Apat na araw matapos matanggap sa trabaho ang kapatid ni Emily na si Lucile, dumating na din ang araw kung saan titira na sa bago nilang bahay ang magkakapatid sa isang komunidad na malapit sa dagat.
Biyernes pa lang ng gabi, sinundo na ni Lucile si Emily mula sa tahanan ni Nina para maghanda ng gamit sa lilipatan nilang bagong tirahan.
Nagpasalamat naman si Lucile kay Nina at sa mga magulang nito dahil sa pag-aalaga sa kanyang kapatid, at humihingi rin siya sa mga ito ng tawad dahil na rin sa biglang pag-iwan kay Emily.
Naunawaan naman ng mga magulang ni Nina ang mga naging dahilan ni Lucile, ngunit nakiusap sila na huwag nang pababayaan ang kanyang bunsong kapatid.
Nangako naman si Lucile matapos siyang sabihan ng mga magulang ni Nina, tsaka sila nagpaalam at umalis ni Emily.
Matapos ang gabing iyon, magkasamang dumating sa lugar ang magkakapatid at laking tuwa nila nang makitang may second floor at nasa maayos pang kundisyon ang bahay na kanilang titirahan.
Nataon namang may napadaan na ililibing na patay at nakita ng magkapatid na kasama ang lola ni Kit na si Lola Delia sa mga taong nakikilibing at sumusunod na naglalakad sa likod ng Karo.
Panay naman ang iyak ng mga kamag-anak ng patay.
Asawa ng patay (crying): "Jaime! Bakit mo ako iniwan! Sabi mo, sabay tayong aalis sa mundong ito!"
Lola Delia: "Mare, tahan na. Hindi naman maiiwasan na siya ang mauuna. Ako nga, iniwan din ng asawa ko noong namatay siya. Wala din naman akong nagawa. Pero magkikita pa rin kayo, balang araw."
Mang Saroy: "Oo. Tama si Delia. Magkikita rin naman kayo, balang araw."
Mang Selmo: "Gusto niyo, hulaan ko na kayo sa mga dala kong baraha kung kailan kayo matutuluyan? Puwede kong alamin ngayon."
Mang Saroy: "Huwag na! Selmo! Baka sabihin mo pang ngayon na ako matutuluyan! Tsaka kailan ka pa naging manghuhula ha?!"
Mang Selmo: "Ngayon lang naman."
Mang Saroy: (Hay! Jusko! Baka ikamatay ko pa nang maaga itong pagsama sa libing nang dahil sa lalaking to!)
Ngunit hindi inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.
Nang biglang humarang sa dadaanan ng Karo ang tatlong lasing na mga lalaki.
Kaya napilitang tumigil sa pag-andar ng Karo nang dahil sa mga ito.
Mang Temyong: "Hoy! Tumigil kayo! Hindi niyo pwedeng ilibing yan si Jaime!"
Mang Eliasar: "Tama! Huwag niyong ilibing!"
Mang Impong: "Itigil ang libing!"
Mang Saroy: "Hoy! Kayong tatlo! Ano na naman bang kalokohan ang naisip niyo ha?!"
Mang Eliasar: "May atraso yan si Jaime! Hindi niya ibinibigay yung mga naipapatalo niyang mga pusta sa akin sa sugal!"
Mang Impong: "Oo nga! Tsaka kapag natatalo siya, umuutang siya sa akin ng pangtaya! Kailangang bayaran niya yung mga inutang niyang pera sa akin!"
Mang Temyong: "At hindi lang iyon! Kapag umuutang siya ng mga pagkain kay Saroy, pangalan ko ang ginagamit niya sa pangungutang! Kaya nagugulat na lang ako kung bakit nagkakaroon ako ng utang na hindi naman ako umuutang kay Saroy!"
Mang Eliasar: "Kaya bumangon ka na diyan! Jaime! Bayaran mo yung mga utang mo sa amin!"
Tsaka lumapit at inakyat ng tatlong mga lasing ang Karo, tsaka inilabas ang patay sa kabaong para gisingan ito.
Hanggang sa nagkagulo na ang mga taong nakikilibing dahil sa ginawa nang tatlong mga lasing.
Mang Eliasar: "Gumising ka na diyan! Ibigay mo yung mga perang naipatalo mo!"
Pinagsasampal ni Eliasar ang patay at pilit itong ginigising.
Mang Eliasar: "Ayaw mong magising ha?! Impong! I-CPR mo!"
Mang Impong: "Sige!"
Nagsagawa naman ng CPR si Impong sa patay para lang gisingin ito.
Habang si Temyong ay kumuha ng Battery Alligator clip mula sa loob ng Karo at ikinabit sa battery ng sasakyan.
Mang Impong: "Ayaw niyang magising! Hindi siya humihinga!"
Mang Temyong: "Impong!! Tabi nga diyan!"
Sabay idinikit ang Negative at Positive clip ng Alligator Clip na nakakabit sa battery ng sasakyan at kinuryente ang patay.
Mang Temyong: "JAIME! GUMISING KA!"
Asawa ng patay: "Mga walang hiya kayo! Lubayan niyo ang asawa ko!"
Lola Delia: "Wala na ba kayong respeto sa patay!"
Mang Saroy: "Tumawag kayo ng mga pulis!"
Hanggang sa nagkaroon ng pagsabog, bunga na rin ng pangunguryente ni Temyong.
Nahimatay naman ang asawa ng patay matapos makita ang kalunos-lunos na nangyari sa katawan ng kanyang asawa.
Pinaypayan naman ng mga matatanda ang nahimatay na asawa ng patay.
Unang rumesponde ang Chairman at mga Tanod ng Barangay matapos mabalitaan ang mga nagaganap.
Sakto namang dumating ang Police mobile at agad pinosasan ang tatlo, tsaka tinanong ng Police Officer kung anung ginawa nung tatlo.
PO1: "Chairman, ano pong ginawa ng tatlong ito?"
Chairman: "Sir, ano po.... Pumatay po sila ng patay."
PO2: "Pumatay ng patay? Pare! Paano natin irereport kay Hepe ang mga nangyari dito?"
PO1: "Bahala na diyan, pre! Basta hulihin na lang natin itong tatlong to!"
Tsaka umalis ang Mobile kasama ang tatlong mga lasing.
