CRENZ'S POV
Nang dumating ang Martes, pumunta lang ako sa school para paki usapan ang mga teacher ko tungkol sa mga na miss ko sa school. Binigay naman nila lahat ng dapat kong habulin sa subject nila. Balak ko kasing hindi muna pumasok ng dalawang araw para mag pahinga sa bahay. Nakausap ko na rin ang mga ka banda ko na mag pa practice nalang ako sa bukas.
Wala naman silang magagawa kundi umoo.
Buong mag hapon lang ako sa bahay at nag sasagot ng mga kailangang sagutan. Hindi naman ako pwedeng mag quiz dito sa bahay, syempre may kadayaan na 'yon.
Walang magawa ang mga teacher kundi ang bigyan ako dahil sa rank ko sa school. Umaasa pa rin sila na may mag bago sa mga grades ko, iyong tataas pa.
Wala naman kasi akong ginawa sa room kundi ang matulog. 'yong pagiging officer ko nga sa school ginawan lang ng paraan ni Mr. Montilla para madalas akong nasa tabi ni Sandra.
Out of 738 students, ang rank ko ay pang 738, sa bagay na 'yon, wala nang magagawa si Mr. Montilla. Si Sandra ay nasa section 1 habang ako ay nasa section 13. Mas malapit ang tambayan namin sa room ko, iyon ang ikinaganda ng section ko. Marami ring benefit ang last section 'no, less expectation sa mga teacher. Karamihan din sa mga kaklase ko ay mga athlete. May mga tao talagang kulang sa talino pero mahusay sa mga sports, mas kampante ako sa section ko na 'to. Isang taon palang naman akong nag aaral dito eh.
Mga lalaki namin mahusay lang lumaban at matalino sa acads pero di naman sporty. Ata? Di ko kasi sila nakikitang mag laro.
Hindi boring ang buhay ko kung nakakatulog ako ng 18 hours everyday, kahit di tuloy tuloy basta nakaka 18 hours ako sa pag pikit masaya na 'ko do'n. Kaso nga lang may band competition pa.
Sana may mangyaring milagro at matigil muna ang foundation day namin pati na ang band competition. Sa November hindi rin naman ako makakapag pahinga dahil tutulungan ko sila Mama sa bukid tapos kasama pa ang mga bata kaya lalong hindi ako makakapag pahinga.
Tumingin ako sa orasan, mag si 6 pm na pala pero wala pa rin si Mil at Nina.
Tumayo ako at naligo ulit dahil trip kong lumabas ngayon mag isa. Lagi nalang kasi kapag lumalabas ako, kung di si Nina ang kasama si Hans naman nakakasama ko, ano pa kaya ngayong nandito na si Raffy.
Napailing nalang ako sa naiisip ko.
Lately lumalamig ang gabi dahil nga ber month na, kaya pag tapos ko maligo, nag suot ako ng t-shirt na itim at black jeans, pinatungan ko na rin ng itim na jacket. Kung sa iba puti, berde o asul ang pampakalma ng utak nila, ako itim.
Nag spray ako ng konting perfume.
In fairness sa kwarto ko pag balik ko dito sa bahay, malinis at walang na bago. Ang namiss ko lang talaga sa bahay ko ay ang motor kong tatlong linggo ko ring hindi nakita.
Bumaba na ako para mag sapatos. Lalabas na sana ako nang bumukas ang pinto.
"Crenzy? San ka pupunta?"
Alam niyo naman na kung sino ang nag tatawag sa'kin ng Crenzy.
"Lalabas lang, mag papahangin."
"Gusto mo bang ihatid na kita?"
Mukha siyang pagod na pagod at pinipilit nalang maging normal.
"Mag pahinga ka nalang. Aalis na ko"
Kinuha ko ang susi ng motor ko at nilampasan siya pero bago pa ko makalayo sa kaniya ay hinigit niya ako at niyakap ako.
Napakunot ang noo ko
"Stay still Crenzy, I miss your scent. I want to recharge"
Naguguluhang tumingin ako sa kung saan, aalisin ko na sana siya sa pag kakayakap niya sa'kin kaya lang naalala ko ang itsura niyang parang wala nang sigla.
Gaya ng sinabi ko dati, hindi ako nag tatanong ng mga bagay bagay sa kanila lalo na pag personal kaya hindi na ako nag tangkang mag tanong sa kung anong nangyari sa kaniya.
Mga ilang minutes lang siyang nandoon.
"Di ka pa ba tapos? Matulog ka nalang sa kwarto mo. Gusto ko nang sakyan 'yong jowa ko"
Gulat na umalis siya sa pag kakayakap sa'kin at saka hinawakan ang magkabilang braso ko.
Gulat din ako sa ginawa niya, kunot noong tumingin ako sa kaniya.
"May jowa ka?"
Tumingin sa kaliwa at kanan ang mata ko.
Hindi ba ang jowa mo ay mahal mo at nag papasaya sa'yo? Sa ngayon isa lang naman ang mahal ko at nag papasaya sa'kin, si blacky lang.
Dahan dahan akong tumango
"The heck?! Seriously?! Who's that dumbass wrench fucking guy?!"
Galit na tanong niya sa'kin.
Tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa'kin pero hinawakan niya ulit ako kaya nabigla nanaman ako.
Inalog alog niya ako na parang pinipilit akong sumagot
"U-uy.. uy, nahihilo ako"
Ginulo ko na ang pag kakahawak niya sa'kin dahil parang naaalog ang utak ko sa ginagawa niya
"Sino?!"
Ano ba 'to? Ba't ba siya nagagalit?
