webnovel

Epilogo

"Sandali! Iihi lang ako." pagpapaalam ni Mike bago siya sumama sa basketball practice ng mga teammates niya. Mabilis niyang binuksan ang zipper ng pantalon at tumapat na sa urinal.

Mahigit isang buwan na silang nagpunta sa probinsya ng Miao-miao upang harapin ang duwende na nagsumpa sa mga kalalakihang Semira na maging bigo sa pag-ibig.

Bahagya siyang napangiti dahil hindi na magiging sawi ang mga kadugo niya at may pagkakataong magkaroon na ng "happy ever after".

Maya't-maya ay nagtaka siya dahil parang walang bumababang ihi sa urinal. Nakaramdam siya ng mainit na likido sa kanyang pantalon. Pagtingin niya sa sahig ay napansin niya na naroon pala ang nailabas niya.

"Imposible! Naitutok ko naman ng maayos." pagtataka niya.

Ang sumunod na pangitain ay gumimbal sa kanyang mundo. Nanghina ang kanyang mga tuhod dahil sa nasaksihan.

Wala na ang hawak niyang alaga na ibon!

Tumambad sa kanya ang iisa na lamang na pulgadang sisiw!

"Pagpapaalala ko lang 'yan!" Biglang lumitaw sa kanyang tabi si Miss Elf na nakangisi pa.

"Hala! Naninilip po kayo! Bad 'yan!"

"Anong sisilipin ko? 'Yan one inch mo?" Umikot pa ang mga mata niya habang nilalait ang harapan ni Mike. "Eleven months to go, or good bye, birdie ka na! Bwahahaha!"

Umalingawngaw sa banyo ang halakhak nito. Halos mabingi si Mike dahil sa lakas at tinis ng pagtawa ng nasabing nilalang.

"O, hindi!" napahiyaw na lamang si Mike sa kinatatayuan niya. "Kailangan ko ng girlfriend!"

"Gising! Brad!" pagtapik ni Uno sa balikat niya. "Binabangungot ka yata a."

Kaagad na nagmulat siya ng mga mata at nakita niya na mataimtim siya na pinagmamasdan ng nga pinsan.

"P-Panaginip lang ang lahat..." Nakahinga siya ng maluwag nang mapagtanto na hindi totoo ang lahat ng pangyayari.

"Malamang. Baka nasobrahan ka na sa kinain mong fried chicken." pang-aasar nito.

"Naka-lima lang ako kanina..."

"Lima? Kaya pala noong kakain na ako, ubos na! Puro rice na lang ang natira!" pagrereklamo ni Francis.

"Hindi lamang isang panaginip ang pangitain mo, Mike!"

Napalingon sila sa pinagmumulan ng pamilyar na tinig ng isang babae na naka-shades at naka-costume pa ng duwende.

"Eleven months..." nakakahindik na sinambit nito. Nangilabot sila dahil biglang nanlamig ang paligid pagkatapos ay kumulog at kumidlat pa sa labas kahit maliwanag pa ang sinag ng araw. Binuksan nito ang pintuan ngunit sa kasamaang-palad ay nauntog siya noon. "Aray ko. Eeksena na lang ako na creepy kunwari, ma-iinjure pa ako. Fantasy at humor naman kasi ang mga genre nito e! Hindi paranormal!"

Kaagad din siyang lumisan kahit hilong-hilo pa siya dahil sa pagkakauntog ng kanyang ulo.

Napaisip ang Semira boys kung paano nakapasok ang nilalang samantalang siniguro nilang naka-lock ang entrance ng kanilang bahay at may mga security guard naman sila sa labas.

Hindi nagtagal ay naalala nila ang sumpa.

"Si Miss Elf!" napabulalas sila.

Nagmamadali silang nagtungo sa banyo upang magpapogi. Nagpahid ng gel si Wiz upang umayos ang buhok at mas maging kaakit-akit. Si Uno naman ay nagpabango para sa kikitain na ka-date mamayang gabi.

Hindi alam ni Francis ang gagawin para mas mapansin ng mga babae dahil lumaki siya sa templo. Tinulungan siya ng mga pinsan upang mag-makeover.

"Tumayo ka na riyan!" pag-aya ni Uno sa nakatulala pa rin na si Mike.

"B-Bakit?" nauutal niyang tugon sa pagtawag ng nakatatandang mga pinsan.

"Panahon na para lumandi ang mga Semira."

❤️ Author's Note:

Maraming salamat po sa pagbabasa.

Hopefully, nandito pa rin kayo para samahan ang mga boylets sa next books.

If you liked the story, kindly vote and share.

Ikalat po natin ang lahi, este, story ng mga Semira.

Have a great day!