Agad namang naibalik ng mga Barangay Tanod ang mga parte ng Katawan ng patay, tsaka nila ibinalik sa loob ng kabaong at agad ding itinuloy ang libing, matapos mahimasmasan ang asawa ng patay.
Dahil sa nasaksihan ng magkapatid ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa lugar kung saan sila titira, napangiwe na lang mga ito sa kanilang nakita.
Emily: "A-Ate? Tama ba itong lugar na titirahan natin? Parang napaka-weird ng mga kapit-bahay natin."
Lucile: "Hi-Hindi ko din alam, Bunso. Sa nakikita ko, mukhang mahihirapan tayong makisama sa mga bago nating kapitbahay."
Kit: "Normal nang nangyayari yan dito. Kaya huwag kayong mag-alala, masasanay din kayo."
Nagulat ang magkapatid ng bigla na lang sumulpot sa kanilang tabi si Kit.
Napansin naman ni Emily ang suot na pambahay nito at naisip ang isang bagay.
Emily: "Teka, Kit? Dito ka ba nakatira sa lugar na ito?"
Kit: "Oo."
Emily: "Ibig sabihin, magiging kapit-bahay kita?!"
Kit: "Oo. At hindi lang ako. Pati rin yung dalawang yun."
Itinuro ni Kit ang isang Poso sa tabi ng Sari-Sari Store.
Sinundan naman ng tingin ni Emily ang daliri ni Kit.
Nakita nito ang mga Kambal na naglalaba at pinag-aagawan ang isang sabong panlaba.
Tila nagkaroon ng ideya si Emily kung bakit pinapabayaan lang ni Kit ang Kambal sa kalokohan ng mga ito ay dahil sa sila pala ay magkapit-bahay.
Emily: "So, ibig sabibin, protektor ka nang dalawang iyan kapag nasa School tayo?!"
Kit: "Hindi."
Emily: "Anong hindi?! Eh magkapit-bahay pala kayo!"
Kit: "Ba't di mo na lang tignan ang bago ninyong bahay? Sigurado akong matutuwa kayo kapag nakita niyo ang loob."
Lucile: "Oo. Mabuti pa nga, Bunso. Kaysa naman sa nandito tayo sa labas at....Uhm...pinapanood ang kaweirduhan ng mga kapit-bahay."
Emily: "Oo, Ate. Mabuti pa nga."
Tsaka pumasok ang magkapatid sa loob ng kanilang bagong bahay.
Bumalik naman si Kit sa loob ng kanilang bahay para manood ng TV.
Pagpasok sa loob, laking tuwa nina Emily at Lucile nang makita ang malinis, at maaliwalas na loob ng bahay.
May mga ilang gamit na rin ang nakalagay sa loob, tulad na lang TV, Sofa at mga kabinet na walang laman sa Sala.
Mga kabinet at lalagyan naman ng plato sa Kusina.
May mga lalagyan na rin ng sabon at malinis naman ang Banyo.
At ang mga kama't kabinet din sa bawat kwarto. Dalawang kuwarto sa Ground floor at dalawa din sa first floor ng bahay.
Emily: "Ate, ang lawak naman nitong bahay! Tsaka may extrang kuwarto pa! Talaga bang dito na tayo titira?"
Tahimik at hindi makasagot ang kanyang Ate. Hanggang sa napansin nito na umiiyak ang kanyang kapatid.
Emily: "A-Ate? Okay lang po ba kayo?"
Lucile: "Okay lang ako, Bunso. Masaya lang ako. Pero sana man lang, nakikita din nina Nanay at Tatay itong bahay na titirahan natin."
Nalungkot naman si Emily matapos marinig ang sinabi ng kanyang Ate at naisip na sana ay kasama nila ang kanilang magulang sa bago nilang tahanan.
Para mapagaan ang loob ng kanyang kapatid, kinausap niya ito.
Emily: "Ate, alam kong masaya sina Nanay at Tatay dahil nagawa mong magkaroon ng bahay para sa ating dalawa. Kaya huwag na po kayong umiyak."
Sabay yakap ni Emily para pagaanin ang loob ng kaniyang Ate. Niyakap din naman siya ng kanyang kapatid.
Lucile: "Salamat, Bunso."
Emily: "Wala pong anuman, Ate."
Tsaka pinunasan ni Lucile ang kanyang mga luha at muling kinausap si Emily.
Lucile: "So, saan mo gustong matulog?"
Emily: "Sa dati rin po, Ate. Sa itaas po ng bahay."
Lucile: "Talagang nasanay ka nang magkuwarto sa First Floor ha. Kung ganun, ipwesto na natin yung mga dala nating gamit sa mga kabinet."
Emily: "Opo, Ate."
Matapos ang sandaling pag-usap ng magkapatid, agad nilang ipinasok sa loob ng bahay ang kanilang mga gamit at ipwinesto sa dapat nitong kalagyan.
Nang maipwesto ng magkapatid ang kanilang mga gamit sa loob ng kanilang bahay, kabilang na ang paglalagay ng damit sa kabinet ng kanilang kuwarto, nakatayo ang dalawa sa Sala at pinagmamasdan ang mga inilagay na mga gamit habang iniisip ang kanilang susunod na gagawin.
Emily: "Ate, ang ganda ng pagkaka-decorare niyo sa bahay!"
Lucile: "Hehe...Salamat, Bunso."
Emily: "Ano na po ang susunod nating gagawin?"
Lucile: "Subukan nating magluto sa Kusina?"
Kit: "Eh kung mangapit-bahay muna kayo, bago kayo magluto ng pananghalian?"
Lucile: "Oo nga noh. Tama yung.....Huh?!"
Nagulat ang magkapatid nang sumulpot na naman si Kit sa kanilang likod at may dala itong isang malaking kuwadradong lalagyan na may lamang pagkain sa loob.
Emily: "Kit, paano ka nakapasok dito?!"
Kit: "Hindi pa ba nasasabi ng Ate mo? Dati kaya itong bahay ni Lola. Kaya alam ko kung paano pumasok dito."
Emily (shocked): "A-Ate?! Dati itong bahay ng Lola ni Kit?!"
Lucile: "Oo, Bunso. Pasensya na kung hindi ko pa nasasabi sayo. Pero atleast, may matitirahan tayo at ipinaubaya naman sa atin ng Lola ni Kit itong bahay."
