webnovel

22

LIPHYO'S POV

Pag gising ko nag asikaso agad para sa pag pasok.

Medyo hindi rin maganda ang gising ko dahil sa panaginip kong nakakainis.

"Good morning Mom, Dad"

Bati ko sa kanila dahil nasa hapag na sila.

"Good morning hijo-"

"Good morning everyone"

Nang mabosesan ko ang bumati ay agad akong napatingin sa may hagdan.

Kasama ni Allen si Kath bumaba

"Good morning Ma, Pa"-Kath

"Morning!"

Masayang bati ni Mom.

Tumusok agad ako ng hotdog at mabilis na kinain 'yon sinunod ko ang bacon at kumain ng tinapay.

"Thank you for the food. Aalis na ako"

Punong puno ng pagkain sa bibig na paalam ko sa kanila.

Paupo palang sa hapag ang dalawa ay tumayo na ako

"Maaga pa Jhonzel"

Maawtoridad na sabi ni Papa.

Uminom ako ng gatas at saka tumayo.

"May kailangan akong gawin sa school Pa."

Pero ang totoo ay ayaw kong makasama sa hapag si Allen. Naiinis ako sa kaniya at kung totoo man ang lahat ng 'yon, baka kalimutan kong may kapatid ako.

"Johnny, nasa study room ko 'yong order mong panibagong helmet"-Allen

"Ok, kukunin ko nalang mamaya. Let's have a coffee later"

Bigla siyang napangiti at saka natatawang tumingin kela Mama.

"Why all of a sudden? Is this about a girl? Well I'm sorry brother but I'm a bit busy later to go outside"

Matagal tagal na rin pala no'ng nakapag kwentuhan kami.

"Pwede naman tayong mag inuman kung gusto-*Pak* aw!"-Dad

"Ang aga aga inom nanaman ang nasa isip mo."

"It's a man thing Hon. besides they are all in legal age to take alcohol. Di natin alam baka nakikipag inuman na sila sa labas kahit hindi sila nag papaalam diba Johnny?"

Napangiwi ako

"I use to live in states Dad, what do you expect me to do there? To be a saint?"

"Oh? Bakit ako ang inaaway mo? Si Mommy mo ang awayin mo. I'm fine with you drinking"

Nag tuturuan pa sila ah?

"I'll buy a coffee later then we'll talk later Allen. I'm going"

"My kiss?"

"Mom?! Nakaka bawas talaga ng kaastigan."

Bumalik ako saka hinalikan si Mom. Hays nakakahiya kay Kath. Bibihira lang kasi kami mag sabay sabay mag almusal.

"You're so cute Johnny"-Kath

"Stop teasing me Kath"

"Goodbye son"-Dad

"Bye Jhon"

Kumaway ako sa kanila at lumabas na ng bahay.

"You shouldn't tease me like that"

Napailing nalang ako. Bakit ang hilig nilang mang asar ng gano'n at bakit ang bilis ko namang tamaan sa gano'ng salita?.

Sumibat na ako papunta sa school at ang nakakapanibago pa do'n ay naka parada na ang motor ni Raya sa tabi ng parking space ko na parkingan niya dati.

Mataman kong pinasadahan ng tingin ang motor niya. Grabe nakakapanibago, halos isang buwan din akong walang katabing motor dito.

"Namiss mo ba ako?"

"AYMOTORNIYA!-Ano ba?! Ba't ka ba nang gugulat?"

Napaatras ako dahil sa gulat at kamuntik ko pang maatrasan ang motor ko.

Kumakain lang siya ng lollipop habang walang emosyong nakatingin sa'kin.

Kumabog nanaman ang dibdib ko.

Ganiyang ganiyan siya no'ng una ko siyang makita sa dati kong school. Naaalala ko pa no'ng nginisian niya ako habang may lollipop siya sa bibig at saka umalis.

"Hindi kita ginugulat, masyado ka lang talagang busy sa pag tingin sa motor ko. Halos tatlong minuto na ako nandito."

Ano? Gano'n na katagal?

"A-ano ba 'yon?"

Nginisian niya ako saka kinuha ang bag niya sa motor niya.

Hindi ko 'yon napansin ah.

"Sabihin mo nga sa'kin.. pinangangalagaan mo pa ba ang image mo as a model?"

Bakit niya naman natanong 'yon? Out of nowhere bigla nalang siyang bibira ng ganiyan?

Akala ko ba hindi siya mahilig mangialam sa iba?

"Bakit? Hindi naman na."

Tumango siya at saka sinubo ulit ang lollipop niya.

"Pinag titinginan ka ng mga studyante rito. Kung wala kang image na iniingatan, ako meron."

Nagulat ako sa sinabi niya at saka natawa nang pabigla.

Tinalikuran niya ako saka nag lakad palayo.

"Saglit haha.. putcha parang lugi ka pang sa'kin ka nalilink ah"

Hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya habang sinasabayan siya mag lakad.

Wala naman na sa'kin kung makita pa ako ng iba o mag trending ulit ako sa social media.

"Oo, sobrang lugi ako kaya lumayo ka sa'kin. Nakakatakot ka, nginingitian mo 'yong motor ko. Hindi na ako mag tataka kung yayayain mong makipag date ang motor ko. Pero sinasabi ko sa'yo, hindi ko papayagan ang motor kong makipag date sa'yo, tandaan mo 'yan"

Hinarap pa niya talaga ako para lang sabihin ang mga wirdong bagay na 'yon at saka nag lakad ulit.

"Nababaliw ka na ba?! Bakit naman ako nakikipag date sa motor?"

Ano nanaman kaya natira nitong babaeng 'to at kung ano ano pinag sasasabi.

"Baka ikaw ang nababaliw? Kung hindi ako ang dahilan ng ngiti mo kanina ibig sabihin kursunada mo ang motor ko-"

"Nag almusal ka ba? Nababaliw ka na naman."

Napailing ako sa lakas ng trip niya ngayon.

"Bakit namumula ka? Kinikilig ka na naman ba sa'kin?"

Napahawak ako sa mukha ko saglit.

"Hoy! Tigilan mo nga ako sa pantasya mo babae."

Lalo lang ata akong nag init dahil sa mga sinasabi niya.

Huminto siya kaya napa hinto rin ako.

Inilapat niya ang mukha niya sa'kin habang diretsyong nakatingin sa mata ko.

"Uh-"

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa lapit niya.

"Napaisip lang ako kung bakit ang bilis mong mamula sa harap ko-"

Bahagya ko siyang inilayo.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Akala ko ba may image kang pinoprotektahan?"

Naiilang na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya at saka napa kamot sa gilid ng batok niya.

"Ano pang poprotektahan ko kung section ko palang hindi na talaga maganda.

Mauuna na ako, may date pa pala ako mamaya-"

Bigla kong hinila ang kamay niya

"Teka? Date?"

Inosente lang siyang tumingin sa'kin.

"Bakit? Nag seselos ka?"

Bigla akong napabitaw sa kaniya.

"Sino kasama mo?"

"Bakit mo inaalam?"

May halong pang aasar na aniya.

"Bakit? Bawal mo bang sabihin?"

Bigla siyang napaisip

"Hindi naman. Kailan ka pa nag karoon ng interes sa buhay ng hampaslupa, Mr. Almost perfect?"

"Bakit ba ang aga mo mang asar?"

"Dapat ba mamayang tanghali? O baka gusto mo mamayang gabi?"

May ngiti sa labing aniya.

'Sige, ok lang naman basta pupuntahan mo 'ko'

Ano?! Parang gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader ngayon.

"Can't you just tell me? Stop asking stupid questions"

"Then stop being stupid"

Muntik na akong mapanganga sa pagkamangha sa sinabi niya.

"Whatever, enjoy-"

Nilampasan ko na siya dahil wala nanamang patutunguhan ang pag uusapan namin. Mag aaway lang kami, masyado pang maaga para mabad trip.

"Si Mike"

Bigla akong napahinto sa pag hakbang at saka dahan dahang nag lakad pa atras para harapin siya ulit.

"Si Mike? Mag di date kayo ni Mike? Hoy babae, huwag mo akong agawan ng kaibigan ah"

Sininghalan niya ako saka nag lakad ulit pero sinabayan ko lang siya.

"Bakla"

Ayan nanaman siya.

"Sa'n naman kayo mag didate?"

"Tsk.. babalik kami doon sa mall para bilhin dapat ang bibilhin ko kahapon-"

"Sama ako-"

"Ano? Ayoko nga, hindi ako pumunta doon para mag baby sit 'no"

Bigla akong napangisi

"So baby mo ako?"

Pang aasar na tanong ko

"Oo baby kita"

Biglang nawala ang ngiti ko at napalitan ng kaba sa dibdib. Lintek na! Kelan ko ba maiisahan 'tong babaeng 'to? Lagi nalang akong nasusupalpal.

"Sama na ako, kailangan kong bilhin 'yong mga nasa basket ko kahapon-"

"Hindi na, bigyan mo ng pera si Mike at siya na ang pabayarin mo ng mga ipapamili mo. Bigla bigla kang nakikipag away kaya ka nag kakasugat. Tingnan mo 'yang baraso mo. Bakit tinanggal mo 'yong cast diyan?"

Napatingin sa may sugat ko.

Hindi rin halata ang pasa niya sa mukha, mukhang tinakpan 'yon ng make up.

"Ayokong makita nila Mama baka mag wala si Mama kapag nakitang may gano'n akong sugat."

Nag lagay lang ako ng bandaid sa sugat ko.

"Ok"

Natahimik na siya habang nag lalakad.

"That's it?"

Nag lakad lang siya

"Hindi mo man lang kukumustahin kung ok ako?"

"Nakikipag away ka pa sa'kin kaya paniguradong ayos ka lang"

Ano?! Basehan pala 'yon?

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nag kagusto sa'yo si Mike"

"Alam mo? Pareho lang naman kayong walang taste sa babae-"

"Anong wala? May taste ako 'no at mataas ang standard ko sa babae."

"Talaga? Gaya ng ano?"

"Basta hindi katulad mo"

Bigla siyang napatawa ng mahina

"Anong tinatawa tawa mo?"

"Kasi pareho tayo. Kung mag kakagusto man ako sa lalaki, sisiguraduhin ko nang hindi katulad mo."

Seryoso akong nakikinig sa kaniya.

Boom!

Para gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko para hindi niya ibalik sa'kin 'yong mga sinabi niyang 'yon.

Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng dinosaur na may pag buga pa ng apoy ng dragon.