"Si blacky-"
"SINO SI BLACKY?!"
Ano bang problema niya?
Naririndi ako sa boses niya.
"Yung motor ko! Ano bang problema mo?!"
Naiiritang tanong ko.
Nag buga siya ng hangin.
"Haaaaay! Akala ko may boyfriend ka na. Nag aalala ako sa pagiging ignorante at inosente mo sa mga bagay na walang kinalaman sa organization."
Boyfriend?
Bigla akong may naalala
"Ang boyfriend ba, nakakain?"
Naalala ko kasi 'yong sinasabi ni Pula no'ng nakaraang linggo.
"A-ano? San mo natutunan 'yan? Sino nag sabi sa'yo niyan?"
Kunot noong tanong niya
Nag kibit balikat lang ako.
"HAHAHAHAHAHAHA"-Nina
Eh?
Kanina malungkot na matamlay siya tapos nagalit siya tapos ngayon tumatawa na siya.
"Gusto mo na bang mag pa konsulta tayo sa mga espesyalista Nina?"
Inosenteng tanong ko. Halos mamatay na kasi siya Kaka tawa.
Inosente ko lang siyang sinilip pailalim dahil nakayuko siyang tumatawa na nag pupunas pa sa mata niya.
Umalis na ba si Tyro? Bakit ganito 'tong pinsan ko? Umiiyak naman siya ngayon.
"Sorry hahaha.. *sniff" grabe talaga pagiging inosente mo Crenzy."
Nag tataka lang akong tiningnan siya
Madalas niya akong sabihan ng inosente pero hindi ko lang pinapansin dahil mas gusto ko pang unahin ang pag tulog ko kesa pansinin ang sinasabi niya, pero ngayong may energy ako para mag tanong, nag tataka na ako kung bakit niya sinasabi sa'kin 'yon.
Di kaya nag break ulit sila ni Tyro?
Pero pinag tatawanan niya ako ngayon.
"Sige, aalis na ako-"
"Teka"
Hinawakan niya ulit ako
"Ayaw mo ba talagang ihatid kita? Baka mawala ka ulit-"
"Mas matagal na ako dito kaysa sa'yo. Matulog ka na, may saltik ka ata ngayon eh"
Itinuro niya ang sarili niya
"Ako pa talaga?"
Langya! "Ka" nga diba? Alangan namang ako?
"Di na ko nakaalis dahil sa'yo. Huwag mo na ako tirhan ng pagkain, kakain ako sa labas ngayon-"
"Sama ako"
"Manahimik ka. Mag pahinga ka dito"
Lumabas na ako ng pinto at pinainit ang motor ko.
Binuksan niya naman ang gate.
Nag suot ako ng helmet.
"Drive safe Crenzy"
Kumaway siya sa'kin tsaka ko pinaandar ang motor ko.
Pinaharurot ko ng mabilis ang motor ko. Gusto kong libutin ang mga lugar na malapit sa'min dahil simula nang tumira ako dito puro bahay school at organization lang nila ang napupuntahan ko.
Napadpad ako sa isang park. Maganda ang tanawin at medyo konti nalang ang mga tao.
Pinark ko ang motor ko sa baba ng isang lugar na parang pa bundok ang itsura at inakyat ko 'yon dahil nasa taas no'n ang bench.
Ang sariwa ng hangin at medyo cloudy ang kalangitan pero mukha namang hindi uulan dahil hindi naman makapal ang ulap.
Lumanghap ako ng sariwang hangin at saka humiga sa upuang pahaba na 'yon kahit malamig sa likod ang bakal no'n.
Ito ang tinatawag na payapang buhay.
Walang nanggugulo PERIOD!
Kailangan ko na ng cellphone-
"Akala ko ibang tao ang nakita ko"
Napadilat ako nang may mag salita sa taas ko, bigla akong napa upo saka siya tiningnan.
"Long time no see Ms. Vilarde"
Siya 'yong kaibigan ni Pula na inaasar sa'kin ng kambal na may gusto sa'kin.
"Uhm!"
Tango ko lang sa kaniya
"Uy, kanina pa ako nag momotor dito ah, baka sabihin mong sinusundan kita."
Naka ngiting aniya.
"Wala akong balak mag tanong ng gano'n"
Ewan ah, pero hindi ako komportable sa kaniya. Baka dahil hindi ko pa siya totoong kilala.
"Baka lang naman.."
Umupo siya sa hinigaan ko
"Sasamahan na kita ah, wala ka namang ibang kasama eh"
Nakangiting aniya
"May magagawa pa ba ako? Nakaupo ka na?"
Bulong ko sa sarili ko
"Ha? May sinasabi ka?"
Seryoso akong tumingin sa kaniya.
"Wala sabi ko sorry doon sa issue na ginawa ko. Wala naman akong ibang magagawa sa nangyari na-"
"May boyfriend ka na ba?"
Nagulat at kinabahan ako sa tanong niya
"Wala"
Tumango siya at ngumiti.
Artista siya pero nag gagagala siya ngayon?
"Then who's Ryker?"
Iyon ba ang sinabi ko sa kaniya doon sa video? Si Ryker ang nakita ko sa kaniya?
Bwiset na hallucination 'yon.
"Kaibigan"
"Not your boyfriend?"
"Hindi"
Masaya siyang tumingin sa'kin.
Ilang beses akong napakurap habang nakatingin ako sa kaniya.
A-ang ganda ng ngiti niya.
"Ang gwapo mo pala"
Natigilan siya saka nag iwas ng tingin.
"Namumula ka rin?"
"Oo gwapo siya kaya huwag ka ngang basta bastang nag sasabi ng direkta sa kaniya. Lalo kang nag mumukhang inosente"
Sabay kaming lumingon sa bagong dumating.
"Nina?"
Inirapan niya ako saka lumapit sa side ko.
"Buti sinundan kita. Nag hahasik ka nanaman ng ka inosentehan. Pinapakilig mo siya oh"
Hinila niya ang kamay ko saka pinatayo ako.
"Ikaw naman, bakit mo sinusundan si Crenz? Stalker ka ba? Artista ka diba? Hindi ka ba natatakot na dumugin dito sa labas?"
Tumayo rin siya para harapin kami
"Nakita ko kasi siya habang naka motor-"
"Kakain kami sa labas, gusto mo bang suma-"
"YES!"
Tumingin sa'kin si Nina pero hindi ko nalang siya pinansin sa tingin niyang nag tatanong kung bakit niyaya ko si Mike.
Gulat din kami pareho sa bilis niyang sumagot eh.
"Should I leave you too alone?"-Nina
"Nandito ka na tapos aalis ka pa? Anong dala mong sasakyan?"
"I just took a cab"
Nakangiting aniya.
Pairap ko siyang inalisan ng tingin. For sure sa'kin siya sasakay, ayos lang naman sa'kin, mas mahalaga sa'kin ang kadugo ko kesa sa iba.
"I'm Nathalie Martin, Crenz cousin"
Iniabot ni Nina ang kamay niya para makipag kilala
"Mike Vizarro"
Nag shake hands sila
"Tara na"
Hinila ko na si Nina at saka bumaba sa parang pa bundok na 'yon.
Binuksan ko ang makina ng motor ko.
"Huy, sumunod ka nalang sa'min"
Maangas na utos ko sa kaniya kaya bahagya akong tinapik ni Nina
"Sure, lead the way"
Naka motor din pala siya, akala ko kotse lang ang kaya niyang paandarin.
Pinakondisyon niya na rin ang motor niya.
Kinuha ko ang isa pang helmet sa ilalim ng upuan ng motor ko.
"Sakay na"
"Really?!"
"Tsk.. dali na"
Mabilis siyang sumakay sa motor
"Dahan dahan naman, muntik nang matumba 'yong motor"
"Ihhhh.."
Pag iinarte niya.
Sinuot ko sa kaniya ang helmet ko.
Nakangiti siyang parang tangang nakatingin sa'kin
"Nababaliw ka na?"
*Click*
Nilock ko na ang helmet
"First time ko maka sakay ng motor"
Nag taka ako sa sinabi niya. Wala bang motor si Tyro? Ang alam ko meron ah.
"May motor si Tyro"
"Maarte ako"
Ngiting ngiting aniya.
Napabuga nalang ako ng hangin saka umiling.
Sumakay na ako sa motor
Yumakap siya agad sa bewang ko.
Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na naka yakap sa bewang ko.
Ang alam ko pagod siya ah, sinundan niya pa talaga ako? Loko loko talaga..
Pinaandar ko na ang motor ko.
"Bakit ka pa sumunod sa'kin? Dapat nag pahinga ka nalang sa bahay"
"Bakit ba ako nasa bahay mo?"
"Para guluhin ako"
"Tsk.. dahil sinundan kita."
Napangisi nalang ako. Alam na alam ko naman 'yon.
"Dapat nag pahinga ka nalang, mukha kang pagod"
Hindi na siya nag salita.
"Hoy, anong nangyari sa'yo? Huwag kang matutulong sa likod ko ah?"
Baka kasi makatulog siya eh
"Ang bilis kasi"
Natatakot na aniya.
Medyo napayapa naman ang loob ko. Binagalan ko ng kaunti ang pag papatakbo.
Hindi nag tagal huminto ako sa isa sa mga paboritong restaurant ni Nina.
Nag park na ako at nag park na rin si Mike at saka nag suot ng face mask at sumbrero.
Bumaba na kami pare pareho at pumasok sa restaurant na 'yon.
"Wala akong dalang card ngayon Crenz."
Nag aalalang sabi ni Nina
"I can pay"-Mike
Lumingon kaming dalawa ni Nina kay Mike.
"Ako na, may ipon naman ako"
"Babayaran nalang kita later Crenz"-Nina
"But I insist"-Mike
Bakit ba ang liligalig nilang mag kakaibigan?
"Ok"
"Plus pogi points ka do'n"-Nina
Anong pogi points sinasabi nito?
"Mauna na kayo sa loob, may bibilhin muna ako"
Sabi ko sa kanila
"Samahan na ki-"
"Maupo ka na sa loob, diyan lang ako sa malapit. Kapag wala pa ako ng 10 mins saka mo ako sundan"
Nginusuan niya ako.
"Mag order na kayo, nagugutom na ko"
Tinalikuran ko na sila.
Pumasok ako sa mall na malapit doon sa restaurant.
Nag tanong agad ako kung nasa'n ang blueberry nila at apple.
Agad naman akong inassist ng isang crew doon.
Kaso lang sa pila naman ako natagalan.
"Ma'am, dito nalang po kayo"
Sabi sa'kin ng isang lalaki na nasa cashier.
"Sigurado ka? Baka pagalitan ka-"
"Kilala kita, nakita kita sa R.O."
Seryoso akong tumingin sa kaniya saka lumapit na rin.
"Member ka?"
Nginitian niya ako saka iniscan ang bar code ng pinamili ko.
"Anak ako sa labas ng isang senior doon"
Nakangiting aniya, nag uusap lang kami ng pabulong.
"K"
"Ang cool mo talaga. Natutuwa akong makita ka ulit"
Nilagay niya na sa plastic ang pinamili ko saka ako nag bayad.
"Salamat, sana makita kita ulit"
Paalam niya.
Tumango nalang ako saka nag madaling lumabas ng mall dahil paniguradong paalis na 'yon si Nina sa restau.
Hindi nga ako nag kamali dahil nasa labas na siya at nag hihintay
"Ang tagal mo ah, ano 'yan?"
"May pag bibigyan ako ng prutas"
"Bakit? Sinong may sakit?"
Nag kibit balikat ako saka pumasok sa loob
"San kayo nakaupo?"
Nilead niya naman ako papunta sa upuan na nakuha nila.
Nasa pinaka dulo 'yon.
Pag dating ko doon wala pa si Mike.
Apat na upuan lang 'yon kaya katabi ko si Nina at ang pwesto naman ni Mike ay nakatalikod sa mga tao na sakto lang naman para hindi siya pagkaguluhan.
"Ang gwapo ng manliligaw mo ah"
"Huwag mo kong kausapin, inaantok ako"
Halos puno lahat ng table dito dahil na rin siguro sa sarap ng pagkain nila dito kahit mahal.
"Pero-"
"Mag c cr lang ako at huwag ka nang mag tangkang sumama, hindi kita buntot"
Pigil ko sa kaniya nang mag sasalita na sana siya ulit.
"Ok"
Nilayasan ko na siya saka pumunta sa CR.
Halos puno ang lahat ng cubicle at isa nalang ang walang laman.
Papasok na sana ako nang may humila sa'kin
"I'msorrythisisemergency"
Isang babaeng maganda pero mukhang nasa 30's or 40's na ang pumasok sa cubicle na papasukan ko na sana.
Bigla akong napangisi sa itsura niya. Mukhang taeng tae na siya.
Naka sandal nalang ako sa gilid ng cubicle na 'yon para mag hintay.
Wala lang parang gusto kong mang asar.
"Miss, may tissue ka na diyan? Gusto mong kunan kita ng tissue?"
May asar na tanong ko habang naka ngiti
*Proot*
Napa kagat ako paloob sa labi ko nang marinig ko 'yon.
"Are you mocking me young lady- *proot*"
Napatawa na ako ng mahina.
Nag si labas na ang mga tao sa cubicle at pinag titinginan ako pero wala akong pake.
"No, I'm being generous"
Kaming dalawa nalang ang tao dito.
"T-tissue"
Nahihiyang aniya
"Pfft.."
Pumunta ako sa machine vendor at saka bumili ng limang pack ng tissue.
"Anything else miss?"
May ngiting tanong ko nang iabot ko pa ilalim ang tissue, kinuha naman niya agad.
"Can you mind your own business now?"
Napangiti ako nang malaki dahil mukhang nahihiya na siya.
"Ok"
Malakas akong nag patunog ng paa para iparinig na umalis na ako sa labas ng cubicle niya saka malakas na pinatunog ang pinto sa pinaka dulong cubicle para isipin niyang pumasok na ako sa loob no'n. Pero dahan dahan akong lumapit sa ulit sa labas ng cubicle niya saka sumandal doon at nag cross arm.
Maya maya lang nag flash na siya at binuksan ang pinto
"TAENGKALABAW!"
Gulat na aniya saka napa atras pa ng kaunti.
Mula sa pagkakasandal ko sa gilid ng pinto ay bumaling ang ulo ko sa kaniya.
Kumuha ako ng toilet plunger saka iniabot sa kaniya.
"What?"
Pag tataray niya
"Hindi na flash 'yong dumi mo, hindi ko narinig na bumaba na, mukha kasing malaki 'yong nilabas mo kaya hindi kinaya"
May ngiti sa labi kong sagot sa kaniya
Pasimple niyang tiningnan ang cubicle saka nandiri ng konti pero nung tumingin sa'kin ay nag taray nanaman.
"Gusto mo bang ako na ang gumawa-"
Agad niyang kinuha ang plunger at saka nag lock ulit ng pinto.
"Pfft.."
Medyo natagalan na siya sa loob
"You want some help?"
"Don't you have something to do kid? Stop teasing me and just mind your own business."
Pag tataray nanaman niya
"Ok, aalis na ako Ms. Tissue-"
"Just get out!"
Tatawa tawa pa akong lumabas sa CR.
Umatras na ata yung tubig na lalabas sana sa pantog ko dahil sa kaniya eh.
"Miss? May tao pa ba sa loob?"
Isang matangkad na lalaki ang nag tanong sa'kin pag labas ko.
Tumango ako.
"May tinutulungan pa siya sa loob kaya hindi pa siya maka-"
"Hon."
Sabay kaming lumingon sa babaeng kalalabas lang.
Nginitian ko siya ng may pang aasar.
"Is it true?"
Tanong no'ng asawa niya
"H-ha?"
Kabadong tanong niya habang nag papalit palit ang tingin sa'min no'ng asawa niya
"Na may tinulungan ka sa loob kaya ka natagalan?"
Naging malikot ang mata niya
"Y-yeah, yeah"
Nakangiting aniya sa sa asawa niya.
"You're so cool right there ma'am"
Nag approved sign pa ako sa kaniya saka siya kinindatan.
"Kala ko kung ano nang nangyari sa'yo sa loob kasi sobrang tagal mo."
"H-ha? Hehehe"
Kabadong tawa niya.
Ang hirap naman mag pigil ng tawa
"I'll get going"
Sa huling pag kakataon ay nginitian ko siya ng may pang aasar.
Bumalik ako sa pwesto namin nila Nina.
"Tagal mo?"-Nina
Nag kibit balikat nalang ako.
Bumalik na rin si Mike dito kasama ang dalawang waiter.
"Ang dami naman nito?"-Nina
Binaba ng waiter ang order ni Mike.
Naka cross arm lang ako habang tinitingnan sila.
Ang bango
Umalis na rin ang dalawa nang mailapag na nila ang pagkain.
"Let's eat"
Nakangiting sabi niya
Kinuha ko ang isang plastic dala ko.
Bumili rin ako ng prutas para sa bahay
"Oh"
Tumingin siya sa'kin
"Nag abala ka pa-"
"Para kay Jerick 'yan"
"Pfft"-Nina
Pasimpleng tawa ni Nina
"Kay Jerick?"
Kakasabi ko lang diba?
Taka lang siyang tumingin sa'kin.
"Oo nga"
"Bakit?"
"Anong bakit?"
Bakit ba napapaligiran ako ng ganitong mga tao.
"Bakit mo bibigyan si Jerick ng ganito?"
"Kailangan ko pa bang mag explain? Hindi ba pwedeng ibigay mo nalang 'yan?"
Napakamot siya sa ulo niya
"Gusto mo rin ba ng ganiyan? Bibilhan kita-"
"No.. I'm good"
Nakangiting aniya
"Pfft.. para kayong bata. Kumain na tayo"
Fried chicken ang akin at may beef steak din.
"Gusto mo pa bang orderan kita ng iba?"
Matapos kong tumingin sa pagkain ay tumingin naman ako kay Mike.
"Ani.. gwaenchana"
"Ang galing may alam ka sa Korean language?"
Masayang aniya
"Tinuruan siya ng bestfriend niya-"
"Tumigil ka na Nina. Kumain ka na, kung ayaw mo kumain umuwi ka na"
Natahimik si Nina at saka kumain nalang.
"Bakit hindi ka pumasok ng ilang linggo?"
Tanong ni Mike.
Habang ako hindi makapag decide kung anong uunahin ko pagkain ko
"May inasikaso lang."
"Ano 'yong pinagawa sa inyo ni Mr. Montilla na kailangan niyo si Jhonzel."
Tumingin ako sa kaniya
"Sino si Jhonzel?"
Siniko ako ni Nina
"Gaga, si Liphyo 'yon"
Ahhh..
Pero ano yung pinapagawa- ahhh.. ayaw niya nga palang madamay ang kaibigan niya sa gulo namin.
"Ah.. wala 'yon. Tungkol lang sa school 'yon, di naman gano'n ka importante. Pero kung curious ka kay Sandra mo tanungin."
Umiling siya
"Bakit hindi ka pa kumakain?"-Mike
"Hayaan mo siya, ganiyan 'yan kapag namimili ng uunahin"
Pareho kasing masarap eh, gusto ko yung unang tikim ko palang gaganahan na ko sa pagkain dahil sa dami ng inorder niya gano'n kasi ako. Kapag naman medyo hindi pa naman hinahanap ng sikmura ko ang pagkain, inuuna ko 'yong di masarap para hindi ako ganahan kumain.
"Bakit kailangan mo pang mamili? Here!"
Sabay sabay kaming tumingin sa nag salita.
"Yashica!"
Tumayo si Nina saka sila nag beso.
Pero ang mata ko ay nasa dala na niyang Jollibee. Bigla akong natakam.
Napansin kong umupo siya sa tabi ni Mike
"Hi.. sino ka?"
Nag baba ng sunglasses si Yasy.
"I'm Mike Vizarro, schoolmate ako ni Crenz"
Hindi ko sila pinansin at kinuha lang ang laman ng paper bag na dala ni Yasy.
"Kelan ka pa dumating? Bakit hindi mo ako sinabihan?"-Nina
Nang maka kagat na ako ng chicken na dala ni Yasy saka ko sila pinansin.
Nakatingin sila sa'kin.
Napakunot noo ako.
"Yasy? Nandito ka?"
Takang tanong ko, doon lang kasi ako natauhan.
"Mas nauna mo pa talagang napansin ang dala ko kesa sa'kin ah."
Inirapan ko siya
"Priority first"
Tinawanan nila ako.
Wala nang emosyon ang itsura ni Mike.
Nag usap naman si Yasy at Nina.
"Uy"
Untag ko kay Mike.
"Ha? Bakit?"
Para siyang natauhan sa pagpansin ko sa kaniya. Para kasing pinag lalaruan niya nalang ang pagkain eh.
"Pwede bang mag order ka ulit ng isa pang steak?"
Nag liwanag ang itsura niya
"Kakainin mo ba 'yang inorder ko?"
Tumingin naman ako sa steak at sa fried chicken na inorder niya saka dahan dahang nilapit sa'kin.
"Bakit? Gusto mo bang kunin 'to?"
Halos yakapin ko na ang pinggan at ang Jollibee ko.
"Hindi hindi hahahaha.. ang cute mo naman. Wait, I'll be right back"
Tumayo siya ulit at pumunta sa counter.
"Sa'n pupunta 'yon?"-Nina
Nakatingin silang dalawa sa'kin
"Pina order ko pa ng isa pang steak"
Natawa ang dalawa
"Ang lakas mo talagang kumain kapag nauuna ang gusto mo."-Nina
"Alam ko"
Simpleng tugon ko kaya tinawanan ni Yasy si Nina dahil nabara ko siya.