Emily (irrirated): "Pe-Pero Ate?! Ayoko po nang basta na lang may tao na pumapasok dito sa loob ng bahay! Lalo na kay Kit!"
Kit: "Bakit, Emily? Anong ipinag-aalala mo? May tinatago ka ba sa kuwarto mo?"
Emily: "Wala akong tinatago, Kit! Pero ayoko lang na..."
Biglang nailang si Emily sa naisip niyang sabihin at nag-aalala na baka makita siyang nakasuot ng tuwalya pagkatapos maligo sa banyo, sa oras na basta na lang sumulpot si Kit sa loob ng kanilang bahay. Kaya binago niya ang nais niyang sabihin.
Kit: "Ayaw mo lang na ano?"
Emily: "Basta! Ayokong may pumapasok na lalaki dito sa loob ng bahay!"
Kit: "Huwag kang mag-alala, kakatok naman ako sa pinto. Hindi ako gaya nung dalawa sa bintana."
Napatingin sina Emily at Lucile sa bintana matapos sabihin ang nakita ni Kit ang binata ng kanilang Sala.
Laking gulat naman ni Emily ng makita nito ang mga Kambal sa bintana.
Allan: "Hi! Emily! Dito ka na ba titira sa lugar namin?"
Allen: "Oo nga! Tsaka masaya dito kapag Christmas."
Emily: "Teka! Kanina pa ba kayo diyan?!"
Allan: "Oo! Kanina pa kami nakatayo dito ni utol!"
Allen: "Oo nga!"
Lucile: "Bunso? Kilala mo ba ang dalawang iyan?"
Emily: "Uhm..Opo, Ate. Kaklase po namin sila ni Kit sa School." (Nakakahiya ito! Paano kung magtanong si Ate, tungkol sa dalawang iyan?! Anong sasabihin ko sa kanya?!)
Allen: "Oo nga!"
Allan: "Tsaka, Hi po pala! Ate ni Emily!"
Allen: "Oo nga. Tsaka ang ganda at seksi niyo rin po."
Lucile: "Hehe...Salamat ha. Ang bait niyo naman. Hindi naman ako ganon kaganda at kaseksi."
Emily: (Hi-Hindi ito maganda! Binobola na nila si Ate! Kailangang may gawin ako para mapaalis ko sila sa harap ng bahay! Kapag nagkataon, malalaman ni Ate na mga bastos ang dalawang ito at mapapahiya pa ako sa kanya!)
Allan: "Kung ganun, maari po ba nami-!"
Bago pa matapos ni Allan ang kanyang sasabihin, biglang dumating ang isang matanda na may maputing buhok sa likod ng mga Kambal at binatukan ang mga ito gamit ang sarili nitong kamao.
Allan: "ARAY!"
Allen: "AWW! Ang sakit!"
Mang Saroy: "AHA! Dito ko lang pala kayo makikita! Siguro, naninilip na naman kayo sa bago nating kapit-bahay!"
Allan: "Lolo! Nagkakamali kayo! Hindi po kami naninilip sa bago nating kapit-bahay!"
Allen: "Oo nga! Tsaka ba't ang bilis niyo pong nakauwi? Tapos na po ba kayong makilibing?"
Mang Saroy: "Hindi na ako sumama sa libing dahil sa kagagawan nung tatlong iniidolo niyong mga ungas kanina! Nakakahiya sa mga kamag-anak nung patay! Kaya huwag niyong gagayahin yung tatlong iyon!"
Allan: "Lolo! Hindi naman namin sila ginagaya!"
Allen: "Oo nga!"
Mang Saroy: ""Oo nga!" ka diyan! Iniwan niyo pang walang bantay yung Sari-Sari Store! Umuwi na kayo at bantayan niyo yung Store! Dahil tutulungan ko pang magtinda ng Daing ang Nanay at Tatay niyo sa Palengke!"
Tsaka piningot ng matanda ang Tenga ng Kambal at hinila ang dalawang ito pabalik sa kanilang bahay. Napangiwe na lang sina Emily at Lucile sa kanilang nakita."
Kit: "FYI, Emily. Yung matandang lalaking dumating kanina ay si Mang Saroy, Lolo nung Kambal. Kaya kung ikukumpara, mas ligtas ka dito sa lugar namin mula sa dalawang Kambal kaysa sa School. Kasi dito, nakabantay lagi yung kanilang Lolo sa mga kalokohan nung dalawa."
Emily: "Uhm..Oo. Mu-Mukha nga." (Hindi man lang kami pinansin nung Lolo ng Kambal dito sa loob ng Bahay. Siguro nahihiya siya dahil sa ginagawa nang mga Apo niya.)
Lucile: "Kung ganun, mga bastos yung kaklase niyong dalawang Kambal kanina?"
Kit: "Opo. Pero huwag kayong mag-alala. Hangga't nakabantay yung Lolo nila, hindi makakaporma ang dalawang iyan. Tsaka muntik ko nang makalimutan, ipinabibigay po pala ni Lola itong Tupper ware.."
Ibinigay ni Kit ang dala nitong lalagyan na plastik kay Lucile.
Lucile: "Wow! Salamat! Ang bait naman ni Madam. Nag-abala pa kayo."
Emily: "Kit, anong laman ng Tupper ware?"
Kit: "Tignan mo na lang kaya? Para makita mo."
Emily: (Ewan ko sayo, Kit!) "Ate, pwedeng makita yung laman?"
Lucile: "Oo, Bunso. Buksan natin. Gusto ko din makita kung anong niluto ni Madam."
Agad inilagay ni Lucile sa maliit na mesa ang plastik na lalagyan, tsaka niya ito binuksan. Laking tuwa ng magkapatid ng makita ang lamang Brownies sa loob ng lalagyan.
Lucile (surprise): "Wow! Brownies! Paborito ko ito! Kit, pakisabi kay Madam, salamat."
Kit: "Opo, makakarating po."
Emily: "Ate! Gusto ko pong tikman! Mukhang masarap!"
Lucile: "Ako din, Bunso. Gusto ko din tikman. Sandali lang ha. Kukuha lang ako ng platito."
Tsaka tumayo at pumunta sa kusina si Lucile para kumuha ng platito.
Kit: "Emily....."
Emily: "Bakit?"
Gusto sanang imbitahan ni Kit si Emily na lumabas at ipakilala ito sa kanilang mga kapit-bahay.
Ngunit nagbago ang isip nito at naisip na bigyan ng panahon na magkasama ang mga magkakapatid sa bago nilang bahay.
Kaya ipinagpaliban na lang ni Kit gusto niyang sabihin.
Kit: "Wala. Uuwi na ako."
Emily: "Sige! Salamat sa ibinigay mong Brownies."
Kit: "Walang anuman."
Tsaka naglakad si Kit palabas ng bahay nila Emily.
Sakto namang bumalik si Lucile, dala ang tatlong platito at kutsara para sana sa kanilang tatlo.
Lucile: "Emily, umuwi na ba si Kit?"
Emily: "Opo, Ate. Kakaalis lang niya."
Lucile: "Sayang naman, gusto ko pa naman siyang makakuwentuhan habang nagmemeriyenda."
Emily: "Ate, hindi po siya mahilig makinig ng kuwento."
Lucile: "Pero sa nakikita ko, hindi siya yung klase ng tao na naboboring kapag nakikinig ng mga kuwento. Di bale na nga! Itong Brownies na lang ang atupagin natin."
Emily: "Opo."
Matapos matanggap ang meryendang ibinigay ni Kit, nasarapan sina Lucile at Emily sa nilutong Brownies nang Lola nito.
Tsaka nila inilagay sa Refrigerator ang natira pang Brownies.
Pagkatapos magmeryenda, lumabas muna ang magkapatid at pumunta sa palengke para doon mananghalian.
Bumili na rin sila ng mga sangkap para sa lulutuin nilang hapunan at para na rin sa agahan sa susunod na araw.
Pagkagaling ng palengke, naisip ni Lucile na manood muna sila ng TV ni Emily sa hapon dahil wala namang pasok si Lucile sa trabaho.
Pagkatapos ng dalawang oras na panonood ng drama sa TV, nagtulungan sa pagluluto ng hapunan ang dalawa at tsaka din nila pinagsaluhan ang kanilang nilutong hapunan.
Sa buong buhay nila, ngayon lang ulit naranasan nina Emily at Lucile ang maging masaya na kasama ang isa't isa sa sarili nilang bahay.
At habang naghuhugas ng plato, sandaling nag-usap ang dalawa sa kusina.
Emily: "Ate, ang saya ng araw na ito."
Lucile: "Oo, Bunso."
Emily: "Ate, seryoso po ako. Ang saya po talaga ng araw na ito. Kasi may sarili na tayong bahay. Tapos wala nang nagrereklamo sa mga luto mo. Tsaka payapa din ang bahay at wala nang sumisigaw sa inyo."
Lucile: "Oo. Tama ka, Bunso. Napakapayapa ng buhay natin mula noong nalipat tayo sa bahay na ito. Tsaka ngayon ko lang napansin, payapa din pala sa lugar na it-!"
Hanggang sa may mga nagsigawan sa labas ng kanilang bahay.
Mang Saroy (annoyed): "Hoy!! Kayong tatlo! Paano kayo nakalabas sa kulungan ha?!"
Mang Temyong: "Siyempre! Inabsuwelto nung asawa ni Jaime ang kaso namin, pagkatapos niya malibing!"
Mang Eliasar: "Tsaka binayaran niya din yung mga utang ng asawa niya! Umamin din lang pala siya na may mga utang ang asawa niyang si Jaime!"
Mang Impong: "Kaya pinalaya kami nung mga pulis. Dahil nahihiya din si Hepe na ilagay sa kanyang Police report na: "Pumatay kami ng patay!" Kaya inilagay na lang niya na "Vandalism and Damage to Property" ang aming Violation!"
Mang Temyong: "Kaya andito na naman kami para mag-happy-happy! Kaya bigyan mo kami ng ala-!"
Mang Saroy (anger): "Jusko! UMUWI NA NGA KAYO! SAPAT NA ANG NAGAWA NIYONG KATARANTADUHAN SA ARAW NA ITO! MAGSILAYAS NA KAYO!"
Tsaka nagsara ng tindahan ang galit na matanda.
Wala namang nagawa ang tatlong lasenggo sa sinabi ni Saroy, kaya napilitan ding umuwi sa kanilang mga bahay ang tatlo.
Napangiwe naman sina Lucile at Emily, matapos mapakinggan ang kumosyon sa labas ng kanilang bahay.
Lucile: "Uhm..parang nagkamali ata ako sa sinabi ko kanina tungkol sa lugar na ito."
Emily: "Oo nga po. Mukhang magulo ang mga kapit-bahay natin dito."
Lucile: "Nagtataka lang ako, paano kaya nakakapamuhay sila Madam sa ganitong lugar?"
Emily: "Ate, hindi ko po alam. Pero ang masasabi ko po, weird din ang pamilya ni Kit dahil nakatira sila sa lugar na magulo at maingay."
Lucile: "Oo nga eh. Hindi lang sila ang weird, pati din yung mga kapit-bahay natin. Lalo na yung nakita kong lalaki na naka-sun glasses na nakasabayan ko sa Store kanina. Hindi niya tinatanggal yung suot niyang sun glasses, kahit pa pinagpapawisan na ang buo niyang mukha."
Emily: "Mukhang ang "Weird" nga po nun."
Lucile: "Dahil sa sinabi mo, Bunso. Naisip ko lang, parang pinagsama-sama sa isang komunidad ang lahat ng mga taong "Weird" at payapang namumuhay nang tahimik."
Emily: "Opo, si-siguro nga po."
Lucile: "Pero kung ako ang tatanungin, mukhang mas okay tumira dito. Atleast mga kapit-bahay lang ang mga nag-iingay at hindi dito sa mismong loob ng bahay."
Emily: "Opo. Tama po kayo, Ate."
Lucile: "Tsaka napapatagal na tayo sa paghuhugas ng pinggan. Ang mabuti pa, bilisan na natin ang paghuhugas sa mga ito."
Emily: "Opo."
Binilisan ng magkapatid ang paghuhugas sa kanilang ginamit na pinggan, kutsara't tinidor, at isinaayos ito sa mga lalagyan.