"E-edi the feelings are mutual. Hindi ka naman maganda, matalino at mabait"

Singhal ko sa kaniya at saka inunahan siyang mag lakad

"Bastos 'yon ah? Bakit kailangan pa akong idescribe?"

Rinig kong aniya sa sarili niya.

Nakakabadtrip talaga siya.

RAFFY'S POV

Kausap ko ngayon sa harap ko si Tyro at Daniel dahil doon sa lalaking sumampal kay Crenz.

"'yong rapist no'ng bata? Nailipat na ba dito?"

Tanong ni Daniel habang may hawak ng mga papel na realated sa business nila.

"Hindi pa. Masyadong mabigat ang kaso no'ng mga 'yon kaya nahihirapan si Sandra na ipalipat ng kulungan 'yong mga 'yon. Baka tinatransfer palang sila ng kulungan, tambangan na sila ng mga tauhan ng mga Zaylous. Kapag nangyari 'yon, wala na tayong magagawa pero sinusubukan namang kausapin nila Sandra ang pamilyang Zaylous para pahirapan muna ang mga gagong 'yon bago patayin."-Tyro

Pasalamat pa nga sila binibigyan namin sila ng pag kakataong mabuhay ng kahit saglit eh.

"Iyong isa sa mga iyon, anak ng Senator. Mukhang hindi madaling kalabanin ang isang 'yon."-Tyro

Ano ngayon? Kapag kaming Sampung protector ang kumilos baka hindi makapalag sa'min. Protectors palang 'yon ah, paano nalang sila kung Jovians na ang kumilos?

Uminom lang ako ng juice habang nasa labas kami ng kulungan.

Paparating palang kasi 'yong gagong kumanti sa prinsesa namin.

"Kung nakita niyo lang si Crenz na mag pigil habang nasa harap namin 'yong limang 'yon, mapapayosi ka talaga sa nerbyos. Gusto niyang mag piring"

Mula sa pagiging busy ni Dan sa papers niya at sa pag lalaro ni Tyro sa cellphone niya ay nakuha ko ang atensyon nila.

"Gano'n siya kagalit?"-Daniel

Nagkibit balikat ako

"I don't know. Mas na trigger siya no'ng nalaman niyang isa sa mga magulang no'ng mga 'yon ay opisyal. Nawalan ng usad ang kaso dahil doon. Kung hindi namin piniga ang mga pulis na sangkot doon hindi namin malalaman kung ano ba talaga ang nangyari."

Nasa round table kaming tatlo. Kami lang libre sa mga oras na 'to dahil wala pang pinag kakaabalahan si Tyro at walang pasok si Dan ngayon.

"Anong ginawa mo sa mga pulis?"

Maarte akong uminom ng juice.

"Well.. inispinan ko sila ng balisong habang naka tali siya sa roulette. He even peed on his pants when I almost hit his balls"

Natawa ako habang nasa labi ko ang straw ng iniinom ko.

"Walang ginawa si Yara sa mga pulis?"

Umirap ako

"That child? Tss.. I told her that we're going to play but she pulled out a grenade rifle"

Malakas na tumawa ang dalawa. Inirapan ko sila

"Ang sabi ko sa kaniya dahan dahan lang na pag papahirap. Kung titirahin niya ng granada 'yon, paano pa namin mapapaamin ang mga hayop na 'yon? So ako nalang ang nag laro, pangit siya kabonding kapag kumukulo ang dugo niya"

Hindi nawala ang ngiti no'ng dalawa sa labi nila.

"You must teach her how to have fun."

Kaligayahan na talaga namin ang pahirapan ang mga masasamang taong 'yon. Kaya lang naman kami nagiging masama dahil sa mga masasamang 'yon.

"Hindi ka ba napapagod Raffy?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Daniel

"Pagod saan?"

"You're one of the Royal Special Protector, Royal successor, Royal New Generation assistant leader and a Jovian Royal. Ang dami mong role sa organization, and I find it so tiring"-Daniel

Napangiti ako dahil parang wala lang naman lahat, umiikot pa rin naman ang buhay ko sa kanilang mga kaibigan at pamilya ko eh, so parang wala namang pinag bago.

"Sa New Gen. ayos lang naman dahil hindi naman na kayo pasaway at may kaniya kaniya na kayong utak. Tinatawag lang naman ako sa meeting ng elders kapag may isang lumabag sa rules ng mga members ng New Gen. Eh halos wala pa naman sa 30 ang members new generation eh. Huwag lang kayong gagawa ng kalokohan, 'yong papatay nang trip lang, para hindi ako mahirapang ipag tanggol kayo. Isipin niyo ah, I'm a doctor not a lawyer"

*SLURP*

Wala na agad akong juice.

"How about the Jovian Royal?"-Tyro

Napangiti ako. Bakit ba kasi nila iniisip 'yon?

"What about it?"

"Mas mahihirapan ka kapag nabuo na 'yon."

"Hindi pa buo. Ano ba kayo? Huwag niyo ngang stressin ang sarili niyo. Let's party later and have some fun."

Yaya ko sa kanila dahil sayang naman ang mga pinamili kong party dress sa ibang bansa kung hindi ko magagamit.

Naka Jagger at plain white shirt lang kasi ako ngayon dahil may training ako sa loob nitong kulungan.

"Si Crenz naka itim, ikaw naka puti. Kaninong lamay ba kayo madalas nag pupunta?"

Siraulong Tyro 'to ah?

"Marunong naman akong mag palit ng ibang kulay ng suot. I do have a lot of clothes on my-"

"Alam mong mas maraming damit sa'yo si Yara"-Daniel

Ngingisi ngising aniya.

"Ow? But she don't want to change her style"

Maarteng akong nag hand gesture.

"Sinusulit niya lang 'yong gano'ng style. Kapag bumalik siya sa magulang niya, alam mo naman ang magiging suot niya."

Sana nga pwedeng huwag nalang siyang mahirapan doon eh.

"Kapag nangyari 'yon madalas na kaming mag kakasama"

Napa imagine nalang ako sa mangyayari sa future.

"Uuwi siya sa kanila bago mag November. Isasama niya ang mga bata para mag bakasyon saglit sa kanila"-Tyro

Bigla akong naintriga. Hindi kasi ako pwedeng sumama eh.

"May posisyon naman si Tito sa probinsya, paniguradong ligtas sila doon."

Umalis sa pag kakasandal si Tyro.

"May binigay na assignment kay Yara at Tito doon sa probinsya-"-Tyro

"Kasama si Tito? Buti hindi nambalibag si Yara?"-Daniel

Tumawa si Tyro

"Gago, si Mr. Homer ang nag sabi sa kaniya. Kung binalibag niya si Mr. Homer edi nag kagulo na ngayon. Matalino rin 'yon eh, alam na alam niyang mag rereklamo si Yara kaya siya na ang nag sabi"

"Oh tapos?" Usisa ko

Lintek HAHAHAHA.. para kaming mga chismoso sa pinag uusapan namin. Halos lahat ata alam ni Tyro.

Kay Hans halos galing lahat ng mga transaction ng organization at inaupdate lang si Tyro, saktong sakto naman ang pinag kukwentuhan niya dahil spreader ng chika 'tong si Tyro. Daig pa ni Tyro ang mga babaeng chismosa sa kanto kung makipag kwentuhan ng mga latest happenings ng organization eh.

"Medyo hindi rin makakapag bakasyon ng matino si Yara doon dahil sa assignment. Pero ayos na rin 'yon kaysa naman mag bilad siya sa araw sa kakatanim at kakadilig doon. Let the kids do it"-Tyro

"Aalis ka na Tyro?"

"Oo, sa sabado kailangan na naming umalis ni Yasy."

Ano raw?

"Bakit kasama 'yon? Kararating lang niya-"

"Hayaan niyo na. Gusto rin naman niya dahil balita ko kapag bumalik siya galing sa ibang bansa, papayagan siyang mag stay ni Yara sa bahay niya. Ewan ko ba sa dalawa niyang pinsan. Halos angkinin na nila pareho si Yara eh"

Tukoy niya kay Nina at Yasy.

Halos lahat naman kami gustong makasama si Crenz ng matagal.

Mas masarap kasama ang taong ayaw ng may kasama at mas masarap kulitin ang taong ayaw mag pakulit kaya kay Crenz kaming lahat.

Pati na ang mga pinag daanan ni Crenz no'ng bata pa kami. Mas mahirap ang naging buhay niya kaysa sa'min, kaya ngayon lang kami bumabawi sa kaniya.

Kahit nahirapan siya noon, wala kaming narinig na reklamo mula sa kaniya.

Napakunot noo ako nang may matanaw akong tatlong pamilyar na pigura.

"Here they are"

Akala ko ayaw nilang pumunta?

Sabi ko at saka nag cross arm at seryosong naka tingin sa tatlong iyon.

Parang mga model na nag lalakad sa initan si Nina, Chelsea at Yasy.

"Hoy! Dalian niyo nga. Para kayong mga tanga"

Bigla silang tumakbo palapit sa'min

"Ang init"

Reklamo nila nang nakarating sa'min.

"Ang init na nga tapos para pa kayong rumarampa doon"

Tumayo si Tyro para asikasuhin ang girlfriend niya. Mukhang ayos naman na sila, ganiyan na sila lagi.

Bigla naman akong napatingin kay Chelsea at Daniel.

Para silang ewan. Si Dan nakatingin sa papel while Chelsea..

"What's with that stare?"

Takang tanong ko sa kaniya.

Inirapan niya ako at saka umupo sa tabi ko. Nakipag apir naman sa'min si Yasy.

"Long time no see babe"

Hindi ko pinakawalan ang kamay niya.

"You look so hot"

Puri ko sa kaniya

"So would you court me na ba?"

Maarteng tanong niya na ikinatawa naming lahat.

"Mapag uusapan din natin 'yan"

Humalik si Yasy sa pisngi ko at tumabi sa kaliwa ko, nasa kanan ko naman si Chelsea, sa tabi ni Chelsea ay ang ex niya tapos si Nina, Tyro at kay Yasy na.

"Parating na raw ang sasakyan 'nong mag dadala dito sa lalaking 'yon"-Daniel

Aniya saka nakatingin sa phone niya

"Bakit ba kasi niya sinampal si Crenzy? Wala kaming nakuhang sagot kay Crenzy kung bakit umuwi siyang may bangas sa mukha. Gusto niyo bang patayin ko na 'yon-"

Pinigilan namin siya.

"Calm down babe. Tingnan natin kung kayang mapa tumba ni Raffy 'yong dambuhalang 'yon."

Inirapan siya ng girlfriend niya

"You'll let a girl bit that ogre?"

