webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 4

~Madaling araw~

"Pano ka na hilig sa buwan at sa mga bituin?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakahiga silang dalawa sa rooftop ng hotel at nakatingin sa kalangitan. Napabuntong hininga ang dalaga habang nakangiti ito at nakatingin din sa kalangitan.

"Hmm… hindi ko na matandaan, e. Basta matagal na akong mahilig sa buwan at mga bituin. Ang ganda lang kasi nilang tignan, para bang nasa loob ako ng isang fairy tale sa tuwing tinitignan ko sila."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakangiti pa rin ito sabay tingin na sa binata na nakahiga sakaniyang tabi. Tinignan na rin ng binata ang dalaga at saka nginitian ito. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay mabilis na ibinalik muli ng dalaga ang kaniyang tingin sa kalangitan upang itago ang pamumula ng kaniyang mga pisngi mula sa binata.

"Anong oras na?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay balik na rin ng kaniyang tingin sa kalangitan nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Kinuha na ng dalaga ang kaniyang phone mula sakaniyang bulsa at saka tinignan ang oras.

"3:36 AM. Gusto mo bang intayin ung sunrise?"

Sagot at tanong ni Yvonne kay Jervin nang ibalik na nito ang kaniyang phone sakaniyang bulsa sabay tingin nang muli sa binata at saka nginitian ito. Tinignan na ring muli ng binata ang dalaga at saka nginitian ito pabalik.

"Kaya mo pa bang magpuyat?"

Nakangiting tanong ni Jervin pabalik kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Ngumuso ang dalaga at saka naupo na mula sakaniyang pagkakahiga sa sahig. Naupo na rin ang binata mula sakaniyang pagkakahiga sa sahig habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at hinihintay ang sagot nito sakaniyang tanong.

"Tignan natin kung kayanin kong labanan antok ko."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin na ito sa binata at nakaupo pa rin silang dalawa. Natawa ng bahagya ang binata sa dalaga sabay higa na muli nito sa sahig at saka ibinalik ang kaniyang tingin sa kalangitan.

"Kung inaantok ka na, sabihin mo lang sakin."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa kalangitan nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Ngumuso ang dalaga dahil sa sinabi sakaniya ng binata at nahiga nang muli sa tabi nito.

"Para namang sinasabi mo sakin na ayaw mong makipag puyatan sakin."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakanguso pa rin ito at tinitignan nang muli ang kalangitan. Natawa nanaman ng bahagya ang binata dahil sa dalaga habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kalangitan. Ilang saglit ang lumipas, habang tahimik na nakahiga ang dalawa ay biglang sumulpot si Lyka sa rooftop at nakita ang dalawa na magka tabing nakahiga sa sahig, kaya't naisipan niyang guluhin ang mga ito.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa dalawa nang mayroong ngisi sakaniyang mga labi, nang makatayo na ito malapit sa ulo ng dalawa'y bigla siyang yumuko upang ipakita ang kaniyang mukha. Nang makita ng dalawa ang mukha ng Bampira'y pareho silang nagulantang at akma na sanang gugulong papalayo sa isa't isa, ngunit ang nangyari ay gumulong sila papalapit sa isa't isa at sa hindi inaasahang pangyayari ay…

"Waaahhhh! Nakakainis kayo! Dapat pala hindi ko na kayo ginulat kung ganto rin naman pala ang mangyayari! Aaahhhh! Lumayo na kayo sa isa't isa! Iniinggit niyo ako, e!"

Sigaw ni Lyka sa dalawa sabay hawak na nito sa balikat ng dalawa upang ilayo na sila sa isa't isa. Kaagad na hinawakan ni Yvonne ang kaniyang labi nang makaupo na ito habang tinitignan si Jervin gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tinignan din ng binata ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata habang nakaupo na rin ito.

"Ano bang pumasok sa isipan niyo pareho para hindi niyo ma-realize na hindi okay na humiga ng magkatabi ang isang lalaki at isang babae?!"

Pasigaw na tanong ni Lyka kila Jervin at Yvonne sabay upo na sa pagitan ng dalawa. Mabilis na iniwas ng dalawa ang kanilang tingin sa Bampira habang namumula na ang kanilang mga mukha. Sinamaan ng tingin ng Bampira ang dalawa sabay cross arms nito.

"Para namang first kiss niyo un. Tsk. Sa pagkaka alam ko nag kiss na kayo dati, e, kaya anong reaksyon yan?"

Inis na sabi ni Lyka kila Yvonne at Jervin sabay tingin ulit ng masama sa dalawa habang naka cross arms pa rin ito at naka nguso na. Mabilis namang tinignan ng dalawa ang Bampira habang nanlalaki nanaman ang kanilang mga mata.

"Lyka!"

"Kinwento rin un sayo ni Yvonne?!"

Gulat na tanong ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Mabilis na tinignan ng Bampira ang binata at saka tumango ito habang nakanguso pa rin. Si Yvonne nama'y napayuko na lamang dahil sa kahihiyan na naramdaman habang nakahawak sa hita ng matalik na kaibigan.

"May mukha pa ba akong maihaharap neto?"

Mahinang tanong ni Yvonne sakaniyang sarili sabay talikod na nito kila Lyka at Jervin at saka nahiga na itong muli sa lapag habang nakatagilid. Mabagal na tinignan ng Bampira ang dalaga habang inosente itong tinitignan, samantalang ang binata nama'y tinignan ang dalaga nang mayroong maliit na ngiti sakaniyang mga labi habang namumula pa rin ang kaniyang mukha.

"Ito naman. Okay lang yan! Hindi ka naman tatalikuran neto ni Jervin dahil lang sa nag-kiss kayo ulit."

Pagpapagaan ni Lyka sa loob ni Yvonne habang nakangiti na ito at saka hinahaplos ang buhok ng dalaga. Mabilis na tinignan ni Jervin ang Bampira nang marinig ang sinabi nito sa dalaga at mas lalu pa itong namula.

"Kahit na! Hindi pa rin maiiwasan ung awkwardness, noh!"

Tugon ni Yvonne kay Lyka sabay upo na ulit nito at saka tingin na sakaniyang matalik na kaibigan. Tumango lamang ang Bampira bilang tugon nito sa dalaga habang hinihimas na nito ang likuran ng dalaga.

"Hindi sana mangyayari un kung hindi ka bigla-biglang sumusulpot!"

Reklamo ni Yvonne kay Lyka sabay tingala na nito habang nakapikit at nakabusangot. Tahimik na Tinawanan ng Bampira ang dalaga habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran nito at saka tinatakpan na niya ang kaniyang bibig.

"May sasabihin ka ba samin, Lyka?"

Tanong ni Jervin kay Lyka sabay tingin na nito sa Bampira habang bahagya pa ring namumula ang kaniyang mukha. Tinignan na ng Bampira ang binata nang tumigil na ito sa paghimas sa likuran ng dalaga.

"Wala naman. Pero aminin niyo, hindi kayo magki-kiss kung hindi dahil sakin~!"

"Lyka tama na!"

"A-ano ba!"

~ Let the stars fill your eyes, the sun and the moon fill your mind, and the universe fill your soul. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts