitna nito.

Ipinagmalaki naman ng Matanda kay Kit ang nagagawa ng sinasabi nitong kayamanan.

Matandang lalaki: "Iho! Napakaswerte mo dahil ang panty na iyan ay yari sa isang uri ng sinulid na mula sa kaibuturan ng kalawakan at hinabi ito ay ng mga Bathala! Ang bato naman na nasa gitna ay may kapangyarihan na lumikha o mangwasak ng kahit na anong mga bagay! At upang magamit ang kapangyarihan nito, kailangan mong isuot ang Infinity panty sa iyong ulo."

Kit: "Tulad sa Superhero ng mga Hapon na ginagawang maskara ang Panty sa kanyang ulo?"

Matandang lalaki: "Oo! Ganun na nga! Alam mo naman pala eh!"

Kahit ano pang nakakapanghikayat na kapangyarihan ang sabihin ng Matanda kay Kit para ito ay kanyang kunin, tuluyan na itong nadismaya sa kanyang nakita at naisip na lang nitong umuwi, tsaka kalimutan na lang ang mga nangyari.

Kaya lumapit si Kit sa Ermitanyong Bastos at mabilis na hinablot ang litrato na kanyang ibinigay.

Nagulat naman ang Matanda nang hablutin ni Kit ang litrato.

Matandang Lalaki: "Oy! Iho! Ba't mo kinuha yan?!"

Kit: "Pasensya na, Tanda. Pero binabawi ko na itong litrato."

Matandang lalaki: "Ha?! Ano?! Pero bakit?!"

Kit: "Inyo na po yan ang Panty. Wala na akong interest diyan."

Matandang lalaki: "Iho! Hindi mo puwedeng bawiin yan alay mo! Dahil kapag binawi mo..."

Kit: "Binabawi ko na, Tanda! Kaya isara mo na yan tarangkahan! At salamat sa pagsasayang ng aking oras!"

Sabay naglakad ng mabilis si Kit paalis ng Kuweba. Pagka-alis ni Kit, biglang nagsara ang pintong gawa sa bato, at tuluyan na namang nakulong sa loob nito ang mahiwagang panty.

Matandang lalaki: "Hay....Pambihira naman! Isang tao na naman ang tumanggi sa kayamanan ng aking lahi! Hanggang kailan pa ba ako magiging bantay ng pesteng kuwebang ito?!"

Wala nang nagawa ang Matandang bantay ng kweba, kundi ang maghintay muli ng taong tatanggap sa kapangyarihan ng naturang kayamanan.

Matapos ang nakakapagod at kakaibang araw, dapit-hapon na nang makauwi si Kit sa kanilang bahay.

Kit: "Lola, nandito na po ako."

Lola Delia: "Oh? Apo, buti nakauwi ka na. Kararating din ng Mama mo. May inuwi siyang Donuts sa mesa. Saktong panghimagas mamaya, pagkatapos ng hapunan. Kaya magpalit ka na ng damit pambahay at maghahapunan na tayo."

Kit: "Opo, Lola."

Tsaka pumunta sa kanyang kuwarto at sinunod ang sinabi ng kanyang Lola.

Pagkatapos magpalit ng damit pambahay, agad nagsalo-salo ng hapunan ang pamilya ni Kit.

Amelia: "Kit, anong ginawa mo sa araw na ito?"

Lola Delia: "Oo nga, Apo. Saan ka naman naglakwatsa ngayon?"

Kit: "Sa Downtown lang po."

Lola Delia: "Downtown na naman. Hay....ano kaya kung magsagawa din tayo ng Outing sa susunod na linggo?"

Amelia: "Ma, saan naman kayo mag-a-Outing ni Kit? Eh wala naman akong alam na lugar ng magandang pasyalan."

Lola Delia: "Saan pa ba? Eh di sa Bahay bakasyonan ng pamilya natin. Total, matagal na rin mula noong hindi nabisita yung bahay."

Amelia: "Ma, paano naman mag-eenjoy si Kit kung kayo lang dalawa ang magkasama?"

Lola Delia: "Eh di magsama siya ng mga kaibigan niya. Basta't payagan sila ng mga magulang nila. Tsaka wala dapat ipag-alala ang mga magulang nila dahil ako ang magbabantay. Hindi ba, Apo?"

Sandaling hindi kumibo si Kit sa sinabi ng kanyang Lola at naisip niyang maganda ang ideya ng kanyang Lola. Kaya sumang-ayon siya rito.

Kit: "Lola, tama po kayo. Magandang ideya po yan."

Lola Delia: "Oh kita mo, Amelia? Sumang-ayon ang Apo ko! Kaya akong bahala ha?"

Amelia: "Oo na, Ma. Pero next week na kayong mag-Set ng Schedule. Balita ko, lilipat na sa sabado si Lucile sa kabila. Maganda siguro kung ipapakilala niyo muna siya sa mga kapitbahay."

Lola Delia: "Ah... Oo nga noh. Sigurado akong matutuwa siya sa lugar natin kapag nakilala na niya yung mga tao dito."

Kit: "Lola, makikilibing pa po kayo sa Sabado."

Lola Delia: "Ay! Oo nga pala! Libing na pala ni Tang Jaime sa Sabado. So ikaw na muna ang bahala sa bago nating kapit-bahay, ha?"

Kit: "Opo, Lola."

Matapos ang konting pag-uusap ng magkakapamilya, agad tumulong si Kit sa pagliligpit ng Mesa at tinulungan ang kanyang Lola sa paghuhugas ng mga plato.

Maaga namang natulog si Amelia dahil maaga pa itong papasok sa kanyang trabaho.

Pagkatapos maghugas at isa-ayos sa lalagyan ang mga plato, pumasok na rin si Kit sa kanyang kuwarto at sandali muna itong chinat si Emily kung kamusta ang araw nito.

Nagkaroon ng konting pag-uusap sina Emily at Kit sa chat.

Tsaka sinabihan ni Kit na matutulog na ito at pinatay ang kanyang Android Phone.

Pagkatapos patayin ang kanyang Android Phone, na-eexcite si Kit na iikot at ipakilala sa kanyang mga kapit-bahay si Emily sa kanilang lugar, pagdating nito sa Sabado.