Izumi Pov
"Isa kang hangal na pumasok sa mismong teritoryo ng kalaban, nakakamangha ang pagiging matapang mo ngunit hindi pa rin yan sapat para mapabagsak ako at ng mahal na emperador"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi at agad na tumingin ngunit napasinghap ako ng malakas ng sumalubong mismo sa aking mukha ang talim ng kanyang espada. Hindi ko man lang namalayan na itinutok na pala nya ito sa akin.
"Ngayon, sabihin mo sa akin ang tunay mong pag katao at ang plano mo. Dahil kung hindi parurusahan kita ng kamatayan"pag babanta nya. Napalunok ako ng matinde dahil labis talaga akong natatakot. Kapag nag kamali pa ako ng galaw tatama sa mukha ko ang dulo ng espada nya.
Kamalasan!
"Sumagot ka!"sigaw nya. Napapikit ako dahil sa sigaw nya. Galit na galit talaga siya!
"A-ako si Izumi, n-nanggaling ako sa bayan ng shogasukan k-kung saan kayo sumalakay noo-"
"Anong plano mo? Bakit nandito ka sa emperyong hindi ka naman kabilang?"agap na tanong niya.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo!
"Wala akong plano, heneral. Nais ko lang pumasok bilang babae sa harem ng emperador. Yun lang po"pag sisinungaling ko. Hindi sya agad sumagot ngunit mataman ang tingin nya sa akin. Bahagya akong napalunok doon.
"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noon?"tanong nya. Hindi ako sumagot.
"Pinaka ayoko sa lahat ang nag sisinungaling sa akin. Kaya kung ipag papatuloy mo pa yan, baka hindi ka na abutan ng araw"babala nya. Tumingin sya sa akin ng masama. Lalo akong nakaramdam ng takot dahil sa paraan ng pag titig nya sa akin. Parang anumang oras ay papatayin nya ako.
Napaatras ako ng unting-unti syang lumalapit na may masamang tingin papunta sa akin. Kaya naman napapaatras na rin ako upang hindi malapitan ngunit sadyang mabilis sya kaya naman di na ako nakalayo pa ng nasa harapan ko na sya. At napasinghap ng hawakan nya ako sa balikat.
"H-heneral..."
"Kung mahal mo pa ang buhay mo, wag muna ulitin pa ang ginawa mo kanina. Dahil sa susunod na gawin mo pa ulit yan hinding hindi na kita pag bibigyan pa"mariing banta nya. Matapos nyang sabihin iyun ay saglit nya akong tiningnan ng masama at ako binitawan ngunit pabalya kaya bahagya akong ngumiwi.
"Lumabas ka ng aking kwarto, ayokong makita yang pag mumukha mo"saad nya. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at saka nag tungo sa aking kwarto.
Pag karating ng kwarto kaagad ko isinara ang pinto at saka patakbong pumunta sa aking kama, saka ako humiga. Nag talukbong ako ng kumot at tahimik na umiyak.
"K-kailan ba ako m-magiging malaya d-dito?"mahinang usal ko habang humihikbi pa.
Ngunit sarili ko itong desisyon, kaya ako nandito. Gumawa ako ng plano para maipag higanti ang aking magulang kaya ako ako nandito. Ngunit sa mga oras na ito parang gusto ko ng umatras, masyadong malalakas ang mga kalaban. Mahirap sila kalabanin.
Napatigil ang aking pag iyak ng may kumatok sa pintuan kaya naman inalis ang kumot na nakatalukbong sa akin at saka ko pinunasan ang mga luhang nasa aking pisngi. Matapos nun ay tumayo ako at nag lakad papunta sa pinto, saka ko ito binuksan.
"Anong kailangan mo?"tanong ko. Nag aalalang tumingin sa akin si shin na may bitbit na pag kain.
"Ipinag dala ko po kayo ng inyong makakain, kailangan nyo na pong kumain"
"Hindi ako nagugutom, wag ka na mag abala pa"
"Ngunit lady Izumi..."
"Sinabi ng ayoko nga! Umalis ka muna!"pikang sigaw ko. Binagsakan ko sya ng pinto.
"Lady Izumi, kung nagugutom po kayo tawagin nyo agad ako. Aalis na po ako"mahina nyang sabi. Narinig ko ang papalayong yabag nya kaya naman pumunta ako ng bintana at saka tumingin sa kalangitan.
"Patawarin mo ako, Shin..."mahinang usal ko habang lumuluha.
"Patawarin nyo ako,Ina, Ama..."
To be continued.