webnovel

Chapter 30

Izumi Pov

Kanina pa ako gising ngunit hindi pa rin ako bumabangon sa aking higaan, parang ayoko ng bumangon pa at lunurin na lang ang aking sarili sa pag iisip. Hindi ko alam kung may tama ba ang lahat ng ito, hindi ko alam kung kailan ito mawawala.

Sa sandaling ito para akong nawalan ng sigla, sigla upang mabuhay at makapag higanti. Para akong nawalan ng kumpyansa upang makuha ang aking ninanais. Hindi biro ang lahat, na kapag nag kamali ay mauuwi sa masamang dagok.

Malalim na buntong hininga ang aking ginawa upang maibsan naman kahit papaano ang aking nararamdaman. Tatayo na sana ako ng mapatigil ako dahil biglang bumukas ang pinto at bumungad ang aking damma na si Shin.

"Magandang umaga po sa inyo, Lady Izumi..."pag bati nya. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya.

"Narito na po ang inyo kakainin, ilalagay ko lang po ito sa lamesa"dagdag nya. Tumango na lang ako sa kanya at saka tuluyan ng bumangon. Nag tungo ako sa lamesa kung saan inilalagay ang mga pag kain na inihanda nya, mataman kong tinitingnan ang bawat galaw nya. Maayos nyang inilalapag ang mga pag kain sa lamesa.

Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay humarap naman sya sa akin at saka nag bigay galang sa akin.

"Maraming salamat, maaari ka ng lumabas"turan ko. Nakita kong nabigla sya ngunit tumango na lang siya at saka lumabas na ng aking silid.

Napabuntong hininga na lang ako at humakbang na lang patungo sa aking lalagyanan ng aking mga kasuotan. Kumuha ako ng simpleng damit na dati kong isinusuot noong mga panahon na buhay ang aking mga magulang.

Kailangan kong palihim na umalis upang tagpuin si Shimaru sa aking bayan, may kailangan akong sabihin sa kanya. Ngunit kinakabahan ako dahil baka malaman ni Heneral ang aking pag alis.

Humakbang akong patungo sa pintuan at saka binuksan, kaliwa't kanan akong luminga-linga upang tingnan kung may tao pa ba o wala. At ng masiguro akong walang tao ay kaagad kong kinuha ang mga damit ko sa lalagyanan at saka ito kinuha at sinilid sa malaking tela na kulay puti na may mga makukulay na disenyong bulaklak at saka ito itinali ng mahigpit.

Matapos nun ay nag madali akong lumabas ng aking silid at saka lumabas sa tahanan ng heneral. Pag kalabas ay nag hanap agad ako sa paligid ng kabayo na pwede kong masakyan at maya maya lang ay nakakita ako ng kabayo na nakatali sa puno.

Kaagad akong humakbang sa puno at saka tinanggal ang tali ng kabayo mula doon, pag katapos ay dahan-dahan akong umakyat at umupo ng maayos, inayos ko na din ang aking tindig bilang pag iingat.

Sinipa ko ng malakas ang kabayo kaya umalulong ito at gumalaw at saka tumakbo ng mabilis. Nang makalagpas na ako ay nanlaki ang mga mata ko ng may dalawang kawal akong nakasalubong at napatingin pa sila sa akin.

"Tumigil ka!"sigaw ng isang kawal. Hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang ako hanggang sa makalabas ng emperyo. Abot abot ang kabang nararamdaman habang sakay ng kabayo.

Alam kong sa mga oras na ito ay nag sumbong na ang dalawang kawal sa kanilang heneral at di rin mag tatagal ay hahanapin na ako ng mga ito. Hinila ko paitaas ang tali na nasa kabayo kaya naman mas bumilis pa ang takbo nya. Maya-maya lang ay nagulat at bigla akong napalingon na may malakas na tinig ang sumigaw sa pangalan ko.

"Lady izumi, tumigil ka!!!"sigaw ng isa sa mga kawal. Nanlaki ang mata ko ng mapansing kasama pala nila ang heneral at sobrang masamang masama ang tingin sa akin at may hawak na espada sa kabilang kamay nya.

Nakaramdam ako ng sobrang takot at bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa hawak nyang espada. At naramdaman ko din ang butil butil na pawis na na nanggaling sa aking noo.

Papatayin nya ako?  Katapusan ko na ba?

Inalis ko sa kanya ang aking paningin at itinuon sa harap at mas lalo ko pang pinabilisan upang makalayo sa kanila. Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang bumagsak ang kabayong sinasakyan ko at saka ako nalaglag.

"Ahhhhhhh!!!!"malakas na tili ko. Kaagad akong bumagsak ng malakas sa lupa at sa kamalas malasan ay tumama ang aking likod sa bato na nasa likuran ko. Kaagad na dumaloy ang sakit sa aking likuran kaya naman napasigaw pa ako sa sakit.

"Aray!"malakas na daing ko. Sinubukan kong tumayo ngunit bumagsak lang din ako dahil mas lalong sumakit ang aking likod. Kaagad kong tiningnan ang kabayo at nakita kong mayroong palaso na nakatarak sa kanyang binti.

Kaya naman pala biglang bumagsak ang kabayo dahil pinana nila!  Ang sasama!

"Hanggang diyan ka na lang..."

Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses sa mismong harapan ko kaya naman dahan dahan kong iniangat ang aking paningin at napagtantong si Heneral Hirushima pala ito habang masama ang tingin at nakangisi pa sa akin.

"Kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin,  nag kakamali ka. Wala ka ng kawala ngayon Izumi"madiin nyang sambit.

"H-heneral..."

Nagulat ako ng bigla nyang hablutin ang kamay ko kaya naman pwersahan akong napatayo at napangiwi dahil sa sakit na aking naramdaman mula sa aking likod. At saka nya ako kinaladkad.

"H-heneral, pakiusap nasasaktan po ako"naiiyak na turan ko. Ngunit hindi nya ako pinansin.

Ayoko ng ganito! Para akong kriminal sa ganitong sitwasyon...

Napasinghap ako ng pwersahan nya akong iniakyat pasakay sa kabayo, kasabay nun ay umakyat na din sya at saka bumaling sa mga kawal na kasama nya.

"Bumalik na tayo sa emperyo.."anunsyo nya. Nauna na kaming umalis sa kanila at bumalik sa emperyo.

Maya-maya lang ay nakabalik na kami sa emperyo, pag pasok pa lang ay agad niyang itinigil ang kabayo at naunang bumaba. Hinila nya palakad ang kabayo papunta sa puno kung saan ko ito kinuha ito at saka itinali ng mahigpit dito.

Ngunit hindi pa ako nakakababa ng bigla nya akong hablutin sa braso dahilan para pwersahan akong bumaba mula sa kabayo. Napangiwi na naman ako dahil lalo lang sumakit ang likuran ko kung saan ako napuruhan at napapaiyak na lang ako dahil sa nangyayari sa akin.

Ang akala ko makakatakas na ako sa demonyong ito ngunit hindi pala!

Marahas na nya akong hinila-hila habang nag lalakad at kamuntikan pa akong mapatid dahil sa kakahila nya sa akin. Ngunit parang walang sa kanya dahil hindi man lamang sya tumingin.

Maya-maya lang ay narating na namin ang kanyang tahanan at saka kami pumasok sa loob ng hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. At ng marating namin ang kanya silid ay kaagad nya akong ipinasok sa loob at pabatong binitawan dahilan para tumalsik ako sa lapag.

Napasinghap ako ng mas lalong sumidhi ang sakit sa aking likuran, naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata dahil sa sobrang sakit at hindi ko namalayan na tumulo na pala ito.

To be continued.