webnovel

Chapter 32

Izumi P.O.V

---UMAGA---

"Magandang umaga Lady izumi..." pag bati ng kung sino. Napalingon ako sa may pintuan ng may nag salita kaya naman itinigil ko muna ang ginagawa ko at humakbang patungo sa pintuan. At saka ito binuksan.

"Magandang umaga din, anong kailangan mo?"tanong ko.

"Pinapasabi ni Heneral na mag tungo kayo sa kanyang silid. Nais ka daw nyang makasalo ngayong umaga"sagot nya. Hindi ako sumagot sa halip ay napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Pag katapos ay pilit na ngiti akong tumango at saka sumagot.

"Pupunta na lang ako doon, mag aayos lang ako"

"Hintayin ko na lang po kayo dito"saad nya. Napataas bigla ang aking kilay dahil sa sinabi nya

"Hindi na kailangan. Bumalik ka na doon"

"Ngunit iyun po ang uto---"

"Hindi ako tatakas kung iyun ang inaalala nya"pag putol ko sa sinabi nya. Napasingkit bigla ang aking mga mata ng makita kong pasimple syang umirap.

"Ang utos ay utos po, hindi ko yun pwedeng sawayin dahil baka maparusahan po ako. Patawad po, ngunit gaya ng sinabi ko mag hihintay po ako dito" sabi nya. Napatingin na lang ako ng masama sa kanya at saka ngumisi.

"Ganun ba. Kung ganun, MAG ANTAY KA!"sigaw ko. Malakas ko syang pinag sarhan ng pinto sa mismong mukha at saka nag punta sa mesa kung saan ako nag aayos at saka humarap sa salamin.

Kinuha ko mula sa lalagyanan ang suklay at saka ko sinuklayan ng maayos ang aking buhok . Matapos nun ay tumayo na ako at saka inayos ang aking suot. Pag katapos nun ay lumabas na ako sa aking silid.

Nauna akong nag lakad habang ang isa sa mga damma ay nasa likuran ko at nakasunod lang sa akin. Habang nag lalakad ay tinanong ko sya.

"Nasaan si Shin? Sya dapat ang kasama ko dahil sya ang aking damma"tanong ko.

"Nakalimutan ko po palang sabihin sa inyo na mag mula sa araw na ito ay hindi na si Shin ang magiging damma nyo. Ako na po ang papalit sa kanya bilang inyong tagapag silbi. Iyun po ang iniutos ni Heneral"mahabang sagot nya. Napatigil ako sa aking pag lalakad at natigilan dahil sa kanyang sinabi kaya naman agad akong bumaling sa kanya.

"A-ano? Kailan pa?"

"Ngayong umaga lang po"sagot nya. Napapikit na lang ako.

"Ngunit, bakit?"hindi makapaniwalang tanong ko. Nag kibit balikat sya.

"Hindi ko po alam, mas magandamg si Heneral na lang po mismo ang tanungin nyo"saad nya. Muli akong napapikit dahil naiirita na ako sa kanya at sa kadahilanang hindi ko na makakasama ang aking damma.

"Nakakairita ka na alam mo ba yun? umalis ka na at wag mo ng akong sundan pa. Hindi ako tatakas"iritadong sambit ko sa kanya. Ngunit hindi sya sumagot at hindi talaga umalis.

Lalo lang nag init ang ulo ko dahil sa inaasta nya kaya naman tumalikod na lang ako at nag lakad na muli.

Tumigil lang ako sa pag lalakad ng nasa tapat na ako nang pinto ni Heneral at saka ako marahan na kumatok.

"Pasok!" sigaw mula sa loob. Buntong hininga kong binuksan ang pinto. Ngunit pag bukas ko ay napatigil ako sa akmang pag pasok ng bumungad sa akin si Heneral na nasa mismong tapat ng mukha ko na may seryosong mukha.

At kaagad bumaba ang aking tingin sa kanyang katawan nya dahil wala pala syang suot na pantaas na damit. Tanging pambaba ng mahaba lang ang suot nya. Napalunok ako bigla

"M-magandang u-umaga, H-heneral..."utal utal kong pag bati. Ngumisi sya bigla at saka umalis sa mismong harap ko at saka tumalikod.

"Pumasok ka, saluhan mo akong kumain"sambit nya. Tumango ako sa kanya at saka pumasok sa loob.

"Maupo ka..."utos nya. Hinila ko mula sa ilalim ang silya at saka umupo.

Ngunit nabigla ako ng biglang bumaba ang mukha nya sa akin at saka tumingin. Nang mag tama ang mga mata namin ay nakita ko mula sa kanyang mata ang matinding pag hanga at pag nanasa sa akin.

Bigla ako nakaramdam ng kaba at parang pinag papawisan ako ng malamig. Napalunok pa ako dahil doon.

"H-heneral..."

"Alam mo bang matagal ko na itong gustong gawin? At sa tingin ko ito na ang tamang pagkakataon para gawin ko ito"

"Anong ibig mong sabihi--- ahhh!"napa sigaw ako ng bigla nyang hilain ang aking braso patayo at tumama ang aking katawan sa mismong katawan nya.

Ngunit mas nabigla ako ng mabilisan nyang hinalikan ang mga labi ko na ikinalaki ng mata ko. Agad ko syang tinutulak sa balikat ngunit mahigpit ang pag hawak nya sa bewang ko kaya naman hindi ko magawang umatras man lang sa kanya.

Naramdaman ko ang kagustuhan at pananabik nya sa pag halik sa akin. Mainit at malambot ang kanyang labi, hindi ko maitatangi yun. Ngunit ang ginagawa nya sa akin ay malaking pag tutol para sa akin.

Ngunit mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa, sa gitna ng pag halik sa akin ay bumaba ang isa nyang kamay at hinanap ang tali ng aking kasuotan. At ng matagumpay nya itong nahanap ay kaagad nya sana kakalasin ngunit kaagad ko din itong hinawakan ng mahigpit.

Tumigil sya sa pag halik sa akin at tumingin ng may masamang tingin. Napalunok na lang ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa tali ng aking kasuotan.

"Alisin mo ang kamay mo..."mahina nyang utos.

"Ayoko..."pagtanggi ko.

"SINABI NG ALISIN MO!!!"malakas na sigaw nya. Napatalon ako sa gulat dahil sa bigla nyang pag sigaw kaya naman napabitiw ang hawak ko sa tali ang aking kasuotan.

"B-bakit mo ba ito ginagawa, H-heneral?" kinakabahang tanong ko. Ngumisi sya bigla.

"Nakalimutan mo na bang pag mamay ari kita? Kaya lahat ng gusto ko ay gagawin ko at wala kang magagawa pa doon" sambit nya. Hahawakan ko na sana muli ang tali ngunit naunahan nya ako, sa isang iglap lang nakalas niya ang tali ng aking kasuotan at mabilis nyang itong tinanggal.

Kaagad na tumambad sa kanya ang aking katawan, na tanging tela lang ang tumatakip sa aking dibdib at sa aking sensitibong parte ng katawan. At tinitigan pa nya mula itaas at pababa.

Akmang itatakip ko na muli ang aking katawan ng kasuotan ng hawakan nya ang dalawang braso ko at saka hinila papunta sa kanya.

"Masyado akong nahumaling sayo, at sa mga oras na ito gusto na kita maangkin ng tuluyan"mahinang sambit nya.  Napapikit na lang ako dahil nahihirapan na ako, parang anumang sandali ay bibigay na ako.

Ngunit kailangan kong pag tibayin ang loob ko para hindi nya ako makuha ng tuluyan. Hindi pwedeng ang isang tulad nya ang makakuha sa akin. Hindi pwede!

Kaya naman kahit masyado syang malakas, buong pwersa kong inalis ang aking sarili sa kanya, saka ko mabilis na tinali ang aking kasuotan. Matapos nun tinakbo kong tinungo ang pintuan at saka ito binuksan.

Hindi ko na isinara pa at lumabas na ng tuluyan sa silid na iyun at dumiretso na sa aking silid. Pag karating ko ay kaagad ko isinara ang pinto, patakbo akong humiga sa aking higaan at isinubsob ang aking mukha sa unan.

Hindi na bago sa akin yun dahil ilang beses na nyang ginawa ngunit kahit kailan hindi ako nasisiyahan o naliligayahan. Ibibigay ko lang ang sarili sa taong pinaka mamahal ko, hindi sa isang tulad nya lang.

Naiiyak na lang ako sa sitwasyon ko, wala man lang ako magawa. Ang tagal ko na dito ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawa. Hindi ko magawa ng maayos yung binuo kong plano.

Mula sa pag kasubsob ko sa unan ay muli akong tumayo at nag tungo sa bintana. Binuksan ko iyun at kaagad akong napayakap sa sarili ng bumungad ang malamig na hangin. Tumingala ako sa kalangitan at tiningnan ang napaka gandang buwan.

Kasabay ang nag niningning ng mga bituin, darating na ang taglamig kaya siguro ang lamig lamig na. Napabuntong hininga na lang ako at saka nag tungo sa mga lalagyanan ng aking mga kasuotan.

Kinuha ko doon ang kulay puti at may disenyong bulaklak na balabal, agad ko iyon ipinatong sa aking katawan. Matapos nun ay bumalik ako sa bintana at isinara na ang bintana dahil masyadong malamig.

Muli akong bumalik sa aking higaan at humiga. Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga ulit. Tumagilid ako ng higa at saka hinila ang malaking tela at ibinalot sa aking buong katawan. At saka ako pumikit, matutulog na.

To be continued.