"You know what? Just eat."
Pag tataray ni Nina.
"Ikaw? Bakit nandito ka? Nasa'n si Drei?"
Tanong ko kay Yasy dahil ang alam ko mag kakasama sila sabi ni Raffy eh.
"Nasa Africa sila ni Ryker. Sinaniban ata ng anghel at nag volunteer work doon."
Kumuha siya ng mga kinakain namin.
"Hindi ka pa nakakapag report, bakit ka nag pakita sa'kin? Alam na alam mo namang allergic ako sa pag mumukha mo diba? Lalong lalo na sa kaingayan mo."
Nag pout siya.
Daebak! Kyeopta..
"Mag papasundo sana ako sa inyo kagabi kaya lang alam ko naman na ang mangyayari."-Yasy
"Sino nag sundo sa'yo?
"Sila Hans"
Si Hans? Bakit hindi sinabi sa'kin ni Hans?
"Nang abala ka pa ng iba"
Pangaral na tono ni Nina
"Because you're not going to fetch me, aren't you Yara?"
Tiningnan ko siya
"Huwag ka nang umasa. Baka ipanalangin ko pang maligaw ka para hindi ka na makabalik."
Natawa sila
"That how you're going to welcome your cousin."
"I hate my blood"
Iling iling ko kaya natawa sila ulit.
"Can I sleep at your place Crenz?"
"Alam mo na ang sagot diyan."
"So it's a yes."-Yasy
"No"
Umakto siyang nag tatampo.
"Bakit kapag si Nina ayos lang tapos kapag ako hindi pwede? Nasa'n ang equality doon? Aalis ulit ako sa Friday kasabay ni Tyro. Why can't you be nice to me at least 3 days?"
Bigla akong napa isip. Kakauwi niya lang ah, bakit aalis agad siya ulit.
Namiss ko siya seryoso 'yon, lalo na ang kaingayan niya pero hindi ko naman expect na gano'n ka saglit lang ako mabubwiset sa kaniya.
"Why?"-Nina
"May assignment kami ni Tyro."
"Kapag bumalik si Tyro babalik ka na rin diba?"
Napaisip siya ng matagal
"Hoy?"
"It depends, if I have a reason to stay here again."
Ha? Eh ang alam ko lagi siyang nakabuntot kay Jigs noon ah.
"How about Jimiel?"-Nina
Nag kibit balikat siya
"I suddenly fell out of love"
Kumunot ang noo ko kasi parang may mali, hindi ganito si Yasy.
"Here's the steak"
Binaba ni Mike ang pinggan sa tabi ng pinggan ko.
"Thanks"
Tugon ko sa kaniya.
Naubos ko na ang pasalubong ni Yasy kaya bumalik na ako sa steak na inorder niya.
"Slow down Yara, we're not in competition."
Pinatong ko ang dalawang steak at saka hiniwa.
"Mawawalan ako ng gana kumain kapag huminto ako."
Sabi ko sa kanila habang puno ang bibig ko
Tinawanan nila akong tatlo
"Ok ok, may soft drinks naman diyan just in case mabulunan ka sana"-Yasy
Sinamaan ko siya ng tingin saka nag patuloy sa pagkain
"Uy, hindi ako model para titigan mo."
Naiilang ako sa titig ni Mike
"H-ha di naman ah"
Kumain na muli siya.
Sus! Kitang kita na idedeny pa, para siyang si Pula tss.. mag kaibigan nga.
"Familiar ka sa'kin"
Untag ni Yasy kay Mike.
"Siya 'yong dahilan kung bakit nasa balita si Crenz no'ng mga nakaraan, remember? 'yong sinend ko sayo'ng link."
So pinag chichismisan pala ako nitong dalawa habang wala ako.
"Tama ikaw nga, ikaw 'yong niyakap ng sinto sinto kong pinsan. Nako pag pasensiya-"
Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa
"Ah."
Daing niya habang pinapagpag ang sinipa ko.
"Kailangan mong mag stay dito para matulungan kami sa mga assignment na pang grupo, nahihirapan ako kapag si Nina at Chelsea lang ang tumutulong sa'kin. Pwede ka ring matulog sa bahay ko mamaya.."
Pahina nang pahinang ani ko
"Ano ulit 'yon?"
Pang asar niyang tanong.
"Kung ayaw mo-"
"N-no no no, of course I love it. I'll sleep beside you"
Hindi ko na siya sinagot kasi kahit ayaw ko ng katabi mas ayaw ko naman ng makulit at maingay, alam kong kukulitin niya lang ako kaya magiging maingay din siya. Ayoko ng gano'n.
"It's so unfair"
Pag tataray ni Nina
"What's unfair? You're butting in her life for a long time already"-Yasy
Wala na.. finish na.. nakumpleto na kaming tatlong babaeng mag pipinsan sa side ng Papa ko.
"I've never slept beside her"
"Ow? Was it my fault? Sleep beside your cheater boyfriend"
Sinamaan siya ng tingin ni Nina
"He's not a cheater"
"I was actually explaining that to you last year but you keep calling him a cheater."
Umirap si Nina
"He's a cheater"-Nina
Kung nasa'n ka man Tyro sana matisod ka para malaman mong tinatrashtalk ka ng girlfriend mo at ng pinsan niya.
Napansin ko ang buhok niyang iba ang kulay
"Hey? Bakit may kulay 'yang buhok mo? Kelan ka pa naging mais?"
Maangas na tanong ko sa kaniya
"I'm taking part time job in New York as a model. They suggested it. How do I look?"
Sumubo ulit ako.
"You look like Spanky"
Napangisi ako. Aso kasi ang tinutukoy ni Nina
"Excuse me? Marami kayang nanligaw sa'kin sa ibang bansa dahil sa kulay na 'to."
"Wala ka sa ibang bansa kaya mag pakulay ka ng itim."
Sabi ko sa kaniya
Napanguso naman siya.
"After na ng assignment ko sa-"
Tumingin kami kay Mike na tahimik lang. Hindi nga pala kami dapat nag uusap ng kung ano sa harap niya.
"What?"
Inosenteng tanong niya
"I'm Yashica Melfier"
Pakilala ni Yasy
"Hello"
Bati nalang ni Mike
"Anong klaseng mahika ang meron ka at nakasama mo sa dinner ang Crenz namin?"
Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang ng fried chicken.
"She invites me."
Mukhang ginigisa na siya ng dalawa ah.
"Oh? Really? How come?"-Yasy
"I saw him following Crenzy"-Nina
Napailing nalang ako.
"You like our Princess?"-Yasy
Sige lang, galingan niyo manggisa. Wala naman kasi akong pake kung may mag kagusto sa'kin eh, hindi ko naman kasi alam ang pasikot sikot ng words na like at love.
"A-ah.. ah-"
Bigla akong natawa ng mahina. Ganiyan din kasi siya no'ng nag pakilala siya sa'kin noon.
"Don't mind her, she doesn't even know what we are talking about. She's clueless about romantic relationship"
Napakunot noo ako
"Ano 'yong romantic relationship?"
Tanong ko.
"Crenzy, hindi ba ilang beses ko na inexplain sa'yo 'yon?"
"Ahhh.. sabi mo gaya ng sa inyo ni Tyro. Wala akong makitang-"
Tinakpan ni Nina ang bibig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pardon her.. if you like her, better to back off. Ma fufrustate ka sa kainosentehan niya. Dating is not her style"
Wala akong oras sa gano'n. Para sa'kin ang pakikipag date ay pag aaksaya lang ng oras.
"Unless you'll make a black magic that you can enter her dreams and have a date with her inside it"
Natawa ang dalawa.
"Sinisiraan niyo ba ako?"
Seryosong tanong ko sa kanila
"Of course not. We're actually helping you to have more time to your hobby"-Yasy
Ahhh..
Napatango ako, tumawa naman silang dalawa.
Mukha naman sinisiraan nila ako eh, ayos lang hindi naman kasi nalalayo sa katotohanan.
"Alam mo kasi Mike, limited lang ang nararamdaman ni Crenz sa mga tao. Most of them is love for family and security for friends. Hindi niya gustong may napapahamak sa mga kaibigan niya. Thinking about romance? Puputi muna ang buhok mo bago mapaisip ng gano'n si Crenz.
"Nag karoon ka na ba ng crush Crenz?"
Tanong sa'kin ni Yasy
"Ewan, hindi ko alam"
Umirap si Nina
"Naaah.. hindi niya lang alam pero nag ka crush talaga siya kay Ryker"
Tumingin lang ako sa kanila.
Seryoso lang ang itsura ni Mike pero paminsan minsan ay tumatawa rin.
"Payong kakilala lang Mike Vizarro hahaha.. kapag bumalik na si Ryker, mawawalan ka na ng chance kaya ngayon palang suyuin mo na si Crenz-"
"Tigilan niyo na 'yan"
May bantang ani ko sa kanilang dalawa
Ryker is a good friend pero gaya ng sinabi ko, wala pa sa isip ko ang makipag date dahil aksaya lang sa oras ko 'yon.
"Ikaw? Gusto mo ba ako?"
Parangkang tanong ko kay Mike.
Gulat namang tumingin sa'kin si Mike habang yung dalawa nag tatawanan na ng mahina.
"A-ano ano kasi-"
Sumubo ako ng maangas sa harap niya saka siya tinitigan
"Wala naman akong balak patigilan ka sa nararamdaman mo kasi kahit anong sabihin ko hindi ka rin naman susunod. Pero sinasabi ko na sa'yong wala ka gaanong maaasahan sa'kin. Mas trip kong matulog at maging baby sitter kesa gumala."
Bumungisngis na naman ang dalawa
"She's hopeless, I told you"-Yasy
Naiilang na nag alis ng tingin sa'kin si Mike.
"So it means you're NBSB?"
Kumunot ang noo ko saka tumingin kay Nina na nag tatanong.
"Sabi niya kung hindi ka pa raw nag ka boyfriend since birth."
Paliwanag ni Nina
Tumango ako saka pinatong ang siko ko sa mesa at tinuro ang sentido ko ng ilang beses.
"Common sense"
"HAHAHAHAHAHAHA"-Nina/Yasy
Napangiti naman ng malawak si Mike at bahagya ring nakikitawa.
Ewan ko sa mga utak nila ah.. nilalait na sila, tuwang tuwa pa rin sila.
Natapos na akong kumain habang sila naman inaasar pa rin si Mike.
"Anong dala mong sasakyan Yasy"-Nina
"Bugatti La Voiture Noire"-Yasy
"Utot mo. Gano'n ka mahal na sasakyan mag kakaroon ka?"-Nina
Tiningnan ko lang silang pareho na mukhang tanga habang mag kaharap.
"Kiddin' aside.. BMW-"
"Tantanan mo nga ako sa pantasya mo Yashica, ano nga?"
Inirapan niya si Nina
"Ok fine, I took a tricycle"
"Pfft.."
