"Sino siya?"
"Siya ata yung sinasabi nilang exchange students."
Bulong ng mga estudyanteng dumaraan sa hallway kung saan naroroon si Yman.
Combat Technique Improvement!
Ito ang nakita niya sa gilid ng kanyang paningin na nasa gilid ng Guiding Board. Bigla niyang ibinalik ang tingin at tiningnang maigi kung sino ang instructor na nagtuturo.
'Alyssa Hustisya?' Napasambit siya nang basahin ang pangalan ng instructor. Base sa pangalan nito ay sigurado siyang isa itong babae.
Tiningnan ni Yman ang mga iba pang impormasyon at mabilis na nagtungo kung saan matatagpuan ang silid kung saan ito nagtuturo. Ngunit bago pa siya makalimang hakbang ay 'Grooowwwl' tumunog ng malakas ang nagrereklamo niyang tiyan.
Bling!
Sakto namang isang tunog ng notification ang kanyang narinig.
Isang mail mula kay Rea ang kanyang natanggap. Nagtatanong kung nasaan siya. Nagreply si Yman at sinabing nasa harap ng guiding board sa hallway.
Ilang sandali ay sinundo siya ni Rea. Pumunta sila sa isang silid na nasa ikalawang palapag. Pagpasok ni Yman ay nagulat siya sa kanyang nakita. Binati siya ng mga pamilyar na mukha. Nakita niya si Aspe at Ras sa loob.
Makikita rin ang gulat sa kanilang mga mata. Pareho na hindi makapaniwala ang bawat isa.
"Yo!" Bati ni Ras sa kanya.
"Hi Y-Yman." Mahinang bati naman ni Aspe.
Kinamot niya ang pisngi at gumanting pagbati rin sa dalawa. Nagulat si Rea nang malaman na magkakilala pala ang tatlo balak sana niyang ipakilala ang isa't isa. Nalaman niya na nagkakilala pala ang tatlo kaninang umaga lang.
Sinulyapan ni Yman ang silid, napansin niya na parang itong isang kusina. Dahil may makikitang iba't ibang klaseng kasangkapan na pangluto sa bawat sulok nito.
Tinanong niya si Rea kung anong silid ito. Nalaman niya na miyembro pala ng Gourmet Club si Rea at ito ang kanilang Club Room. Ngunit dahil dalawa lang silang miyembro ay naisipan na isali si Ras na bestfriend at kababata ni Aspe. Ngunit, ilang araw lang ang itinagal ni Rea dito dahil pumunta siya sa Guild Hall at nag-absent na mula noon.
Umupo sila sa upuang nakapalibot sa lamesa na nasa gitna ng silid.
Maraming iba't ibang klaseng putahi ang nasa kanilang harapan. Naisip ni Yman na siguro mga luto ito ni Rea at Aspe. 'Ang sarap naman ng club nila, nagluluto lang at kumakain.' Biglang pamasok sa isip niya na kung laging ganito baka tataba si Rea at lulubo? 'Pinagdarasal niya habang pinailing ang ulo na 'Huwag naman sana.'
Habang kumakain ay masayang nagkukwentuhan ang lahat. Kitang kita sa pag-uusap ng dalawang babae na mahilig sila magluto. Napansin din ni Yman na nawala ang pagiging timid ng dalawa. Naging masiglahin ang mga ito habang pinag-uusapan ang iba't ibang klase ng putahi at ingredients. Kamot noo naman ang dalawang lalaki habang nakikinig.
"Ras, totoo bang pati armor ay nasisira rin?" Naisipan ni Yman na magtanong habang umiinom ng juice. Feeling niya nasa guild bar lang sila. Dahil sa kakaibang silid na ito na parang kusina.
"Oo naman. Gaya nga ng sinabi ko kanina. Weapon, armor o accessories ay pwede masira at mabasag na parang salamin kung maging zero ang kanilang durability." Masiglang paliwanag ni Ras habang pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.
"Kung ganun sa blacksmith din ba ako magpapaayos kung sakaling masira ang armor ko?" Kuryos na tanong ni Yman habang nakakunot ng bahagya ang noo.
"Hehe depende yun," sagot ni Ras habang ipinikit ang mga mata.