"I'm not just a girl"

Nakangiting paalala ko sa kanila

"But we don't want you to get hurt"-Yasy

"You're so sweet honey"

Malambing na sabi ko kay Yasy

"Thank you"

Nginitian namin ang isa't isa.

"Nag totomboyan na naman kayo? Wala na kayong ginawang dalawa kundi mag harutan kapag mag kasama kayo. Balita ko last year nag kasama rin kayo sa NY ah, anong ginawa mo do'n Yasy?"-Nina

Naalala ko na naman ang gala naming 'yon. Napaka ganda ng mga napuntahan namin at ang sarap balikat ulit.

"Nothing, I called her because I have a free time to travel then we go outside to play"

Napangisi ako at napadako ang paningin ko kay Chelsea na seryoso lang at nakatingin sa kawalan.

Kinausap ko siya habang nag kukwentuhan naman ang iba.

"Do you want some drinks? I'll buy it, name it."

Doon lang siya natauhan at tumingin sa'kin

"You just left without waking me up, what do you expect me to feel?"

Napangisi ako.

"Hindi ako mahilig mag paalam, alam mo namang halos pareho lang kami ng ugali ni Crenz pero mas mabait ako ng 3 times sa kaniya. Maaga rin akong umalis kanina and ayaw kitang gising-"

"But that's your house, you should wake me up if you're going to leave"

May kunot noong aniya.

Nag kibit balikat nalang ako.

"Hindi mo pa naman nasusunog ang unit ko diba?"

Inirapan niya ako

"Unfortunately it's still good. Don't worry, the next time that you'll leave without giving me a notice, I'll throw a grenade in your house"

Bigla akong napa tawa ng mahina.

"C'mon, let's just order some drinks to chill you out"

Tumayo ako at saka pairap din siyang tumayo.

"Anong iinumin niyo?"

"Pineapple juice"

Sabay na sabi no'ng dalawa.

Pabiro ako sumaludo sa kanila gamit ang dalawa kong daliri at saka ngumiti sa kanila.

Inakbayan ko si Chelsea

"Aigoo! You're so small"

"Argh! Stop it"

Inalis niya ang braso ko sa balikat niya saka ako sinamaan ng tingin.

Ang tangkad ko pala HAHAHAHAHA kapag talaga siya ang katabi ko mas lalong nag hahighlight ang tangkad ko.

Itong lugar na 'to hindi 'to talaga kulungan. Dinadaan lang dito ang bilanggo para turuan ng leksyon tapos mag sistay ng tatlong araw tapos ililipat ulit sa ibang bilangguan.

Nag order na kami pero nakasimangot pa rin siya.

"What's wrong with you?"

Hindi ko na mapigilang mag tanong ulit.

"Nothing"

Kunot noong aniya saka kinuha ang juice niya at nag patiunang mag lakad.

"Wait"

Hinabol ko siya pero nahabol ko nalang siya no'ng nasa upuan na kami pareho.

"Thanks"-Nina

Nakarinig kami ng papasok na sasakyan.

"Nandito na siya"

Tumayo na kami saka pumasok para doon sila antayin.

"Papasok na ako sa interrogation room"

Paalam ko sa kanila.

"Break a leg babe!"-Yasy

"Fighting"-Daniel

Chineer nila ako, nginitian ko lang sila saka pumasok sa interrogation room.

May dalawang silya at isang mesa.

Tiningnan ko ng maayos ang lugar na 'yon.

Halos walang lamang gamit dito at napaka plain.

Nang bumukas ang pinto ay agad akong napatingin doon.

"Ms. Raffy"

Sumaludo sa'kin ang isang pulis na kasama sa organization namin. Tinanguan ko lang siya.

"Pasok"

Utos niya sa isang matabang lalaki na kakaiba ang ngisi sa akin.

Gago 'to ah! Manyak pa ang bwiset.

Tinanggal niya ang pag kaka posas ng lalaki. Mas magandang laban 'to kasi walang lugi sa'min. Pareho kaming makakakilos.

"Kayo na po'ng bahala ma'am"

Lumabas na ang pulis at sinara ang pinto.

May salamin dito at nakikita nila mula sa labas ang pinag gagagawa namin.

NATHALIE'S POV

"Gusto niyo ba ng pop corn?"

Umalis kanina ang dalawang lalaki dahil may bibilhin daw sila kaya nag hintay nalang kami sa labas ng interrogation room at tinitingnan naming ang bawat kilos ni Raffy.

"I'm good"

Sagot ko dahil hassle sa ngipin 'yon.

"Just enjoy your food"

Sagot naman no'ng dalawa.

Ipinasok na ang lalaki.

"What's with that smile?"-Chelsea

Kakaiba kasi ang ngisi no'ng lalaki kay Raffy. Halos lamang lang ng dalawang inches sa height 'yong lalaki kay Raffy.

"Pinapainit niya ang ulo ni Raffy"

Iiling iling na sabi ni Yasy

"Should I go in?"

Tanong ni Tyro

"Tss.. hindi ka nga umuobra kay Raffy tapos papasok ka pa doon. Baka ikaw ang ibalibag ni Raffy kung gagawin mo 'yon"

Sagot ko sa kaniya at saka uminom ng juice ko

"Mas magaling naman akong lumaban sa lalaking 'yon"

"Edi common sense.. kung mas magaling ka doon sa lalaki, mas kaya siyang patulugin ni Raffy- uh? Sinong mas matangkad sa inyo ni Raffy?"

Bigla akong na curious sa height difference nila.

"Pantay kami, grabe sa pagiging halimaw niyan sa height. Kinuha niya ata ang height na para kay Chelsea- *pak* aw!"

Hinampas siya nang nananahimik na si Chelsea.

"Wala ako sa hulog ngayon Tyro ah"

Babala niya dito.

Kapag sila na ang nag aasaran nakikitawa nalang kami. Mag bestfriend nga talaga sila.

"Nag sasabi lang."

Hindi ko na sila pinansin dahil pinag mamasdan ko nang maayos ang gagawin ni Raffy.

"Kakayanin kaya ni Raffy 'yan?"

Tanong ko

"Sabi mo kakayanin niya"-Daniel

Ang laki kasi no'ng bwiset na 'yon.

Hindi ko magawang umupo dahil sa ayokong ma miss ang bawat gagawin nila.

*BLAG*

"Gosh"-Yasy

Pag labas palang no'ng pulis, lumapit na si Raffy sa lalaki at sinipa ang dibdib nito kaya napasandal ang lalaki sa pader. Idiniin ni Raffy ang paa niya sa dibdib nang lalaki. Pero kahit nasaktan ang bwiset na 'yon, nagawa pa rin talaga niyang tumawa.

"Nanginginig ako. Parang gusto kong pumasok sa loob at pag susuntukin siya."-Tyro

Sinenyasan ko sila na huwag maingay.

Inalis na ni Raffy ang paa niya sa dibdib nito at sinabihan siyang lumaban.

At nag palitan nga sila ng suntok at sipa. Lahat 'yon naiilagan ni Raffy at nasasaktan niya ang lalaki na ikinaiinis lalo no'ng lalaki.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit niya sinampal si Yara?"

Hindi ko na mapigilang mag tanong dahil sa gigil na mukha ni Raffy mukhang galit na galit siya sa lalaking yon.

"May isang babaeng naka sabay kumuha ni Yara ng isang item. 'yong item na 'yon parang last na stock na 'yon, promo ata 'yon. Tapos nag give way 'yong babaeng naka sabayan ni Yara sa pag kuha and umalis siya, tapos kinausap no'ng babae 'yang hayop na 'yan at mukhang nag inarte at nag iiyak iyakan sa harap niya. Tapos lumapit sa kaniya 'yang hayop na 'yan at sinampal siya ng malakas"-Tyro

That bitch!

Paduduguin ko ang bibig ng hayop na 'yon.

"Nasa'n 'yong bwiset na babaeng 'yon?"-Yasy

Gigil na gigil kagabi si Yasy dahil sa pasa ni Crenzy sa gilid ng labi niya. Pinagalitan pa niya si Crenzy dahil dapat daw umuwi nalang siya para walang gano'ng nangyari o dikaya'y dapat sinama nalang niya kami.

Si Mike? Bakit hinayaan niyang masaktan si Crenzy? At bakit nandoon si Liphyo?

Ang dami kong tanong. Bwiset din kasi 'tong si Crenzy eh napaka sipag mag kwento.

"I'll kill that girl"

Gigil na sabi ko.

"Sorry kayo. Naunahan na kayo ni Raffy paduguin ang mukha no'ng babaeng 'yon."

Sabay sabay kaming lumingon kay Tyro.

"Ginawa niya 'yon?"-Yasy

"Oo, kagabi pa nag iinit ang ulo niya dahil sa nangyari may Yara. Alam niyo namang mas affected si Raffy kaysa sa inyo kapag si Yara na ang usapan. Nag pigil lang 'yan kagabi tapos kaninang madaling araw pinakwento niya ako kung anong nangyari sa panonood ko ng CCTV ng mall. Inaantok na 'yan. Sabi niya wala pa siyang tulog mula kagabi dahil sa report niya at sa pag iisip niya sa nangyari kay Yara"

Grabe talaga.

"Eh kumusta naman 'yong babae?"

Napakamot sa mukha si Tyro gamit ang pointy finger niya at saka napaisip

"Kung hindi ko sinundan kanina si Raffy papunta doon sa babae baka napatay na niya. Namaga na ang nguso no'ng babae at- fuck!"

Nag madaling pumasok si Tyro at Daniel sa loob ng interrogation room kaya mabilis naming tiningnan ang nangyayari.

Nasa lapag na ang lalaki at nasa taas niya si Raffy. Sinapak niya nang sinapak ang lalaki na halos wala nang malay. Hindi na rin makilala ang mukha no'ng lalaki sa sobrang pamamaga.

"Wow! Lumingat lang ako saglit then burado na mukha niya.. wow! Walang kupas si Raffy"

Pumalakpak pa si Yasy kaya sinaway ko siya sa pamamagitan ng pag hampas ko sa kaniya.

"You're so evil"

"Serves him right"

Maarteng aniya.

Nilayo ni Daniel si Raffy doon sa lalaki.

"Akala ko malakas 'yang baboy na 'yan. Bumulagta sa babae hahaha.. paano pa kapag si Yara ang humawak sa kaniya? The 1 hit girl"-Yasy

Tama.. si Crenzy nga 'yong binansagan naming 1 hit girl dahil sa isang tira lang, halos mag hinalo na ang kalaban sa kaniya at nangingisay pa sila.

Siniko ko si Chelsea para kunin ang atensyon niya.

"Pakalmahin mo si Raffy"

Sabi ko sa kaniya.

Sinenyasan ko siya na pumasok sa pamamagitan ng pag galaw ng ulo na nag uutos na pumasok siya sa loob.

"Break na talaga sila ni Danny? Bakit naman? Sayang naman sila"

Bakit ka manghihinayang sa haba ng relasyon niyo kung hindi ka naman na masaya?

"Alam kong may mas better pa kay Chelsea para kay Dan."

Hinihingal na gusto pa ni Raffy na sapakin 'yong lalaki pero nilapitan siya ni Chelsea at sapilitang pinatingin sa kaniya.

"Pfft.. I'm sorry, they look like sisters"

Sa tangkad ba naman ni Raffy eh.

"Mas matangkad ako sa'yo-"

"What? 5'7 ako, how about you?"

"5'7 din"

Nag irapan lang kami.

Oo ganito talaga kami. Intense ang sitwasyon pero ang pinag uusapan namin ay walang katuturang bagay.

May nakabulagta na sa sahig pero nag tatalo pa kami tungkol sa height.

Tumingin si Raffy kay Chelsea.

"Guemanhae"

Simpleng sabi ni Chelsea sa kaniya.

"Will that calm Raffy?"

Mahirap kasing pakalmahin si Raffy, lalo naman si Crenzy. Pinaka mahirap pakalmahin si Crenzy dahil bibihira lang talaga magalit si Crenzy.

"We'll see"

Tumingin ng diretso si Raffy kay Chelsea na galit pa rin ang mukha.

"Bikyeo! naneun geuleul jug-il geos-ida!"

(Move aside! I will kill him!)

Galit na galit talaga siya.

"Gusto ko ring magalit pero nakuha na ata ni Raffy lahat ng galit ko eh"-ako

Kawawa rin 'yong lalaki.

"Calm your self or else Crenz will be mad at you. You're not supposed to be punishing him but because we want to teach him a lesson, we let you handle him. So now, stop it. Makakapatay ka na sa lakas mo"-Chelsea

Nakipag sukatan ng tingin si Chelsea at Raffy sa isa't isa.

Pinakawalan ni Daniel si Raffy.

Galit na nilampasan ni Raffy si Chelsea at saka huminto sa gilid ng lalaki at malakas na sinipa sa pwetan banda at inis na lumabas.

"Pfft.. may pahabol pa"-Yasy

Lumapit sa'min si Raffy at saka inagaw ang juice ni Yasy.

Masaya pang tumingin sa kaniya si Yasy.

"Hoy, 'yang ka demonyohan mo baka gusto mong bawasan. Kaya ayaw sa'yo ni Crenzy eh"

Maarteng sabi ko

"Ayos nang hindi mabait basta hindi plastik"

Ngisi niya sa'kin

"Uh? Hindi sa lahat nang oras magandang maging prangka"

"Bakit si Yara? Hindi niyo siya sinasaway kapag nagiging prangka siya."

"Si Crenzy? Alam mo namang wirdo siya- *pak* ah!"

Hinampas ako ni Raffy

"Kapag narinig kayo ni Crenz baka palayasin kayo sa bahay niya"

Wow! Concern ba siya o ano?

"Oh ano kalmado ka na?"-Yasy

"You should let me kill that bastard"

Inis na aniya

"If you killed him, Yara will kill you"

Napakamot nalang ako sa likod ng tenga ko.

"Nah nah nah.. Tara na, dami niyong sinasabi"

Pumasok na ang pulis at nag bow sa'min saka lumabas sila Tyro.

Nag lakad na kami palabas.

"Sa'n ka sumakay Raffy?"

Tanong ko

"I took a cab"

"Then come with me. I'll give you a ride"

Seryosong sabi ni Chelsea at saka pumasok sa kotse niya

"Let's hang out later. I want to drink"

Pag bibigay alam lang ni Raffy at saka sumunod kay Chelsea.

"Let's go babe"-Tyro

Inalalayan niya ako saka pinag buksan ng pinto sa passenger seat ng kotse ko.

Pumasok naman sa likod si Dan at Yasy.

"Tumambay muna tayo sa bahay ni Crenz tapos yayain na rin natin mag bar mamaya si Yara"-Tyro

Kung sasama siya?

Sa katamaran pa naman no'n baka mas gustuhin pa niyang matulog kaysa mag gala.

"Hindi sasama 'yon"-Daniel

"Atleast niyaya natin siya"-Yasy

"Hindi sasama 'yon kasi may lakad 'yon mamaya"

Nag paalam sa'kin 'yon na malilate siya ng uwi. Nag hihimala nga at nag paalam siya eh, dati naman aalis lang 'yon ng walang paalam.

"Let's go"

LIPHYO'S POV

Nag lalakad na kaming lima papunta sa parking lot dahil tapos na ang klase.

May mga gustong lumapit para mag pa picture pero dahil sa utos ng Principal dito, hindi sila makalapit sa'min pero may iilan pa rin pinapayagan namin.

"Sa'n ka ba pumupunta Rick kapag absent ka? Nagagawa mo talagang mag bakasyon habang may pasok ah"-Jhom

Inis na tumingin ako kay Jerick

"Oo nga, tapos sa'kin naman siya hinahanap ng mga teacher"

Tinawanan nila ako.

*Broom broom*

May biglang huminto sa harap namin. Akala ko pa mabubunggo niya kami kaya bahagya kaming Napa atras.

Nag tanggal siya ng helmet at inistand ang motor niya.

"Wooh! She's so cool"-Austin

Yung puso ko ata tumatalon na. Parang kumakawala sa dibdib ko.

Tumingin ako kay Mike

"Uy, gusto mo bang samahan ako sa mall?"

Maangas na tanong ni Raya kay Mike

"Baliw ka ba? Ganiyan ba dapat magyaya ng makakasama?"

Singhal ko sa kaniya.

"Paano ba dapat?"

Seryosong tanong niya

"Ayusin mo-"

"Ayos lang hehe.. sasama ako"

Ngiting ngiting sabi ni Mike.

Muntik na akong mapa singhal sa sinabi niya.

'Bwiset! Nag seselos ba ako?'

Hindi!!!

"Enjoy, tara na"

Inakbayan ko si Jerick at saka tinangay siya para malagpasan si Raya.

"Hoy, sabi mo sasama ka"

Gaya kanina ay napahinto ako at saka nag lakad pa atras parang nag bubunyi ang puso ko.

"TALAGA B- *ehem* hindi, wala akong sinabing gusto kong sumama"

Umayos ang tindig ko dahil sa itsura ng mga kaibigan ko.

Nginisian naman ako ni Raya.

Nag tiim bagang ako at saka walang boses na tinanong sa kaniya kung ano ang nginingisi niya sa'kin.

"Akala ko ba aalis na tayo- argh!"

Diniinan ko ang pagkapit sa balikat niya.

"Uh- kumusta Jerick? Nakain mo na ba ang binigay ko sa'yong prutas?"

Pag bati sa kaniya ni Raya

"Ah.. salamat dito"

Tinaas niya ang dala niyang plastic.

Nginingitian naman siya ni Raya.

Anong nginingiti ngiti niya? Ganiyan ba siya sa lahat ng mga lalaki?

Are you a nuts Jhonzel? She's introvert, hindi rin siya marunong ngumiti ng totoo.

Pero nakakainis pa rin.

"Aalis na kami-"

"Hoy Pula, sumama ka muna sa'kin. Vizarro mag kita nalang tayo sa mall, may dadaanan lang ako"

Wait? Ako raw?

Malamang Liphyo, ikaw lang naman ang tinatawag niyang Pula.

"Sa'n tayo pupunta?"

Pinaandar niya ang makina ng motor niya.

"Yieeeh.. nangangamoy love triangle"-Jhom

"Anong- manahimik kayo. Sa'n mo ba ako dadalhin ha?!"

Tanong ko saka umangkas sa likod niya.

Tinawanan ako nila Jerick.

"Tangina mo pre, kunware ayaw mo tapos- Sa'n mo ba ako daldalhin- pero nakasakay ka na sa motor niya"-Austin

Panggagaya niya sa'kin.

Tumingin ako kay Mike na halatang hindi totoo ang ngiti.

Ano sasabihin ko? Para akong nakikipag kumpetensya sa kaibigan ko.

"Kita nalang tayo bukas"

Paalam ko sa kanila.

"Oh.. sa kapal ng mukha mo, hindi mo muna tinanong kung gusto kitang isabay sa motor ko"

Abot niya sa'kin ng helmet.

Oo nga 'no.

Napapikit ako nang patago at napakagat labi dahil sa kahihiyan

"HAHAHAHAHA"

Tawa nila

"Paandarin mo na, huwag mo na akong ipahiya sa mga kaibigan ko"

Bulong ko sa kaniya.

Alam kong nakangisi nanaman siya. Nag suot nalang ako ng helmet para matakpan ang mukha ko.

"Kapit *broom!*"

Bigla akong napakapit sa tagiliran niya.

Pinaandar niya ng biglaan ang motor.

"Hoy! Lagi nalang ba tayong mag aaway dahil sa pag papaandar mo ng motor?"

Nakalabas na kami ng school

"Manahimik ka"

"Kinuha kuha mo ako tapos gusto mo lang akong manahimik"

Mabilis siyang nag patakbo.

"Bagalan mo naman ng konti, alam kong may lakad ka pero ayoko pang mamatay"

Sabi ko sa kaniya.

"Napaka reklamador mo"

Sinong hindi mag rereklamo? Kakabae niyang tao pero ako ang nag sasabing bagalan niya. Kung normal lang si Raya baka siya ang nag sasabi sa'king bagalan ko ang takbo ng motor, pero dahil nga abnormal siya, nag kabaliktad na ang lahat.

Pwede bang mag nakaw ng konting paghanga?

Ayokong dumating ang araw na mag pigil na naman ako tapos kailanganin kong lumayo para supilin ang nararamdaman ko.

Humawak ako sa balikat niya.

"Oh ano 'yan?"

Tanong niya sa'kin

"Kumakapit ako"

Simpleng tugon ko. Kung dati kasi ay gusto ko lang mang asar kaya kinakapitan ko siya sa bewang ngayon naman naging conscious na ako sa magiging tingin niya sa'kin.

"Himala?"

"Huwag ka nang mag reklamo"

"Huwag ka nang maarte diyan, nahawakan mo na ako lahat lahat tapos ngayon ka pa mag rereklamo?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Hoy! Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Tama lang talaga na hindi mo sinasagot ang hindi mo kilala dahil lalayuan ka talaga nila sa mga sinasabi mo"

"Totoo namang nahaw-"

"Kumapit ako sa tagiliran mo pero hindi ko hinawakan ang lahat sa'yo. Mag ingat ka nga, kababae mong tao-"

"Kalalaki mong tao napaka daldal mo"

Sino bang hindi mag rereklamo sa sinabi niya? Para akong manyakis sa tono niya.

"Tsk.. huwag kang kumapit sa balikat ko, baka magulo mo lang ang pag da drive ko. Sa bewang ka na kumapit."

"Ayoko"

"Tsk.. huwag ka nang mag reklamo, ikaw lang ang hinayaan kong lumapit at kumapit sa'kin ng ganito"

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko.

Tangina? Nababakla na ako!

Kumapit ako sa bewang niya.

Nakakainis? Away naman kami nang away pero bakit ko siya nagustuhan?

Susulitin ko na 'to kasi mamaya alam kong hindi na maganda ang mga mangyayari sa bahay at hindi ko magugustuhan ang pag sama niya kay Mike mamaya.

Makakasama niya ang kaibigan ko at pareho kaming may gustong sa kaniya.

Ayoko muna isipin ang mga mangyayari sa hinaharap kasi ayokong maulit ang nangyari sa'kin two years ago.

Huminto kami sa AIS coffee shop

"Bakit nandito tayo?"

"Baba"

Bumaba ako saka nag tanggal ng helmet.

Inayos ko ang buhok kong medyo mahaba haba na rin pala.

"Uh? Hindi ka pa ba mag papagupit? Ayos naman ang itsura mo pero mas aayos 'yan kapag nag pagupit ka"

Pag ka sabi niya no'n ay pumasok na siya sa loob ng shop.

"Bakit kailangan mo akong pakiligin? Mababaliw na ako sa mga sinasabi mo"

Sumunod na ako sa kaniya pero napahinto ako sa may pinto at tumingin sa guard doon. Siya pa rin naman ang guard doon.

"Hi kuya! Kumusta ka?"

Masayang bati ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa'kin na may bahid ng pagka ilang.

"Good afternoon Sir"

Bigla tuloy parang na conscious sa itsura ko kaya nag tanong muna ako.

"Kuya anong itsura ko? Maayos ba ang itsura ko?"

Inayos ko sa harap niya ang buhok ko.

"Maayos naman Sir, ang gwapo niyo pa rin po, pero kasi natatakpan po kasi ng buhok niyo ang kagwapuhan niyo. Hindi naman po kayo sinaunang tao"

Napahinto ako sa pag aayos ng buhok ko at saka dahan dahang tumingin ulit sa kaniya.

"Sinaunang tao agad?"

Tumingin ako sa paligid ko kasi baka narinig ni Raya, minus points 'yon.

"A-ah hindi naman-"

Tinawanan ko siya

"Joke lang kuya, ayos lang. Ano po ba ang gusto ng mga babaeng wirdo?"

Napatanga siya sa tanong ko atsaka lang ako natauhan sa tanong ko.

Mas nag mumukha akong wirdo sa tanong ko.

"Papasok na nga lang ako. Have a nice day kuya"

Paalam ko sa kaniya atsaka pinag patuloy ang pag aayos ng buhok ko.

"Hoy"

Hinampas niya ako ng mahina sa balikat ko

"Uy ano ba! Baka madanggi mo ang sugat ko"

Reklamo ko sa kaniya

"Oh ano? Ikakamatay mo ba 'yon? Malayo naman sa bituka mo 'yang sugat mo ah"

Watdapak?

Wala pa rin talagang nag bago sa kaniya simula no'ng una.

Nang niligtas ko siya mula sa muntik nang may sumagasa sa kaniya.

"Tsk.. ba't ba kasi tayo nandito?"

Ang ganda pa rin talaga nitong shop.

"Sabi mo diba gusto mo mag bake?"

Napukaw niya ang atensyon ko.

"Uh? Oo bakit?"

"Patikim ako ah"

Bigla akong napangiti.

"Sure"

Nag taka siyang tumingin sa'kin.

"Dito ka lang, kakausapin ko lang 'yong may ari nitong shop. Huwag mong ipakita ang pagiging weird mo dito ah"

Napanganga ako saka napaturo sa sarili ko habang tinatanaw siya papalayo.

"What? Ako pa ang weird?"

Naupo nalang ako sa malambot nilang upuan sakto namang sa gilid no'n ay may salamin.

Humarap ako sa salamin para tingnan ang sarili ko.

"Still handsome"

Puri ko sa sarili ko saka inayos ang buhok ko.

Nag picture na rin ako doon.

"Excuse me Sir. Sabi ni ma'am Crenz kung ano raw po ang oorderin niyo?"

Tumingin ako sa babaeng lumapit sa'kin

"Wala akong dalang cash ngayon-"

"Kapag po si ma'am Crenz ang nag sabi, libre na po kayo."

Uh? Gano'n din 'yong nangyari last month sa'min.

Time na siguro para kilalanin ko siya

"Bakit?"

Usisa ko

"Kaibigan niya po kasi 'yong owner"

"Owner? As in branch owner or the brand owner"

Nginitian ako ng babae

"Branch owner po"

Ahhh.. akala ko naman pinaka may ari talaga ng brand.

"Lalaki ba ang branch owner?"

Tumango siya

"Opo"

So 'yong kausap niya pala sa beach last time ay 'yong lalaking 'yon.

"How about her? Mag oorder din ba siya?"

Tumango ulit ang babae.

"Opo, Caramel Macchiato po"

"Ilan ang inorder niya?"

Baka kasi bigyan niya si Mike. Kapag binigyan niya si Mike, hindi na ako mag oorder.

"Isa lang po"

Napangiti ako

"Ok, Macchiato rin akin at isang Hazelnut. Ayos lang bang dalawa ang orderin ko? Babayaran ko nalang-"

"Ayos lang, kahit hindi mo na bayaran"-Raya

Uh? Nandito na siya?

"2 Caramel Macchiato and 1 Hazelnut. Anything else ma'am, sir?"

Umiling lang ako saka nginitian ang babae.

Umalis na siya para gawin ang inorder namin.

"Bakit mo ba ako dinala dito?"

Umupo siya sa malambot na upuan sa tabi ko.

"Para hindi ka mag selos dahil makakasama ko ang kaibigan mo."

Ikinalma ko ang puso ko at saka seryoso akong nangalumbaba paharap sa kaniya.

"Iyang kakapalan ng mukha mo, grabe na"

Sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya.

"Sayang kasi ang libreng kape. Kung ako lang ang makakalibre parang hindi naman mababawasan ang yaman ng may ari nito. Kung may gusto ka pa sabihin mo lang kay Carla iyong manager dito."

Ahh.. oo, naaalala ko siya syempre no'ng nakaraang buwan ko lang naman siya nakita at nakausap eh.

"Ayos na ako sa dalawang kape. Kakausapin ko si Allen mamaya kaya nag order ako ng dalawang kape- ano ba?"

Hinila niya pababa ang kamay kong nag aayos ng buhok ko

"Ano bang problema mo diyan sa ulo mo?"

Kunot noong tanong niya

"Wala.. inaayos ko lang"

Inosenteng sagot ko.

"Mula pag baba ko wala ka nang ginawa kundi galawin 'yang buhok mo. Daig mo pa ako sa pagiging conscious sa buhok mo."

Hindi ko na ginalaw ang buhok ko. Epal kasi siya, bakit kasi kailangan pa niyang pansinin.

"Tss.. thank you sa libre. Balak ko talagang mag kape kasama si Allen pero hindi ko naisip na ganito ka mahal ang bibilhin ko"

Tingin ko sa paligid.

May mangilan ngilang tao para mag kape.

"Ayos 'yan. Sa susunod na araw kung wala ka pang nagawa, kami na ang gagawa ng paraan."

Bigla akong nalungkot.

Nahihiya rin ako kay Raya dahil baka maisip niyang kagaya ko ang kapatid ko at baka lumayo siya sa'kin.

"Basta ipaubaya niyo nalang muna sa'kin 'to. Kakausapin ko si Allen at saka ko na sasabihin kina Mama. Ayokong mabigla sila Mama kaya huwag muna kayong makialam-"

"Magulang mo ba talaga 'yong ayaw mong mabigla o 'yong asawa niyang gusto mo?"

Nagulat ako sa sinabi niya

"'yan ka nanaman. Wala akong gusto sa kaniya at kaibigan lang namin siya ni Allen. Syempre ayaw ko ring mabigla siya 'no. Parte siya ng pamilya namin at kaibigan ko siya."

Seryoso siyang tumingin sa'kin

"Bakit ganiyan ka defensive?"

Paano ko ba ipapaliwanag ang sarili ko sa kaniya. Ayaw ko siyang ma misunderstood ako.

"Bakit ba ako nag eexplain sa'yo?"

Nag kunware na lang akong nag cecellphone.

"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?"

Napatigil ako sa pag so scroll at napatingin sa kawalan. Naalala ko na naman 'yong sakit na ikasal sa kapatid mo 'yong babaeng mahal mo.

"Oh diba? Sa itsura mo pa lang halata nang may something ka doon sa magandang babaeng 'yon."

Sabi niya

"Wala nga"

"Halata na bakit kailangan mo pang I deny?"

Huminga na lang ako ng malalim

"Ayoko nalang kasing ungkatin"

"Kasi masakit? Naramdaman ko na 'yan. Ang pangit lang sa sitwasyon ay 'yong kailangan mong piliting iwasan ang sakit pero hindi mo pwedeng takasan."

Tumingin ako sa kaniya at isa lang ang masasabi ko.

Ang ganda niya.

Halos mapatanga ako habang pinag mamasdan siya.

Gustong sumabog ng puso ko dahil sa nararamdaman ko.

"Sa'n mo hinugot 'yang line mo?"

"Sa tabi tabi lang"

"Haist.. wala talagang kwenta kausap"

Singhal ko sa kaniya pero deep inside napapangiti ako.

"Anong ginawa mo no'ng nalaman mong ikakasal na sila?"

Usisa niya.

Akala ko ba hindi siya nag uusisa sa personal na buhay ng iba.

"Wala.. nag panggap na ayos lang dahil wala naman akong choice kundi ang maging ok sa kasunduan ng mga Lolo namin."

Tumango siya.

"Eh 'yong babae? Gusto niya ba talaga ang kuya mo?"

Naalala ko 'yong mga ngiti niya noon.

"Natuwa siya sa balita at ang gaganda ng mga naging ngiti niya habang kaharap kami. Ngiting naka jackpot at ngiting wala nang iba pang kailangan kundi ang maikasal lang kay Allen"

Nagiging bitter nanaman ba ang tono ko?

"Bakit hindi ka nag sabi-"

"Kung nakikita mong masaya siya habang yakap ang isa sa mga importante sa'yo, pupusta akong hindi mo na tatangkaing pumagitna sa kanila."

Kunot noo lang siya habang patango tango.

"Ok. Sige kunware nalang naiintindihan ko"

Parang nabasag ang pag momoment ko sa pagiging inosente niya.

"Dapat kasi hindi ka na nag tanong"

"Tss.. siguraduhin mo nalang sa susunod na sasabihin mo na ang nararamdaman mo. Halimbawa ngayon, sabihin mo na sa'king gusto mo ko, sasagutin naman agad kita"

Seryosong aniya kaya halos uminit ang mundo ko. Nag ba blush ata ako.

Gusto kong gawin ang sinasabi niya pero ayoko, baka mamaya nadala lang ako ng mga sitwasyon.

"Eh? Namumula ka na naman. Tsk tsk tsk.. kinikilig ka na naman sa'kin?"

Pang aasar niya

"Pulahin naman talaga ang pisngi ko kaya huwag kang assumera"

"Ang pangit ba ng joke ko?"

"Sobra"

Pinakalma ko ang sarili ko dahil baka hindi ako makapag pigil at mayakap ko siya.

"Here's your coffee Ma'am, Sir"

Nilapag niya ang take out na coffee.

"Tawagan mo na si Mike"

Utos sa'kin ni Raya.

"Ano? Bakit ko naman siya tatawagan?"

Ininom niya ang kape niya

"Sabihin mong pupunta na ako sa mall"

Bahagya akong napahilamos sa mukha ko.

Ngayon alam ko na kung bakit niya ako sinama. Para ako ang cocontact kay Mike kapag papunta na siya dahil wala siyang cellphone, pero ang kapalit no'n ay ang libreng kape.

"Ginamit mo lang ako"

"Hindi ka na lugi 'no. Ang mahal niyang kape para lang sa isang tawag na gagawin mo"

Sabagay, give and take lang.

Nilabas ko na ang phone ko at saka tinawagan si Mike.

Sinabi ko sa kaniya na papunta na si Raya, sinabi niya na mag bibihis lang siya saglit at pupunta na rin doon.

"Saglit lang daw, nag bibihis na siya."

Tumango si Raya.

"Akin na 'yan"

Tiningnan ko ang gusto niyang kunin pero hindi ko naman matukoy kung ano 'yon.

"Alin?"

"'yang singsing, akina"

Naguguluhang nag papalit palit ako ng tingin sa singsing at sa kaniya.

"What?"

Inilahad niya lang ang kamay niya para hingiin 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay sa kaniya 'yon.

"Anong gagawin mo? Akala ko ba akin na 'yan?"

"Mag hintayan tayo bukas sa parking lot para dito sa singsing. May gagawin lang ako"

Ang weird niya talaga

"Huwag mong subukang palitan 'yan ah"

"Baliw ka ba? Bakit ko naman 'to papalitan?"

Napaisip din ako kung bakit ko nasabi 'yon eh.

"Wala basta huwag mong palitan. I like how plain it is."

Ibinulsa niya ang singsing.

"Sabi mo may ganiyan ka rin. Bakit hindi ko naman nakikita 'yon sa'yo?"

"Ayoko ng sagabal sa sa katawan kaya hindi ako nag gano'n."

Siya nga lang ang babaeng nakita kong wala man lang palamuti sa katawan at napaka plain lang.

"Pinapasuot mo sa'kin 'yang singsing na 'yan tapos hindi mo susuotin ang bigay sa'yo? It so unfair, hindi ko na rin susuotin 'yan-"

"Suotin mo 'to."

"Basta susuotin mo rin 'yong sa'yo"

Huminga siya ng malalim

"Oo na."

Edi paano ba 'yan? May couple ring na agad kami?

Nag text na si Mike na papunta na siya sa mall pero hindi ko muna pinansin.

"Nag text na siya?"

Umiling ako

"Wala pa"

Pag sisinungaling ko

"Sabihin mo sa'kin kung nag text na siya para makaalis na ako."

"Hindi mo man lang ako ihahatid sa bahay?"

"Ano ako? Driver mo? Manigas ka diyan"

Napanguso ako sa sinabi niya. Napaka sama ng ugali niya.

"Ikaw na babae ka, matapos mo akong kidnapin-"

"Walang makakapag patunay na kinidnap kita dahil kusa kang umangkas sa motor ko"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Oo nga 'no. Pero biglaan ka kasing nag aaya"

"Bakit? Gusto mo bang si Mike ang isama ko dito?"

"Hindi"

Diretsong sagot ko.

"Oh, ano pang nginangawngaw mo diyan?"

Talaga naman 'tong babaeng 'to!

"Wala"

Parang gusto ko na siya laging makita.

Nilabas ko ang cellphone ko at nag open ng camera

"Let's take a pic"

Sabi ko sa kaniya

"Ayoko nga"

Tumingin ako sa kaniya

"Bakit parang lugi ka pa?"

Inis na tanong ko. Nag mumukha tuloy akong pangit kapag siya na ang tumatanggi.

"Hindi ako nag pipicture"

Lumipat siya ng pwesto at umupo sa sofa. Sumandal at nag cross arm and cross leg na mukhang wala talagang balak mag picture.

"Ngingiti ka lang naman"

"Hindi ako ngumingiti"

Alam ko naman 'yon pero pwede bang mag kunware nalang siya.

Hindi ko siya pinansin at inayos ang camera ng cellphone ko.

Nasa kaliwang side ako at siya namang nasa likod ay nasa kanan.

Nakatingin lang siya sa labas habang naka cross arm at legs.

*CAPTURE*

Napangiti ako saka tiningnan ang picture.

Zinoom in ko ang pigura niya

"Shet"

Bulong ko sa sarili ko habang nakangiti. Kinikilig pa ata ako sa kaniya. Bwiset na kabaklaan 'to!

Tumunog ulit ang phone ko. Si Mike 'yon at sabi niya nasa mall na raw siya. Malapit lang kasi ang bahay niya sa mall na 'yon.

Nawala ang ngiti ko.

"Nasa mall na si Mike"

Sabi ko sa kaniya.

Tumayo siya at lumabas ng shop, sumunod naman ako sa kaniya habang hawak ang kapeng inorder ko.

Umangkas siya sa motor niya.

"May ibibigay akong helmet sa'yo bukas-"

"Talaga? Astig ba 'yan?"

Tanong niya habang nag papainit ng makina.

"Oo naman. Black 'yon at cool ang design."

"Bakit ka naman mag bibigay ng helmet? Malayo pa naman ang birthday ko."

Para talaga sa'kin 'yon eh, pero susubukan ko nang mag palapad ng papel sa kaniya.

"Wala lang. Hindi ako kumain ng matino sa loob ng dalawang linggo para lang mabili 'yon. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya ko na isang pitik lang ng daliri ko ay nandiyan na ang kailangan namin."

Totoo naman eh. Medyo angat kami ng konti sa isang kahig isang tuka pero hindi ibig sabihin no'n ay mayaman kami.

"Ok-"

"Pero tayong dalawa lang ang pwedeng gumamit no'n at wala nang iba. Huwag mo ring tangkaing mag angkas ng ibang lalaki sa motor mo."

Pinangunutan niya ako ng noo

"Ano ka batas?"

Alam ko namang mag rereklamo siya

"So mag aangkas ka nga ng iba sa motor mo?"

Nag suot siya ng helmet

"Ayokong may iba akong inaangkas at hindi ako mahilig mang angkas. Ibigay mo na lang sa'kin ang helmet na 'yon. Pangako, isa lang sa'ting dalawa ang makakagamit no'n."

Napangiti ako

"So ako lang ang iaangkas mo?"

"Parang gano'n na nga. Ikaw lang naman ang makapal ang mukhang bigla nalang umaangkas sa motor ko eh. Pwede rin namang iangkas mo ako sa motor mo. Minsan nakakapagod ding I drive 'tong si Blacky."

Kinatok niya ang lagayan ng gas niya.

Ibig sabihin may pangalan ang motor niya.

"Ok! Promise mo 'yan ah."

"Basta lagi mo lang alalahanin ang pinaka paalala ko sa'yo na hindi ka pwedeng mapahamak. Kapag alam mong nasa panganib ka tawagan mo lang ako."

Napangiwi ako

"Wala ka ngang cellphone-"

"Bibili ako mamaya pero hindi ako sumasagot sa mga walang kwentang text at hindi rin ako pala tambay sa cellphone. Kung wala ka at si Sandra, di ako bibili ng cellphone."

Halata nga.

"Tao ka pa ba?"

"Tao ako pero hindi ako normal"

Ayan ang madalas niyang sabihin 'yong hindi siya normal.

"Oo kasi abnormal ka"

"Tss.. alis na 'ko"

Pina sibat niya na ang motor niya.

"Ingat ka"

Bulong ko nalang.

Gusto ko silang sundan pero mas mabigat ang haharapin ko sa bahay.

Nag taxi ako pauwi dahil 'yon naman ang sinasabi ni Raya sa'kin noon na ako may pang taxi at siya wala kaya kapag lalabas kami ng magkasama dapat motor niya ang gamit dahil wala siyang pang commute.

Nag bayad ako pag dating sa bahay at pumunta agad sa study room namin.

Maraming libro dito at dalawang computer, may Xerox/printer machine at table dalawang study table.

No'ng mga bata kami dito ang tambayan namin ni Allen at mag aaral kami habang nag kukwentuhan at nag papatugtog.

Kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pinto.

Wala sila Papa, Sa'n naman kaya sila nag punta?

"Hey bro zup?"

Nilapag ko sa mesa niya ang kape.

"You really buy me a coffee ha?"

Natatawang aniya saka kinuha ang hazelnut

"I told you I want to hang out with you"

Nginitian ko siya.

"Thank you for efforts bro. Specially when Kath had a surgery."

Umiling lang ako habang natatawa. Ano ba naman 'to, parang hindi ko pamilya si Kath ah? Hindi na iba sa'kin si Kath

"Are you a nuts bro? Kahit naman hindi mo asawa si Kath gagawin ko pa rin ang gano'n kasi kaibigan ko siya at hindi dahil asawa mo siya. I met her first remember?"

Natatawang paalala ko sa kaniya.

"Of course I remember"

Nakangiting aniya.

Bigla akong natahimik.

Hindi ko alam kung paano ko I bibring up ang usapang 'yon sa'min.

"Something wrong bro?"

Mapakla akong napangiti sakaniya at uminom ng kape.

