webnovel

GRADUATION CEREMONY 2

It's Joseph, mababasa mo sa mga nito ang labis na pagkamangha. Nang muling umikot ang mga mata nya sa paligid. Nakita naman nya si Sarah na mabilis na iniiwas ang tingin sa kanya.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palatuntunan. Marami ang dumalo na mga kapamilya ng mga nag-si-pagtapos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maranasan ni Margaret/Jenny ang magtapos sa isang public school. Masasabi nyang kakaiba talaga. Nang matanggap nya ang diploma na isa rin si David sa nag-abot, nakita nya pa ang Mama nya na napaluha.

Ganun din ang kay Lui. They really are so lovely. Pababa na sya ng stage ng makuha ang atensyon ng lahat ang pagpasok ng tatlong magkaka-ibang sasakyan. Ang mga tao sa taas ng intablado ay napatigil din. Bumukas ang pintuan ng naunang sasakyan. Lumabas doon si Kiel na may dalang isang Boquet ng bulaklak. Nai-relax ni Jenny ang sarili saka napangiti. Narinig nya ang pabulong na tanong ng isang konsehal sa may likuran nya. Sinagot naman iyon ni David. Nang marinig ng mga ito ang sinabi ng Doctor ay agad na sininyasan ng principal ang teachers nito na salubungin ang bisita.

Bumukas din ang pintuan ng dalawa pang sasakyan.

Doon si Jenny natigilan.

"What is he doing here?" Dinig nyang tanong ng Mayor ng Caloocan.

Napalingon naman si Jenny dito. Nakita nyang seryoso ito.

"Do you know my grandfather?" Tanong nya sa may edad na Mayor. Napalingon naman ito sa kanya talagang nagulat.

Kita sa mata nito na sobrang nagulat ang lalake. Kaya napakunot ang noo nya.

"He's your grandfather?" Naninigurong tanong nito.

"Well, not by blood. Pero napagkasunduan na namin na Lolo ko sya at Apo nya ako. May problema ba?"

Napapunas sa pawis ang Mayor. Sinulyapan naman nya ang kanyang Lolo na busy nang nakikipag-usap kay Kiel. Kita nya rin na tulad ng trato nito kay David. Malamig din ang pakikitungo nito kay Kiel.

"All students, please stand up and let's welcome our two honorable guests again for today. This is unexpected." Tinig yun ng Prinsipal na umakyat na sa stage.

"The President of the GOLDEN PHOENIX HOTEL Mr. Kiel Tan. And the great old man of the Fuero family and the Senior commander of Special Secret Force. Mr. Fernando Fuero."

Parang pinagting ang tenga ni Jenny sa narinig. Ang Lolo nya ay ang Lolo ni Zion? Paano nangyari yun? Higit sa lahat, bakit sya nilapitan ng matanda?

Hindi nya na namalayan ang na nasa taas narin pala ng stage ang mga bagong dating. Ang naririnig lang nya ay ang palakpakan sa ibaba. Marahil ay gulat din ang mga ito sa nangyayari. Bakit nandun ang pinakamayamang tao ng bansa? Nilapitan sya ni Kiel. Saka inabot sa kanya ang dala nitong bulaklak.

"I thought I am late." Bulong nito sa kanya saka sya niyakap. "Congratulations"

Hindi sya umimik. Kasalukuyang nagloloading ang utak nya.

"Are you okay?" Tanung ni Kiel. Lumapit na din sa kanya sa David at pumwesto sa likuran nya. Naka-alalay ito sa kanya.

"My baby Granddaughter!" Malakas na tawag ng "Lolo" nya sa kanya. Nagkalat tuloy sa paligid ang mga naka unipormeng mga tauhan nito.

'Too eye catching.' Hiyaw ng utak ni Jenny.

Lumapit pa ito sa kanya saka sya niyakap. Totoo ang kasiyahan sa mukha nito habang inaabot sa kanya ang dalawang Boquet ng bulaklak. At dahil hindi na magkasya sa bisig nya ang tatlong Boquet. Kinuha nito sa kanya ang bulaklak na unang binigay ni Kiel at ibinalik yun sa binata.

Napa chuckle naman si David sa ginawa ng matanda. Habang pigil ang inis ni Kiel.

'Like grandpa like grandson indeed.' Ani Kiel sa isip.

"Here," ani ng matanda. Inabot sa kanya ang isang Boquet. "This is from me." Anito. Saka kinuha naman ang isa pa na Panay pulang roses. "And this is from Zion." Sabi nito.

Nang marinig ni Jenny ang pangalang Zion, her heart beat a bit.

"Thank you."

Gusto nyang itanung kung saan ang binata, subalit naisip nya na baka busy ito.

"I also have another gift for you but I will give it to you during the party." Ani ng matanda.

"Party?" Kunot noong tanong ni Jenny.

Hindi nya malaman kung bakit sya nilapitan nito tapos ngayon may party? Nilapitan ba sya ng matanda dahil sinabi ni Zion dito na minsan nya itong tinulungan? Tumatanaw ba ng utang na loob ang matanda? Zion is already engaged. So anong rason ng matanda para makipag-close sa kanya? But wait, she remembered something...

Naalala nya ng pinagdiinan ng matanda na gwapo daw ang apo nito ng sabihin nyang gwapo si David. Aaahhhhh... Sasabog na utak niya sa kakaisip.