"Eh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Yman.
"Kung ang iyong armor gawa sa metal o kahit anong matitigas na bagay ay syempre sa blaksmith ka dumiretso."
Tumango si Yman sa sinabi ni Ras.
"Pero..." pagpatuloy ni Ras.
"Pero?" Usal ni Yman.
"Pero kung gawa sa tila ang iyong armor ay syempre sa tailor ka magpapaayos." Paliwanag ni Ras.
Ngumiti si Yman at tumango. Dahil alam niya may punto ang sinabi ni Ras.
"Saan naman kung accessories?" Pagpatuloy na tanong ni Yman.
"Sa mga jeweler o minsan sa mga merchant."
"Merchant at jeweler?"
"Mhm!"
Kinalaunan,
Kriiing!
Natapos ang kanilang masayang breaktime nang biglang may tumunog, sinyalis ng pag-re-resume ng klase. Ngayon ay sabay na pumasok sa isang silid ang apat. Ang subject nila ngayon ay Major subjects, tungkol sa iba't ibang gamit ng mahika.
Pagpasok nila ay marami ng estudyante ang nasa loob na naghihintay mag-umpisa ang klase.
Nagulat si Yman sa laki ng espasyo sa loob ng silid. Hagdan-hagdan pa ang mga upuan. Para itong hindi classroom kundi mas mukha itong sinihan. Sa pinaka harap naman kung saan naroroon ang pisara, ay makikita ang isang stage. May makikita namang mikropo na nakapatanong sa handle nito.
Kapansin pansin din ang dami ng estduyanteng nasa loob nito.
"Dito tayo!" Turo ni Ras.
Sumunod ang tatlo. Nakakita sila ng bakante sa may ikalawang column ng pangatlong row. Binubuo ng sampu na row ang mga upuan at tatlumpung column. Napakalaki ng silid na ito at kitang kita rin ang dami ng estudyante mula sa mga nakahilirang mga upuan. Apat ang pwede umupo sa kada upuan. Nasa gitna ng dalawang lalaki ang mga babae nilang kasama. Unang umupo si Ras sa pinakagilid at sinundan ni Aspe, Rea at Yman. Nasa pinakakanan ang kinaupuan ni Yman. Makikita rin sa unahan sa kanyang kanan ang pintong pinasukan nila.
Pag-upo nila ay,
"Si Miss Ella!"
"Oo nga, si Miss Ella nga!"
"Bumalik na pala siya."
"Ang ganda niya."
"Ang cute niya."
"Medyo kahawig sila ni Princess."
Nakarinig sila ng mga kanya kanyang bulong. Yumuko naman si Rea at sinilip ang mukha ni Yman.
"Sino kaya yang kasama niya?"
"Eh? Ngayon ko lang siya nakita."
"Ako rin."
"Boyfriend kaya ni Miss Ella yan?"
"Pufffft, nagpapatawa kaba?"
"Haha, syempre nagbibiro lang ako."
Hahahaha
~~~~~
Nagpatuloy ang bulong bulongan pero hindi nila ito pinapansin. Lalo na si Yman, sanay na sanay na siya sa mga ganito. Siguro pwede rin tawaging beterano na siya sa mga ganito.
"Tsk!"
Mula sa likod ay biglang nakarinig si Yman ng pag pitik ng dila.
Sinulyapan niya ito, hindi dahil sa kuryos siya. Dahil sa reflexes niya at kagawian kaya napalingon siya.
"Anong tinitingin tingin mo?" Inis na tanong ng lalaking may hindi mahabang tenga at blonde na buhok.
Napansin din niya na parang namumukhaan niya ang lalaki. Parang ito yung lalaki na humarang at nakaengkwentro niya sa pagdiriwang. Pero maiksi lang ang buhok nito. Siguro nagpagupit?
CreeeeaaaAAAAAAKKKKK!!!
Hindi sumagot si Yman sa inis na tanong ng lalaki at lumingon sa pinto nang bigla itong bumukas.
Eh? Dumbfounded siya sa nakita. Ang lalaking dapat ay nasa kanilang likuran ay iniluwa ng pinto. Bilis na sinulyapan ni Yman ang likuran. At ang bumati sa kanya ay mapanusok na tingin. Sa isip niya, "Twins?!"
Ang mga bagong pasok ay ang grupo nila Jura, Elvis at Nicholas. Kasama rin yung lalaking may malakas na enerhiya sa pagdiriwang at ang mga babae nilang kasama. Bigla ulit nakarinig ng mga bulong bulungan si Yman sa paligid. Mukhang sikat ang mga bagong pasok sa akademyang ito. Naisip niya na siguro dahil sa background nila na hindi basta basta.
"Tsk!"
Nakarinig ulit siya ng pagpitik ng dila mula sa kanyang likod. Naisip niya na galit sa mundo ang isang ito, kaya hindi nalang niya pinansin pa.
Biglang ininguso ng isa sa mga babaeng kasama ng mga bagong pasok ang direksyon ni Yman. At agad nagsitinginan ang mga ito sa kanyang direksyon. Nang makita ng mga bagong pasok ang tahimik na nakaupong si Yman. Ay agad nagsitaasan ang mga kilay nila. Namumukhaan nila ang lalaki. Ito yung lalaking nakaaway sa pagdiriwang at napagkamalan na guwardiya.
Bakit kaya nandito ang kumag nato? Haha naligaw ata ang isang to. Biglang bumulong ang isa sa mga babae nilang kasama sa lalaking nagngangalang Jura.
~~~~~(bulong)
"Exchange students pala huh." Sabi ni Jura.
"Exchange students?" Tanong ni Elvis.
"Mukhang siya ata yung napabalitang exchange students." Sagot ni Jura.
"Bakit hindi natin sampulan ang isang to para makita niya kung gaano kalaki ang agwat sa lakas ng mga akademya natin." Sabi ni Nicholas na halatang gigil kay Yman. Hindi siya nakaganti sa pagdiriwang dahil may tumulong sa lalaking to. At hinding hindi niya makakalimutan ang pagpapahiya niyo sa kanya. Lalo na nung pinagtawanan siya nito.
Biglang napangiti ang tatlo, sa wakas may chance parin pala silang turuan ito ng leksyon. Lalong lalo na si Nicholas, gustong gusto niya ito ipahiya at ilugar. Dinilaan niya ang mga natutuyong dila. At dahan dahang nilapitan ang lalaki. Ngunit nang makita ang katabi nang lalaki ay umubo nalang sila ng mahina at natigil ang kanilang binabalak.
Hindi nila akalain na nandito pala si Miss Ella. Sa pagkakaalam nila ay umalis ito.
Napansin ni Yman ang paglapit ng mga bagong pasok sa kanya. Nakahanda narin siya sa kung anong binabalak gawin ng mga mapanggulo.
Ngunit nang nasa tabi ang mga ito ay bigla nalang natigilan ang mga bagong pasok. Napansin din niya na patingin tingin ang mga ito kay Rea. Hindi alam ni Yman kung bakit, pero parang kilalang kilala si Rea sa akademyang ito. Sabagay vlogger nga naman pala siya. Hula ni Yman ay sikat na vlogger si Rea kaya siguro maraming nakakakilala sa kanya.
Ngunit bakit kaya pati rin itong mga mayayaman at may mataas na katungkulan sa kahariang pamilya ay napatunganga habang sinusulyapan si Rea? Kung gagamitin nila ang estado ng kanilang pamilya sa kaharian ay kahit siguro sinong magandang babae mapapa sa kanila. Lihim na nabahala si Yman, sa isip niya ay poprotektahan niya si Rea sa kung ano mang masamang binabalak ng mga spoiled na estudyanteng ito. Habang inisip niya ito ay hindi sinadyang napahawak siya sa braso ni Rea na nasa armchair sa kanyang kaliwa.
Biglang nakadama ng init mula sa pagkahawak sa kanyang kanang braso si Rea. Hindi niya binawi ang braso dahil hindi maipaliwanag na nakadama siya ng saya sa paghawak nito. Dahan dahan niyang nilingon. Alam niyang si Yman ang nasa kanyang kanan kaya hindi napigilan na mamula ang kanyang pisngi nang maramdaman ang paghawak nito.