webnovel

Self Healing Magic

Gusto ni Yman magkaroon ng mahika na makapag pagaling ng may sakit. Para mapagaling ang ina na may karamdaman. Kaya sobrang saya niya dahil ang naka display sa status Job niya ay Healer. Ngunit ang nakalagay sa skill section na magic spell, ay lowest D rank Healing Magic or Self Healing Magic? Unang araw ng mission ng grupo ni Yman sa loob ng itim na butas, kasama ang pinakamagandang transfer student na si Maena. Hanggang saan si Yman dalhin ng kanyang self healing magic? Ano ang naghihintay sa kanila sa loob ng itim na butas? Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? O di kaya.....

Fhrutz_D_Hollow · Romance
Pas assez d’évaluations
98 Chs

Enchanted RB

The loud noise wakes me up. Base on the tone and sounds, it was coming from outside. I decided to get up; slowly, pushing my body off the bed.

As I open the window and permitted the morning breeze inside the room, my messy long blonde hair started to dance slightly in the air.

I peek through the windows and gazes outside. I see some thug contaminate the street. Three of them tries to bully a little girl with a raccoon tail and ears.

I want to shout to make them stop, but I don't want to wake up these beauties currently sleeping on the beds beside mine. I glance at their sleeping faces when suddenly I hear a mutter from a sleeping beauty with long straight black hair. The mutters are barely recognizable.

Sleep talking? I chuckle.

"Y-Yman,"

"Eh? Does she mutter that guy's name?" My brows curl upward unconsciously.

(xxx)!!

(xxx)!!

I hear the thug shouts but I can't understand what they saying.

I glance back outside, and I see the thug number 1 trying to snatch away the thing that little raccoon girl holding in her hands.

TSK!

I click my tongue in annoyance. I slowly reach my extra RB, which is on the table beside my bed.

This RB is an enchanting type. I need to cast a spell before using magic like what I did before. If you wanna know why I choose this kind of RB, all I can say is, It makes me look awesome.

I teach you how to use this thing. First thing first, if you're using an enchanted RB after you wear it, you need to whisper the word resonance.

Resonance! After I whisper the word, a magical glow of blue energy envelopes my jade-like sexy body.

Bling!

Enter your ID:[___________]

Enter your password:[___________]

Tap! Tap---

Enter your ID:[MaeNotMaena_]

Tap! Tap---

Enter your password:[********___]

[Account confirmed]

[Logging in]

[Successful]

[Welcome back user MaeNotMaena]

.

.

.

Pagkatapos mailagay ang aking ID at password ay ito na nga, naging translated na nga ang aking pananalita.

Para sa mga hindi parin nakakaintindi sa aking pinagsasabi sigurado akong mga Allien yang mga yan. Siguro sila ang dahilan kaya umulan ng bulalakaw noong nakaraang isang siglo at kalahati.

Fufu!

Bago ko pa makalimutan ay kailangan ko iligtas ang kaawaawang munting raccoon.

"Hoy! Bata kung ayaw mong masaktan ibigay mo sa amin yang hawak mong high breed puppy!" Sigaw ng thug1.

"Ayoko! Tulong may mga puppynapper dito!!"

Takot na sigaw ng batang raccoon.

"Tumahimik ka! Nakita mo ba itong hawak ko? Huh!" pananakot ni Thug2

"D-dagger?" tanong ng batang raccoon.

"Matalinong bata, aampunin nalang kaya kita! Gusto mo ba?"

"Mga ulol! Bakit n'yo pa kinakausap yang batang raccoon. Dalhin narin natin yan! Kailangan na nating bumalik agad bago pa magalit si Boss." Sabi ni thug3.

TSK! Ano kayang binabalak ng mga thug na ito sa cute na puppy at batang babae. Walang kwentang mga thug talaga. Mga walang magawa sa buhay. Dapat sa mga ito ay ipapabitay.

Hmpf!