Pagkatapos maghugas ng pinggan, sandaling umupo sa Sala ang dalawa at kasalukuyang nagpapahinga.
Nang may kumatok sa pinto ng kanilang bahay.
Agad itong pinuntahan ni Lucile at binuksan ang pinto.
Nakita ni Lucile sa labas ng pinto si Kit tsaka ito nagtanong.
Kit: "Good evening po."
Lucile: "Oh? Kit? Gabi na ah? Napabisita ka?"
Kit: "Itatanong ko lang po kung gusto niyo pong sumama sa akin na magsimbang gabi."
Lucile: "Ha? Simbang gabi? Di ba sa madaling araw pa yun?"
Kit: "Opo. Pero nagsagawa na rin ng Simbang gabi si Father ng alas otso para sa mga nahihirapang gumising ng madaling araw. Kaya naparito po ako para tanungin kung gusto niyo pong sumama ni Emily."
Lucile: "Hmm....Gusto ko sanang sumama sa alok mo pero di ko lang alam kay Emily kung gusto niyang sumama. Pumasok ka muna habang pinag-uusapan namin ni Bunso kung sasama siya sa Simbang gabi."
Pinapasok muna ni Lucile si Kit sa loob ng Sala, tsaka ito umupo sa Sofa habang tahimik na pinapakinggan ang dalawa sa kung ano ang kanilang magiging desisyon.
Lucile: "Bunso, nakakatuwa to. Iniimbitahan tayo ni Kit na magsimbang gabi."
Emily (shocked): "Ha? Si Kit? Nagsisimbang gabi?"
Lucile: "Bunso, ba't ka ganyan kung makatanong kay Kit? May masama ba siyang ginagawa?"
Emily: "Wala naman po, Ate. Pero ba't niya po tayo iniimbitahan na magsimbang gabi?"
Lucile: "Malay mo kung gusto niya tayong ipasyal. Tsaka wala namang masama kung dadalo tayo para makimisa at magpasalamat sa mga biyayang natanggap natin. Ano sa tingin mo? Sasama ka ba?"
Sandaling pinag-isipan ni Emily ang tanong ng kanyang Ate.
Ngunit naisip niyang may punto rin ang sinabi ng kanyang kapatid na dapat silang magsimba para magpasalamat sa biyayang kanilang natanggap.
Emily: "Opo, Ate. Sasama na din po ako." (Pero wala sanang pinaplanong kakakiba si Kit.)
Lucile: "Kung ganon, magpalit na tayo ng damit. Kit, pwedeng pakihintay lang kami saglit ni Bunso, magpapalit lang kami."
Kit: "Opo."
Tsaka pumunta sa kanilang kuwarto ang magkapatid para magpalit ng isusuot na damit sa Simbang gabi.
Matapos ang tatlumpong minuto na paghihintay, lumabas na mula sa loob ng kaniyang kuwarto si Lucile at tanging si Emily na lang ang kanilang hinihintay.
Lucile: "Emily, tapos ka na bang magpalit ng damit? 30 mins. na lang at mag aalas otso na."
Nagmadaling bumaba si Emily suot ang isang pink Dress, purple headband na may paro-paro at pink na sandals.
Pero namomoreblema si Emily kung paano ilalagay ang purple na tela sa kanyang balakang para magmukhang belt at korteng Ribbon ang tali nito.
Emily: "Ate, pakilagay nga po sa balakang ko ito. Hindi ko po mailagay."
Lucile: "Bunso, ano ba kasing Style ng pananamit yan? Puwede ka namang magpantalon at T-shirt sa pagsisimba."
Emily: "Pero Ate, gusto ko pong magmukhang disente. Kaya po ito ang napili kong isuot."
Lucile: "Hay...Oo na nga. Minsan ka lang naman magsusuot ng maganda. So, paano ba ang gagawin ko diyan?"
Emily: "Ibalot niyo lang po sa balakang ko, tapos itali niyo po sa aking likod."
Lumapit at sinubukan ni Lucile na itali ang purple na tela sa balakang ni Emily.
Ngunit walang ideya si Lucile kung paano gagawing korteng ribbon ang tela sa likod ni Emily.
Lucile: "Bunso, mabuti pa siguro kung hayaan mo na lang yung tela. Wala talaga akong ideya kung paano itatali ito sa likod mo."
Emily: "Sige po, Ate. Tanggalin ko na lang po yung tela."
Malungkot na sanang aalisin ni Emily ang purple na tela sa kanyang baywang, nang biglang tumayo si Kit at lumapit para itali ang tela.
Kit: "Emily, tumayo ka ng diretso at itaas mo ang pareho mong braso."
Lucile: "Ha? Marunong kang magtali niyan, Kit?"
Kit: "Opo."
Emily: (Marunong siyang magtali ng ribbon sa damit ng babae?! Huwag mong sabihin na tinuruan siya ng kanyang Lola o kaya ang Nanay niya?)
Kit: "Emily, ipwepwesto ko yung tela sa balakang mo. Kung maari...Huwag kang gagalaw."
Emily: "O-Okay."
Tinanggal ni Kit ang tela at muling ipinosisyon ang tela sa balakang ni Emily.
Tapos maingat na ipinulupot ni Kit ang tela sa baywang ni Emily at habang ito'y kanyang ginagawa, namumula ang mukha ni Emily kapag nakikita niyang hinahawakan nito ang kanyang baywang para mapanatili sa pagkakaayos ang tela.
Tsaka itinali ang tela na korteng ribbon sa likod ni Emily.
Kit: "Yan. Okay na."
Iginalaw at inikot ni Emily ang kanyang balakang para matiyak na nasa tamang ayos ang telang ipinulupot sa kanyang baywang.
Emily: "Okay na. Pwede na tayong umalis."
Lucile: "Oo. Tsaka may 20 mins. pa bago magsimula ang simbang gabi. Mabuti pa, sumakay na tayo sa Tricycle."
Lumabas at ikinandado ni Lucile ang kanilang bahay, tsaka sila sumakay ng Tricycle papunta sa simbahan.
Pagdating sa simbahan, agad pumasok ang tatlo at naghanap ng mauupuan.
Habang nakaupo, sandali munang kinausap ni Lucile si Kit dahil sa napansin nitong hindi kasama sa pagsisimba ang kanyang mga magulang.
Lucile: "Kit, napansin ko lang, ba't hindi mo kasama ang Lola mo o kaya ang Nanay mo sa pagsisimbang gabi?"
Kit: "Si Lola, member siya ng mga Senior Citizen sa Simbahan. Kasalukuyan na po siyang nasa Altar. Pero si Nanay, Over-time siya ngayon. Uuwi daw siya nang 9 ng gabi."
Lucile: "Wow! Napaka-busy naman ng Nanay mo sa trabaho. Siguro, marami siyang inaasikasong mga reports mula sa iba't ibang branch ng kanyang kumpanya."
Kit: "Hindi naman po sobrang busy ni Nanay. Kung minsan, umuuwi po siya sa tamang oras."
Lucile: "Ah..okay. So, ano naman ang pinagkaka-abalahan mo kapag wala ang Lola at Nanay mo sa inyong bahay?"
Kit: "Madalas po akong lumalabas. Pero si Lola ang tao lagi sa bahay."
Lucile: "Saan ka naman, pumupunta kapag lumalabas ka ng bahay?"
Kit: "Kahit saan po."
Lucile: "Wala ka bang mga kaibigan sa inyo? Kaya ka lumalabas ng bahay?"
Kit: "Mayroon din naman po. Pero madalas napapasubo sila sa gulo."
Emily: (So ibig sabihin, kaibigan mo talaga yung dalawang Kambal. Ayaw mo lang aminin kasi lagi silang napapasali sa mga gulo at ayaw mo din aminin na Protektor ka nang paninilip nung dalawa sa School.)
Maya't maya, lumabas mula sa likod ng Altar ang Pari, tsaka nito isinagawa ang Misa.
Sa kasagsagan komunyon ng Misa, pumila sina Emily at Lucile, kasama ang ibang pang mga nakimisa, tsaka bumalik ang magkapatid sa kanilang upuan para magdasal at magpasalamat sa kanilang mga natanggap na biyaya.
Ngunit hindi pumila si Kit sa hindi malamang dahilan at patuloy lang itong nanatili sa kanyang upuan.
Sa kasagsagan naman ng pagkanta ng Pari sa "Our Father", hindi natuwa si Emily sa ginagawang pagbulsa ni Kit ng kanyang kamay sa pantalon.
Kaya pinilit niyang inilabas ang kamay ni Kit at hinawakan ito ng mahigpit ng kanyang kamay na bahagyang naka-angat sa ere.
Nang matapos ang Misa at nagsilabasan ang mga tao mula sa loob ng simbahan, agad pinagalitan ni Emily si Kit.
Emily (irrirated): "Kit! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo kanina?!"
Kit: "Yung alin?"
Emily: "Yung pagbulsa mo ng iyong kamay habang kumakanta ng "Our Father."!"
Lucile: "Oo nga, Kit. Hindi maganda sa paningin ng iba ang ginawa mo."
Sandaling hindi umimik si Kit at tila aminado naman siya sa maling nagawa.
Hanggang sa sinabi niya ang kanyang dahilan.
Kit: "Pasensya na. Nasanay na kasi ako."
Emily: "Nasanay? Nasanay kang magbulsa ng kamay sa iyong pantalon, tuwing Misa?!"
Kit: "Hindi! Nasanay akong magsimba ng mag-isa! Kaya pasensya na kanina."
Tumigil sa pagtatanong si Emily matapos marinig na nasanay pa lang magsimba ni Kit sa sarili nito at naunawaan ng magkapatid kung bakit ganun na lang ang asal nito sa harap ng Misa.
Emily: "Pasensya na, Kit. Hindi ko alam."
Kit: "Ako dapat ang humingi ng tawad sayo. Ako din naman ang may mali kanina."
Lucile: "Nauunawaan namin, Kit. Kung bakit ganon ang asal mo kanina. Pero kung gusto mo, puwede ka naman namin samahan ni Bunso na magsimba. Basta't hindi mo na uultin yung ginawa mo kanina sa susunod."
Kit: "Opo. Hindi ko na po uulitin sa susunod."
Pagkatapos mag-usap, sandali munang namasyal sa Plaza sila Emily, Lucile at Kit, para mamili ng makakain.
Tsaka sila naglakad pauwi habang kinakain ang kanilang biniling meryenda.
Habang naglalakad, hindi inakala ng magkapatid na napakalayo pala ng lokasyon ng kanilang bahay mula sa Simbahan.
Wala pa sa kalahati ng daan ang kanilang nalalakad ay pagod na ang dalawa mula sa paglalakad.
Emily: "Grabe... Ang layo pala ng bahay mula sa Simbahan."
Lucile: "Oo nga, Bunso. Sana pala, nakisabay na din pala tayo sa huling pumapasadang Tricycle kanina sa Plaza."
Kit: "Huwag kayong mag-alala. Masasanay din kayo."
Emily: "Madali mong nasasabi yan, Kit. Kasi sanay ka nang maglakad sa malayo. Pero kami ni Ate, nasanay kaming maglakad sa malapit."
Dahil sa pagod ng maglakad ang magkakapatid, sandali muna silang nagpahinga sa gilid ng daan at nagbakasakali silang may matatawag na Tricycle na mapapadaan sa kanilang lokasyon.
Ngunit ni isang sasakyan ay wala man lang dumadaan para kanilang parahin at nagsisimula na ding antukin si Emily.
Emily: "Ate, pagod na ako. At inaantok na rin ako."
Lucile: "Huwag ka naman antukin ngayon, Bunso. Malayo pa ang lalakarin natin."
Kit: "Malapit na tayo. Nakalahati na natin yung daan."
Emily (annoyed): "Anong malapit?! Pakiramdam ko naglakad tayo ng isa't kalahating kilometro magmula sa Simbahan hanggang dito sa kinatatayuan natin! Tapos sasabihin mong malapit na tayo?!"
Kit: "Gaya ng sinabi ko kanina, masasanay ka din."
Emily: "Hay! Ayoko nang maglakad! Ate, pahinga na muna tayo."
Lucile: "Sige, Bunso. Pagod na din ako. Maghanap na muna tayo ng mauupuan."
Maghahanap na sana ng mauupuan ang magkakapatid nang mapansin nilang puro damo at walang kahit na anong bagay na mauupuan sa paligid.
