webnovel

FIRST STEP OF REVENGE

"Is Jenny safe?"

Pagkatapos nyang mapanood ang balita ay agad nyang tinawagan ang kanyang assistant sa kanyang mansion. Nag-aalala si Zion kung bakit nakipag-lapit ang kanyang Lolo kay Jenny.

"Yes, Sir. Ayun sa report na natanggap ko from main mansion. Niregaluhan pa ng Lolo nyo si Jenny."

"Regalo?" Nahilot ni Zion ang kanyang noo habang palakad-lakad sa loob ng kwarto na tinutuluyan nila sa Japan.

"Yes. Its the whole building of expensive condos in Manila."

Niregaluhan ng Lolo nya si Jenny nang ganung kamahal na regalo? Anong plano ng kanyang Lolo? Sumasakit na ang ulo ni Zion sa kakaisip.

"Alright, tell me everything once I arrived there tomorrow."

Tapos narin naman ang mission nya. And it's positive. Kasalukuyang nagpapahinga na lang sila at hinahayaang mag enjoy pa ang mga tauhan.

They already killed the head of Loan Sharks in the Philippines. Naging most wanted ito underground dahil sa pangingidnap at pag paslang.

"Yes, Sir."

Pinutol nya na ang linya. Napaupo sa single bed na naroroon. Nahilamos nya ang dalawang palad sa mukha. Saka pabagsak na nahiga sa kama.

"Jenny..... "

Banggit nya sa pangalan ng babae.

Back to Philippines.

Nang magising si Jenny kinaumagahan, dumiritso sya sa gym na matatagpuan din sa loob ng hotel. Tumakbo sya ng limang kilometro bago nagpahinga at nag pasya ng bumalik sa kwarto. Pero naharang sya ng isang foreigner na gusto daw makuha ang pangalan nya.

Ibang pangalan ang binaggit nya dito saka nya ito iniwan.

Pagbalik sa kwarto ay nakatanggap sya ng tawag galing kay Kiel.

"Yes?" Sagot nya sa tawag nito.

"Don't go out." Anito. "And don't let your family out too".

" what?" Napakunot ang noo nya.

"Hindi mo paba napapanood ang balita? I'm sorry to tell you pero maraming reporter ngayon sa baba ng hotel na gustong makakuha ng pwedeng i-headlines."

Tahimik syang nakikinig sa sinasabi ni Kiel. Lumapit sya sa may bintana at tsaka tumingin sa labas sa ibaba ng building. Kiel is right. Marami ngang mga reporter sa baba.

"Can you handle it?" Tanong nya sa binata.

"Tumawag na ako ng police to control the people."

"Thanks and I'm sorry."

"It's not your fault." Anito .

Nag-paalam din sya dito agad pagkatapos nya itong bilinan na tawagan sya kapag okay na sa labas. Tinawagan naman nya ang dalawang kwarto. Nakaunawa naman ang mga ito sa bilin nya.

Nagpadala na lang sila ng pagkain sa loob ng kwarto. Nang magising ang kanyang Mama ay ibinalita nya rin dito ang sitwasyon. Sandali lang naman itong nag panic. Na-relax din ito ng sabihin nyang aayusin ni Kiel ang sitwasyon.

Nag-paalam sya sa ina na maliligo na. Pagkatapos ay dumiritso sa Conference room. She needs to make a video call with someone. Ibinilin nya lang sa ina na ihatid ang pagkain nya sa conference room.

"Miss. Jenny." Napalingon si Jenny sa screen ng kanyang laptop ng marinig sa kanyang wireless headphones ang boses ng tinatawagan.

"What's the update?" Tanong nya dito.

"Family is in an uproar right now." Ani ng kausap.

"Tell me what happened exactly." Aniya.

"Tulad ng inutos mo, ibinuking ko sa shareholders meeting ang illegal doings ng step brother ko and acted like it was an accident." Nag-umpisang magkwento si Kevin.