"Rate 1-10 how much you love Kath?"

Parang nag liliyab ang puso ko sa galit dahil nararamdaman kong totoo ang sinasabi ni Raya.

"What kind of question is that? Of course I love her more that 10. What's with sudden rating?"

Natatawa pa ring aniya.

"Well siguro gusto ko na rin mag ka girlfriend kaya nag tatanong ako HAHAHAHAHA.."

Nag tawanan kami.

"Then who's this unlucky girl?"

Uminom ako ng coffee

"Lagi ko siyang kaaway sa school, as in hindi matatapos ang isang araw na mag kasama kami na hindi kami nag aaway."

"Wow.. she really have something"

"She really do. But this is not a right time to tell her what I feel because I find it too fast. Ayoko naman sabihin niyang pinag titripan ko siya."

Tumango siya.

Iniisip ko na sana simpleng pag hanga lang 'to dahil ayoko mag invest ng kahit ano for now.

Mukhang kailangan ko muna siyang layuan ng ilang araw para makumpirma kung ano ba 'tong kidlat sa puso ko.

"Allen?"

Bumalik sa pag tingin sa papers si Allen

"Hmm?"

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Hindi niya ako tiningnan na mukhang wala pang ideya sa tinutukoy ko

"Alin?"

"Naka buntis ka ng ibang babae"

Natigilan siya sa pag babasa at saka dahan dahang tumingin sa'kin.

Hindi ko pa rin inalis ang ngiti sa labi ko.

Nanatili kaming tahimik. Hindi niya mahugot ang gusto niyang sabihin.

"Johnny.."

"Dapat ba akong naniwala doon?"

Kahit halata na sa itsura niya ang katotohanan, hinahangad ko pa rin na sana nag kamali lang sila Raya.

"Allen?!"

Para siyang walang balak na mag salita pa. Gusto ko siyang sapakin ngayon

"I'm drunk then-"

"Bullshit! Walang makakapag justify sa panloloko mo. Lasing ka o hindi alam mo ang ginagawa mo! Niloko mo si Kath at ngayon nilagay mo rin sa bingit ng kamatayan 'yong bata. Hindi mo ba alam na kapag sinilang ng walang ama ang bata, mamamatay ang mag ina? Kapag namatay sila, papatayin ka rin ng organization na kinabibilangan nila."

Gigil na sabi ko sa kaniya.

"Hindi ko 'yon sinasadya- *PUNCH*"

Tumayo ako para sapakin siya.

Tangina! Napaka gago ng mga rason niya!

"ANG GAGO MO! BINUNTIS MO TAPOS SASABIHIN MONG HINDI MO SINASADYA?!"

Ito na ang pinipigilan kong galit sa loob ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kath.

"Bakit ba kayo nag aaway?"

Lumapit siya kay Allen at saka tiningnan ang mukha nito.

Bakit nasasaktan ako sa pag aalala ni Kath sa kaniya?

Binalibag ko ang upuan sa sahig kaya nawasak ang ilang mga bahagi nito.

"Johnny! Stop it! Sinabihan ka na naming huwag daanin sa pananakit ang pag ka galit mo!"

Saway sa'kin ni Kath

"Why don't you ask your husband why I'm being like this? C'mon! Ask him!"

Hindi ko na alam kung paano mapapakalma ang sarili ko.

Nag katinginan lang ang dalawa. Walang nag salita sa kanila.

"WHAT'S GOING ON HERE?! JHONZEL! HANGGANG SA LABAS NG GATE DINIG NA DINIG NAMIN ANG BOSES MO!"

Dumating sila Mommy at parehong pumasok sa study room.

Sinipa ko ang mga naka kalat na parte ng upuan doon.

"Stop it Jhonzel!"

Saway ni Mama.

Nilapitan ko si Allen saka sinapak siya.

"Allen!!"

Sabay sabay na sabi nila.

"Tumigil ka na Jhonzel!"

Nag sisigawan na ang lahat dahil sa gulo namin.

"ANO BANG PROBLEMA MO JHONZEL!"

Dinulugan siya ni Kath sa lapag.

Mas lalo akong nainis sa itsura nila.

"Tumigil ka na Jhonzel!"-Dad

Lumapit ako kay Allen at saka siya kwinelyuhan.

"Ano ba Johnny!"

Pinipilit akong palayuin ni Kath kay Allen pero malakas ko lang siyang tinabig palayo kaya napaupo siya sa sahig.

Tinulungan siyang tumayo ni Mommy.

"Kung alam ko lang na gano'n ang gagawin mo sana tinutulan ko na ang kasal niyo noon palang! Tangina bro, dalawang taon akong nag mukmok sa ibang bansa para maka move on kay Kath tapos mambubuntis ka lang ng ibang babae?!"

Natahimik ang lahat sa sinabi ko.

Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya.

"Pakasalan mo 'yong babae o mamamatay ka. Dalawa lang ang pag pipilian mo"

Pabalagbag ko siyang binitawan at saka tumayo.

"Sinong nakabuntis? Nakabuntis ka Allen?"-Mom

Napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang luha kong nag mumula sa galit ko sa kaniya.

"Sasabihin ko naman- *SLAP*"

Sinampal siya ni Kath

"Sasabihin mo? Nababaliw ka na ba?"

Garalgal na tanong ni Kath sa kaniya.

"Kath please-"

"Hindi ko sinabing ayaw kong mag kaanak, ang sinabi ko lang ayaw ko munang mag kaanak tayo. Alam mo namang gusto ko 'tong course ko diba? Akala ko nag kakaintindihan tayo do'n Allen?"

Nag simula nang mag unahan sa pag patak ang mga luha ni Kath.

Nasasaktan ako sa itsura niya. Nasasaktan ako dahil na sasaktan siya.

"I took just one shot that night then I started doing things that I don't really do."

Sinapak naman siya ngayon ni Papa.

"Hon!"

Pinigilan siya ni Mama.

"Hindi ko alam kung saan ako nag kulang sa pag papalaki sa'yo ng maayos Allen.. nakabuntis ka at tinago mo 'yon sa'min!"

Sigaw ni Papa

"Ilang buwan na ang bata?"

"Walong buwa-"

"TUMAHIMIK KA! *PUNCH!*"

Halos mayanig ang utak ko sa lakas niyang sumuntok.

"ALLEN!!"

Ngayon naman, si Allen naman ang sinasaway nila.

Tinulungan ako ni Mama tumayo.

"Kaya mo ba sinabi sa kanila para masolo mo na si Katherine?! Gano'n ka ba ka inggit kaya mo kami sinisira?!"

"GAGO KA TALAGA-"

Sinubukan komg kumawala kela Mama na hawak ako ngayon.

"Ikaw ang sumira sa pamilya mo! Huwag mo akong sisisihin sa kagaguhang ginawa mo!

NIRESPETO KO ANG KASAL NIYO KAYA TUMIRA AKO SA IBANG BANSA! Hinayaan ko sa'yo 'yong babaeng mahal ko dahil ang sabi mo gusto mo siya at hindi mo siya sasaktan-"

"Gago ka.. tinanong kita kung gusto mo pa siya pero ang sinabi mo tapos na 'yon at masaya ka sa'min! Huwag na nga tayong mag lokohan dito!"

Gusto kong mag suntukan kami hanggang sa mapagod kami.

"Ikaw lang ang manloloko dito! Ano pang silbi kung sasabihin ko ang totoo noon?! Wala na diba? Kasi nagulat nalang ano na engaged na kayo at pareho kayong masaya kaya hindi ko na kayo ginulo kahit na ang buo kong sistema no'ng mga panahong 'yon gulong gulo na at wala nang ganang mabuhay pa! Nag kamali akong pinaubaya ko siya sa'yo noon!"

Punong puno ng tensyon ang buong silid.

"Kaya inaagaw mo siya sa'kin ngayon?! GANO'N?!"

"TUMAHIMIK KA NA ALLEN! HINDI MO BA NAIINTINDIHANG IKAW ANG MAY KASALANAN DITO? NILOKO MO KAMING LAHAT LALONG LALO NA AKO. WALONG BUWAN? SA LOOB NG MAHABANG PANAHONG 'YON PWEDE MO SA'KIN SABIHING NAG KAMALI KA-"

"AT ANO?! IIWAN MO KO GAYA NG GAGAWIN MO SA'KIN NGAYON?"

Napa hagulhol ng iyak si Kath sa harap namin. Ramdam ko sa boses niya ang sakit na tinatago niya sa loob niya.

"Let's have a divorce-"

"No no no.. please"

Pag mamakaawa ni Allen sa kaniya saka siya niyakap.

"I know I'm wrong I'm sorry please don't do this Kath. I can fix this"

Bakit hindi niya maintindihan na maaayos niya lang 'to kapag hiwalay na sila ni Kath? Mamamatay silang tatlo kapag nag pumilit siyang ayusin pa ang kanila ni Kath.

Nang hihina ako.

Naaawa ako kay Kath.

Raya? Where are you now? I need you.

"Lumabas na tayo, hayaan muna natin silang mag usap."

Utos sa'min ni Papa.

Lumabas kaming tatlo at binigyan ng privacy ang mag asawa.

"Clean yourself first Jhonzel"

Humalik ako sa pisngi nila pareho dahil hindi ako bumati kanina sa kanila pag dating nila.

"Sa kwarto po muna ako"

Tinanguan nila ako.

Matamlay na binagtas ko ang daan patungo sa silid ko.

Walang emosyong nilinisan ko ang katawan ko na para bang namamanhid ako. Wala akong maramdaman na kahit ano.

Walang kaba, galit, inis, tampo o saya sa nararamdaman ko.

Para akong nabuhay na walang nararamdaman.

Pero natatakot ako kapag nag karoon ako ng kahit anong emosyon, baka sumabog ako.

Tumunog ang cellphone ko.

Unregistered number 'yon

"Hello?"

Casual na bati ko

"Nasa baba ako. Dala ko 'yong mga bibilhin mo sana kahapon-"

"Raya? Paano mo nalaman number ko?"

Kumabog ang dibdib ko

"Nakabisa ko lang. Maraming lamok dito baka gusto mo akong babain?"

Sumilip ako sa bintana at nandoon nga siya sa labas habang nag kakamot.

"Bababa na 'ko"

Nag madali akong bumaba at lumabas.

Binuksan ko ang gate saka siya nginitian.

"Hi"

Walang emosyong tiningnan niya ako at napa dako ang tingin niya sa mukha ko.

"Ano 'yan? Idol mo ko? Bakit nag pa tattoo ka rin sa gilid ng labi?"

Tanong niya habang binababa ang isang plastic bag. Tinutukoy niya ay ang pasa niya sa mukha.

Tumayo siya para ibigay sa'kin ang mga pinag kukuha ko kahapon.

Huminto siya ng tatlong metro mula sa'kin.

"Ayos ka lang? Bakit ganiyan itsura mo?"

Lumapit ako sa kaniya at saka siya niyakap ng mahigpit.

Inilapit ko ang katawan niya sa katawan ko.

Sa sobrang gulat niya ay hindi kaagad siya naka react.

"Nanghihina ako"

Pag papaalam ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.

Nanatili lang ako doon ng mahigpit isang minuto.

Ang bango niya at na aadik na ata ako sa amoy niya.

Pinakawalan ko siya saka tiningnan ang itsura niya.

"Anong ginagawa mo?"

Busy siya nakatingin sa cellphone niya.

Lintek na utak 'yan? Nag eemote ako pero siya nag cecellphone lang.

Ibig sabihin habang yakap ko siya nag cecellphone lang siya?

"Ah? Eto? Nag si search ako kung paano mag comfort"

Napakagat ako sa labi para pigilan ang ngiti ko.

Nag hahalo halo ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako dahil sa nangyari kanina, natatawa ako sa ginagawa ni Raya at natutuwa ako kasi nandito siya.

"Abnormal ka nga"

Inosente lang siyang tumingin sa'kin.

"Eh ikaw? Anong tawag sa'yo? Bigla bigla ka nalang nang yayakap? Kapag hindi na kita under tapos nang yakap ka, ibabalibag kita."

Banta niya.

Kinuha ko naman ang binaba niyang grocery.

"Binayaran mo 'to?"

Tiningnan ko ang laman no'n.

"Anong akala mo sa'kin mayaman? Si Mike ang nag bayad niyan"

Ano pa bang i eexpect ko?

"Buti hindi ka hinarang sa gate?"

Nang haharang kasi 'yong guard doon lalo na kung hindi pamilyar ang itsura.

"Halos lahat ng guard sa mga village dito ay tauhan ng Organization kaya madali kaming nakakapasok."

Tumango ako.

Parang mahirap ngang banggain ang organization nila. Kapag siguro nakaaway ka nila mamamatay ka agad.

CRENZ'S POV

Mukhang nag ka usap na sila patungkol sa problema ng pamilya nila.

Sa itsura niya parang nahihirapan din siya.

"Gusto mo bang sumama sa'min?"

Wala namang masama kung isasama ko siya sa'min eh. Kapag nakasama ko siya mas mapapanatag akong walang masamang mangyayari sa kaniya sa probinsya.

"Sa inyo? Ngayon?"

Napa irap ako sa tanong niya

"Uuwi kami sa probinsya namin sa katapusan. Gustong sumama ni Mike kaya tatanungin na rin kita kung gusto mong sumama."

Kumunot ang noo niya na parang may ginawa akong mali sa sinabi ko.

"Bakit gustong sumama ni Mike?"

Hindi ko rin alam eh, pero mas masaya kapag marami kaming pupunta doon. Hindi ako lang ako ang pag iinitan ni Mama para utus utusan.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

Pinasok ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Pinayagan mo ba siyang ligawan ka?"

Ligawan ako? Hindi ko alam. Kaya ko lang naman siya sinama kanina para bumawi dahil sa nangyari kagabi.

"Gano'n ba 'yon? Kapag hinayaan ko siyang lumapit sa'kin, pinapayagan ko na siya?"

Takang tanong ko.

Dahan dahan siyang umiling.

"Pero kung wala kang balak sagutin si Mike pwede mo naman na siyang bustedin."

Pakurap kurap akong tumingin sa bahay niya pabalik sa kaniya.

Nagiging inosente talaga ako kapag ganito ang usapan.

Alam ko 'yong mga sinasabi niya pero hindi ko alam kung paano gawin.

"Uh.. tinitingnan ko pa kasi kung sincere siya. Tinitingnan ko kung ano ang kaya niyang patunayan sa'kin. Hindi naman nag mamadali ang kaibigan mo diba?"

Nawalan siya ng emosyon sa mukha.

Umiling ulit siya

"Mukha namang pag kakaibigan lang ang gusto ng kaibigan mo. Wala naman siyang sinabi sa'king liligawan niya ako."

Para lang siyang tangang nakatayo sa harap ko na bagsak ang balikat.

"Eh parang gano'n na rin 'yon eh."

Para sa'kin hindi gano'n 'yon.

Mas gusto ko 'yong sinasabi sa'kin para aware ako.

Marunong akong makiramdam kung sa kalaban ang usapan pero kung sa lovelife, mahina ako doon.

Sinasabi nga nila Nina na crush ko si Ryker pero hindi ko naman matukoy kung totoo 'yon.

Kausapin niyo na ako patungkol sa bugbugan huwag lang sa ligawan.

"Kayo lang ang nag bibigay ng malisya samantalang gusto lang naman ng kaibigan mong tulungan ako"

Nginitian niya ako.

Nababaliw na ba siya?

"So may pag asa si Mike?"

Napaisip naman ako sa tanong niya at saka nag kibit balikat.

"Hindi ako dyosa para hindi bigyan ng chance ang kaibigan mo. Magandang lalaki siya, matalino at galing sa magandang pamilya. Doon sa pa lang sa characteristics na meron siya sino pa ang tatanggi?"

Totoo naman eh.

Kung titibok ang puso ko sa kaniya hindi ko naman pipigilan ang sarili ko.

Naniniwala pa rin akong experience is the best teacher.

Pero kasi ngayon, wala pa sa isip ko ang mag entertain ng lalaki lalo na kapag alam kong makakasagabal lang sila sa mga priorities ko.

May reason din kung bakit Crenz Yara Vilarde ang pangalan ko at hindi pa ngayon ang oras para ipaliwanag sa iba kung bakit ganito ako.

"Tama naman. Huwag ka nang choosy dahil isang Mike Vizarro na ang lumapit sa'yo para mag palapad ng papel. Artista siya at maraming humahanga sa kaniya-"

"Wala naman akong pake doon eh"

Paalala ko sa kaniya.

Kasi kahit pinaka mahirap ka pa mundo o mamamatay ka o hindi maganda ang pamilyang pinanggalingan mo kapag minahal kita sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay mo kasama ako. Hindi ko hahayaang pahirapan ka ng mga taong naka paligid sa'tin.

Kung hindi kayang mag provide ng pagkain no'ng lalaking 'yon para sa'kin, tutulungan ko siyang maka kain kami.

Tonong walang kwenta dahil pwede nilang tanungin kung bakit ako hahanap ng lalaking hindi ako kayang pakainin pero ang point ko dito ay kahit ano ka pa o kahit sino ka pa, kung mahal kita gagawin ko ang lahat para sumaya at makuntento ka.

"Ano?"

"Wala akong pake kung artista, presidente o criminal ka pa, kung mahal kita, edi mahal kita."

Bigla siyang napangiti kaya nag taka ako sa itsura niya.

'Ganiyan ba kapag kaaway mo ang kapatid mo?'

"Paano kung anak ng manager at anak ng engineer?"

Ano raw?

"Oh anong meron?"

"Magugustuhan mo ba?"

Kumunot ang noo ko saka inalala ang background niya.

Syempre bilang under ko kailangan ko siyang I background check.

Ang Tatay niya ay isang engineer at ang Nanay naman niya ay isang manager.

Tinatanong ba niya kung magugustuhan ko siya?

Nginisian ko siya.

Inosente ako sa usapang romantic relationship pero may common sense or logic naman ako.

Tumalikod na ako saka pinainit ang makina ng motor ko.

Tiningnan ko siya na parang nag aantay sa magiging sagot ko.

"Hindi ko alam. Dipende kung kaya mo akong i handle. Weird ako at hindi pangkaraniwang babae. Hindi ako nang galing sa magandang pamilya at hindi ako marunong mag sintas ng sapatos. Magugustuhan mo pa ba ako?"

Nakangising tanong ko saka nag helmet at pinaandar na ang motor ko habang iniwan ko naman siyang nakatanga lang doon.

Alam ko namang nang aasar lang siya.

Huwag siyang mag alala dahil hindi ko naman seseryosohin ang tanong niya.

Kailangan kong isipin ngayon kung sino ang ipapakilala ko kay Mama na boyfriend ko.

Napa buntong hininga ako saka huminto sa labas ng village nila para tawagan si Darwin.

Kapatid ko si Darwin, matanda lang ako sa kaniya ng isa't kalahating taon. Parang ka edad niya lang si Sandra.

"Hello?"

Sagot niya

"Nasa'n si Darrin?"

Seryosong tanong ko

"Ate?"

"Uhm.."

Sagot ko sa kaniya

"Ate alam mo bang galit na galit si Mama sa'yo kasi hindi mo raw sinasagot ang tawag niya."

Sumandal ako sa motor ko.

"Nawala ang cellphone ko kaya hindi ko nasasagot ang tawag niyo. Kumusta si Mama? Pinapaalalahanan niyo ba siya sa mga gamot niya?"

Namimiss ko na sila

"Oo naman 'te. Umuwi ka na dito"

"Gusto mo bang sumama pag uwi ko dito? Dito ka na mag college sa Manila"

Syempre gusto ko ng magandang kinabukasan para sa mga kapatid ko.

"Bakit bigla ka namang nag tatanong ng ganiyan?"

Nahihiyang tanong niya

"Mag co college ka na, gusto ko sa kilalang university ka papasok para hindi ka mahirapan mag hanap ng mapapasukan mo."

"Sasabihin ko kay Mama 'yan 'te. Si Dada nasa bahay na. Nasa bukid pa ako kasama si Whacky, inaantay namin si Mang Isko-"

"Umuwi ka na"

Utos ko sa kaniya

"Pero 'te kailangan namin 'yong tela para bukas na ipapahiram ni Mang Isko"

Nag aalala lang ako dahil sa kinakalat na balita sa'min pati na rin sa assignment na binigay sa'min ng organization.

"Siguraduhin mo lang buo ka pang makakauwi sa bahay"

"Ano ka ba 'te. Nakalimutan mo bang sinanay din ako gaya mo"

Kahit pa marunong siya ng self-defence gusto ko pa ring hindi niya magamit ang natutunan niya. Kapag ginamit niya 'yon ibig sabihin lang no'n nasa panganib siya.

"Umuwi ka na agad kapag nakuha mo ang kailangan mo. Tawagan mo kapag nasa bahay ka na. Kakausapin ko si Mama"

"Ok 'te!"

Pinatay ko na ang tawag at saka nag drive na pauwi.