webnovel

21. Phlyxie

(Queen Sheraphine POV)

Matapos niya umalis upang maglakbay sa nasasakupan ng Holy Light Palace ay umupo ako sa aking trono.

Kinuha ko ang isang pulseras na nasa bulsa ko, ito na lang ang tanging alala ko sa anak ko.

"Anak, kung ito man iyong paraan para pagaanin ang pakiramdam ko ay nagpapasalamat ako sayo" sabi ko habang tinigtignan ang hawak kong pulseras.

Shantell, kamukha niya ang aking anak. Ngunit alam kong hindi siya ang aking anak dahil nakita ko mismo kung paano naglaho ang aking anak sa aking harapan.

Ngunit taliwas nito ang aking nararamdaman, siguro dahil sa sobrang pangungulila ko lang sa aking anak.

Napansin kong may nakatayo sa aking harap. Naningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit ako nagdurusa ng ganito.

"Anong ginagawa mo dito? Diba mahigpit kong ipinagbabawal ang iyong presensiya sa aking palasyo" malamig kung sabi sa kanya.

"Nauunawaan ko na kahit kailan ay hindi mo ako mapapatawad ngunit, ginagawa ko ang lahat lahat ng makakaya ko at ipinapangako kong malapit ko ng matupad iyon aking mahal na reyna"

"Umalis ka na, dahil alam kong nalalagay sa pagsubok ang iyong mahal na kaharian." Tama ang kanyang mahal na kaharian, higit pa sa kanyang anak.

(Shantell POV)

Kasalukuyan akong naglalakbay kasama si Phlyxie. Ang cute niyang pagmasdan habang lumilipad. Tinignan ko ang hawak hawak kong mapa.

Ayon sa mga sabi sabi ay sa isang nayon sa gitna ng kagubatan madalas magpakita ang mga demon. Kaya hinanap ko ito sa mapa. Kung tama ang hinala ko ay malapit na kami dito.

Ilang minuto pa ay nakita ko na ang nayon na tinutukoy, kaya pumasok ako at pagmasdan ang maliit na nayon.

Ngunit hindi pa ako nakakalakad ay isang matandang lalake ang sumalubong sa akin.

"Binibini, ikaw na ba ang ipinadala upang bantayan kami mula sa mga demon? " makikita ang labis na takot sa kanyang mukha.

"Maaari ko po bang malaman kung anong nangyayari sa inyong nayon?" Tumango tango ito at sinabing tumuloy ako sa kanyang opisina.

"Ako sa Arthro, ang pinuno ng nayon na ito. Nagsimulang magpakita ang demon noong isang araw. Nagawa naming mapatay ito pero hirap na hirap na kami dahil muli itong nabubuhay at ang sumunod na araw ay parami na sila ng parami. Natuklasan din namin ang mga kabataan nawawala tuwing nagpapakita sila" napakunot ang aking noo.

Mga kabataan nawawala?

"Ilang kabataan na ang nawawala dito? At sabihin mo ang kanilang mga edad"

"Labingisang kabataan na ang nawawala, at nasa edad labinlima pataas"

Ano naman ang pakay nila sa pagkuha ng mga kabataan? Masama ang kutob ko dito!

"Maaari po ba akong mag patrol dito ng isang buong gabi? At nais ko po sanang payuhan niyo ang lahat na walang lalabas sa kani-kanilang tahanan hangga't di ko sinasabi"

"Masusunod binibini" dali dali itong umalis at ipinagbigay alam ang aking kagustohan.

Lumipas ang gabi ay tahimik ang buong nayon, wala ni isa ang lumabas sa kanilang mga tahanan. Naka-upo ako sa sanga ng isang puno at nagmamasid sa paligid.

'Demons are appearing' bulong ni Phlyxie sa utak ko. Hindi siya nakakapagsalita, pero kaya niyang makipag-usap gamit ang utak.

Pinagmasdan ko ang sampung demon na nagsimulang libutin ang paligid. Hindi muna ako lumabas dahil may hinihintay pa akong gagawin nila upang malaman kong totoo nga.

Maya maya ay isang demon ang nagpakawala ng kulay lilang usok na bumalot sa buong paligid. Maya maya ay nawala ang usok at buhat buhat na ng mga demon ang mga kabataan. Kung ganon, pampatulog ang usok na yun?

Napansin ko na mababang nilalang lamang sila ng mga demon dahil sa hindi normal ang kanilang anyo. Para silang mga usok na naghugis tao, kaya mahihirapan kang patayin ito kung hindi mismo ang puso nila ang aatakehin mo.

"Tara na Phlyxie bago pa sila makalayo"

Buong lakas akong tumalon paitaas at pinorma ang aking sandata, pinuntirya ko ang isang demon na malapit na sa lagusan.

Walang pagdadalawang isip kong hiniwa ito at sinisigurado kong pati puso nito ay mahahati sa dalawa.

Biglang naglaho ang demon kasabay ng pagbagsak sa lupa ng isang batang dala dala niya kani-kanina lang.

"Phlyxie ikaw na ang bahala sa lagusan, siguraduhin mong walang makakapasok jan"

'Yes your Highness'

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at banalutan ang sarili ko ng awra. Tuluyang naglaho ang aking pigura at mabilis na lumitaw sa harap ng isang demon, mabilis kong winasiwas ang espada ko dahilan ng paglaho nito, naramdaman kong may gumapos sa paa ko.

Isang tali na gawa sa usok. Hihiwain ko sana ito ngunit huli na dahil malakas akong inihampas nito sa lupa. Napadaing ako sa sakit ngunit ininda ko ito at mabilis na tumayo.

Mabilis na iniharang ko ang aking sandata sa aking mukha dahil sa dalawang papalapitsa espada na gawa sa usok ang patungo sa akin. Buong lakas ko itong itinulak bago umikot ng mabilis kasabay ng pagwasiwas ko ng espada dahilan upang ikamatay din nila. Nilingon ko ang natitira pang demon ngunit nababalutan sila ng gintong liwanag bago sumabog maging ang lagusan ay sumabog din.

Kinabukasan ay nandito ulit ako sa opisina ni Arthro, para ipaalam ang nangyari, lubos naman ang pasasalamat nito. Sinabi ko din kung paano patayin ang demonyo at nagpapakalat sila ng usok para mahipnotismo ang mga kabataan.

Namalagi pa ako dito ng isang gabi ngunit walang dumating na demon kaya nagpasya na akong maglibot pa sa ilang mga nayon.

Gaya ng naunang nayon, ay ganito rin ang nararanasan ng iba, kaya para akong guro na nagtuturo sa kanila kung paano paslangin ang mga demon. Buti nalang talaga at may Almira kami na matalino dahil nalalaman nito ang kahinaan ng bawat nilalang.

Tatlong araw na ang lumipas simula ng nagpapatrol ako sa mga nayon. Nagawa ko na ang layunin ko sa misyong ito ngunit gusto ko pa ding magbantay sa paligid.

Andito ako sa gubat upang magmasid ngunit isang sibat na gawa sa usok ang naramdaman kong papunta sa akin kaya mabilis na binalutan ko ng awra ang espada at sinalubong ang sibat. Nagkaroon ng mahinang pagsabog sa pagtama nito sa isa't-isa dahilan para tumilapon ako ng bahagya.

Nilingon ko ang isang lalakeng nakasuot ng lilang roba, nababalot ng umuusok na itim ang kanyang mga mata. Masasabi kong kakaibang demon ang isang ito.

"Kung ganoon kumilos na pala ang akdemya para hadlangan ang plano namin" malamig na sabi nito kaya kinilabutan ako.

Agad na binalutam ko ng awra ang aking sarili at naghanda.

"Anong layunin niyo? Bakit niyo ginagawa ito? " seryosong tanong ko ngunit tinawanan lang ako nito.

"Isang elementalist, ngunit kakaiba ang iyong awra. Siguradong pag inialay kita, gami ang iyong napakalusog na awra ay magiging kapaki-pakinabang." Mapaglarong sabi nito.

"Bibigyan kita ng pagkakataon sumuko" dugtong nito na ikinangisi ko. Minamaliit niya ba ako?

"Eh paano kung ayaw ko" mapaglaro ko ding sabi. Bakit siya lang ba ang marunong?

Nagulat ako dahil sa sobrang bilis niya ay sakal sakal niya ang leeg ko, nakita ko ang pag-ngiti nito ngunit mabilis na nagbago ang itsura nito at napabitaw sa akin.

"Ahhhh!! Ahh!!" Sigaw nito ng pamansin kong unti unting nasusunog ng liwanag ang kamay na gamit niya pansakal sa akin.

"You forget that I'm here low-level creature! " isang napakagandang diyosa ang naglakad sa tabi ko, kasing tangkad ko lang ito. Teka? Si Phlyxie ba to?

Mabilis na pinutol ng lalake ang kanyang braso bago pa ito tuluyang lamunin ng nagliliwanag na awra. Namimilog ang mata nitong nakatingin kay Phlyxie. "G.. Guar... Dian! " nauutal na sabi nito. Nagawa nitong nakatakas bago pa ako makagawa ng atake.

Nilingon ko si Phlyxie na nag-anyong maliit na ulit. 'You must take care God, Your blood is precious that, and that is what they want. You're not ready yet. Awakening is yet to come'