Everyone is shocked even my father. Sinubukan namang mag paliwanag ni John pero pinagtabuyan na sya palabas ng room ni Daddy."

Nakikinig lang si Jenny sa kwento. Nalaman nyang pagkatapos palayasin sa shareholders meeting ang binata ay mabilis na tumutok ang atensyon ng lahat sa anak na natitira, at si Kevin yun. At tulad din ng inaasahan ni Jenny. Si Kevin nga ang tinanggal na Heir ng mga DeCordova. Nangyari ang coronation ng heir title kagabi din mismo.

Sa ngayon, ay hindi pa kumikilos si John para pabagsakin si Kevin. Alam ni Jenny na nagpapalamig pa ito.

"Good job" Puri nya sa ginawa ng lalake.

"How's the kidnapping?" Tanong nito sa kanya.

"You can't tell that I survived?"

"I know you will. But what is your plans next?"

Napaiwas si Jenny ng tingin dito ng may kumatok sa pinto. She said enter. Hinatid ang kanyang almusal.

"Don't worry about it. I already sent my present to him" sagot nya dito pagkatapos I serve ang pagkain nya.

"Present?" Curious na tanong ni Kevin.

"En. Just wait and see"

Humigop sya sa gatas na dinala ng kitchen staff. Gatas ang iniinom nya dahil bilin yun ng kanyang ina.

"Anyway, send me the name lists of all shareholders of your company." Aniya dito.

"Why?"

Nagtatanung ang binata pero wala naman itong magagawa kundi ang sumunod.

"Gusto ko lang makita." Sagot nya dito.

"I'll email it to you."

Tumango naman si Jenny saka nya pinutol na ang linya. Pinagtuunan nya ng pansin ang pag bibigay ng sweldo sa mga tauhan nya. 17 days Nang nagtatrabaho ang mga ito sa kanya.

Saka sya nag sent ng information sa mga ito.

Tiningnan ni Jenny ang laman ng kanyang bank account.

1.7 billions. Magkakasama ang napanalunan nya sa Casino at ang pera na kinuha sa sariling account bilang Margaret. Now that she has a lot of money. She can finally starts investing on businesses.

And her first target is. DCW corporation.

Napa smirk si Jenny habang tinitingnan ang listahan ng mga pangalan na ipinasa sa kanya ni Kevin. Natuon ang tingin nya sa tatlong particular na pangalan.

"Marcelo, Fuentes at Santiago. " banggit nya habang nakangiti.

Kilala nya ang mga pamilyang yun. Those people are all committed into drugs. Their Childrens are also users.

Mabilis na kumilos ang mga daliri ni Jenny. Kinuha nya ang kanyang mga secret files sa account nya as Margaret.

At tsaka nya isi-nend ang kopya sa isang News Anchor na kilala nya. Kaibigan nya ito nung Margaret palang sya.

Pagkatapos nyang gawin ang kanyang unang hakbang. Nag-message pa sya dito na kapag nagawa nito ang pinapagawa nya, ibibigay nya pa dito ang ibang interesting footage ng isang Reyes.

10 minutes lang syang nag hintay ng tumawag na ito sa kanya.

"Who are you?" Ito ang bungad nito sa kanya kaagad.

"Is that important right now?" Tanong nya dito.

"Hindi ko pwedeng basta na lang ilabas ang balitang ito sa publiko. Malaking issue ito." Halata sa boses nito ang kaba.

"Come on, Betty. I got your back."

Narinig nyang may bumagsak na kung anong bagay sa kabilang linya.

"You... Who are you?? Really?" Ramdam ni Jenny ang panginginig ng boses ng kausap. "My name is Robert!" Saad pa nito.

"En. I know. But I like to call you Betty."

Yan ang pangalang tinatawag nya dito kapag silang dalawa lang mag kausap. And only Margaret knows it.

"No way... " tuluyan ng gumaralgal ang boses ng kausap. "Margaret?"

Nakagat ni Jenny ang ibabang labi. Bago sumagot.

"Do as I asked you to do. Don't worry about your safety.. I'll send someone to shadow you." Aniya.

"Wait..! Is this really you Margaret?"

Pinutol na ni Jenny ang tawag. At nag text na lang dito.

< I wanna fly above and dive on the ocean.>

Yun lang message na isinend nya subalit naging dahilan yun Nang pagsigaw ni Robert sa loob ng kwarto nito. Pagpasok ng mga magulang nito ay naabutan nila itong naka lupasay sa sahig habang umiiyak at sinisigaw ang pangalang Margaret.

Tinupad ni Jenny ang sinabi nya. Tinawagan nya ang kanyang Lolo. Asking for help.

"What do you need my dear?" Malambing nitong sabi. Dining nya sa background nito, may mga bisita ito.

"3 trained people that can protect someone and do their jobs properly." Aniya.

Natigilan sa kabilang linya ang matanda.

"Who do you want to protect?" Seryosong tanong nito.

"Isa sa tao ko na nasa larangan ng pagbabalita." Aniya dito. "You see. I leaked an interesting and big news and I asked him to report it on to public. To be honest, I'm planning to ruined someone's Foundation." Deritsong sagot nya dito.

Lumayo ang matanda sa mga bisita. Hininaan ang kanyang boses. "Is that related to those people who tried to kidnapped you?"

"Yes" aniya pa dito.

"Okay.. Para sa Apo ko. Ipapahiram ko sayo ang 10 tao ko." Anito.

"Really?" Tuwang-tuwa na sagot nya.

"But of course!"

Tuwang-tuwa syang nag-pasalamat at dito.

"But Lolo.. Alam mo ba na hindi ako makalabas ng hotel ngayon dahil sayo?" Pag-iiba nya ng topic.

"What?! Anong nangyari?! " bulyaw nito na nagpalingon sa mga bisita ng matanda.

"Well.. Maraming reporter sa baba. Gusto ako ma-interview. "

"Tsk! Those hungry to the news people!" Sambit ng Lolo nya. "Owen!" Narinig nyang tawag nito sa kung sino. "Prepare 3 helicopters to fetch my Apo and her family from the Hotel I went to yesterday."

Dinig Yun ni Jenny. Napailing sya. Iba talaga ang kayang gawin ng isang salita ng mayayaman.

"Hintayin mo dyan si Owen. Ipapasundo kita. Sakto narin para makapili ka ng sampung taong pwede mong hiramin." Ani pa ng Lolo nya.

"Ahhhh.... Ambait naman ng Lolo ko. Thank you!" Malambing nyang sabi dito.

Tuwang-tuwa naman ang matanda sa kabilang linya. Nagpaalam na sya dito pagkalipas ng ilang minuto.

Lumabas sya ng conference room at sinabi sa kanyang Mama na maghanda na ito sa pag alis nila. Baka bago mag gabi ay aalis na sila sa hotel.

"Pero hindi parin tayo makalabas anak. Pumunta dito si Kiel, ang sabi ay mahirap parin makalabas."

Lumapit sya sa ina. At niyakap ito. Nagpabunso sya.

"En... We can't go out kung sa baba tayo dadaan. Kaya naisipan kong sa taas dumaan."

"Ha?"

Natawa sya sa reaksyon ng ina. Kumawala sya sa yakap nito.

"I'll go to Lui's room."

Iniwan nya na ang ina. Inisa-isa nga nya ang kwarto ng mga kasama para pagsabihan ang mga ito tungkol sa kanilang pag alis. Tinamad sya tumawag sa mga ito dahil boring din sya sa loob ng kwarto.

Nag-paalam din sya kay Kiel na nagulat din sa sinabi nya. Pero nang banggitin nya ang Fuero ay hindi narin ito nagtanong.