Napahawak ako sa mukha ko mula sa baba ng mata hanggang sa baba ko para pigilan ang tawa ko.
"Anong sabi mo? Model ka sa New York?-Pfft"
Tanong ko sa kaniya.
Tumatawa na rin ng mahina ang katabi niya. Nag pipigil si Mike pero ang balikat ay hindi mapigilan.
"Nag madali ako no'ng nakita kong lumabas ng bahay si Nina-"
"What? Pa'no mo nalaman?"
"Tsk.. I'm with your boyfriend because of the assignment. Sasama nga sana si Tyro kaya lang sabi niya tampo pa rin daw siya sa'yo."-Yasy
"Tampo his ass."
Tumayo ako para mag lakad lakad.
"Marunong ka bang mag drive ng motor Yasy?"
"Of course, nakalimutan mo bang motorcycle racer ako?"
Maangas na tanong niya.
Sige.. kunware nalang alam kong racer siya.
"Ikaw? May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?"
Tanong ko kay Mike.
"Wala naman na, bakit?"
"Kung ok lang sa'yo, mag papasama sana ako sa'yo na bumili ng cellphone-"
"Ayos lang!"
Bumungisngis na naman ang dalawa, halatang nang aasar
"Tapusin mo muna ang kinakain mo-"
"I'm done"
Tiningnan ko ang Plato niya, marami pa ring laman.
"Wala 'to.. minus points ka na agad. Ayaw ni Crenz na may natitirang pagkain sa plato ng kahit sino kasi sabi niya alam niya 'yong hirap ng mga gumagawa-"
"1 minute!"
Nag madaling inubos ni Mike ang pagkain niya sa plato at simot na simut pa.
Binigyan siya ng tubig ni Yasy dahil para siyang mabubulunan.
"Thanks"
Mabilis na aniya saka lumagok.
"By the way Mike, ikaw lang kasi nakakaalam na mag pipinsan kami, so huwag ka sanang madudulas o may mababanggit sa mga nakapaligid Crenz like Cassandra Montilla, gano'n"
Paliwanag ni Nina
"Ok, sure"
"Huwag din kay Pula"
Singit ko
"Wait? Friend mo si Liphyo?"
Napairap ako sa tanong niya
"Kasama si Pula sa na issue diba?"-ako
Tumango si Mike
"Best friend ko si Liphyo"
Napangiti si Nina
"Hindi ka kaya mag f.o. 'yang dalawa dahil sa'yo Crenz?"
"Pinag sasasabi mo diyan?"
Takang tanong ko
"Crenz and Jhonzel are like hydrogen and oxygen, whenever they're with each other, they always explode."
Natatawang aniya
"Wow.. bukod sa pogi, brainy pa."
"Ay nako.. lalong hindi kayo mag kakasundo ni Crenz"
Binato ko ng tissue si Yasy.
Ipamukha ba naman sa'king bobo ako?
Hinagis ko ulit sa kaniya ang susi ng motor ko.
"Ingatan mo si blacky, kapag nagasgasan 'yan, sa labas ng bahay kita patutulugin."
Kinindatan lang ako ni Yasy.
"Bakit parang ayaw kong ipag katiwala ang buhay ko kay Yasy?"-Nina
"It's so basic Nathalie, you can walk I'm really good by myself"
Nakangiting sabi ni Yasy.
"Tsk.. brat! Anyway Mike, take care of our Crenzy. Hindi madaling palitan si Crenzy kaya huwag mong babangasan 'yan. Kapag may nakita akong galos mamaya sa kaniya, mag tago ka na-"
"Tama na 'yan ang daldal mo. Take out niyo 'yong natira baka umuwi si Mil.-Lika na Vizarro"
Nag lakad na ako palayo
"Bye Crenzy! Take care!"
Sigaw nila Nina
Bigla akong may nakalimutan.
Humarap ako patalikod kaya nabangga ko si Mike na nasa likod ko lang.
"Why?"
"Hindi ka ba maiissue kung lalabas kang walang facemask?"
Bigla siyang natauhan at kinuha ang facemask niya.
"Sorry"
Aniya
"Ayos lang, ayoko lang na magulo na naman ang nananahimik kong mundo"
Sagot ko saka pumihit ulit patalikod at lumabas ng restaurant.
Sabay kaming nag lakad papunta sa motor niya.
Kumuha siya ng isa pang helmet.
"Here"
Alam kong nakangiti siya sa tono ng pag sasalita niya.
"Thanks"
Sinuot ko ang helmet niya habang siya ay inaayos naman ang motor niya.
Matapos niyang mailabas 'yon sa parking space nag suot na rin siya ng helmet.
"Saang mall mo ba gustong pumunta?"
Tanong niya
"'yong medyo malayong mall, gusto kong pumikit"
Inaantok na naman ako, pero ang trip ko lang mahanginan kahit hindi na sariwa basta hindi artificial.
"Yumakap ka lang ng mahigpit para hindi ka mahulog kung pipikit ka."
Paalala niya saka niya pinaandar ang motor.
"Hmm.. ang bango mo"
Sabi ko sa kaniya.
"Uy huwag mo akong amuyin baka amoy pawis na ako."
Napangisi ako. Conscious siya sa amoy niya.
Hindi na ako sumagot at dinama nalang ang malamig na hanging dumadantay sa mga braso ko.
Yumakap naman ako sa bewang niya. Katulad ko kasi siya mag patakbo ng motor at nakakatakot nga kapag ganito ang driver. Wala naman akong balak pabagalin siya eh, mas may thrill ang ganito.