Kaya napilitan na lang silang tumayo at sumandal sa poste ng ilaw.
Kit: "Alam niyo, lalo lang kayong mapapagod kung tatayo lang kayo dyan."
Emily (unamused): "Kit! Pagod na ako! Okay?! Ayoko nang maglakad!"
Lucile: "Kit, pasensya ka na kay Bunso. Pagod na talaga kami sa paglalakad. Pero hayaan mo, maglalakad na ulit tayo kapag nakapagpahinga na kami. Saglit lang naman."
Kaya binigyan pa muli ni Kit ng ilang minuto ang magkapatid para makapagpahinga. Makalipas ang limang minuto, handa na muli sa paglalakad si Lucile. Ngunit tinatamad nang maglakad si Emily dahil sa antok.
Emily: " Ate, <aahh-haaah > ayoko na pong maglakad."
Lucile: "Bunso, malayo pa ang lalakarin natin. Please naman, huwag ka munang antukin."
Nairita na ng tuluyan si Kit matapos nitong marinig na tinatamad nang maglakad si Emily.
Kaya nilapitan niya ito, tsaka biglang binuhat at kinarga si Emily sa kanyang mga braso. Nagulat ang magkakapatid sa ginawa ni Kit.
Kit: "HIIIIYAAAH!"
Emily: "Sandali, Kit! Ibaba mo akoooooo!"
Sabay takbo ni Kit palayo sa poste ng ilaw kung saan sila saglit na namahinga.
Napakamot naman ng ulo si Lucile matapos makita ang ginawang pagbuhat ni Kit sa kanyang kapatid.
Lucile: (Pakiramdam ko, talagang may pagtingin itong si Kit kay Emily. Hindi naman niyang bubuhatin nang ganun si Bunso kung wala siyang dahilan.) "Kit, Sandali! Huwag niyo akong iwan!"
Tsaka sumunod at mabilis na hinabol ni Lucile ang dalawa.
Habang tumatakbo at karga ni Kit si Emily, panay naman ang reklamo nito.
Emily: "Kit, ibaba mo nga ako! Hindi mo naman ako kailangang kargahin!"
Kit (irrirated): "Manahimik ka nga! At matulog ka na lang dyan!"
Emily: "Kit! Paano ako makakatulog kung nayuyugyog ako sa pagkarga mo?!"
Biglang huminto si Kit at maingat na ibinaba si Emily sa lupa.
Pagbaba naman ni Emily, yumuko naman ng nakatalikod si Kit.
Kit: "Sakay!"
Emily (confused): "Anong ibig mong sabihin?!"
Kit: "Eh di papasanin kita sa likod ko!"
Nailang si Emily sa sinabi ni Kit na papasanin siya nito sa kanyang likod at nagdadalawang isip kung tatanggapin ba niya ang alok nito.
Emily: "Pe-Pero Kit, baka sabihin mo na mabigat ako!"
Kit (annoyed): "Tama na ang reklamo! Sumakay ka na nga!"
Emily: "Si-Sigurado ka?! Baka tsinatsansingan mo lang ako!"
Napasimangot at tinitigan ni Kit si Emily sa mata at naiinis niya itong sinabihan.
Kit: "Mukha ba akong nagbibibro?!"
Emily: "Hi-Hindi! Pero...."
Kit: "Sumakay ka na!"
Wala nang nagawa si Emily sa alok ni Kit. Kaya sumakay siya sa likod nito, tsaka siya binuhat ni Kit.
Ngunit, muli na namang nailang si Emily matapos hawakan ni Kit ang kanyang mga hita para siya ay buhatin.
Emily: "Uhm...Kit, mabuti pa siguro kung.."
Kit: "Pinapasan na kita. Kaya huwag ka nang magreklamo."
Matapos pasanin ni Kit si Emily sa kanyang likod, nagpatuloy siya sa paglalakad.
Naiilang at namumula ang mga pisngi ni Emily dahil sa ito ang unang pagkakataon na pinasan siya ng isang lalaki.
Emily: "Kit, nakakahiya naman ito sayo. Siguro ibaba mo na lang ako para maglakad."
Kit: "Emily, matulog ka na lang diyan. Para mamaya paggising mo, nasa loob ka na inyong bahay."
Nahihiya nang husto si Emily dahil sa ipinilit pa rin ni Kit na siya'y kanyang pasanin. Kaya nagpasalamat na lang siya rito.
Emily: "Kit, tha-thank you."
Kit: "Oo na. Matulog ka na lang diyan sa likod ko."
Tsaka kumapit si Emily sa mga balikat ni Kit at kalauna'y inantok at nakatulog si Emily sa kanyang likod.
Mga 750 meters na lang mula sa kalayunan kung saan nakatira si Kit, naabutan naman sila ni Lucile pagkadaan sa isang Waiting shed.
Lucile: "Kit! Sandali! Hintay lang!"
Huminto naman si Kit matapos niyang marinig si Lucile.
Pagdating ni Lucile, napansin niyang nakatulog si Emily habang pinapasan siya ni Kit at muli na naman silang naglakad pauwi sa kanilang mga bahay.
Lucile: "Hay...Ang bilis mo namang tumakbo. Anong naisip mo at bakit mo biglang binuhat si Bunso?"
Kit: "Panay po ang reklamo niya, kaya naisip ko pong buhatin na lang siya."
Lucile: "Oo nga pala. Nagrereklamo pala siya kanina dahil sa pagod. Pagpasensyahan mo na si Bunso."
Kit: "Okay lang po. Nauunawaan ko po si Emily."
Lucile: "Pero salamat talaga, Kit. Sa pagiging concern mo sa kapatid ko."
Kit: "Wala po yun. Ayoko lang pong nagrereklamo siya sa paglalakad.."
Sandaling nanahimik sina Lucile at Kit habang naglalakad.
Hanggang sa maisip muli na magtanong ni Lucile.
Lucile: "Kit, wala naman sigurong problema kung itatanong ko ito sayo. At tulog din naman si Bunso."
Kit: "Ano pong itatanong niyo po?"
Lucile: "Sabihin mo, may gusto ka ba kay Emily?"
Hindi kumibo si Kit, matapos itanong ni Lucile kung may gusto ba ito sa kanyang Bunsong kapatid. Hanggang sa nagulat siya sa pagtango nito.
Lucile (shocked): "Sus! Ginoo! T-Talaga?! Hindi ka ba nagbibiro?!"
Muling tumango at tahimik lang na sinagot ni Kit ang tanong ni Lucile.
Dahil sa kanyang nalaman, naiintriga si Lucile sa kung kailan at sa paanong paraan nagustuhan ni Kit si Emily.
Lucile: "Ku-Kung ganon, kailan at paano mo nagustuhan si Bunso?"
Muli na namang hindi kumibo si Kit sa itinanong ni Lucile.
Pero dahil sa sobrang pagka-intriga at gustong malaman ni Lucile kung kailan at paano nagustuhan ni Kit si Emily, kukulitin niya sana ito sa pagtatanong.
Nang biglang may nagsalita at nabaling ang kanilang atensyon sa kanilang likuran.
Lola Delia: "Pambihira! Ang bagal niyo namang maglakad! Naabutan ko pa kayo!"
Lucile (shocked): "Ma-Madam?!"
Kit: "Good Evening po, Lola."
Lola Delia: "Hay! Jusko! Mga kabataan ngayon, ang hihina ng mga binti! Alam niyo ba noong kabataan ko? Isang dosenang Balut ang pinapakain sa akin ng Tatay ko! Para lumakas ang aking binti! Kaya tignan niyo, hindi pa ako napapagod sa paglakad ng diretso at walang tigil!"
Lucile: "I-Ibig niyo pong sabihin, nilakad niyo po mula sa simbahan hanggang dito sa kinatatayuan po namin nang hindi humihinto?!"
Lola Delia: "Ay..Oo, Iha. Sa katunayan nga, malapit pa nga itong tatlong kilometrong daan para lalakarin. Kaya dalian niyo diyan sa paglalakad at baka alas dose ng gabi na kayo makaka-uwi."
Tsaka mabilis na naglakad ang matanda at iniwan sila Kit.
Maya't maya, biglang dumaan na naglalakad ang mga matatandang miyembro ng simbahan at pinagtitinginan sina Lucile at Kit dahil sa bagal nilang maglakad.
Tsaka mabilis na nakalayo mula kila Kit ang mga ito.
Lucile: (Okay, nakakahalata na ako. Napaka-weird talaga ng mga tao sa nilipatan namin bagong tirahan. Akalain mo, malapit lang para sa kanila ang tatlong kilometro!)
Kit: "Ate Lucile, bilisan na po nating maglakad. Nakakahiya na po sa mga matatanda."
Lucile: "Oo, Sige." (Oo nga. Nakakahiya ito. Talo pa kami nung mga matatanda!)
Tsaka binilisan nina Lucile at Kit ang paglalakad at sinabayan ang mga matatanda na galing sa simbahan.
Ilang sandali pa, narating na rin nila Kit at Lucile ang harap ng kanilang bahay. Hapong-hapo at pinapawisan ang mukha ni Lucile pagkatapos nilang maglakad.
Lucile (exhausted): "<Haah! > Jusko! Nakakapagod..."
Kit: "Ate, masasanay din po kayo."
Lucile: "Oo... Pagdating din ng araw...."
Kit: "Mabuti pa, ipasok na po natin si Emily sa loob ng bahay niyo po."
Lucile (tired): "....<Haah! >.. Mabuti pa nga..... At nang makainom na rin ako ng tubig..."
Agad binuksan ni Lucile ang kanilang bahay at pumasok sa loob.
Pagpasok sa loob, pinakiusapan ni Lucile si Kit na ihiga si Emily sa kanilang sofa, habang siya ay umiinom ng maraming tubig sa kusina.
Nang maihiga ni Kit si Emily, nagpaalam siya kay Lucile na uuwi na siya sa kanilang bahay.
Kit: "Ate Lucile, uuwi na po ako."
Lucile: "Oo, Kit. Salamat din sa pagbubuhat kay Emily."
Kit: "Wala pong anuman. Tsaka isang bagay po."
Lucile: "Ano iyon, Kit?"
Kit: "Kung maari po, huwag niyo pong ipapaalam kay Emily ang nalalaman po ninyo."
Lucile: "Yung alin? Tungkol ba sa tinanong ko kanina?"
Kit: "Opo."
Lucile: "Sige, hindi ko ipagsasabi kay Bunso. Peeerooo, gusto kong malaman kung paano ka nagkagusto kay Bunsooo."
Tumitig ng nakasimangot si Kit sa sinabi ni Lucile at mukhang naisip niyang hindi siya nito titigilan sa pagtatanong hangga't hindi nalalaman ang sagot sa kanyang pangatlong tanong.
Kaya naisip na lang ni Kit na kunin ang Cellphone Number ni Lucile.
Kit: "Ate Lucile, kunin ko na lang po ang inyong Cellphone Number."
Lucile: "Oh? Si-Sige." (Nakapagtataka? Bakit ayaw sabihin ni Kit kung ano ang nagustuhan niya kay Bunso?)
Kaya ibinigay ni Lucile ang kanyang cellphone number kay Kit at nirehistro sa kanyang Android phone.
Kit: "Ate Lucile, sa text ko na lang po sasabihin. Pero sa oras na mabasa niyo po ang aking text, paki-delete po agad."
Lucile (nodded): "O-Okay."
Kit: "Aalis na po ako. Good night po."
Lucile: "Good night din, Kit. At salamat kanina ha."
Tsaka umalis sa bahay nila Lucile si Kit. Nagtataka naman si Lucile kung bakit kailangan pang sabihin ni Kit sa text ang sagot sa kanyang tanong na, "kung kailan at paano nito nagustuhan si Emily".
Gayun pa man, nagpalit ng damit pambahay si Lucile sa loob ng kanyang kuwarto, tsaka niya binuhat si Emily at inakyat sa kuwarto nito.
Pagkahiga niya kay Emily sa kanyang kama, bumalik si Lucile sa kanyang kuwarto para matulog.
Nang makita niya ang isang message mula kay Kit at laman nito ang isang mahabang paliwanag.
Ikinatuwa naman ni Lucile ang sagot ni Kit sa kanyang tanong at nangakong isisikreto ang kanyang mga nalalaman.