"Yeah.. Anito. Inaalalayan sya nitong bumaba sa stage. Kasunod ang dalawang binata.

Pinakiusapan ito ng principal na umupo sa taas ng stage subalit tinanggihan iyon ng dalawang bagong dating. They said na para kay Jenny kaya sila nandun.

" I heard that you stayed in that man Hotel, so I booked the dining." Tinutukoy nito ang hotel ni Kiel.

Binigyan ng upuan ang mga bagong dating subalit ipinilit ng mga ito na katabi nila ang parents ni Jenny.

Nagpatuloy ang intense na graduation ceremony. Pagkatapos ay nagpa-picture ang lahat ng estudyante. And so Jenny and her two Families.

Ipinakilala ni Jenny ang kanyang dalawang Pamilya sa sa matanda na masaya namang kinausap ng kanyang Lolo.

Nilapitan sila ng mga original na guests ng program. Nakipag-kamay ang mga ito sa kanya hindi bilang estudyante na nagtapos, kundi bilang isang mataas na personalidad sa larangan ng industriya. Bilang pag respeto ay inimbitahan nya ang mga ito sa party na inihanda ng kanyang Lolo.

Sumakay ng kanya-kanyang sasakyan ang buong Pamilya ni Jenny. Dumating sila sa Hotel na nakabantay na ang mga staffs dahil siguro ay natawagan na ni Kiel. Nag-paalam sya sa mga ito na magbibihis lang sandali. Saka nya hinila si Lui.

"Damn it!" For sure magiging trending ang araw na to sa headlines news sa buong bansa." Dakdak ni Jenny sa loob ng elevator.

"Andami pa namang mga estudyante ang naka video kanina." Sang-ayon naman ni Lui. "Inaasahan mo ba na darating ang Lolo mo?" Tanong ni Lui sa kanya.

"No!" Mabilis nyang sagot. "Tanging si Kiel at David lang ang inimbitahan ko."

"Well, we can't just ignore it." Lui is trying to comfort her.

Talagang bigla syang na-stress. Higit sa lahat, meron pa syang isang inaalala. Kung alam ng matanda kung kailan ang graduation ceremony nya. Bakit hindi man lang sumama si Zion? Pinili nitong padalhan na lang sya ng bulaklak. Galit ba ito sa pag-iwan nya dito? Pero tama naman ang ginawa nya. Pinili na ba nitong iwasan sya? Nakagat ni Jenny ang labi.

Malapit din naman sya sa dalawang binata na kasama nila sa hotel ngayon pero hindi sya makaramdam ng kakaiba sa mga ito.

Bumaba sila ni Lui ng magkasabay ulit. Paulit-ulit syang inaalo ng kaibigan. Pag dating sa dining ay sumakit na ata ang ulo ni Jenny. Hindi nya na kilala pa ang mga taong lumapit sa kanya. Ang ilang bisita sa hotel na mukhang kilala ng matanda at ni David. Higit sa lahat, lumapit sa kanya ang nagpakilalang Chairman ng Hotel. Napatingin sya sa dalawang binata na nakikita nyang naaawa sa kanya dahil hindi rin makatulong ang mga ito.

Hindi nya alam kung maiiyak ba sya mag-aarteng nahimatay O ano. Hindi sya sanay sa ganitong sitwasyon. Dahil dati, kapag may party sa mansion ng Reyes or party for Phoenix. Hindi sya dumadalo. So this time.. She realized, her decisions was right before.

"Here my Apo." Tawag sa kanya ng kanyang Lolo. "Ibibigay ko ang regalo ko." Anito. Pilit ang ngiting ibinigay nya dito. Umupo naman si Lui sa tabi ni David.

"Jen-jen is really tired and she said shes afraid for tomorrow's news." Bulong ni Lui kay David na ipinasa din ng isa sa katabing si Kiel.

Sabay-sabay na napabuntong hininga ang tatlo.

Napaangat sila ng tingin ng magpalakpakan ang mga bisita. Napatingin sila kay Jenny na nakatitig sa papel na hawak.

"What is that?" Tanong David kay Kiel.

"Don't ask me, I also don't know."

Naghintay sila na sabihin ni Jenny kung ano yun pero nakangiti lang ito na yumakap sa matandang kaharap. Nag thank you ito doon. Tumagal ang party after lunch. At nagpatuloy ito ng dumating Gabi. Si Jenny ay hindi na lumabas. Hinayaan nyang mag party ang mga tauhan nya, Mama nya at Pamilya ni Lui.

Ang matandang Fuero ay umuwi narin pagkatapos mag-paalam sa kanya. Ang kanyang ina naman ay sobrang saya dahil iyon din ang unang pagkakataon na makaranas ito ng ganung kasiyahan. Pinili ni Jenny ang matulog pagkatapos syang kumustahin ng dalawang binata.

Next day in Japan..

Halos madurog sa kamay ni Zion ang hawak na cellphone habang nanonood sa international news sa television.

He's now watching the news from Philippines. And suddenly, ang mukha ng kanyang Lolo ang nakita nya habang yakap-yakap nito ang dalagang matagal nya ng gustong makita. Higit pa dun.. Nasa video din ang eksena kung saan yakap ni Kiel si Jenny habang ang doctor ay nasa likuran nito.

At iyon ay during graduation ceremony ng dalaga. Alam ng Lolo nya pero sya Hindi. Most of all.. Anong dahilan ng kanyang Lolo para lumapit kay Jenny?

Is it a warning for him?