Masama ang gising ko at masama ang naging gabi ko kagabi. Sa kanila ko nalang ibuntong ang inis ko.

Sino ba naman ang matutuwa kung ang inakala mong bestfriend ay hindi ka maisipan na isayaw. Inakala ba niya talaga na tomboy ako? Ni-hindi manlang ako magawang i-mail kahit pumunta na nga ako rito. TSK! Kailangan ko na talaga siyang parusahan. Humph! Lagot ka sa akin mamaya!

At bakit kaya binabanggit ni Mina ang pangalan ng lalaking yun kahit tulog.

Habang pinagsalubong ang magaganda kong kilay ay walang dahan-dahang kinuha ko ang aking mahal na sandata sa aking inventory. Diretso kong itinuon sa tatlong thug ang pana at palaso.

'As white as snow, cold as ice, I offer my soul to the goddess Frostine!'

Triple sho...

Arg! Awh! Gwah!

"!!"

Bago pa mabitawan ni Maena ang mga palaso ay sunod sunod na nag-iyakan ang tatlong thug, kaya hindi na niya naitinuloy ang pagtira dahil may naunang tumira. Dumungaw siya para makita kung sino ang tumira sa mga thugs. Isang babae na may golden hair ang dahan dahan naglakad. Kasama niya ay dalawang lalaki na nasa 30+ ang edad. Base sa kanilang kasuotan ay siguro mga adventurers.

Sa kamay ng babae makikita ang nagliliwanag na pana. Isang high grade equipments ang hawak niya.

Naisipan nalang na ibalik ni Maena sa inventory ang kanyang sandata. Dumungaw siya sa kalangitan, isang napakaasul na langit ang bumati sa asul niyang mga mata.

Nakita niya na medyo mataas na pala ang araw. Sinulyapan niya ang dalawang babaeng kasama ngunit tulog parin ang mga ito. Naisipan ni Maena na I-mail si Yman. Binuksan niya ang interface ngunit nagulat siya nang sunod sunod na may notification ng bagong dating na mga mail. Nakita niya na mula ito kay Yman!

Excited na pinindot niya ang mga ito para basahin. Ngunit biglang nagpang-abot ang kanyang kilay nang mabasa ang unang word ng message. Dahil ang nakalagay ay naka-capitalize na word na `TOMBOY'.

Fufu! Humanda ka sa akin. Tomboy pala huh! Habang pinagpatuloy ang pagbabasa sa mail ay nagulat si Maena, dahil hindi niya inakala na iniimbitahan siya ng lampang ito na samahang maghunting ng mga boss? For real? Hindi makapaniwala si Maena. Dahil ang pagkakaalam niya ay takot ito sa halimaw. Lalo na nung bata palang sila. Pero ngayon, ang batang lampa pa talaga ang nag-imbita huh! Biglang nabuhayan ng loob si Maena dahil ito ang gusto niya. Hindi yung shopping shopping o pamamasyal. Mas gusto niya ng thrill. Mas gusto niya makipaglaban sa mga halimaw.

Mabilis na nag-reply siya sa mail ni Yman.

To: Gayman

[TOMBOY PALA HUH! HUMANDA KA SA AKIN! nasaan kaba ngayon?]

Ilang sandali ay isang notification ang tumunog na siya lang ang nakakarinig. Reply ito mula kay Yman.

From: Gayman

[Nasa loob pa ng classroom sa akademya]

Sa loob naman ng classroom ng engkantasya kung saan naroroon si Yman. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangisi sa mensahe ni Maena.

From: Machomaen

[Tumakas ka nalang diyan. Alam ko natutulog ka lang at hindi nakikinig sa leksyon]

Kinamot nalang niya ang pisngi. Hehe ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Sa tingin ba niya tamad akong mag-aral? Hehe tomboy talaga.

To: Machomaen

[Anong ginagawa mo ngayon tomboy?]

Bling!

Bigla ulit tumunog ang interface ni Maena na siya lang ang nakakarinig. Mabilis niyang tiningnan at binasa.

