webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasy
Not enough ratings
205 Chs

Unity Locale 10

~Hapon~

"H-hoy! Jay! Pano nagkaron ng ganitong lugar sa likod ng school namin?! Matagal mo na ba 'tong alam?! At saka ano ung mga naglalakad dun sa baba?! Mga halimaw ba un?! Hoy! P#$@%$&#@ mo! Anong lugar 'to?!"

Sunod-sunod na pasigaw na tanong ni Ceejay kay Jay nang makarating na silang lima sa taas na bahagi ng Unity Locale. Nanlaki ang mga mata ni Melanie sabay tingin na kay Jay.

"Meron ding portal sa likod ng school namin?! Ba't hindi ko alam un?! At saka ung portal na un ay papunta rin pala rito?! Ba't hindi mo sinabi sakin?!"

Sunod-sunod na tanong ni Melanie kay Jay sabay lapit nito at saka hawak sa kwelyo ng damit ng binata habang masama na ang tingin nito. Pinanlisikan ng tingin ng binata ang dalaga sabay tanggal nito sa kamay ng dalaga mula sa kwelyo ng kaniyang damit.

"Hindi ka naman nagtatanong, e."

Sagot ni Jay sa isa sa mga tanong sakaniya ni Melanie sabay lakad na nito patungo sa talampasan na madalas puntahan ni Yvonne. Tinignan na ng tatlong magkakaibigan at binata at ang dalaga, nang masilayan na naglalakad na papalayo sakanila ang binata'y mabilis nila itong sinundan.

"Aalis na ako!"

Galit na sigaw ni Melanie kay Jay sabay lakad na nito papalayo sakaniyang kinatatayuan at saka nagtungo na sa kagubatan habang bitbit pa rin nito ang kaniyang bag. Napatigil ang tatlong magkakaibigan nang marinig ang pag sigaw ng dalaga at saka tinignan ito maglakad papalayo sakanila.

"Anong problema niya?"

Takang tanong ni Angela habang nakatingin pa rin ito kay Melanie. Napabuntong hininga na lamang si Jasben sabay lakad na patungo kay Jay, habang si Ceejay nama'y hinawakan ang balikat ng dalaga at saka sinundan na ang kaibigan. Sinundan na rin ng dalaga ang kaniyang mga kaibigan tungo sa binata na nakaupo na sa bangkuan na naroroon sa talampasan.

"Sagutin mo na mga tinanong ni Ceejay sayo kanina Jay."

Sabi ni Jasben kay Jay sabay lapag ng kaniyang bag sa tabi ng binata habang nakatingin rito. Tinignan na ng binata ang dalaga, tumayo at saka hinintay sina Ceejay at Angela na makatayo sa tabi ng dalaga.

"Nakarating tayo sa lugar na 'to dahil sa isang portal. Nalaman ko lang na may portal sa likod ng school niyo nang mag-enroll dun si Yvonne. Masasabi niyong halimaw ang mga nilalang naglalakad sa baba ng bangin na 'to pero may mas halimaw pa sakanila at ako na mismo ang nagsasabi na hindi kayo makakatakas sakanila ng buhay. At ang tawag sa lugar na 'to ay Unity Locale. Dito nakikihalubilo ang iba't ibang nilalang sa isa't isa."

Sagot ni Jay sa lahat ng tanong sakaniya ni Ceejay kanina habang nakangiti ito sa tatlong kaibigan at naka pamulsa na. Nagdikit ang kilay ng tatlong magkakaibigan dahil sa sinabi sakanila ng binata at walang umimik ni isa sakanilang tatlo. Napa nguso ang binata nang walang umimik sa tatlo at saka nag cross arms ito.

"Mahirap bang paniwalaan?"

Naka ngusong tanong ni Jay sa tatlo nitong kaibigan habang naka cross arms pa rin ito. Nagtinginan ang tatlong magkakaibigan sa isa't isa at saka tinignan na nilang muli ang binata.

"Ang gusto mo bang sabihin samin ay totoong merong Wizards at Witches sa modernong panahon ngayon?"

Tanong ni Ceejay kay Jay sabay cross arms nito habang nakatingin pa rin ito sa binata. Ngumiti ang binata at saka nagkibit balikat na ito habang naka cross arms pa rin ito. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang binata, ibinaba ang kaniyang bag sa lupa at saka akma na sanang susugurin ang binata nang hinawakan nila Angela at Jasben ang magkabilang braso ng dalaga upang pigilan ito.

"Kung iisiping mabuti… naniniwala ako sa sinasabi ni Jay."

Sabi ni Angela sabay tingin nito sakaniyang dalawang kaibigan at saka tinignan na rin si Jay. Nanlaki ang mga mata nila Jasben at ng binata, habang si Ceejay nama'y takang tinignan ang dalaga.

"Seryoso ka ba?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Ceejay kay Angela habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan. Hindi ito pinansin ng kaibigan, sapagkat tinignan niya na ng seryoso si Jay habang hawak pa rin ang braso ng dalaga.

"Nagagawa ba ng mga Wizards at Witch na magpalit ng mukha?"

Seryosong tanong ni Angela kay Jay habang tinitignan pa rin nito ang binata at saka hawak pa rin ang braso ni Ceejay. Tinignan na nila Jasben at ng kaibigan ang binata at saka inabangan ang isasagot ng binata sa tanong sakaniya ng dalaga.

"Nakita mo ba na nagpalit ng anyo ung matandang babae na kumausap kay Yvonne nung last last Monday?!"

Gulat na tanong pabalik ni Jay kay Angela sabay tanggal na ng kaniyang pagkaka cross arms, tinignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata, tinuro ito gamit ang kaniyang hintuturo at saka tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang isa pang kamay. Nanlaki na rin ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa binata, samantalang sina Ceejay at Jasben ay palipat-lipat lamang ang tingin sa dalawa, sapagkat wala silang alam sa pinag-uusapan ng dalawa.

"P-pano mo nalaman un?! Wala ka naman dun nung nangyari un, ah!"

Sabi ni Angela kay Jay habang nakaturo na rin ang kaniyang hintuturo sa binata at patuloy pa rin itong tinitignan. Inalis na ni Ceejay ang pagkakahawak nila Jasben at ng dalaga sakaniyang braso at saka tumayo sa pagitan ng binata at ng dalaga.

"Anong pinagsasasabi niyo dyan? Pwede paki explain? Kasi hindi kami maka sunod ni Jasben, e."

Sabi ni Ceejay kila Angela at Jay habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawa, samantalang si Jasben ay naglakad na tungo sa bangkuan at naupo na roon.

"Naaalala mo pa ung araw na sinundan natin sila Jervin at Melanie nung tinawag ng teacher natin si Yvonne, tapos nung sinabi ko sainyo na nakita kong nagbago ung itsura ng teacher natin nung makarating na ako sa likod ng school natin?"

Mahabang tanong ni Angela kay Ceejay habang nakatingin na ito sa kaibigan. Naupo na si Jay sa tabi ni Jasben habang tinitignan na ang dalawang dalaga na nakatayo pa rin. Tumango ang kaibigan bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga.

"Gusto niyo bang maging Witches tulad nila Yvonne at Melanie?"

~ But our flaws do not make us less beautiful, we just got to have the ones who appreciates it. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts