"Happy Birthday, Kuya Drake!" Sabay naming sabi nila Kuya Axel at Kuya Sean habang hawak ko naman ang cake.
"Thank you, sister and brothers" Sambit nya pagkahipan ng kandila at ibinaba ko rin naman agad yon para yakapin siya.
"Salamat sa pagpunta princess," Ginulo nito ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng pabirong tingin.
"Ano kaba, it's your day. Dapat nandito ako pati aalis kana rin diba?" Tanong ko sa kanya at natigilan siya saglit bago tumango.
Nginitian ko na lang siya at naupo na sa isang tabi upang makatabi si Lola Sielyn.
"Malapit nang dumating ang mommy at daddy ninyo dahil sa kaarawan ni Drake," Banggit ni Lola habang kumukuha ng pagkain.
"Aalis na rin po ako agad," Ngumiti ako sa kanya at tumayo para maka alis na nang may humawak sa pulso ko.
"Sinong may sabi na aalis ka?" Salubong sa akin ni Kuya Sean. "Hindi pwede Xy, dito ka lang." Dagdag pa nya at seryosong tumingin sa akin kaya tumango na lang ako.
Tinignan ko muna ang relo ko bago kumuha nang pagkain at tumabi kaila Kuya. Tinignan ko sila isa isa at natutuwang masaya sila dahil nandito ako at kaarawan ni Kuya Drake.
"May balak kapa rin bang umalis, pagkatapos ng kaarawan ni Kuya?" Sambit ni Kuya Axel kaya tumango ako.
"Kailangan e," Kibit balikat kong sagot nang may maalalang gawain.
"Nandito nga sina Lolo at Lola, ikaw naman ang mawawala. Kailan ba tayo maku-kumpleto nang walang umaalis?" Sarkastikong sambit ni Kuya Axel bago ibinaba ang utensils. "Excuse,"
Pagka alis nya ay napatungo ako bago napa buntong hininga. Saktong paglingon ko sa pinto ay siyang nagsidatingan sina Mommy at Daddy.
"Happy Birthday Sweetie!" Sigaw ni Mom at dali daling ibinigay kay Kuya Drake ang regalo pati si Daddy.
Naramdaman kong kinakailangan ko nang umalis kaya tumayo na ako ngunit pinigilan ulit ako ni Kuya Sean.
"Kailangan ko na talagang umalis, kuya.. please" Pagmama kaawa ko kaya napa buntong hininga sya at tumango bago ako bitawan.
Maglalakad na sana ako ng sumabat si Mommy. "It's your Kuya's Birthday tapos aalis ka?" Pinigilan sya ni Dad nang magsimulang mag taray si Mommy. "Nasaan ang respeto mo sa amin at sa mga kapatid mo?"
"Mom, stop." Pigil ni Kuya Drake sa kanya bago tumingin sa akin.
"I'll see you later," Sambit nya kaya tumango ako at umalis na doon at hindi pinansin ang pagtataray sa akin ni Mommy.
Pagkapasok ko nang kotse ay saktong tumawag si Jacobnat agad ko naman itong sinagot.
["Nasaan kana?"] Bungad nito.
"May kinakailangan lang akong puntahan bago pumunta dyan" Sambit ko at pinatay na ang tawag bago pumunta nang condo upang makuha ang mga gamit ko.
****
Pagbukas nang elevator ay lumabas na ako nang saktong makita ko si Ace kaya hindi ko naiwasang magulat. Umiwas ito ng tingin bago ako lagpasan at pumasok ng elevator na para bang hindi niya ako nakita.
Umiling lamang ako bago pumunta sa unit ko at binuksan ang pinto gamit ang susi. Tinignan ko muna ang kapaligiran bago ako kumuha nang mga gamit at para na rin maka alis ako ka agad.
Nagmamadali kong inayos ang gamit ko nang may marinig akong footsteps papunta dito at agad na nagtago nang marinig kong binuksan nito ang pinto.
"Nasaan, akala ko ba nakita mo siya?" Hindi familiar na boses ng babae ang narinig ko.
"Totoo, hindi ako pwedeng magkamali."
"Wala nga e diba? Malalagot na naman tayo kay boss nito at baka tayo pa ang mapatay nito at hindi siya!"
"Si boss na ang bahala sa kanya, kung bubuhayin pa siya o hindi na."
Nang wala na akong marinig na ingay ay lumabas na ako at napahawak sa dibdib sa sobrang kaba nang nararamdaman ko.
Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil matagal akong nawala sa grupo na iyon at mas nakakatakot pa ay kyng ang Boss mismo namin ang makatapat ko.
Napatingin ako sa may lamesa nang may makitang bulaklak na kulay rosas. Tinignan ko muna ito bago ko picturan at i sent kay Jacob bago umalis doon dala ang death treat na papel.
***
"Poisonous," Sambit nya ka agad. "Ipapakuha ko na lang sa tauhan ko ang bulaklak na iyon galing sa unit mo."
Matapos niyon ay binasa naman nya ang death threat na nasa papel gamit ang kanyang salamin sa mata bago ako tingnan.
"Special mo naman, bakit ba gustung gusto ka patayin ng mga kalaban?" Tanong nito sa akin na para bang alam ko ang sagot.
"Alam kong may alam ka, hindi mo ako maloloko sa kakatanong mo niyan." Umupo ako sa sofa na nasa kwarto niya habang binabasa nya ang naka sulat doon.
"Well." Nagyabang pa nga pero inirapan ko na lang bago namin pag usapan ang plano.
"2 days from now, kinakailangan natin pumunta ng U.S nang walang sinong nakaka alam na aalis ka. Delikado ang buhay mo dito dahil kumakalat na ang mga bangaw dito sa Pilipinas. Marami ang madadamay na inosenteng tao kapag hindi ikaw ang mag a-adjust."
"Okay, I call Krisha and also my group teammates na mai-involve." Tumango naman sya kaya lumabas na ako bago ko tawagan sina Krisha.
Matapos noon ay umuwi ako ng unit upang doon matulog ng isang araw. Pero nagkamali ako dahil kinagabihan ay hindi na rin ako kumain dahil sa kaba nang malamang malapit lang siya sa akin.
Napabalikwas ako nang bangon ng may marinig akong katok kaya naman tumayo na ako at binuksan ang pinto.
"Bakit ka pa nagpakita?" Walang emosyong sambit nya.
"Nagpunta kaba dito upang katukin ako at para itanong yan?" Tanong ko sa kanya at napa atras nang itulak nito ang pinto dahilan para makapasok siya sa loob.
"Umalis kana, hindi kita kailangan dito. Wag na wag kana ring magpapakita pa, naiintindihan mo?" Napa atras pa ako ng sinubukan nyang lapitan ako.
"Don't worry, hindi na rin naman ako babalik pa dito at pasensya na kung nagpakita pa ako ulit sayo."
Napasigaw ako ng magsimula siyang magdabog at makitang namumula na ang mata nya dahil sa sakit na nararamdaman nya.
"Tama na Xyria! Parang awa mo na, wag mo namang gawin to oh. Sa tuwing nakikita kita, sakit lang ang nararamdaman ko. "
"I promise, hinding hindi mo na ako makikita o kung gusto mo ngayon na ako aalis," Natatarantang sambit ko at kinagat ang labi ko para pigilan ang luhang gusto lumabas sa mga mata ko.
"Para mo na rin akong pinapatay xy" Nagulat ako sa sinabi nya at napalingon sa kanya. "Umalis kana, at ayoko nang makita kapa."
Tumango na lang ako at walang kibong lalabas na nang magsalita ulit siya. "Ang hirap mo namang mahalin."