From: Gayman

[Anong ginagawa mo ngayon tomboy?]

TSK! Tomboy ng tomboy ang gayman na ito. Tatawagin na talaga kitang gayman bahala ka diyan.

To: Gayman

[HINDI AKO TOMBOY!!(pout emoji)]

Sent!

....

Bling!

Ilang sigundo lang ay narinig ulit niya ang notification.

From: Gayman

[Hehe tomboy ka parin(peace emoji)]

Ghrr!! Ginagalit talaga ako ng gayman na to!

To: Gayman

[GAYMAN!!(angry emoji)]

Sa loob naman ng classroom ay biglang tumunog ang interface ni Yman na siya lang ang nakakarinig.

From: Machomaen

[GAYMAN!!(angry emoji)]

Biglang nag-dot ang kanyang mga mata sa nabasa. Hindi niya inakala na makahanap ng pangkontra sa kanya ang tomboy na babaeng kapalitan ng mensahe.

Typing reply..._________]

Nagpatuloy ang banter ng dalawa sa kanilang mail section ng interface hanggang lumipas ang isang oras.

"Yman!"

Biglang tawag ng katabi niya.

"B-Bakit Ras?"

"Hehe kanina ko pa napapansin na malaki ang ngiti na makikita sa iyong bibig." Kuryos na sabi ni Ras.

"Eh? Talaga?"

"Oo, siguro may pinapanood ka diyang 18+ na video sa interface mo noh." dahil walang pagpipigil ang bosses ni Ras ay umagaw ito ng pansin sa mga kaklase sa paligid. Bigla tuloy pinagtitinginan si Yman habang nag "close the book" naman ang mga babae. Sa tingin nila ay bastos ang bagong kaklase.

Pero mukhang balewala lang ito kay Ras. Siguro ganito lang talaga ang tunay niyang ugali.

"Eh? Syempre wala!" Mataas na boses niyang tugon habang namumula ng kunti ang pisngi. Hindi niya alam kung bakit hindi apektado si Ras sa mga tingin sa paligid. Ngunit wala siyang magawa dahil ito lang ang kakilala niya. Mas mainam na may kakilala siya sa bago niyang mga kaklase. Hindi nga lang inasahan ni Yman na magiging classmate ito.

"Ahahaha, kung ganun ano ba pinagka-aabalahan mo diyan sa interface mo? Siguro girlfriend?"

"Haha, okay sana kung may girlfriend. Kaibigan ko lang na nangungulit."

"Ah ganun ba?" Sabi ni Ras. Pero hindi parin siya makapaniwala na magiging kaklase ang binatang ito. Kaninang madaling araw lang nagkakilala sila nito sa may lawa kung saan dumadaan madalas silang dalawa ni Aspe. Sinong mag-aakala na siya pala yung sinasabing exchange student na mula sa EMRMHS.

"Siya nga pala Ras. Huwag mo kalimutan mamaya."

"Ah yun bang tungkol sa espada mo?"

"Mhm,"

"Akong bahala."

"Okay!"

Pagakatapos ng klase ay nagkaroon ng 30mins break. Ang ibang estudyante ay pumunta sa cafeteria at ang iba naman na may baon ay humanap ng magandang pwesto.

Marami rin naiwan sa classroom para dito na kumain.

Si Yman naman ay kasalukuyang naghahanap ng instructor para sa kanyang major subjects. Nakatayo siya sa harap ng Guiding Board na makikita sa hallway ng paaralan. Dito makikita ang listahan ng mga subjects at instructor para sa mga estudyante.

Kumunot ang kanyang noo habang tiningnan ang mga nakalista dahil walang babagay sa kanyang magic. Gusto sana niya makita kung may nagtuturo ng tungkol sa abnormal niyang magic. Pero mukhang wala.

Akmang hahakbang na sana siya nang biglang may nahagip ang kanyang paningin. Bigla tuloy natigilan siya sa paghakbang.